่œๅ–ฎ

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na landas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na landas. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 30, 2018

Ang Landas... (8)

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo, Biblia, Jesus, katotohanan, landas, panginoon,
Ang Landas... (8)


Kapag ang Diyos ay dumarating sa lupa upang makihalo sa sangkatauhan, mamuhay kasama nila, ito ay hindi lamang sa loob ng isa o dalawang araw. Marahil sa buong panahong ito ay nakilala na humigit-kumulang ng mga tao ang Diyos, at marahil ay nakatamo sila ng mahahalagang mga kabatiran hinggil sa paglilingkod sa Diyos, at sanay na sanay na sa kanilang paniniwala sa Diyos. Anuman ang kalagayan, nauunawaan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos, at ang mga pagpapahayag ng lahat ng uri ng pantaong mga disposisyon ay totoong iba-iba. Sa tingin Ko rito, ang sari-saring pagpapahayag ng mga tao ay sapat para magamit ng Diyos bilang mga halimbawa, at ang kanilang mga gawaing pang-isipan ay sapat para sa Kanya upang sanggunian. Marahil ito ay isang aspeto kung saan ang sangkatauhan ay nakikipagtulungan sa Diyos, ito ay di-nalalamang pakikipagtulungan ng sangkatauhan sa Diyos, kaya’t ang pagganap na ito na idinirekta ng Diyos ay makulay at parang buhay, napakalinaw.

Ago 17, 2018

Ang Landas... (3)


Sa Aking sariling buhay, Ako ay laging handang ibigay ang Aking sarili sa Diyos nang buo, katawan at isipan. Sa paraang ito, walang paninisi sa Aking konsensya at Ako ay nakatatamo ng kaunting kapayapaan. Ang isang tao na naghahabol sa buhay ay dapat munang ibigay ang kanilang puso sa Diyos nang buo. Ito ay paunang-kundisyon.

Ang Landas... (3)

Sa Aking sariling buhay, Ako ay laging handang ibigay ang Aking sarili sa Diyos nang buo, katawan at isipan. Sa paraang ito, walang paninisi sa Aking konsensya at Ako ay nakatatamo ng kaunting kapayapaan. Ang isang tao na naghahabol sa buhay ay dapat munang ibigay ang kanilang puso sa Diyos nang buo. Ito ay paunang-kundisyon. Nais Kong ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay manalanging kasama Ko sa Diyos: “O Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu sa langit ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa lupa upang ang Aking puso ay lubos na babaling sa Iyo, upang ang Aking Espiritu ay maantig Mo, at upang makita Ko ang Iyong kariktan sa Aking puso at Aking Espiritu, upang yaong mga nasa lupa ay mapagpala na makita ang Iyong kagandahan. Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu ay minsan pang antigin ang aming mga espiritu upang ang aming pag-ibig ay tumatagal at kailanma’y hindi nagbabago!” Ang ginagawa ng Diyos sa ating lahat ay sinusubok muna ang ating mga puso, at kapag ibinuhos natin ang ating mga puso tungo sa Kanya, sa sandaling iyon ay nagsisimula Siyang antigin ang ating mga espiritu. Sa espiritu lamang makikita ng isa ang kariktan ng Diyos, kataasan, at kadakilaan. Ito ang landas ng Banal na Espiritu sa mga tao.

Ago 14, 2018

Ang Landas sa Paghahanap ng Katotohanan

Landas, katotohanan, buhay, karanasan, Diyos

๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ๐ŸŒŸ



๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ๐ŸŒŸ


I
May bahagi ba ang iyong estado
sa kung paano mo naiintindihan ang katotohanan?
Nagtataka ka ba sa mga pagtatagpo kung aling katotohanan
ang nagpapahiwatig ng totoo?
Pagkatapos ay hanapin ang mga katotohanang ito
at matutuklasan mo kung ano ang kalooban ng Diyos
sa lahat ng iyong ginagawa.
II
Sa lahat ng nakatagpo mo,
alamin kung aling mga bahagi ng katotohanan
nauugnay sa kung ano ang nasa harap mo.
Kung susundan mo ang kalooban ng Diyos
nang 'di nalalaman ang katotohanan,
ito ay walang bunga at bulag, magdadala sa wala.
May bahagi ba ang iyong estado
sa kung paano mo naiintindihan ang katotohanan?
Nagtataka ka ba sa mga pagtatagpo kung aling katotohanan
ang nagpapahiwatig ng totoo?
Pagkatapos ay hanapin ang mga katotohanang ito
at matutuklasan mo kung ano ang kalooban ng Diyos
sa lahat ng iyong ginagawa.

Ago 12, 2018

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikatlong Bahagi)



Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikatlong Bahagi)

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Paano Itinatatag ng Diyos ang Kalalabasan ng Tao at ang Pamantayan ng Pagtatatag Niya sa Kalalabasan ng Tao
Isang Praktikal na Tanong na Nagdadala ng Lahat ng Uri ng Kahihiyan sa mga Tao

Malaman ang higit pa:

Paanong Lumitaw ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?





Ago 11, 2018

Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang




Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Aking tinatawag sa Aking bahay ang lahat ng Aking itinalaga upang maging tagapakinig ng Aking salita, at pagkatapos ay inilalagay ang lahat ng mga sumusunod at nananabik sa Aking salita sa harapan ng Aking trono. Yaong mga tumatalikod sa Aking salita, yaong mga hindi nakasunod at nagpasakop sa Akin, at yaong mga hayagang sumasalungat sa Akin, ay itatakwil lahat sa isang tabi upang hintayin ang kanilang huling kaparusahan. Ang lahat ng mga tao ay namumuhay sa kasamaan at sa ilalim ng kamay ng masama, kaya hindi marami sa mga taong sumusunod sa Akin ang talagang nagnanais ng katotohanan. Ibig sabihin, hindi sumasamba ang karamihan sa Akin nang may tapat na puso o nang may katotohanan, ngunit sinusubukang kunin ang Aking tiwala sa pamamagitan ng kasamaan, paghihimagsik, at mga hakbanging mapanlinlang. Sa kadahilanang ito kaya Ko sinasabi na, “Marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.” Ang lahat ng mga tinawag ay naging labis ang kasamaan at namumuhay sa parehong panahon, ngunit ang mga taong hinirang ay iyon lamang pangkat na naniniwala at tinatanggap ang katotohanan at isinasagawa ang katotohanan. Ang mga taong ito ay isa lamang napakaliit na bahagi ng kabuuan, at mula sa mga taong ito Ako ay makatatanggap ng higit pang kaluwalhatian."

Magrekomenda nang higit pa:

Pananalig sa Diyos | Ano ba ang Ibig Sabihin ng Tunay na Pananalig sa Diyos?

Ago 10, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Nalulungkot ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan"




I
Sa malawak na mundo na nagbago
nang 'di mabilang na beses mula pa noon,
walang sinuman ang nangunguna at gumagabay sa tao, 
walang sinuman kundi Siya na namamahala sa lahat.
Walang dakila na gumagawa at naghahanda
para sa kapakanan ng sangkatauhan.
Walang gagabay sa kanila tungo sa masiglang kinabukasan,
ni magpapalaya mula sa kawalang katarungan ng mundo.
Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan. 
Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!
Tingnan Kanyang kalungkutan 'pagkat nabibigo silang malaman
na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.
Tao'y nagrebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;
masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.
At walang tumitigil upang malinaw na makita kung
saan pupunta ang tao sa huli.

Ago 7, 2018

Ang Mga Paniwala at Imahinasyon Ay Hindi Kailanman Makakatulong na Makilala Mo ang Diyos

katotohanan, Karanasan, Diyos, Landas, soberanya




I
Ang kaalaman sa Diyos ay hindi nakasalalay
sa karanasan ni imahinasyon.
Ang mga ito ay hindi dapat kailanman ipataw sa Diyos.
Dahil kahit na gaano kayaman
at kanais-nais ang karanasan ng tao,
sila ay limitado, hindi sila katunayan ni katotohanan,
pagiging hindi rin tugma sa tunay na disposisyon ng Diyos,
pagiging hindi rin naaayon sa tunay na diwa ng Diyos.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao,
ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.

Ago 3, 2018

Ano ba talaga ang tunay na pananalig sa Diyos? Paano dapat maniwala sa Diyos ang isang tao para matamo ang Kanyang papuri?

Kaharian, Karanasan, Diyos, Landas, Langit


Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:

  Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, sa gayon, na lahat ng mga taong hindi nakakaalam sa Diyos ay nagtataglay ng isang nakakalitong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagkat ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, sa gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang hangarin ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwat ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagkat sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa guwang na mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang sustansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugang wala nang higit pa sa pagtanggap sa maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Kanya nguni’t tinututulan Siya, tunay na makakatupad sa hangarin ng Diyos?

mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hul 27, 2018

Ang Mga Paniwala at Imahinasyon Ay Hindi Kailanman Makakatulong na Makilala Mo ang Diyos





I
Ang kaalaman sa Diyos ay hindi nakasalalay
sa karanasan ni imahinasyon.
Ang mga ito ay hindi dapat kailanman ipataw sa Diyos.
Dahil kahit na gaano kayaman
at kanais-nais ang karanasan ng tao,
sila ay limitado, hindi sila katunayan ni katotohanan,
pagiging hindi rin tugma sa tunay na disposisyon ng Diyos,
pagiging hindi rin naaayon sa tunay na diwa ng Diyos.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao,
ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.

Hul 26, 2018

Ano ang isang matapat na tao? Bakit gusto ng Diyos ang matatapat na tao?

Diyos, Katapatan, Kaharian, Landas, Buhay



Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:

  Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman magbulaan na Siya ay huwad sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi kailanman itinatago ang katotohanan; huwag kailanman gawin ang bagay na mapanlinlang sa mga nakatataas at mandaraya sa mga nasa ibaba; at hindi kailanman gagawa ng isang gawain upang magmagaling lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pagpigil ng karumihan sa inyong mga kilos at salita, ang hindi manlinlang ng Diyos o tao.

mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hul 13, 2018

1. Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw?

panalangin, Diyos, Kaharian,Landas, kaligtasan



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal” (Levitico 11:45).

“At ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).

  “At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

Hul 12, 2018

Tagalog Christian Gospel Videos | "Walang Katumbas ang Katapatan" Christian Testimony



เน‘▬▬▬▬▬▬▬เน‘۩*•*۩เน‘▬▬▬▬▬▬▬▬เน‘

Tagalog Christian Movies | "Walang Katumbas ang Katapatan" My Days with God (Tagalog Dubbed)


Si Zhen Cheng ang may-ari ng isang appliance repair shop. Mabait Si Zhen Cheng ang may-ari ng isang appliance repair shop. Mabait siya, tapat, at nagnegosyo nang naaayon sa libro. Hindi niya susubukang manloko ng kapwa, pero halos sapat lang ang kinikita niya para masuportahan  ang kanyang pamilya. Paglipas ng ilang panahon, isang kapamilya at kapwa negosyante ang nag-udyok sa kanyang gawin ang mga di-nakasulat na  tuntunin ng negosyo, at nagsimulang maniwala si Zhen Cheng sa mga kasabihang kumakatawan sa satanikong pilosopiya tulad ng: “Ang isang taong walang ikalawang kita ay hindi yayaman kailanman tulad ng isang kabayong hindi bibigat kailanman dahil ginutom sa dayami sa gabi,” “Ang mapangahas ay namamatay sa katakawan ; ang mahiyain ay namamatay sa gutom,” “Hindi pera ang lahat, pero kung wala nito, wala kang magagawang anuman,” at “Una ang pera.”

Hul 10, 2018

Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod

Diyos, Karanasan, Landas, Cristo, Espiritu,







  Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kalooban at tiyaking ang Kanyang gawain sa daigdig ay nadadala sa maayos na kaganapan. Ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao na maglilingkod sa Kanya. Ang bawat tao na naglilingkod sa Diyos ay dapat nauunawaan ang kaloobang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang gawaing ito, mas mahusay na nakikita ng mga tao ang karunungan ng Diyos at pagka-makapangyarihan ng Diyos, at nakikita ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang Diyos ay tunay na dumarating sa daigdig upang gawin ang Kanyang gawain, nakikipag-ugnayan sa mga tao, upang mas malinaw nilang malaman ang Kanyang mga gawa. Ngayon, itong grupo ninyo ay mapalad na naglilingkod sa praktikal na Diyos. Ito ay hindi mabilang na pagpapala para sa inyo. Sa katotohanan, ang Diyos ang nagtataas sa inyo. Sa pagpili ng isang tao na maglilingkod sa Kanya, ang Diyos ay laging may sariling mga prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos, gaya ng iniisip ng mga tao, ay tunay na hindi lamang isang simpleng bagay ng labis na kagustuhan. Ngayon nakikita ninyo kung paano ang sinumang naglilingkod sa Diyos sa Kanyang presensiya ay ginagawa ito sa patnubay ng Diyos at gawa ng Banal na Espiritu; sila ang naghahanap ng katotohanan. Ang mga ito ang pinakamababang kinakailangan na dapat taglayin ng lahat ng naglilingkod sa Diyos.

Hul 6, 2018

Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa

relihiyon, Kaharian, Diyos, Landas, kaligtasan







  Batay sa mga kilos at gawa ng inyong buhay, lahat kayo ay kailangan ang araw-araw na pagdaloy ng mga salita upang tustusan at muling punan kayo, dahil kayo ay masyadong nagkukulang, at ang inyong kaalaman at kakayahan upang makatanggap ay masyadong kakaunti. Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at kaligiran na walang katotohanan o mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga. Hindi Ako kailanman nakatagpo ni isa na totoong inilagay ang kanyang puso at espiritu sa Aking altar, na hindi kailanman nalipat. Samakatuwid, hindi Ko nais na ibuhos nang walang kabuluhan ang lahat ng salita na nais Kong ihayag sa sangkatauhan. Sa Aking puso, Ako ay nagpaplano lamang na kumpletuhin ang Aking hindi natapos na gawain at dalhin ang kaligtasan sa sangkatauhan na ililigtas Ko pa lang. Gayon pa man, nais Ko para sa lahat ng sumunod sa Akin na makatanggap ng Aking kaligtasan at ang katotohanan ng Aking salita na ipinagkaloob sa tao. Umaasa Ako na isang araw, kapag isinara mo ang iyong mga mata, makikita mo ang isang lupain kung saan ang samyo ay pupuno sa hangin at ang mga balon ng buhay na tubig ay dadaloy, hindi isang walang sigla, malamig na mundo kung saan ang kadiliman ay binabalot ang kalangitan at ang mga alulong ay hindi kailanman magwawakas.

Hul 2, 2018

Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao

Kaharian, Diyos, Jesus, Landas, kapalaran


*☆*๏พŸ*。:๏พŸ*☆*๏พŸ:。:**。:๏พŸ*☆*๏พŸ:。:**。:๏พŸ:。:**。:๏พŸ*☆*๏พŸ:。:*


  Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakรกpรกpasok sa kapahingahan. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos, nguni’t alam mo bang ang gawain na ginagawa ng Diyos sa araw na ito ay lalong higit kaysa mga gawain Niya noon at nasa lalong nakatataas na antas? Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na ang Diyos ay Nakagawa ng isang dakilang bagay sa gitna ng mga tao. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay napakahalaga, maging sa tao man o sa Diyos, sapagka’t ang bawa’t bagay sa Kanyang gawain ay may kaugnayan sa tao.

Hun 30, 2018

Tagalog Christian Music Video 2018 | Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan


I
Yaong tumatayong matatag sa huling paglilinis ng Diyos
sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol
ay makakapasok sa huling pahinga.
Yaong nakalaya mula sa impluwensiya ni Satanas
ay makukuha ng Diyos at papasok sa huling kapahingahan.
Ang diwa ng paghatol at pagkastigo
ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga.
Kung wala ang gawaing ito,
tao'y hindi magagawang sundin ang kanyang uri.
Ito ang tanging daan upang makapasok sa kapahingahan.

Hun 23, 2018

Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan




I
Balik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya.
Makilala Ka'y karangalan ko, puso ko'y alay sa 'Yo tunay na Diyos, 
ibinigay ko ang aking puso sa Iyo.
Lambak ng Luhang ma'y dinaanan, rikit ng Diyos kita.
Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko'y galing Sa 'Yo.
Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso'y kapit sa Kanya.
Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko'y umigkas.
II
Pinagpalang lupain ng Canaan, ang lahat ay sariwa, ang lahat ay may buhay. 
Makapangyarihang Diyos Kanyang tinig, inakay tayo sa Kapanahunan ng Kaharian.
Sa Kanyang salita landas ay mahanap, 
makikita ang landas na dapat tao'y lumakad.
Pangarap na langit ngayo'y tunay, di na hahanapin, papangarapin.

Hun 20, 2018

Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila'y Sasamba sa Tunay na Diyos




Diyos ang may likha ng mundo at ng tao.

Unang kultura ng Griyego at sibilisasyon ng tao'y gawa Niya.
Diyos lang ang umaaliw, umaaliw sa tao.
Pag unlad ng tao'y
Diyos lang ang umaaruga sa tao araw at gabi. di-mahiwalay sa kapangyarihan ng Diyos.
di-mahiwalay sa mga disenyo ng Diyos, ang disenyo ng Diyos.
Ang nakaraan at kinabukasan ng tao'y

Hun 7, 2018

Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

iglesia, Langit, Landas, Diyos, Jesus


  Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang pinagdaanan na kahirapan; o marahil hindi ka sumailalim sa kahirapan at sa halip tumanggap ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang ordinaryo lamang. Sa kabila nito, ikaw ay nanatiling tagasunod ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagsasamahan tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya. Gayunman, aking pinaaalalahanan ang lahat ng magbabasa ng mga salitang ito na ang salita ng Diyos ay nakadirekta tungo sa lahat ng kumikilala sa Diyos at lahat ng sumusunod sa Diyos, hindi tungo sa lahat ng tao sa pangkalahatan, kabilang ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay nagsasalita para sa karamihan, sa lahat ng tao sa mundo, walang magiging epekto sa iyo kung gayon ang salita ng Diyos. Kaya, dapat mong ingatan ang lahat ng mga salita na malapit sa inyong puso, at huwag mong ilagay ang iyong sarili sa labas ng nasasakupan nito. Sa anumang pagkakataon, ating pag-usapan kung anong nangyayari sa ating tahanan.

Abr 25, 2018

Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan

Fariseo,Langit, Espiritu, Landas,Buhay musika





 I

Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon
nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao,"
at tinatapos ang kapanahunan ng  paniniwala
sa malabong D'yos.
Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos
dalhin lahat ng sangkatauhan,
dalhin ang tao sa mas totoo,
mas praktikal, at mas mabuting panahon.