菜單

Peb 24, 2019

Matutong Tingnan ang Mga Bagay Ayon sa Salita ng Diyos


Tagalog Worship Songs | Matutong Tingnan ang Mga Bagay Ayon sa Salita ng Diyos


I
Kung gusto mong gawing perpekto ng Diyos,
matutong maranasan ang lahat ng mga bagay
at maliwanagan sa lahat ng iyong kinakaharap.
Sa tuwing ikaw ay nahaharap sa iba’t ibang bagay,
mabuti man 'yon o masama,
makinabang mula rito, sa halip na magwalang-kibo.
Ang taong gumagawa nito
ay magkakaroon ng magagandang pag-asa.
Matutong tingnan ang mga bagay ayon sa salita ng Diyos.
Magsanay sa gan'tong paraan
at makakapasok ka sa Kanyang liwanag, liwanag.
II
Ituring na ang lahat ng mga bagay ay nasa panig ng Diyos.
Huwag magsuri o mag-aral mula sa pananaw ng tao.
Iyon ay paglihis.
Kung pipiliin mong maranasan
ang mga bagay sa gan'tong paraan,
magkakaroon ka ng mga pasanin habang-buhay.
Mabubuhay ka sa Kanyang liwanag at hindi malilihis.
Ang taong gumagawa nito
ay magkakaroon ng magagandang pag-asa.
Matutong tingnan ang mga bagay ayon sa salita ng Diyos.
Magsanay sa gan'tong paraan
at makakapasok ka sa Kanyang liwanag.
Matutong tingnan ang mga bagay ayon sa salita ng Diyos.
Magsanay sa gan'tong paraan
at makakapasok ka sa Kanyang liwanag, liwanag,
sa Kanyang liwanag.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Christian song tagalog download

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento