菜單

Hul 26, 2018

Ano ang isang matapat na tao? Bakit gusto ng Diyos ang matatapat na tao?

Diyos, Katapatan, Kaharian, Landas, Buhay



Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:

  Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman magbulaan na Siya ay huwad sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi kailanman itinatago ang katotohanan; huwag kailanman gawin ang bagay na mapanlinlang sa mga nakatataas at mandaraya sa mga nasa ibaba; at hindi kailanman gagawa ng isang gawain upang magmagaling lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pagpigil ng karumihan sa inyong mga kilos at salita, ang hindi manlinlang ng Diyos o tao.

mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


  Kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao. Ang Diyos ay may pamantayan ng katapatan, kaya ang Kanyang salita ay palaging mapagkakatiwalaan. Isa pa, ang Kanyang mga pagkilos ay walang pagkukulang at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos ang mga lubos na matapat sa Kanya.

mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Kung nagagalak kang maging taga-serbisyo sa tahanan ng Diyos, nagsisikap at matapat sa gawain sa kabila ng karimlan, laging nagbibigay at hindi nanghihingi, masasabi Ko na ikaw ay tapat na santo, sapagkat hindi ka naghihintay ng gantimpala at matapat na tao lamang. Kung gusto mong maging tapat, kung handang gugulin ang iyong lahat, handang isakripisyo ang iyong buhay at maging saksi ng Diyos, matapat sa puntong iniisip lang ang kaligayahan ng Diyos, hindi isinaalang-alang at kumukuha ng para sa sarili, masasabi Ko na ang gayong mga tao ay nagtataglay ng kaliwanagan at mabubuhay magpakailanman sa kaharian.

mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Ang Aking kaharian ay humihingi sa kanila na tapat, hindi mapagkunwari, at hindi mapanlinlang. Hindi ba't ang mga taos at tapat na mga tao sa mundo ay hindi sikat? Ako ay ganap na salungat dito. Ito ay katanggap-tanggap para sa tapat na mga tao na lumapit sa Akin; Ako ay nalulugod sa ganitong uri ng tao, kailangan Ko rin ang ganitong uri ng tao. Ito ang tumpak na Aking pagkamatuwid.

mula sa Mga Pagbigkas at mga Patotoo ni Cristo sa Pasimula

  Lubos Kong kinalulugdan yaong mga walang dinadalang paghihinala sa iba at gustong-gusto yaong mga handang tanggapin ang katotohanan; ang dalawang uri ng mga taong ito ang lubos Kong kinakalinga, para sa Aking mga mata sila ay matapat. Kung masyado kang tuso, magkakaroon ka ng mapagsaalang-alang na puso at pag-iisip na may pagdududa sa lahat ng bagay at lahat ng mga tao. Sa ganitong katuwiran, ang iyong pananampalataya sa Akin ay itinayo sa pundasyon ng paghihinala. Ang ganitong uri ng pananampalataya ang hindi Ko kailanman kikilalanin. Kung wala ang tunay na pananampalataya, ang iyong pag-ibig ay malayo sa tunay na pag-ibig.

mula sa “Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Ang mga tapat ang Aking hinahanap; kung ikaw ay matapat at kumikilos nang may prinsipyo, kung gayon ikaw ay maaaring maging pinagkakatiwalaan ng Diyos.

mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Ang kapuso ng Diyos ay Kanya ring pinagkakatiwalaan; ang mga pinagkakatiwalaan lamang ng Diyos ang maaaring magbahagi ng Kanyang pagkabalisa, at Kanyang mga nais, at bagaman ang kanilang laman ay masakit at mahina, natitiis nila ang mga sakit at tinatalikdan ang kanilang sariling kasiyahan upang mapasaya ang Diyos. Nagbibigay ang Diyos ng mas maraming pasanin sa nasabing mga tao, at kung ano ang gagawain ng Diyos ay ipinapahayag gamit ang mga taong ito.

mula sa “Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Pagbabahagi ng Tao:

  Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging matapat na tao? Una, masasabi natin nang may katiyakan na ang matapat na tao ay may konsiyensiya at may katuturan, na sa kanilang mga puso dinadakila nila ang Diyos, at kaya nilang suklian ang pagmamahal ng Diyos. Ito ay matapat na tao. Kung may konsiyensiya ka at kung may katuturan ka, kung sa iyong puso nakakaya mong dakilain ang Diyos (Kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Diyos ngunit hindi mo nakakayang dakilain ang Diyos, ang iyong pananalig ay hindi tunay), at kung kaya mong suklian ang pagmamahal ng Diyos (Kailangan mong magkaroon ng konsensiya at katuturan para masuklian ang pagmamahal ng Diyos), ikaw ay matapat na tao. Pangalawa, ang matapat na tao ay nagsasalita sa isang praktikal at makatotohanang paraan. Hindi nila binabaluktot ang mga katotohanan, patas silang magsalita, at itinuturing nila nang patas ang mga tao. Ito ay matapat na tao. Pangatlo, ang matapat na tao ay iginagalang ang Diyos, isinasagawa nila ang katotohanan at sinusunod ang Diyos. Iginagalang nila ang Diyos sa kanilang mga puso at kaya nilang isagawa ang katotohanan at sundin ang Diyos. Ang ganitong uri ng tao ay matapat na tao. Pang-apat, ang matapat na tao ay ginagampanan ang kanilang mga tungkulin nang may katapatan. Sila’y tapat sa Diyos sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa. Panglima, ang matapat na tao ay minamahal ang Diyos sa kanilang puso. Kaya nilang ikonsidera ang kalooban ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Pang-anim, ang matapat na tao ay namumuhay sa salita ng Diyos. Kaya nilang tunay na purihin ang Diyos. Ang isang tao na kayang taglayin itong mga nasa itaas na katangian ay isang matapat na tao. Kuntento ang Diyos na ang mga taong ito ay mabuhay sa Kanyang presensiya dahil ito mismo ang uri ng tao na Kanyang gusto. Ito mismo ang uri ng tao na gustong gawing kumpleto ng Diyos. Ito mismo ang uri ng tao na gustong makita ng Diyos. Ang ganitong uri ng tao ay isang matapat na tao.

mula sa “Isang Buod ng Pagiging Matapat na Tao” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (V)

   Mahal ng Diyos ang mga tapat na tao at kinapopootan ang mga mapanlinlang na tao dahil ang Diyos ay matapat at ang demonyo ay sinungaling. Matapos matiwali ni Satanas ang mga tao, sila’y napuno ng mga kasinungalingan. Walang bagay na hindi kasisinungalingan ang tiwali; kahit ang kanilang mga salita ay nadaya ng mga kasinungalingan. Lahat sila ay naging ekspertong manloloko at mga bihasang sinungaling. Ito’y malinaw na nakikita na si Satanas ay tiniwali ang sangkatauhan sa pagiging mga demonyo. Napakahirap na pagpasyahan kung ano sa mga salita ng sangkatauhan ang tunay at kung ano ang bulaan. Hindi talaga karapat-dapat pagkatiwalaan ang sangkatauhan. Kung hindi kayang maging tapat ng mga tao, napakahirap mapunta sa tamang landas ng pananalig sa Diyos. Hindi sila nababagay na makita ang mukha ng Diyos at paglingkuran ang Diyos.

mula sa “Apat na Palatandaang Kailangang Maunawaan sa Paghahanap ng Katotohanan para Magkaroon ng Pagbabago ng Disposisyon” sa Koleksyon ng mga Sermon—Suplay para sa Buhay

  Bakit gusto ng Diyos ang mga matapat na tao? Ang pangunahing bagay tungkol sa mga matapat na tao ay mapagkakatiwalaan sila. Una, nakakasundo ng matapat na tao ang iba nang may pagkakabagay, sila’y maaaring maging malapit na kaibigan ng iba. Hindi ka nila nililinlang, sinasabi nila ang katotohanan; kapag nakikitungo ka sa mga ganitong uri ng mga tao, wala kang iisipin, naginhawaan at payapa. Pangalawa, ang mga matapat na tao ay mapagkakatiwalaan at maaasahan; kapag may isang bagay kang inutos na gawin, o kapag ginagawan ka nila ng pabor, maaari mo silang pagkatiwalaan. Kaya, ang kinahihinatnan kapag nangangasiwa ng mga bagay kasama ang matapat na tao, ramdam mo na ikaw ay nakarelaks, nakapahinga, walang inaalala, at payapa, ramdam mo na ikaw ay maalwan, at nasisiyahan ka rito. Maaari kang lang maging malapit na kaibigan ng iba at makuha ang tiwala ng mga tao kapag ikaw ay isang matapat na tao, kaya tanging ang matapat na tao ay ang pagkakawangis ng isang tunay na tao. Ang mapanlinlang na tao ay hindi ang pagkakawangis ng tunay na tao, dahil ang dinadala sa iba ng mga mapanlinlang na tao ay panlilinlang, pinsala, pagdurusa, pagdududa, at pagkabagot. Hindi nila kayang makisama sa iba, at kinapopootan, nilalayuan, at itinatakwil sila ng mga tao. Kaya, ang ganitong uri ng tao ay hindi ang pagkakawangis ng tunay na tao. Sa isang grupo ng mga tao, hindi sila maaaring magdala ng pakinabang sa iba, maaari lang silang magdala ng pagdurusa; sa katunayan ito ay isang diyablo, ito ay ang pagkakawangis kay Satanas. Ang dahilan ng Diyos sa pagmamahal ng matapat na mga tao ay malinaw na ngayon, hindi ba? Kapag tayo ay tunay na naging matapat na tao, mapapalayas natin ang mga katiwalian ni Satanas, maitataboy ang mga kamandag ni Satanas, at hindi tayo makokontrol ng mga pilosopiya ni Satanas o mga kamalian nito; tayo’y sa gayo’y mabubuhay sa pagkakawangis ng tunay na tao. Kaya, tanging ang tunay na matapat na tao, isang tao na kayang isagawa ang katotohanan, ay isang taong tunay na nakawala mula sa impluwensiya ni Satanas at nakakuha ng kaligtasan. Ang mga matapat na mga tao ay iyong mga naligtas na at nakawala sa impluwensiya ni Satanas; wala silang mga pilosopiya ni Satanas, wala ng mga kamandag ni Satanas, at sila’y hindi kontrolado ni Satanas. Maaaring sabihin na wala silang koneksyon kay Satanas sa anumang paraan, nagkaroon ng ganap na paghiwalay at lubos na pagkawala mula sa impluwensiya ni Satanas. Kaya, tanging ang mga matapat tao ang iyong mga tunay na nakakuha ng kaligtasan.

mula sa “Maliligtas Lamang ang Isang Tao Kapag Naunawaan Niya ang Katotohanan at Iwinaksi ang Impluwensya ni Satanas” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (VII)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento