菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pelikula. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pelikula. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 21, 2018

"Nalantad Ang Katotohanan" - Ang Katotohanan Inilantad sa Likod ng May 28 Zhaoyuan Case




Noong 2014, walang-pakundangang inimbento ng CCP ang kilalang-kilalang Pangyayari noong 5/28 sa Zhaoyuan sa Shandong Province para may mapagbatayan ang opinyon ng publiko na lubos na sugpuin ang mga bahay-iglesia, at ikinalat ang kasinungalingan sa buong mundo para tuligsain at siraan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, nalinlang ng propaganda ng CCP ang ilang taong walang kaalam-alam sa katotohanan. Sa programang ito, mabubunyag ang ilang malalaking pagdududa tungkol sa kasong ito para isa-isang himayin ang mga kasinungalingan ng CCP at linawin ang mga pangyayari sa inyo, at lubos na ilantad ang katotohanan sa likod ng Pangyayari sa Shandong Zhaoyuan sa harap ng mundo.

Magrekomenda nang higit pa:

Tagalog Kristiyanong Pelikula | "Ang Misteryo ng Kabanalan"

Hun 14, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Awit ng Tagumpay" God’s Judgment in the Last Days (Trailer)




Ang gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay umalingawngaw sa bawat sekta at grupo. Kasunod ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap at ipinapalaganap ng parami nang paraming mga tao, ang mga tunay na mananampalataya sa Diyos na uhaw para sa Kanyang pagpapakita ay bumabalik nang paisa-isa sa harap ng trono ng Diyos. Samantala, ang pamahalaan ng Tsina at ang mga relihiyosong pastor at elder ay walang humpay na sinusupil at inuusig ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula simula hanggang matapos. Ang babae na pangunahing tauhan ng pelikula, si Zheng Xinjie, ay isang miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Naharap niya ang magulong pang-aapi at mga pag-atake mula sa Komunistang Pamahalaan ng Tsina at mga relihiyosong lider. Kasama ang kanyang mga kapatid, umaasa sa Diyos, paano niya pagtatagumpayan itong madilim na mga puwersa ni satanas upang makanta ang isang awit ng tagumpay? ...


Rekomendasyon:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan


May 1, 2018

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (4)




   Mula noong naluklok ito sa kapangyarihan sa kalakhang lupain ng China noong 1949, walang-humpay na ang Chinese Communist Party sa pang-uusig nito sa pananampalatayang panrelihiyon. Parang baliw nitong inaresto at pinatay ang mga Kristiyano, pinatalsik at inabuso ang mga misyonerong nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang hindi mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at sinira ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang lipulin ang lahat ng tahanang iglesia. Ikinukuwento ng dokumentaryong pelikulang ito ang kuwento ni Gao Yufeng, isang Kristiyano sa kalakhang lupain ng China, na inaresto ng mga pulis ng CCP at isinailalim sa lahat ng uri ng hindi makataong pagpapahirap na sa bandang huli ay humantong sa kanyang pagpapakamatay sa kampo ng paggawa dahil sa paniniwala sa Diyos at pagsasagawa ng kanyang tungkulin. Tunay na sinasalamin ng pelikula ang mga napakabigat na pang-aabuso at hindi makataong pang-uusig na tinamo ng mga Kristiyano sa pagkakabilanggo matapos maaresto sa ilalim ng masamang pamahalaan ng CCP, inilalantad ang mala-demonyong diwa ng pagkamuhi ng CCP sa Diyos at pagpatay sa mga Kristiyano.

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Peb 28, 2018

Cristianong Ebanghelyong Pelikula | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Cristianong Ebanghelyong Pelikula | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit


Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoong Jesus—Makapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si Cui Cheng'en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Gayunman, nang pinag-aaralan na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinenta sila ng mga elder ng relihiyon na nagsuplong sa kanila sa mga pulis. Inaresto ang dalawa at ipinatapon ng mga pulis ng Chinese Communist. Sa South Korea naman, nasaktan at nalito si Song Ruiming. Patuloy siyang nag-isip ng mga paraan para makontak ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, bigla niyang natuklasan ang Korean website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet, batid na lumaganap na ang Kidlat ng Silanganan sa South Korea at nagtatag ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Masayang-masaya at tuwang-tuwa, hinikayat ni Song Ruiming na pag-aralan ng mga kapatid sa kanyang iglesia ang tunay na daan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matibay ang paniniwala nila na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya nilang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at natagpuan nila ang landas patungo sa kaharian ng langit. Sa huli ay may pagkakataon na rin siyang tuparin ang kanyang pinapangarap na kaharian sa langit.

Rekomendasyon:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos 

Peb 23, 2018

Ang tinig ng Diyos | Pagsasagawa (1)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Pagsasagawa (1)


    Noong una, napakaraming paglihis sa paraan ng pagdanas ng mga tao, at ito ay maaari pang nakayayamot. Sapagkat hindi nila talaga naintindihan ang mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos, maraming mga lugar kung saan ang karanasan ng mga tao ay napipilipit. Ang hinihingi ng Diyos sa tao ay para sa kanila na magawang maisabuhay ang isang normal na pagkatao. Ang mga paraan ng tao na may kaugnayan sa pagkain at pananamit, halimbawa. Maaari silang magsuot ng amerikana at maaari nilang matutuhan ang ilan tungkol sa makabagong sining, at sa kanilang libreng oras maaari silang magkaroon ng isang medyo pampanitikan at nakawiwiling buhay. Maaari silang kumuha ng mga larawan na hindi malilimutan at maaari silang magbasa at magkamit ng ilang kaalaman at magkaroon ng isang medyo magandang kapaligiran para mabuhay. Ito ang buhay na angkop sa isang normal na katauhan, ngunit itinuturing ito ng mga tao bilang isang bagay na kinamumuhian ng Diyos. Ang kanilang pagsasagawa ay susundin lamang nila ang ilang mga patakaran, at ito ay aakay sa kanila upang maisabuhay ang isang buhay na kasimpangit ng pusali, nang walang kahulugang anuman. Sa totoo lang, hindi kailanman hiniling ng Diyos sa tao na gawin ang gayon. Inaasam ng mga tao na bawasan ang kanilang sariling mga disposisyon, nananalangin nang walang tigil sa kanilang mga espiritu na maging malapit sa Diyos, ang kanilang mga pag-iisip ay palaging naookupahan ng pag-iisip ng maka-diyos na mga bagay, lubhang ikinatatakot na ang kanilang kaugnayan sa Diyos ay mahihiwalay kahit paano. Ang mga ito ang lahat ng mga bagay na nabuod ng tao para sa kanilang mga sarili; ang mga ito ay ang mga patakarang itinakda para sa tao ng kanilang mga sarili. Kung hindi mo naiintindihan ang sarili mong diwa o kung anong antas ang maaabot ng iyong sarili, kung gayon wala kang magiging paraan para makamit ang isang maaasahang pagkaunawa sa kung ano ba talaga ang mga pamantayan ng kung ano ang kinakailangan ng Diyos sa iyo, at sa gayon ay wala kang magiging paraan na matamo ang isang pagsasagawa na isinasagawa sa isang angkop na sukat. Ang iyong isip ay palaging bumabaling sa gawing ito at doon, iniisip mo ang bawat posibleng paraan upang makapag-aral at makapa kung paanong sa lupa ay maaari kang makilos at liwanagan ng Banal na Espiritu, sa resulta ikaw ay nagbubuod ng isang kalipunan ng mga paraan ng pagsasagawa na sa tingin mo ay makatutulong sa iyong makamit ang pagpasok. Kapag nagsasagawa ka sa ganitong paraan, hindi mo talaga alam kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo; nagsasagawa ka lamang sa iyong sariling paraan, nakadarama ng lubos na kaluwagan, hindi nag-aalala tungkol sa kalalabasan at lalong hindi nag-aalala tungkol sa kung naroon ang paglihis at mga pagkakamali. Habang ikaw ay nagpapatuloy sa ganitong paraan, ang iyong pagsasagawa ay nagkukulang sa napakaraming mga bagay, gaya ng pagpuri ng Diyos, pakikipagtulungan ng Banal na Espiritu at ang kalalabasan na natamo sa pamamagitan ng mga kinakailangan ng Diyos. Ni wala man itong anumang normal na katauhan o diwa ng katwiran ng isang normal na tao. Ang iyong pagsasagawa ay pagsunod mo lamang sa mga patakaran, o kusa mong dinadagdagan ang iyong pasanin upang higpitan ang iyong sarili, upang makontrol ang iyong sarili. Ngunit iyong iniisip na gawing perpekto ang iyong pagsasagawa, nang hindi alam na karamihan sa iyong pagsasagawa ay isang proseso o pangingilin na hindi na kinakailangan. Marami ang nagsasagawa na kagaya nito sa loob ng maraming mga taon na wala talagang pagbabago sa kanilang mga disposisyon, walang bagong pagkaunawa, at walang bagong pagpasok. Hindi nila sinasadyang gamitin sa kanilang malupit na mga kalikasan, maging hanggang sa yugto na maraming beses na silang gumagawa nang hindi makatuwiran, hindi makataong mga bagay at maraming beses na sila ay gumagawa ng mga bagay na nagpapatigil sumandali sa mga tao at kung saan ay hindi maintindihan. Ang ganitong uri ba ng tao ay isa na nagbago?

Peb 15, 2018

Kristiyanong Pelikula "Pananalig sa Diyos"

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kristiyanong Pelikula “Pananalig sa Diyos”

Si Yu Congguang ay nangangaral ng ebanghelyo para sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang nangangaral ng ebanghelyo, tinugis siya ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Tumakas siya sa mga kabundukan, kung saan nakatanggap siya ng tulong mula kay Zheng Xun, isang katrabaho sa lokal na bahay iglesia. Nang una silang nagkita, pakiramdam nila ay matagal na nilang kilala ang bawat isa. Dinala ni Zheng Xun si Yu Congguang sa kubo kung saan siya at ng kanyang mga katrabaho ay nagtipon. Doon, nangyari ang isang debate kila Zheng Xun at ng kanyang mga katrabaho kung ang isang mananampalataya sa Diyos ay dapat bang sundin o hindi yaong mga nasa kapangyarihan. Si Yu Congguang ay nagbahagi kaugnay sa isyung ito at iwinaksi ang kanilang pagkakalito. Lubos na nakatulong sa kanila ang pagbabahagi ni Yu Congguang, at nagsimula silang lahat na hanapin at pag-aralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Gayun pa man, nang malaman ni Elder Sun mula sa lokal na iglesia na si Yu Congguang ay isang saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ginawa niya ang lahat ng bagay na maaari niyang gawin para saraduhan ang iglesia at pigilan ang mga tagasunod mula sa paghahanap ng tunay na landas. Nagbahay-bahay si Sun na naghahanap kay Yu Congguang, at inutusan pa ang mga tagasunod na iulat si Yu sa mga pulis at arestuhin siya …
Rekomendasyon
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus