菜單

May 29, 2018

3. Ang Biblia ay isinulat ng tao, hindi ng Diyos; ang Biblia ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos.

  Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

  “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).

  “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).



  Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos :

  Ang Biblia ay isang makasaysayang talaan ng gawain ng Diyos sa Israel, at mga pagtatala sa maraming mga panghuhula ng mga sinaunang propeta pati na rin ang ilan sa mga pahayag ni Jehova sa Kanyang gawain sa panahong iyon. Kaya, ang tinitingnan ng lahat ng mga tao ang librong ito na “banal” (sapagka’t ang Diyos ay banal at dakila). Syempre, ang lahat ng ito ay resulta sa kanilang paggalang kay Jehova at sa kanilang pagsamba sa Diyos. Ang mga tao ay sumasangguni lamang sa aklat na ito sa ganitong paraan dahil ang mga nilalang ng Diyos ay lubhang sumasamba sa kanilang Maylalang, at mayroong ding mga taong tinatawag ang aklat na ito na isang “makalangit na aklat.” Sa katunayan, ito ay isa lamang tala ng tao. Ito ay hindi personal na pinangalananni Jehova, at hindi rin personal na ginabayan ni Jehova ang paglikha nito. Sa ibang salita, ang may-akda ng aklat na ito ay hindi ang Diyos, kundi ang mga tao. Ang “Banal” Biblia ay ang magalang na pamagat lamang na binigay dito ng tao. Ang pamagat na ito ay hindi pinagpasiyahan ni Jehova at ni Jesus pagkatapos ng kanilang pagtalakay sa bawat isa; ito ay walang iba kundi ang ideya ng tao. Sapagkat ang aklat na ito ay hindi sinulat ni Jehova, higit na hindi ni Jesus. Sa halip, ito ay ang mga salaysay ng maraming mga sinaunang propeta, apostoles, at manghuhula, na kung saan ay pinagsama-sama sa isang libro ng mga sunod na henerasyon bilang isang libro ng sinaunang kasulatan na, para sa mga tao, tila lubhang banal, isang libro na sa tingin nila ay naglalaman ng maraming hindi maarok at malalim na misteryo na naghihintay mabuksan ng susunod namga henerasyon. Dahil dito, ang mga tao ay lalong mas naging handa upang maniwala na ang aklat na ito ay isang “makalangit na aklat.” Sa karagdagan ng Apat na Ebanghelyo at ang Aklat ng Pahayag, ang mga saloobin ng tao hinggil dito ay partikular na naiiba mula sa anumang iba pang libro, at sa gayon walang kahit isa ang sumubok upang pag-aralan itong “makalangit na aklat”—dahil ito ay lubhang “banal.”

mula sa “Tungkol sa Biblia (4)”sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Dati-rati, Lumang Tipan lang ang binabasa ng mga tao ng Israel. Ibig sabihin, sa Kapanahunan ng Biyaya binasa ng mga tao ang Lumang Tipan. Lumitaw lamang ang Bagong Tipan sa Kapanahunan ng Biyaya. Walang Bagong Tipan nang isagawa ni Jesus ang Kanyang gawain; itinala ito ng mga tao matapos Siyang mabuhay na mag-uli at umakyat sa langit. Noon lamang nagkaroon ng Apat na Ebanghelyo, bilang karagdagan sa mga sulat nina Pablo at Pedro, gayundin ang Aklat ng Pahayag. Makalipas ang tatlong daang taon matapos umakyat si Jesus sa langit, nang tipunin ng sumunod na mga henerasyon ang kanilang mga talaan, at saka lamang nagkaroon ng Bagong Tipan. Nagkaroon lang ng Bagong Tipan nang makumpleto ang gawaing ito; wala ito dati. Natapos ng Diyos ang lahat ng gawaing iyon, nagawa ni apostol Pablo ang lahat ng gawaing iyon, at pagkatapos ay pinagsama ang mga sulat nina Pablo at Pedro, at ang pinakadakilang pangitaing itinala ni Juan sa isla ng Patmos ang inihuli, sapagkat ipinropesiya nito ang gawain sa mga huling araw. Lahat ng ito ay isinaayos ng susunod na mga henerasyon, at iba ito kaysa mga binigkas sa ngayon. ... Masasabi na ang kanilang itinala ay ayon sa antas ng kanilang pinag-aralan at kakayahan. Ang kanilang itinala ay mga karanasan ng mga tao, at bawat isa ay may sariling paraan ng pagtatala at pagkaalam, at bawat talaan ay naiiba. Kaya, kung sinasamba n’yo ang Biblia bilang Diyos napakamangmang at napakatanga n’yo!

mula sa “Tungkol sa Biblia (3)”sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Biblia, Jesus , Cristo, Diyos, Iglesia  Matapos ang lahat, alin ang mas dakila: Ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangan ang gawain ng Diyos ay kaayon sa Biblia? Maaari kayana ang Diyos ay walang karapatan na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaaringlisanin ng Diyos ang Biblia at gumawa ng iba pang gawain? Bakit si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay hindi sumusunod sa Araw ng Pamamahinga? Kung pananatilihin Niya ang Araw ng Pamamahinga at mangangaral ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi tumutupad si Jesus sa Araw ng Pamamahinga matapos Niya dumating, ngunit sa halip naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, hinati-hati ang tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba itong lahat ay wala sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung pinarangalan ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya hinamon ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Dahil Panginoong ng Araw ng Pamamahinga, Siya ba’y maaaring ding maging Diyos ng Biblia?

mula sa “Tungkol sa Biblia (1)”sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at magawang ipaliwanag ang Biblia ay katulad ng paghahanap ng tunay na landas—ngunit sa katunayan, ganoon ba kadali ang mga bagay? Walang kahit isa ang nakakakilala sa katotohanan ng Biblia: na hindi hihigit pa sa makasaysayang tala ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pag-unawa sa mga layunin ng gawain ng Diyos. Ang bawat isa na nakapagbasa ng Biblia ay alam na ito ay nagtatala sa dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang Lumang Tipan ay nagsasalaysay sa kasaysayan ng Israel at ang gawain ni Jehova mula sa oras ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang Bagong Tipan ay nagtatala ng gawain ni Jesus sa lupa, na kung saan ay nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo; hindi ba sila mga tala ng kaysayan? Ang pagpapalitaw sa mga bagay ng nakaraan sa panahon ngayon ay ginagawa silang kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi maaaring makatugon sa kasalukuyan. Sapagka’t ang Diyos ay hindi tumitingin pabalik sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang naiintindihan sa gawain na nilaan na gawin ngayon ng Diyos, at kung naniniwala kayo sa Diyos ngunit hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, sa gayon ay hindi ninyo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng paghahanap sa Diyos. Kung binabasa ninyo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga kalangitan at kalupaan, sa gayon ay hindi kayo naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala kayo sa Diyos, at nagpapatuloy sa buhay, dahil kayo ay nagpapatuloy sa pagkakilala sa Diyos, at hindi ipinagpapatuloy ang mga patay na liham at doktrina, o ang pag-unawa ng kasaysayan, dapat ninyong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat ninyong hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung kayo ay isang arkeologo maaari ninyong mabasa ang Biblia—ngunit kayo ay hindi, kayo ay isang naniniwala sa Diyos, at mabuting hanapin ninyo ang kalooban ng Diyos sa ngayon.

mula sa “Tungkol sa Biblia (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Ang Diyos Mismo, at ang buhay, at ang katotohanan, at ang Kanyang buhay at katotohanan ay sabay na umiiral. Silang mga walang kakayahang makamtan ang katotohanan ay di-kailanman makakamtan ang buhay. Kung wala ang patnubay, tulong, at pagtustos ng katotohanan, ang makakamtan mo lang ay mga salita, mga doktrina, at, bukod diyan, kamatayan. Ang buhay ng Diyos ay laging naririyan, at ang Kanyang katotohanan at buhay ay umiiral nang sabay. Kung hindi mo mahanap ang pinagmulan ng katotohanan, sa gayon hindi mo makakamtan ang sustansiya ng buhay; kung hindi mo makakamtan ang sustento ng buhay, sa gayon tiyak na hindi ka talagang magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga imahinasyon at mga pagkaintindi, ang kabuuan ng iyong katawan ay magiging walang iba kundi laman lang, ang iyong umaalingasaw na laman. Alamin mo na ang mga salita ng mga aklat ay hindi itinuturing na buhay, ang mga talaan ng kasaysayan ay hindi maaaring ipagdiwang na katotohanan, at ang mga doktrina ng mga nakalipas na panahon ay hindi maaaring magsilbing paglalarawan ng sinambit ng Diyos sa kasalukuyan. Ang tanging mga inihayag ng Diyos nang Siya ay nagtungo sa lupa at namuhay kasama ng mga tao ay ang katotohanan, buhay, kalooban ng Diyos, at Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa. Kapag iyong ginamit ang mga itinalang mga salita na binigkas ng Diyos noong mga sinaunang panahon sa ngayon, sa gayon ikaw ay isang arkeologo, at ang pinakamainam na itawag sa iyo ay isang dalubhasa sa mga minanang kasaysayan. Ito ay dahil sa ikaw ay laging naniniwala sa mga bakas ng mga gawain ng Diyos noong unang panahon, pinaniniwalaan lang ang aninong iniwan ng Diyos noong dati Siyang gumawa kasama ng mga tao, at pinaniniwalaan lang ang mga paraan na ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga tagasunod noong lumipas na panahon. Hindi ka naniniwala sa direksiyon ng gawain ng Diyos ngayon, hindi naniniwala sa maluwalhating anyo ng Diyos ngayon, at hindi naniniwala sa daan ng katotohanan na inihayag ng Diyos ngayon. Sa gayon ikaw ay hindi maipagkakaila na isang nangangarap nang gising na lubos na malayo sa pagkatotoo. Kapag ngayon ikaw ay nananatiling nakakapit sa mga salitang walang kakayahang magbigay buhay sa tao, gayon ikaw ay tulad ng isang walang buhay at walang pag-asa,[a] dahil ikaw ay masyadong makaluma, masyadong suwail, masyadong hindi naaapektuhan ng pangangatuwiran!

mula sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Ang mga umiintindi lamang sa mga salita ng Biblia, ang mga walang pakialam sa katotohanan o paghahangad sa Aking mga yapak—sila ay laban sa Akin, dahil nililimitahan nila Ako nang naaayon sa Biblia, at Ako’y kanilang pinipilit sa loob ng Biblia, gayundin ang mga lubhang lapastangan sa Akin. Paano nakalalapit ang gayong mga tao sa Akin? Sila ay hindi nagbibigay ng pag-intindi sa Aking mga gawa o sa Aking kalooban, o sa katotohanan, sa halip sila ay nahuhumaling sa mga salita, salitang nakamamatay. Paano magiging kaayon sa Akin ang mga gayong tao?

mula sa “Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Naghahanap sila araw-araw ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong naghahanap ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang “mga kasulatan.” Hindi nila alam kung paano maging kaayon sa Akin, hindi nila alam ang ibig sabihin ng pakikipag-alit sa Akin, at basta lamang nagbabasa ng mga “kasulatan” nang walang taros. Pinipilit nila sa Biblia ang malabong Diyos na hindi nila kailanman nakita, at walang kakayahang makita, at saka lamang nila tinitingnan kapag sila ay may libreng oras. Sila ay naniniwala sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng nasasaklaw ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay katulad ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung Ako’y wala, wala ring Biblia. Hindi nila binibigyang pansin ang aking pag-iral o mga pagkilos, sa halip ay naglalaan ng sobra at natatanging pansin sa bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ay naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban na lamang kung ito ay ipinagpaunang sinabi ng Kasulatan. Naglalakip sila ng labis na pagpapahalaga sa Kasulatan. Maaaring sabihin na nakikita nila ang mga salita at pahayag bilang lubhang mahalaga, hanggang sa ginagamit nila ang mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang sumpain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan ng pagiging kaayon sa Akin, o ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan, ngunit ang paraan ng pagiging kaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na ang anumang hindi sumusunod sa Biblia ay, nang walang itinatangi, hindi Ko gawa. Hindi ba ang mga gayong mga tao ay ang masunuring inapo ng mga Pariseo? Ginamit ng mga Hudyong Pariseo ang mga batas ni Moises upang batikusin si Jesus. Hindi nila hinanap na maging kaayon kay Jesus noong panahong iyon, subalit masikap nilang sinunod ang mga batas nang buong sikap, hanggang sa ipinako nila sa krus ang inosenteng si Jesus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi ang pagiging Mesias. Ano ang kanilang kakanyahan? Hindi ba’t dahil hindi nila hinanap ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Kasulatan, habang hindi inuunawa ang Aking kalooban at ang mga hakbang at paraan ng Aking gawain. Hindi sila ang mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong maigting na sumusunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila ang mga taong naniniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniniwala sa Biblia. Sa kalikasan, sila ang tagapagbantay ng Biblia. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng Biblia, at pagtibayin ang dignidad ng Biblia, at panatilihin ang reputasyon ng Biblia, ipinako nila ang mahabaging si Jesus sa krus. Ito ay ginawa lamang nila para sa kapakanan ng pagtatanggol sa Biblia, at para sa kapakanan ng pagpapanatili sa katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang talikuran ang kanilang kinabukasan at ang alay para sa kasalanan upang isumpa si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang sa kamatayan. Hindi ba sila tila mga tagasunod sa bawat isang salita ng Kasulatan?

  At ano naman ang mga tao ngayon? Dumating si Kristo upang pakawalan ang katotohanan, ngunit mas pipiliin nilang paalisin Siya sa gitna ng mga tao upang makapasok sa langit at makatanggap ng biyaya. Mas pipiliin nilang lubusang itanggi ang pagdating ng katotohanan upang kanilang maprotektahan ang interes ng Biblia, at mas pipiliin nilang ipako sa krus ang Kristong nagbabalik sa katawang-tao upang matiyak ang walang hanggang na pag-iral ng Biblia. ... Naghahangad ang tao ng pagiging kaayon sa mga salita, sa Biblia, ngunit wala ni isang tao ang lumapit sa Akin upang hanapin ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan. Tinitingala Ako ng tao sa langit, at naglalaan ng partikular na pag-alala sa Aking pag-iral sa langit, subalit walang may pakialam sa Akin sa katawang-tao, dahil Ako na namumuhay kasama ng mga tao ay masyadong walang halaga. Ang mga naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa mga salita sa Biblia, at naghahanap lamang ng pagiging kaayon sa malabong Diyos, ay kahabag-habag sa Aking paningin. Iyon ay dahil ang kanilang sinasamba ay mga patay na salita, at isang Diyos na may kakayahang magkaloob ng pagkalaki-laking kayamanan. Ang kanilang sinasamba ay isang Diyos na inilalagay ang sarili sa awa ng tao, at hindi umiiral. Ano, kung gayon, ang matatamo ng gayong mga tao sa Akin? Ang tao ay sadyang mababa para sa mga salita. Silang mga laban sa Akin, silang humihingi ng walang katapusang pabor sa Akin, mga walang pagmamahal sa katotohanan, mga suwail sa Akin—paano sila magiging kaayon sa Akin?

mula sa “Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Ang katunayan na Aking ipinaliliwanag dito ay ito: Ang kung ano ang Diyos at kung ano ang mayroon Siya ay magpakailanmang di-nauubos at walang-hangganan. Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay at lahat ng mga bagay. Ang Diyos ay hindi maaaring maarok ng anumang nilalang. Panghuli, dapat Ko pa ring ipaalala sa lahat: Huwag muling lilimitahan ang Diyos sa mga aklat, mga salita, o Kanyang nakaraang mga pagbigkas. Mayroon lamang iisang salita para sa katangian ng gawain ng Diyos—bago. Ayaw Niyang tahakin ang lumang mga landas o ulitin ang Kanyang gawain, at higit pa ayaw Niyang sambahin Siya ng mga tao sa pamamagitan ng paglilimita sa Kanya sa loob ng isang tiyak na sakop. Ito ang disposisyon ng Diyos.


mula sa Huling Pananalita hanggang sa Ang Salita at Nagpapakita sa Katawang-tao

  Mga Talababa:

  a. Isang piraso ng patay na kahoy: isang sawikaing Tsino, nangangahulugang “hindi maaabot ng tulong.”

Rekomendasyon:

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento