菜單

Ene 27, 2020

Tagalog Christian Song | "Talikuran ang mga Paniwala sa Relihiyon para Magawang Perpekto ng Diyos"


Tagalog Christian Songs | "Talikuran ang mga Paniwala sa Relihiyon para Magawang Perpekto ng Diyos"


I
Kung tinatanggap mo ang paghatol at pagkastigo
ng salita ng Diyos, aalisin mo ang pagkarelihiyoso mo,
di mo gagamitin ang mga dating pagkaunawa 
para sukatin ang mga bagong salita ng Diyos,
magkakaroon ka ng kinabukasan.
Ngunit kung kakapit ka sa mga dating bagay, 
pahahalagahan ang mga ito,
walang paraan para maligtas, 
hindi ka mapapansin ng Diyos kailanman.
Sa gawain at salita ng Diyos, hindi Siya tumutukoy
sa mga dating gawi ng kasaysayan at mga bagay-bagay.
Kung nais mong magawang perpekto, 
talikuran mo ang nakaraan.
Isantabi rin kung ano ang tama o nagawa ng Diyos.
Kahit iyon ay gawain ng Espiritu, isantabi mo ito.
'Yan ang ipinagagawa ng Diyos. Lahat ay dapat mapanibago.
II
Laging bago ang Diyos at kailanma'y di luma.
Di Siya kumakapit sa dati Niyang mga salita
o sumusunod sa anumang tuntunin.
Bilang tao, kumakapit ka sa nakaraang mga bagay,
mahigpit na sundin ang mga ito bilang pormula.
Ngunit hindi naman pala gumagawa ang Diyos
na tulad ng dati, di ba nakakasagabal 
ang iyong mga salita at kilos?
Kung kakapit ka sa nakaraan, di ba kaaway ka ng Diyos?
Handa ka bang mawasak ang buhay
mo dahil sa mga bagay na ito?
Kung nais mong magawang perpekto, 
talikuran mo ang nakaraan.
Isantabi rin kung ano ang tama o nagawa ng Diyos.
Kahit iyon ay gawain ng Espiritu, isantabi mo ito.
'Yan ang ipinagagawa ng Diyos. Lahat ay dapat mapanibago.
III
Ang mga dating bagay na ito ay gagawin kang 
sagabal sa gawain ng Diyos.
 'Yan ba ang taong gusto mong kahinatnan?
Kung ayaw mo talaga 'yan, itigil mo ang ginagawa mo. 
Pumihit ka, magsimulang muli, 
hindi maaalala ng Diyos ang dati mong ginawa.
Kung nais mong magawang perpekto, 
talikuran mo ang nakaraan.
Isantabi rin kung ano ang tama o nagawa ng Diyos.
Kahit iyon ay gawain ng Espiritu, isantabi mo ito.
'Yan ang ipinagagawa ng Diyos. Lahat ay dapat mapanibago.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Pinagmumulan: https://tl.kingdomsalvation.org/videos/give-up-religious-notions-hymn.html

Manood ng higit pa:  Tagalog praise and worship Songs

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento