菜單

May 17, 2019

Mga Sermon at Pagbabahagi: Bakit Inilalantad at Pinupuksa ang mga Hangal na Birhen?


“Ang tinatawag na ‘matatalinong birhen’ ay kumakatawan sa mga taong nakakakilala sa tinig ng Diyos at nakakarinig sa tinig ng ‘Kasintahang Lalaki’ at samakatwid ay tumatanggap at nagpapasakop kay Cristo, sa gayo’y tinatanggap nila ang praktikal na Diyos. At dahil hindi alam ng ‘mga hangal na birhen’ ang tinig ng ‘Kasintahang Lalaki’ at hindi makilala ang tinig ng Diyos, tinatanggihan nila si Cristo. Umaasa pa rin sila sa malabong Diyos, kaya sila pinapabayaan at pinupuksa. Kaya nakikita natin na napakahirap tanggapin si Cristo nang walang tunay na pananampalataya sa pananalig sa Diyos. Hindi makakadalo sa ‘piging sa kasal ng Pinakamamahal’ ang mga ayaw tumanggap kay Cristo, at hindi sila maibabalik ng Panginoon sa kanilang tahanan sa kaharian ng langit, at hindi sila makakapasok sa lugar na naihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Kaya, kung matatanggap man ng mga tao ang Cristo ng mga huling araw at makakasuko sa Kanyang gawain ay isang mahalagahang bagay sa pagpapasiya kung magtatagumpay o mabibigo ang mga tao sa kanilang pananampalataya sa Diyos.”

mula sa “Bakit Palaging Nilalabanan ng mga Relihiyon ang Diyos Habang Pinaglilingkuran Siya” sa Mga Sermon at Pagbabahagi mula sa Itaas

“Makikilala ng matatalinong birhen ang tinig ng Panginoon, una sa lahat dahil ang matatalinong birhen ay mga taong nagmamahal at naghahanap sa katotohanan. Nauuhaw sila sa pagpapakita ng Diyos, kaya nga nagagawa nilang hanapin at siyasatin ang pagdating ng Panginoon. Nakikilala nila ang tinig ng Panginoon. Dahil hindi mahal ng mga hangal na birhen ang katotohanan, hindi nila hinahanap o sinisiyasat ang pagdating ng Panginoon. Ang ginagawa lang nila ay pilit na kumakapit sa mga panuntunan. Ang ilan sa mga taong ito ay hindi tumatanggap o nagsisiyasat maliban kung Siya ang Panginoon na dumarating na sakay ng ulap. Ang iba pang mga tao ay lubos na nagpapamanipula sa mga pastor at elder ng mga relihiyon. Anuman ang sabihin ng mga pastor at elder, makikinig at susunod sila. Naniniwala lang sila sa Panginoon sa pangalan, pero ang totoo’y sinusundan at sinusunod nila ang mga pastor at elder na ito. Sila mismo ay hindi nagsisiyasat sa tunay na daan at hindi nila nakikilala ang tinig ng Panginoon. Mas hangal pa nga ang ilang tao. Dahil may mga huwad na Cristong lumilitaw sa mga huling araw, hindi nila hinahanap ang tunay na Cristo. Sa halip, tinatanggihan at tinutuligsa nila Siya. Hindi ba ito ay hindi pagkain dahil sa takot na mabulunan? Pagpapakita rin ito ng isang hangal na birhen.”

mula sa Mga Sagot sa mga Tanong tungkol sa Screenplay

"Ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya sa Biblia na sa oras ng Kanyang pagbabalik ay magkakaroon ng dalawang uri ng mga tao, ginamit Niya ang matatalinong dalaga at mga mangmang na dalaga bilang isang talinghaga para sa lahat ng mga mananampalataya sa Kapanahunan ng Biyaya: Lahat ng nakaririnig sa tinig ng Diyos ay matatalinong dalaga; lahat ng hindi nakaririnig sa tinig ng Diyos, na nakikinig at itinatatwa pa rin ito at hindi ito pinaniniwalaan, ang mga ito ang mga mangmang na dalaga. Sa palagay ba ninyong lahat ang mga mangmang na dalaga ay dadalhin? Siyempre hindi, tama? Kung gayon paano mahahayag ang mga mangmang at matatalinong dalagang ito? Sa pamamagitan ng paggamit ng salita ng Diyos. “May isang aklat na tinatawag na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, tingnan ang mga salitang ito at tingnan kung ano sa palagay mo, tingnan ito.” Pagkatapos itong basahin ng ilang karaniwang mananampalataya, sinasabi nilang, “Wow, napakalalim na mga salita, ang mga salitang ito ay naglalaman ng katotohanan.” “Muli itong basahing mabuti.” “Hindi ito isang bagay na maaaring banggitin ng isang normal na tao, ito ay tila nagmula sa Diyos.” “Muli itong basahing mabuti.” “Wow, ito ang tinig ng Diyos, hindi maaaring mula sa isang tao ang mga salitang ito!” Alam mo, ang taong ito ay pinagpala, sila ay matalinong dalaga. Tungkol sa mga mangmang na dalaga, ang ilan ay mga pastor, ang ilan ay mga elder, ang ilan ay mga mangangaral, at ang ilan ay mga nalilitong mananampalataya na gusto lamang mabusog sa pagkain. Ano ang pakiramdam nila pagkatapos nilang basahin ang salita ng Diyos? “Hmm, ang mga salitang ito ay hindi tugma sa aking mga palagay at imahinasyon, hindi ko tinatanggap ang mga ito.” At pagkatapos itong basahing muli nang buong ingat: “Hmm, ang ilan sa mga salita ay tila ang katotohanan, ngunit hindi iyan maaaring mangyari, hindi ito maaaring maging ang gawain ng Diyos.” Kaya’t minsan pa hindi ito tugma sa kanilang mga palagay at imahinasyon. Pagkatapos sabihing “Hmm” nang ilang beses pa, sasabihin nilang: “Hindi ito ang salita ng Diyos, hindi ko ito maaaring tanggapin. Ito ay isang huwad. Ang isang huwad na Cristo ay nagsisikap na lituhin ang mga tao, huwag itong paniwalaan!” Anong uri ng tao ito? Ito ay isang Fariseo, isang mangmang na dalaga, tama? Paano nadadala sa liwanag ang matatalino at mga mangmang na dalaga? Ang salita ng Diyos ang nagdadala sa kanila sa liwanag. Ang salita ng Diyos sa mga huling araw ang mag-uuri at maghahati-hati sa kanila sa mga kategoriyang kinabibilangan nila, at sisimulan ng Diyos na gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama."

mula sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay

“Makatotohanan ba o hindi na kumilos nang ganito ang Diyos ngayon? Makatotohanan, dahil pinagtitibay nito ang sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang talinghaga tungkol sa mga tupa at mga kambing. Paano maihihiwalay ang mga tupa sa mga kambing? Depende ito sa kung sino ang nakakakilala sa tinig ng Diyos at tumatanggap sa pagbalik ng Panginoong Jesus. Sabi ng Panginoon, ‘For I was an hungered, and you gave me meat: I was thirsty, and you gave me drink: I was a stranger, and you took me in: Naked, and you clothed me: I was sick, and you visited me: I was in prison, and you came to me.’ Ang mga taong ito ay maliligtas sa huli samantalang yaong mga hindi tumatanggap sa Panginoon, na nananalig sa Panginoon pero hindi Siya kinikilala, ay pupuksain. Hindi ba nito itinuturo ang katotohanan na hindi tinatanggap ngayon ng lahat ng relihiyon sa mundo ang pagbalik ng Diyos? Tayo na tumanggap ay nakatayo sa isang panig, sila ay nakatayo sa kabilang panig. Ganito inihihiwalay ang mga tunay na nananalig sa mga kunwaring nananalig, yaong mga tumanggap na sa Panginoon mula sa mga hindi pa tumanggap, yaong mga kumikilala sa tinig ng Diyos mula sa mga hindi kumikilala roon. May malaking karunungan sa likod ng paghahayag ng Diyos sa mga tao sa pamamagitan ng katotohanan ng Kanyang pagkakatawang-tao at ito ang tinatawag na walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos at Kanyang karunungan. Balang araw kapag naprotektahan at nakapasok ang mga taong ito sa kaharian, kapag nagparatang ang mga relihiyosong tao at pastor na iyon, paano tutugon ang Diyos? Maaari Siyang sumagot gamit ang matalinghagang propesiya ng Panginoong Jesus tungkol sa limang matatalinong birhen at limang hangal na birhen; paano nga ba sila pinaghiwalay? Yaong mga nakarinig sa tinig ng Kasintahang Lalaki sa hatinggabi ay matatalino, samantalang yaong mga hindi nakarinig sa Kanya ay mga hangal. Samakatwid, kapag ipinapahayag ng Diyos na nagkatawang-tao ang salita ng Diyos sa mga huling araw, ang matatalinong birhen ay yaong mga nakakarinig sa tinig ng Diyos at kinikilala ito, at ang mga hangal na birhen, yaong mga mapupuksa, ay yaong mga nakakarinig sa tinig ng Diyos pero hindi ito kinikilala bilang tinig ng Diyos, bilang salita ng Diyos at ayaw itong tanggapin. Hindi ba nito tinutupad ang sinabi ng Panginoong Jesus sa mga matalinghagang propesiya na ito? Sukdulang inilalantad ng gawain ng Diyos ang mga tao, ang pamamaraan ng gawain ng Diyos ang pinakamatalino. Sa gayong gawain lang nahahayag ang katuwiran, kabanalan, at walang hanggang kapangyarihan ng Diyos.”

mula sa “Mga Sagot sa mga Tanong Mula sa Iba’t Ibang Lugar Tungkol sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo” sa Sa Pananalig Lang sa Makapangyarihang Diyos Maliligtas ang Isang Tao

"Paano nadadala sa liwanag ang matatalino at mga mangmang na dalaga? Ang salita ng Diyos ang nagdadala sa kanila sa liwanag. Ang salita ng Diyos sa mga huling araw ang mag-uuri at maghahati-hati sa kanila sa mga kategoriyang kinabibilangan nila, at sisimulan ng Diyos na gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama. Paano Niya gagantimpalaan ang mabuti? Ang matatalinong dalaga ay dadalhin nang harap-harapan sa Diyos at magpipiging na kasama Niya. Sa huli sila ay lilinisin at magiging perpekto. Ito ang pagtanggap ng gantimpala, ito ang gantimpala at ang biyaya ng Diyos. Hindi mahalaga kung ilang taong sumasampalataya ang mangmang na dalaga sa Panginoon, o kung gaano nila ginugugol ang kanilang sarili para sa Diyos, o ilang kahirapan ang nararanasan nila. Dahil itinatatwa nila at tinatanggihan ang salita ng Diyos, at hindi tinatanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, dahil hindi nila kinikilala ang kanilang Kasintahang Lalake sa pagdating Niya, sila ay aalisin at mahuhulog sa kadiliman na tumatangis at nagngangalit ang kanilang mga ngipin. Ano ang tawag dito? Ito ang tinatawag na kaparusahan ng masasama. Lahat ng tumatanggi, nagtatatwa at kumakalaban sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ay iiwanan ng Diyos sa kadiliman. Sila ay mapupunta sa malalaking kapahamakan. Hindi ba’t ito ang kanilang kaparusahan? Ngayon tayong lahat ay nakipagharapan sa Makapangyarihang Diyos, araw-araw nating kinakain at iniinom ang salita ng Diyos, araw-araw nating pinakikinggan at pinag-uusapan ang tungkol sa paraan ng Diyos, at nagbabahaginan tungkol sa katotohanan. Hindi ba’t ito ang gantimpala at biyaya na ipinagkaloob sa atin ng Diyos? Ito ang gantimpalang ibinibigay ng Diyos sa matatalinong dalagang ito."

mula sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento