菜單

Ago 3, 2020

Mga Salita tungkol sa Kapanahunan ng Kaharian—ang Huling Kapanahunan


 Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’y naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

—mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na nagawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag at likas na pagkataong lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang likas na lason sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin sa pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinupad ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, at pinawalang-saysay ang lahat ng lumang mga bagay. Tinapos ng pagdating ni Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at inihatid ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdala na ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Naparito Siya pangunahin na upang bigkasin ang Kanyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at liwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos sa loob ng puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawain na ginawa ni Jesus noong Siya ay dumating. Noong dumating si Jesus, nagpakita Siya ng maraming himala, nagpagaling Siya ng maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawain ng pagtubos ng pagpapapako sa krus. Bunga nito, sa kanyang mga pagkaintindi, naniniwala ang tao na ganito dapat ang Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawang alisin ang larawan ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nagpagaling Siya ng maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, at pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ang lugar na kinalalagyan ng malabong Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang larawan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na mga salita at aktwal na gawain, Kanyang pagkilos sa buong lupain, at ang natatanging tunay at normal na gawaing Kanyang isinasakatuparan kasama ng tao, Kanyang sinasanhi ang tao na ganap na maunawaan ang pagiging totoo ng Diyos, at inaalis ang kinalalagyan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing ganap ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.

—mula sa “Pagkilala sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ngayon, ang Diyos ay pangunahing nagkatawang-tao upang kumpletuhin ang gawain ng “ang Salita ay nagpapakita na nasa katawang-tao,” upang gamitin ang salita para gawing perpekto ang tao, at ipatanggap sa tao ang pakikitungo ng salita at ang pagpipino ng salita. Sa Kanyang mga salita Siya ay nagsasanhi upang iyong matamo ang tustos at matamo ang buhay; sa Kanyang mga salita, nakikita mo ang Kanyang gawain at mga gawa. Ginagamit ng Diyos ang salita upang kastiguhin at pinuhin ka, at kung naghihirap ka naman, ito ay dahil din sa salita ng Diyos. Ngayon, ang Diyos ay hindi gumagawa gamit ang mga katunayan, kundi mga salita. Pagkatapos na ang Kanyang mga salita ay nakarating sa iyo saka lamang makakagawa ang Banal na Espiritu sa kalooban mo at magsasanhi sa iyo na magdusa ng sakit o makaramdam ng katamisan. Tanging ang salita ng Diyos ang makakapagdala sa iyo tungo sa realidad, at tanging ang salita ng Diyos ang may kakayahang gawin kang perpekto. At sa gayon, dapat mo man lamang maunawaan ito: Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ay pangunahing ang paggamit ng Kanyang salita upang gawing perpekto ang bawat tao at gabayan ang tao. Ang lahat ng gawain na ginagawa Niya ay sa pamamagitan ng salita; hindi Siya gumagamit ng mga katunayan upang kastiguhin ka. May mga panahon na ang ilang tao ay lumalaban sa Diyos. Hindi nagsasanhi ang Diyos ng matinding paghihirap para sa iyo, ang iyong laman ay hindi kinakastigo ni ikaw ay naghihirap—subali’t sa sandaling dumarating sa iyo ang Kanyang salita, at pinipino ka, hindi mo mababata ito. Hindi ba’t gayon nga? Sa panahon ng mga taga-serbisyo, sinabi ng Diyos na itapon ang tao sa walang-hanggang kalaliman. Talaga bang umabot ang tao sa walang-hanggang kalaliman? Sa pamamagitan lamang ng paggamit ng mga salita upang pinuhin ang tao, ang tao ay pumasok sa walang-hanggang kalaliman. At sa gayon, sa panahon ng mga huling araw, kapag ang Diyos ay nagkakatawang-tao, pangunahin Niyang ginagamit ang salita upang tuparin ang lahat at gawing malinaw ang lahat. Sa Kanyang salita lamang iyong makikita kung ano Siya; sa mga salita lamang Niya iyong makikita na Siya ay Diyos Mismo. Nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparirito sa lupa, wala Siyang ibang ginagawa kundi ang mangusap ng mga salita—kaya hindi na kailangan ang mga katunayan; sapat na ang mga salita. Yaon ay sapagkat pangunahing naparito Siya upang gawin ang gawaing ito, hayaan ang tao na mamasdan ang Kanyang lakas at kataas-taasang kapangyarihan sa Kanyang mga salita, hayaan ang mga tao na makita sa Kanyang mga salita kung gaano mapagkumbaba Niyang itinatago ang Kanyang Sarili, at hayaan ang tao na malaman ang Kanyang kabuuan sa Kanyang mga salita. Ang lahat ng kung anong mayroon Siya at kung ano Siya ay nasa Kanyang mga salita, ang Kanyang karunungan at pagiging kamangha-mangha ay nasa Kanyang mga salita. Sa ganito ipinakikita sa iyo ang maraming paraan na kung saan winiwika ng Diyos ang Kanyang mga salita. Karamihan sa gawain ng Diyos sa lahat ng panahong ito ay pagtutustos, pahayag at pakikitungo sa tao. Hindi Niya sinusumpa ang isang tao nang babahagya, at kahit na kapag ginagawa Niya, ito ay sa pamamagitan ng salita. At sa gayon, sa kapanahunang ito ng Diyos na naging katawang-tao, huwag asahang makita ang Diyos na muling nagpapagaling ng maysakit at nagpapalayas ng mga demonyo, huwag palaging asahang makita ang mga tanda—wala itong saysay! Ang mga tandang iyon ay hindi maaaring gawing perpekto ang tao! Sa malinaw na pagsasalita: Ngayon, ang totoong Diyos Mismo na nagkatawang-tao ay nangungusap lamang, at hindi kumikilos. Ito ang katotohanan! Gumagamit Siya ng mga salita upang gawin kang perpekto, at gumagamit ng mga salita upang pakainin at diligan ka. Ginagamit din Niya ang mga salita upang gumawa, at ginagamit Niya ang mga salita sa halip na mga katunayan upang malaman mo ang Kanyang realidad. Kung may kakayahan kang maramdaman ang uring ito ng gawain ng Diyos, mahirap namang magsawalang-kibo. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na negatibo, dapat ninyong pagtuunan ng pansin yaong mga positibo—na ibig sabihin, hindi alintana kung natutupad ang mga salita ng Diyos o hindi, o kung mayroon man o wala ang pagdating ng mga katunayan, ang Diyos ay nagsasanhi upang matamo ng tao ang buhay mula sa Kanyang mga salita, at ito ang pinakamatindi sa lahat ng tanda, at lalong higit pa, ito ay isang hindi-mapapasubaliang katunayan. Ito ang pinakamainam na katibayan na sa pamamagitan nito’y magkakaroon ng pagkakilala sa Diyos, at isa pang mas malaking tanda kaysa mga tanda. Tanging ang mga salitang ito ang makakagawang perpekto sa tao.

—mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at pagiging nakamamangha. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang diwa ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos, naniniwala ang tao sa pagiging makapangyarihan sa lahat at sa karunungan ng Diyos, gayundin sa pagmamahal ng Diyos para sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga pagkaunawa at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at mas marami pang tao ang namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano ng pamamahala.

—mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pangunahing gawain ng Diyos sa kapanahunang ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng diwa ng kalikasan ng tao at tiwaling disposisyon ng tao, ang pag-aalis ng mga relihiyosong pagkaintindi, piyudal na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sa mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga tanda at kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga gawa ng Diyos.

—mula sa “Pagkilala sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa mga huling araw, ang Diyos ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, kung gayon magiging imposible na gawing malinaw ang realidad ng Diyos, kaya imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subali’t gumagamit ng salita upang diligan at akayin ang tao, at pagkatapos nito ay nakakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang pagkakilala ng tao sa Diyos. Ito ang minimithi ng gawaing ginagawa Niya at ng mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit ng maraming iba’t ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang pagpipino, pakikitungo, pagtatabas, o pagtutustos ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba’t ibang mga perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagiging kamangha-mangha ng Diyos.

—mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinakadakilang kahalagahan ng gawain sa mga salita ay ang pagpapahintulot sa tao na isagawa ang katotohanan pagkatapos maintindihan ang katotohanan, magkamit ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon, at makamit ang pagkakilala sa kanilang mga sarili at ang gawain ng Diyos. Ang mga pamamaraan lamang ng paggawa sa pamamagitan ng pagsasalita ang maaaring hayaan ang komunikasyon sa pagitan ng Diyos at tao, ang mga salita lamang ang makapagpapaliwanag sa katotohanan. Ang paggawa sa ganitong paraan ay ang pinakamahusay na paraan ng paglupig sa tao; bukod sa pagbigkas ng mga salita, wala ng iba pang paraan ang may kakayahang magbigay sa tao ng isang mas malinaw na pagkaunawa sa katotohanan at sa gawain ng Diyos, at kaya sa Kanyang panghuling yugto ng gawain, ang Diyos ay nagsasalita sa tao upang buksang lahat sa tao ang mga katotohanan at mga hiwaga na hindi nila naiintindihan, magpapahintulot sa kanila na matamo ang tunay na daan at ang buhay mula sa Diyos, at sa gayo’y mapalulugod ang kalooban ng Diyos.

—mula sa “Dapat Mong Isantabi Ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa panghuli Niyang gawain ng pagwawakas sa kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay ang pagkastigo at paghatol, na inihahayag Niya sa lahat ng masama, upang hayagang hatulan ang lahat ng tao, at gawing perpekto yaong mga tunay na nagmamahal nang tapat sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lamang ang makapagwawakas sa kapanahunang ito. Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay isasaayos ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang likas na katangian. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kahihinatnan ng sangkatauhan at ang kanilang hantungan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para ilantad ang kanilang pagsuway at kasamaan. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at buong sangkatauhan ay isasaayos ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sumasailalim ng kapangyarihan ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, yaong una sa lahat ay pinagsama-sama sa pagkastigo at paghatol, at inihahayag sa mga huling araw, ang lubos na mababago at magagawang ganap ang tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay mapaparusahan nang matindi ang lahat ng makasalanan. Samakatuwid, ang disposisyong tulad nito ay puno ng kahalagahan ng kapanahunan, at ang pahayag at pagpapakita ng Kanyang disposisyon ay para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong kapanahunan. Hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon nang gayon-gayon lang at nang walang kabuluhan. Kung ang kalalabasan ng tao ay naibunyag sa mga huling araw, naghahandog pa rin ang Diyos sa tao ng walang hanggang awa at pagmamahal, at kapag Siya ay mapagmahal pa rin sa mga tao, at hindi Niya hinahayaang sumailalim ang tao sa matuwid na paghatol, kundi Siya’y nagpapamalas ng pagpaparaya, pagtitiis at pagpapatawad, kapag patuloy pa rin Siyang nagpapatawad sa tao anuman ang matinding kasalanang nagagawa niya, na walang matuwid na paghatol, magwawakas ba ang lahat ng pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang mapangunahan ng ganitong disposisyon ang sangkatauhan patungo sa tamang hantungan? Ipagpalagay, halimbawa, ang isang hukom na mapagmahal, mabuti at magiliw. Mahal niya ang mga tao sa kabila ng kanilang mga nagawang kasalanan, at siya ay mapagmahal at mapagparaya sa sinumang tao. Kailan niya makakayang abutin ang makatwirang pasiya? Sa mga huling araw, ang matuwid na paghatol lamang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa ganitong paraan, ang buong kapanahunan ay magwawakas sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa mga dagsa ng mga pagkastigo at mga paghatol, ang Anak ng tao ay nagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita, nagpapahintulot sa lahat na tumatanggap ng Kanyang pagkastigo at paghatol na makita ang tunay na mukha ng Anak ng tao, isang mukha na matapat na paglalarawan ng mukha ng Anak ng tao na nakita ni Juan. (Siyempre, ang lahat ng ito ay hindi makikita niyaong mga hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.) Ang tunay na mukha ng Diyos ay hindi maaaring ganap na mabigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao, at sa gayon ginagamit ng Diyos ang pagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon upang ipakita ang tunay Niyang mukha sa tao. Na ang ibig sabihin na ang lahat ng nakaranas sa likas na disposisyon ng Anak ng tao ay nakakita sa tunay na mukha ng Anak ng tao, sapagka’t ang Diyos ay masyadong dakila at hindi maaaring ganap na mabigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao. Sa sandaling naranasan ng tao ang bawat hakbang sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, sa gayon malalaman niya ang tunay na kahulugan ng mga salita ni Juan nang nangusap siya tungkol sa Anak ng tao sa gitna ng mga ilawan: “At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.”

—mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa huling yugtong ito ng gawain, ang mga resulta ay nakakamit sa pamamagitan ng salita. Sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa maraming mga hiwaga at sa gawain ng Diyos sa buong nakaraang mga henerasyon; sa pamamagitan ng salita, naliliwanagan ang tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa mga hiwaga na kailanman ay hindi pa nalutas ng mga nagdaang henerasyon, pati na rin sa gawain ng mga propeta at mga apostol ng mga nakaraang panahon, at sa mga alituntunin na kung saan sila ay gumawa; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaalam sa disposisyon ng Diyos Mismo, pati na rin sa pagka-mapanghimagsik at paglaban ng tao, at dumarating sa pagkaalam ng kanilang sariling diwa. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng gawain at lahat ng salitang winika, dumarating ang tao sa pagkakilala sa gawain ng Espiritu, sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos, at lalo na, sa Kanyang buong disposisyon.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa huli, ang kasalukuyang yugtong ito ang magdadala ng gawain ng Diyos sa isang ganap na wakas, at magbibigay ng konklusyon nito. Magagawang maunawaan at malaman ng lahat ang plano ng pamamahala ng Diyos. Ang mga pagkaintindi sa loob ng tao, ang kanyang mga layunin, ang kanyang maling pang-unawa, ang kanyang mga pagkaintindi sa gawain nina Jehova at Jesus, ang kanyang mga pananaw ukol sa mga Gentil, at ang kanyang iba pang mga paglihis at mga kamalian ay itatama. At mauunawaan ng tao ang lahat ng tamang landas ng buhay, at ang lahat ng gawaing ginawa ng Diyos, at ang buong katotohanan. Kapag nangyari iyon, ang yugto ng gawain na ito ay matatapos na.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng mga bagay ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng panlulupig. Ang panlulupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang salita, ang paghatol sa bawat kasalanan ng tao ay ang gawain sa mga huling araw. Kung hindi, paano pagpapangkat-pangkatin ang mga tao? Ang gawain na pagpapangkat-pangkat sa inyo ay ang umpisa ng ganitong gawain sa buong sansinukob. Pagkatapos nito, ang lahat ng tao ng iba’t ibang bansa saanman ay mapasasailalim sa gawaing panlulupig. Nangangahulugan ito na ang bawat tao ng sangnilikha ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa uri, paglapit sa luklukan ng paghatol upang hatulan. Walang tao at walang bagay ang makakatakas sa pagdurusa nitong pagkastigo at paghatol, at walang tao at walang bagay ang makakaiwas sa pagpapangkat-pangkat ayon sa uri; ang lahat ay isasaayos ayon sa mga klase. Ito ay dahil ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng mga bagay at lahat ng mga kalangitan at ng lupa ay humahantong sa wakas nito. Paano makatatakas ang tao sa katapusan ng kanyang pag-iral?

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

 Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa masama at paggantimpala sa mabuti ay ganap na natatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinakamaselan Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pinuksa ng Diyos ang masasama at sa halip ay pinababayaan Niya silang manatili, kung gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin makakapasok sa kapahingahan; at hindi madadala ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan sa isang mas mabuting dako. Ang ganitong uri ng gawain ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos Niya ang Kanyang gawain, ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan lang maaaring matiwasay na mamuhay ang Diyos sa kapahingahan.

—mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

———————————————————
Tayo ngayon ay nasa mga huling araw. Maraming mga tapat na mananampalataya ang lahat ay nagnanais ng ikalawang pagparito ni Jesucristo at pag-rapture sa kanila sa kaharian ng langit. Kaya, sa anong paraan bababa si Kristo?
Inirerekomenda: Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento