Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Diyos ay hindi lamang ang Banal na Espiritu, ang Espiritung iyon, pitong beses na pinatinding Espiritu, ang sumasaklaw ng lahat sa Espiritu, kundi isa ring tao, isang ordinaryong tao, isang napakakaraniwang tao. Hindi lamang Siya lalaki, kundi pati na rin babae. Sila ay may pagkakapareho kung saan pareho silang ipinanganak sa tao, at magkaiba dahil ipinanganak ang isa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ang isa ay ipinanganak bilang tao ngunit nagmula mismo sa Espiritu. Sila ay magkatulad kung saan sila ay parehong nagkatawang-tao na Diyos na ipinapatupad ang Gawa ng Diyos Ama, at magkaiba dahil ang isa ay gumagawa ng gawain ng pagtubos at ang isa ay gumagawa ng gawain ng panlulupig. Parehong kumakatawan sa Diyos Ama, ngunit ang isa ay ang Panginoon ng pagtubos na puno ng kagandahang-loob at awa, at ang isa naman ay ang Diyos ng katuwiran na puspos ng galit at paghatol. Ang isa ay ang Kataas-taasang Tagapagpatupad upang ilunsad ang gawa ng pagtubos, at ang isa ay ang matuwid na Diyos upang matupad ang gawa ng panlulupig. Ang isa ay ang Simula, at ang isa naman ay Wakas. Ang isa ay walang kasalanang katawan, ang isa naman ay katawan na tumatapos ng pagtubos, nagpapatuloy ng gawa, at hindi kailanman nagkasala. Ang dalawa ay ang parehong Espiritu, ngunit tumira Sila sa iba’t ibang katawang-tao at parehong ipinanganak sa iba’t ibang mga lugar. At Sila ay pinaghiwalay nang ilang libong taon. Gayon man, ang lahat ng Kanilang mga gawa ay magkasangga, hindi magkasalungat, at maaaring sambitin sa parehong hininga. Pareho Silang tao, ngunit ang isa ay batang lalaki at ang isa naman ay batang babae. "
Rekomendasyon:
Pananalig sa Diyos | Ano ba ang Ibig Sabihin ng Tunay na Pananalig sa Diyos?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento