Mula noong naluklok ito sa kapangyarihan sa kalakhang lupain ng China
noong 1949, walang-humpay na ang Chinese Communist Party sa pang-uusig
nito sa pananampalatayang panrelihiyon. Parang baliw nitong inaresto at
pinatay ang mga Kristiyano, pinatalsik at inabuso ang mga misyonerong
nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang hindi mabilang na mga
kopya ng Biblia, ipinasara at sinira ang mga gusali ng iglesia, at
walang saysay na tinangkang lipulin ang lahat ng tahanang iglesia.
Ikinukuwento ng dokumentaryong pelikulang ito ang kuwento ni Gao Yufeng,
isang Kristiyano sa kalakhang lupain ng China, na inaresto ng mga pulis
ng CCP at isinailalim sa lahat ng uri ng hindi makataong pagpapahirap
na sa bandang huli ay humantong sa kanyang pagpapakamatay sa kampo ng
paggawa dahil sa paniniwala sa Diyos at pagsasagawa ng kanyang
tungkulin. Tunay na sinasalamin ng pelikula ang mga napakabigat na
pang-aabuso at hindi makataong pang-uusig na tinamo ng mga Kristiyano sa
pagkakabilanggo matapos maaresto sa ilalim ng masamang pamahalaan ng
CCP, inilalantad ang mala-demonyong diwa ng pagkamuhi ng CCP sa Diyos at
pagpatay sa mga Kristiyano.
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento