菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 25, 2018

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikatlong Bahagi)


Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus | Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikatlong Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Paano Itinatatag ng Diyos ang Kalalabasan ng Tao at ang Pamantayan ng Pagtatatag Niya sa Kalalabasan ng Tao
Isang Praktikal na Tanong na Nagdadala ng Lahat ng Uri ng Kahihiyan sa mga Tao

Ago 20, 2018

Ang Landas... (4)

Na nakakaya ng mga tao na matuklasan ang kariktan ng Diyos, mahanap ang daan ng pagmamahal sa Diyos sa kapanahunang ito, at na sila ay handang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian ngayon—lahat ng ito ay biyaya ng Diyos at lalong higit pa, ito ay Siya na nagtataas sa sangkatauhan.

Ang Landas... (4)


Na nakakaya ng mga tao na matuklasan ang kariktan ng Diyos, mahanap ang daan ng pagmamahal sa Diyos sa kapanahunang ito, at na sila ay handang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian ngayon—lahat ng ito ay biyaya ng Diyos at lalong higit pa, ito ay Siya na nagtataas sa sangkatauhan. Kapag iniisip Ko ito nadarama Ko nang matindi ang kariktan ng Diyos. Tunay na minamahal tayo ng Diyos. Kung hindi, sino ang makakatuklas sa Kanyang kariktan? Dito Ko lamang nakikita na ang lahat ng gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Sarili Niya, at ang mga tao ay ginagabayan at pinapatnubayan ng Diyos.

Ago 13, 2018

Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain

Biblia, langit, Espiritu, Jesus, Diyos



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

  “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

  “Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).

  “Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

  “Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

  “Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

  “At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi” (Pahayag 1:12-16).

Ago 5, 2018

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Unang bahagi)

panalangin, Jesus, Espiritu, Cristo, Ebanghelyo,




  1. Sa Kapanahunan ng Biyaya, inihanda ni Juan ang daan para kay Jesus. Hindi Niya kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at tinupad lamang ang katungkulan ng tao. Kahit si Juan ang tanda ng Panginoon, hindi niya maaaring katawanin ang Diyos; isa lamang siyang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kasunod ng bautismo ni Jesus, “ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya tulad ng isang kalapati.” Sinimulan na Niya ang Kanyang gawain, iyon ay, sinimulan Niyang isagawa ang ministeryo ni Cristo. Iyon ang dahilan kung bakit ginampanan Niya ang katauhan ng Diyos, sapagkat Siya ay nagmula sa Diyos. Anuman ang katayuan ng Kanyang pananampalataya bago ito—marahil kung minsan ito ay mahina, o kung minsan ito ay malakas—iyon lamang ang Kanyang normal na buhay bilang tao bago Niya ginanap ang Kanyang ministeryo. Pagkatapos Siyang binautismuhan (pahiran), agad Siyang nagkaroon ng kapangyarihan at ng kaluwalhatian ng Diyos, at sa gayon ay nagsimulang ganapin ang Kanyang ministeryo. Kaya Niyang gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan, gumawa ng mga himala, mayroon Siyang kapangyarihan at awtoridad, sapagka’t Siya ay nagtrabaho nang direkta sa ngalan ng Diyos Mismo; ginawa Niya ang gawain ng Espiritu na kahalili Niya at ipinahayag ang tinig ng Espiritu; samakatuwid Siya Mismo ang Diyos. Hindi ito mapag-aalinlanganan. Ginamit si Juan ng Banal na Espiritu. Hindi Niya maaaring katawanin ang Diyos, at hindi posible para sa kanya na kumatawan sa Diyos. Kung naisin niya na gawin ito, hindi ito papayagan ng Banal na Espiritu, sapagkat hindi niya maaaring gawin ang gawain na inilaan ng Diyos Mismo na ganapin. Marahil marami sa kanya ang kalooban ng tao, o may bagay sa kanyang lihis; hindi niya kailanman maaaring direktang katawanin ang Diyos. Kinakatawan lamang ng kanyang mga pagkakamali at kalisyaan ang sarili niya, ngunit kinakatawan ng kanyang gawain ang Banal na Espiritu. Gayon pa man, hindi mo maaaring sabihing kinakatawan ng lahat sa kanya ang Diyos. Kaya ba ng kanyang paglihis at kalisyaan na katawanin din ang Diyos? Normal sa kumakatawan ng tao na maging mali, ngunit kung nagkaroon siya ng paglihis sa pagkatawan sa Diyos, sa gayon hindi ba yan kahihiyan sa Diyos? Hindi ba yan kalapastangan laban sa Banal na Espiritu? Hindi pinapahintulutan ng Banal na Espiritu ang tao na tumayo sa lugar ng Diyos, kahit na dinadakila siya ng iba. Kung hindi siya ang Diyos, hindi niya magagawang manatiling nakatayo sa katapusan. Hindi pinapahintulutan ng Banal na Espiritu ang tao na kumatawan sa Diyos ayon sa pagnanais ng tao! Halimbawa, nagpatotoo kay Juan ang Espiritu Santo, at ibinunyag rin na siya ang maghahanda ng daan para kay Jesus, ngunit mahusay na sinukat ng Banal na Espiritu ang gawain na ginawa sa kanya. Ang maging tagahanda ng daan para kay Jesus ang tanging hiningi kay Juan, ang ihanda ang daan para sa Kanya. Ibig sabihin, itinaguyod lamang ng Banal na Espiritu ang kanyang gawa sa paghahanda ng daan at pinahintulutan lamang siya na gawin ang ganung trabaho, wala nang iba. Kinakatawan ni Juan si Elias, ang propeta na naghanda ng daan. Itinaguyod ng Banal na Espiritu ito; hangga’t ang kanyang trabaho ay ang ihanda ang daan, itinaguyod ito ng Banal na Espiritu. Subalit, kung sinabi niyang siya ay Diyos Mismo at dumating upang tapusin ang gawain ng pagtubos, dapat siyang disiplinahin ng Banal na Espiritu. Gaano man kahusay ang gawain ni Juan, at itinaguyod man ito ng Banal na Espiritu, nanatili sa loob ng mga hangganan ang kanyang trabaho. Ang kanyang trabaho sa katunayan ay totoong itinaguyod ng Banal na Espiritu, ngunit limitado sa paghahanda ng daan ang kapangyarihan na ibinigay sa kanya sa oras na iyon. Hindi niya maaaring gawin, sa anumang paraan, ang anumang iba pang gawain, dahil siya lamang ay si Juan na naghanda ng daan, at hindi si Jesus. Samakatuwid, susi ang patotoo ng Banal na Espiritu, ngunit mas mahalaga pa ang gawain na pinahintulutan ng Banal na Espiritu na gawin ng tao.

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hul 24, 2018

Paano makakapagbuo ng normal na kaugnayan sa Diyos ang isang tao

katotohanan, iglesia, Diyos, Espiritu, Buhay



Mga nauugnay na salita ng Makapangyarihang Diyos:
Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pag-antig sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag nakikibahagi sa mga salita ng Diyos sa kanilang puso, sila sa gayon ay kinikilusan ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo ang iyong puso sa Diyos saka mo lamang mapauunlad nang unti-unti ang isang espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sariling kanila, kung gayon ang lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, at ito ay pawang pag-uugali ng mga taong relihiyoso—hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto




Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Yaong gagawing perpekto ng Diyos ay silang tatanggap ng mga pagpapala ng Diyos at ng Kanyang pamana. Iyon ay, tinatanggap nila kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, upang mabuo kung anong mayroon sila sa loob; isinagawa sa kanila ang lahat ng salita ng Diyos; anuman ang kabuuan ng Diyos, magagawa ninyong ganap na tanggapin ang lahat bilang gayon, kaya naisasabuhay ang katotohanan. Ito ang uri ng tao na ginawang perpekto ng Diyos at nakamit ng Diyos."

Rekomendasyon:


Ano Ito Na Luminlang Sa Aking Espiritu?

Hul 17, 2018

Christian Songs | Ang Awtoridad at Kapangyarihan na Ipinapakita ng Diyos Nang Nagkatawang-tao




I
D'yos ay dumating sa lupa upang katunaya'y tuparin,
katunayan ng "pagkakatawang-tao ng Salita."
Ang mga salita ng D'yos nagmumula sa katawang-tao
(di tulad Sa Lumang Tipan, 
tuwirang nagsalita ang D'yos mula langit).
Lahat sila'y matutupad sa Milenyong Kaharian
upang maging katunayang nakikita ng tao,
para katupara'y tiyak na makita ng lahat.
Ito ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng D'yos.
Naganap ang gawain ng Espiritu
sa pamamagitan ng katawang-tao at salita.
Ito ang kahulugan ng "Salitang nagkatawang-tao,
ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao."

II
Diyos lang makakapagwika sa isip ng Espiritu,
at D'yos lang sa katawang-tao ang makakapagwika
sa ngalan ng Espiritu.
Salita ng D'yos ay nagpapakita sa nagkatawang-taong D'yos.
Bawa't isa'y magagabayan nito
at lahat ay namumuhay sa hangganan nito.
Kaunawaa'y makakamit sa pagbigkas na ito;
liban sa pagbigkas na 'to walang sinumang
makakapangarap na makatanggap
ng pagbigkas mula langit.
Ito ang ipinakitang awtoridad ng Diyos sa pagkakatawang-tao,
upang bawat tao'y makumbinsi,
upang bawat tao'y makumbinsi.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hul 14, 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa"





Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Diyos ay hindi lamang ang Banal na Espiritu, ang Espiritung iyon, pitong beses na pinatinding Espiritu, ang sumasaklaw ng lahat sa Espiritu, kundi isa ring tao, isang ordinaryong tao, isang napakakaraniwang tao. Hindi lamang Siya lalaki, kundi pati na rin babae. Sila ay may pagkakapareho kung saan pareho silang ipinanganak sa tao, at magkaiba dahil ipinanganak ang isa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ang isa ay ipinanganak bilang tao ngunit nagmula mismo sa Espiritu. Sila ay magkatulad kung saan sila ay parehong nagkatawang-tao na Diyos na ipinapatupad ang Gawa ng Diyos Ama, at magkaiba dahil ang isa ay gumagawa ng gawain ng pagtubos at ang isa ay gumagawa ng gawain ng panlulupig. Parehong kumakatawan sa Diyos Ama, ngunit ang isa ay ang Panginoon ng pagtubos na puno ng kagandahang-loob at awa, at ang isa naman ay ang Diyos ng katuwiran na puspos ng galit at paghatol. Ang isa ay ang Kataas-taasang Tagapagpatupad upang ilunsad ang gawa ng pagtubos, at ang isa ay ang matuwid na Diyos upang matupad ang gawa ng panlulupig. Ang isa ay ang Simula, at ang isa naman ay Wakas. Ang isa ay walang kasalanang katawan, ang isa naman ay katawan na tumatapos ng pagtubos, nagpapatuloy ng gawa, at hindi kailanman nagkasala. Ang dalawa ay ang parehong Espiritu, ngunit tumira Sila sa iba’t ibang katawang-tao at parehong ipinanganak sa iba’t ibang mga lugar. At Sila ay pinaghiwalay nang ilang libong taon. Gayon man, ang lahat ng Kanilang mga gawa ay magkasangga, hindi magkasalungat, at maaaring sambitin sa parehong hininga. Pareho Silang tao, ngunit ang isa ay batang lalaki at ang isa naman ay batang babae. "

Rekomendasyon:

Pananalig sa Diyos | Ano ba ang Ibig Sabihin ng Tunay na Pananalig sa Diyos?


Hun 26, 2018

Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao

Diyos, kaligtasan, Espiritu, Buhay, Papuri






Mga personal na saloobin:


Bilang isang Kristiyano, kung paano maunawaan ang kalooban ng Diyos, at maging mga katiwala ng Diyos? Ang tanging paraan ay upang malaman ang Diyos ay naging tao.Makinig tayo sa isang himno na makilala ang Diyos at damhin ang pag-ibig ng Diyos!


I
Kapag ibinibaba ng Diyos ang sarili Niya,
Siya'y nagkakatawang-tao't nananahan sa tao,
saka lang sila maaring maging,
kanyang katiwala't matalik na kaibigan.
Paano magiging katiwala ng Diyos ang tao
kung ang Diyos ay espiritu, angat at mahirap arukin?
Tanging sa pagkakatawang-tao lamang ng Diyos
mauunawaan ng tao ang kalooban Niya at matamo Niya.

Hun 11, 2018

Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

Buhay, katotohanan, Jesus, krus, Espiritu,



  Mga nauugnay na salita ng Makapangyarihang Diyos:

  Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.

mula sa “Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa ‘Puting Ulap’”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hun 10, 2018

Kanta ng Papuri Tagalog | Paghahandog ng Tapat na Puso sa Diyos



I
Mga kapatid, kumilos at sumayaw; 
Huwag maalangan o mahiya.
Di alintana ng Diyos kung kilos mo’y di maganda, 
tanging pagpupuring totoo ang nakasisiya sa Kanya.
Kung ibig mong purihin Siya nang buo mong puso,
isaisantabi ang ‘yong hiya at kumilos sa pagsayaw.
Di alintana ng Diyos kung ga’no tayo katanda, o ga’no karaming taong nakatayo.
Taos na pagpupuri’y nagpapalaya sa espiritu natin. Ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos.
Ang ating taos pusong pagpuri sa Diyos ay nagbibigay kasiyahan,
Ang biyaya ng Diyos ay tiyak na ipinagkaloob sa atin.

Hun 4, 2018

Cristianong Ebanghelyong Pelikula | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit



  Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoong JesusMakapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si Cui Cheng'en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Gayunman, nang pinag-aaralan na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinenta sila ng mga elder ng relihiyon na nagsuplong sa kanila sa mga pulis. Inaresto ang dalawa at ipinatapon ng mga pulis ng Chinese Communist. Sa South Korea naman, nasaktan at nalito si Song Ruiming. Patuloy siyang nag-isip ng mga paraan para makontak ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, bigla niyang natuklasan ang Korean website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet, batid na lumaganap na ang Kidlat ng Silanganan sa South Korea at nagtatag ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Masayang-masaya at tuwang-tuwa, hinikayat ni Song Ruiming na pag-aralan ng mga kapatid sa kanyang iglesia ang tunay na daan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matibay ang paniniwala nila na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya nilang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at natagpuan nila ang landas patungo sa kaharian ng langit. Sa huli ay may pagkakataon na rin siyang tuparin ang kanyang pinapangarap na kaharian sa langit.


Hun 3, 2018

Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Jesus, langit,Espiritu, Iglesia, ebanghelyo






  Umiiral lamang sa tao ang hindi tiyak na salita ng pananampalataya, subalit hindi alam ng tao kung ano ang bumubuo sa pananampalataya, at lalo na kung bakit siya may pananampalataya. Masyadong maliit ang pang-unawa ng tao at ang tao mismo ay masyadong kulang; siya ay may pananampalataya lamang sa Akin nang wala sa isip at walang pagkaalam. Bagaman hindi niya nalalaman kung ano ang pananampalataya ni kung bakit siya may pananampalataya sa Akin, patuloy at masidhi niyang ginagawa. Ang hinihiling Ko sa tao ay hindi lamang para tawagin niya Ako nang masidhi sa ganitong paraan o maniwala sa Akin sa isang paraang magulo. Sapagkat ang Aking gawain ay para sa tao upang makita niya Ako at makilala Ako, hindi para mamangha at tingnan Ako ng tao nang may ibang pagkaunawa dahil sa Aking gawain. Dati Akong nagpamalas ng maraming tanda at himala at nagsagawa ng maraming milagro. Ang mga Israelita noong panahong iyon ay nagpakita sa Akin ng lubos na paghanga at lubhang sinamba ang Aking pambihirang kakayahang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Noong panahong iyon, inakala ng mga Judio na ang Aking kapangyarihan sa pagpapagaling ay pagka-dalubhasa at hindi pangkaraniwan. Dahil sa Aking maraming naturang gawain, itinuring nila Ako nang may respeto; nakaramdam sila ng malaking paghanga sa lahat ng Aking kapangyarihan. Kaya sinumang nakakita sa Aking gumawa ng mga milagro ay sinundan Ako nang mabuti, kung saan napalibutan Ako ng libu-libo upang panoorin Akong magpagaling ng maysakit. Nagpamalas Ako ng maraming tanda at himala, ngunit itinuring lamang Ako ng tao bilang isang dalubhasang manggagamot; nagsalita rin Ako ng maraming salita ng pagtuturo sa mga tao noong panahong iyon, ngunit itinuring lamang nila Ako bilang isang nakahihigit na guro sa kanyang mga disipulo! Maging sa araw na ito, matapos matunghayan ng mga tao ang pangkasaysayang tala ng Aking gawain, nagpapatuloy ang kanilang interpretasyon sa Akin bilang isang magaling na doktor na nagpapagaling ng maysakit at isang guro sa mga mangmang. At tinukoy nila Ako bilang ang mahabaging Panginoong Jesucristo. Ang mga nagbibigay kahulugan sa banal na kasulatan ay maaaring nalampasan ang Aking kakayahan sa pagpapagaling, o maaaring mga disipulo na dinaig pa ngayon ang kanilang mga guro, ngunit ang mga ganoong tao na may dakilang katanyagan, na ang mga pangalan ay kilala sa buong mundo, ay itinuturing Ako nang napakababa bilang isang hamak na manggagamot! Mas higit pa sa bilang ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat ang Aking mga gawa, at mas lalong dakila pa kaysa sa lahat ng mga anak ni Solomon ang Aking karunungan, ngunit ang mga tao ay basta na lamang Akong pinapalagay bilang isang manggagamot na maliit ang kabuluhan at isang hindi kilalang guro ng tao! Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang pagalingin lamang sila? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para gamitin Ko lamang ang Aking kapangyarihan sa pagtaboy ng mga masasamang espiritu mula sa kanilang katawan? At gaano karami ang naniniwala sa Akin upang makatanggap lamang ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Akin? Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang hingan lamang Ako ng higit pang materyal na kayamanan, at gaano karami ang naniniwala sa Akin upang gugulin ang buhay na ito sa kaligtasan at upang maging ligtas at tiwasay sa mundong darating? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para maiwasan lamang ang pagdurusa ng impiyerno at tumanggap ng mga pagpapala ng langit? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang ginhawa ngunit hindi naghahangad na may makamit man lang sa mundong darating? Nang Ako ay naghatid ng Aking matinding galit sa tao at kinuha ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Nang ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, naging galit ang kahihiyan ng tao. Nang hinilingan Ako ng tao upang pagalingin siya, ngunit hindi Ko siya kinilala at nakadama ng pagkamuhi para sa kanya, ang tao ay lumayo mula sa Akin at hinangad ang paraan ng mga mangkukulam at mangbabarang. Nang inalis Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, sa gayon nangagsiwalaan ang lahat nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang. Ang mga Judio ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sumunod sa Akin saan man Ako nagtungo. Ang mga ignoranteng tao na ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay hinanap lamang ang mga tanda at himala na ipinamalas Ko. Itinuring nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinaka-dakilang milagro. Samakatuwid, kapag pinalayas Ko ang mga demonyo mula sa mga tao, naguusap-usap sila na may malaking kalituhan, sinasabing Ako si Elias, Ako si Moises, na Ako ang pinaka-sinauna sa lahat ng mga propeta, na Ako ang pinakamagaling sa lahat ng mga manggagamot. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing Ako ang buhay, ang daan at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking katauhan o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos Mismo. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing dadalhin Ko sa kaligtasan ang lahat ng sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaalam na Ako ang Tagapagligtas ng sangkatauhan; kilala lang Ako ng tao bilang isang mabait at maawaing tao. At bukod sa Aking sarili na nagagawang ipaliwanag ang lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakilala sa Akin, at walang naniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Ang tao lang ang may ganitong paraan ng pananampalataya sa Akin, at nililinlang Ako sa ganitong paraan. Paanong magagawa ng tao na maging saksi sa Akin kapag taglay niya ang ganitong pananaw tungkol sa Akin?

May 22, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Ikalawang bahagi)



iglesia, Espiritu, Walang hanggan, Landas, Diyos




  Yaong mga nagdadala sa kanilang lubos na di-sumasampalatayang mga anak at kamag-anak sa simbahan ay masyadong makasarili at ipinakikita ang kanilang kabaitan. Ang mga taong ito ay pinagdidiinan lang ang pag-ibig, na walang pagsasaalang-alang sa kung sila ay naniniwala o kung ito ay kalooban ng Diyos. Ang ilan ay dinadala ang kanilang mga asawa sa harap ng Diyos, o dinadala ang kanilang mga magulang sa harap ng Diyos, at hindi alintana kung ang Banal na Espiritu ay sumasang-ayon o gagampanan ang Kanyang gawain, sila ay pikit-matang “kumupkop ng talentadong tao” para sa Diyos. Anong pakinabang ang makakamit mula sa pagpapalawak ng kagandahang-loob na ito sa mga tao na hindi naniniwala? Kahit na ang mga di-mananampalataya na ito na walang presensya ng Banal na Espiritu ay nagpupumilit na sumunod sa Diyos, sila ay hindi pa rin maaaring mailigtas na tulad ng pinaniniwalaan ng isa. Yaong mga tumatanggap ng kaligtasan ay hindi talagang ganoon kadaling matamo. Yaong hindi napasailalim sa gawain at mga pagsubok ng Banal na Espiritu at hindi pa nagagawang perpekto ng Diyos na nagkatawang-tao ay hindi kailanman maaaring gawing ganap. Samakatuwid, ang mga taong ito ay kulang sa presensiya ng Banal na Espiritu mula sa sandaling simulan nila ang naturingang pagsunod sa Diyos. Ayon sa kanilang mga kondisyon at aktuwal na kalalagayan, sila ay sadyang hindi maaaring gawing ganap. Kaya, ang Banal na Espiritu ay hindi nagpapasya na gumugol ng mas maraming enerhiya sa kanila, at hindi rin Siya nagbibigay ng anumang pagliliwanag o gagabayan sila sa anumang paraan; pinahihintulutan lang Niya sila na sumunod at sa huli ay ibinubunyag ang kanilang mga kalalabasan—ito ay sapat. Ang sigasig at mga intensyon ng tao ay galing kay Satanas, at walang paraan upang magawa nilang gawing ganap ang gawain ng Banal na Espiritu. Anuman ang uri ng isang tao, siya ay dapat magtaglay ng gawain ng Banal na Espiritu—magagawa bang gawing ganap ng isang tao ang isang tao? Bakit iniibig ng isang lalaki ang kanyang asawa? At bakit iniibig ng isang babae ang kanyang asawa? Bakit masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang? At bakit ang mga magulang ay nahuhumaling sa kanilang mga anak? Anong mga uri ng mga intensyon ang talagang tinataglay ng mga tao? Hindi ba ito upang masiyahan sa sariling mga plano at makasariling mga hangarin? Ito ba’y talagang para sa plano sa pamamahala ng Diyos? Ito ba’y para sa gawain ng Diyos? Ito ba’y upang tuparin ang tungkulin ng isang nilalang? Yaong mga dating naniwala sa Diyos at hindi matamo ang presensya ng Banal na Espiritu ay hindi kailanman magtatamo ng gawain ng banal na Espiritu; napagpasyahan na ang mga taong ito’y wawasakin. Gaano man ang pag-ibig na mayroon ang isa para sa kanila, hindi nito maaaring palitan ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang sigasig at pag-ibig ng tao ay kumakatawan sa mga intensyon ng tao, ngunit hindi maaaring kumatawan sa mga intensyon ng Diyos at hindi maaaring pumalit sa gawain ng Diyos. Palawigin man ng isang tao ang katumbas ng pinakadakilang pag-ibig o awa na posible tungo sa mga tao na naturingang naniniwala sa Diyos at magpanggap na sumusunod sa Kanya ngunit hindi alam kung paano ang maniwala sa Diyos, hindi pa rin nila matatamo ang simpatiya ng Diyos o matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kahit na ang mga taong taos-pusong sumusunod sa Diyos ay mahina ang kakayahan at hindi maunawaan ang maraming mga katotohanan, maaari pa rin nilang paminsan-minsang matamo ang mga gawain ng Banal na Espiritu, ngunit ang matataas ang kakayahan gayunma’y hindi taos-puso ang paniniwala ay hindi maaaring matamo ang presensya ng Banal na Espiritu. Talagang walang anumang posibilidad para sa kaligtasan ang mga taong ito. Kahit na binabasa nila o paminsan-minsang nakikinig sa mga mensahe o umaawit ng mga papuri sa Diyos, sa katapusan ay hindi nila magagawang manatili sa oras ng kapahingahan. Maging ang taos-pusong paghahanap ay hindi pinagpapasyahan kung paano sila hinahatulan ng iba o kung paano sila tinitingnan ng mga tao sa paligid nila, ngunit kung paano kumikilos ang Banal na Espiritu sa kanila at kung mayroon silang presensya ng Banal na Espiritu, at ito lahat ay mas pinagpapasyahan kung ang kanilang disposisyon ay magbabago at kung mayroon silang kaalaman sa Diyos matapos sumailalim sa gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng isang tiyak na panahon; kung ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa isang tao, ang disposisyon ng taong ito ay unti-unting magbabago, at ang kanilang pananaw sa paniniwala sa Diyos ay unti-unting magiging mas dalisay. Hindi alintana kung gaano katagal nang sumusunod ang isang tao sa Diyos, basta’t sila’y nagbago, ito’y nangangahulugan na ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa kanila. Kung hindi sila nagbago, ito’y nangangahulugan na ang Banal na Espiritu ay hindi kumikilos sa kanila. Kahit na ang mga taong ito ay magbigay ng paglilingkod, sila ay inuudyukan ng kanilang mga intensyon na magtamo ng magandang kapalaran. Ang paminsan-minsang paglilingkod ay hindi maaaring pumalit sa pagbabago ng kanilang disposisyon. Sa bandang huli ay wawasakin pa rin sila, sapagka’t hindi kinakailangan ang mga nag-uukol ng paglilingkod sa loob ng kaharian, at hindi rin kailangan para sa sinuman na hindi nagbago ang disposisyon na maglingkod sa mga tao na ginawang perpekto at silang mga tapat sa Diyos. Ang mga salitang iyon mula sa nakaraan, “Kapag ang sinuman ay naniniwala sa Panginoon, ang pagpapala ay dadaloy sa kanyang buong pamilya,” ay angkop para sa Kapanahunan ng Biyaya ngunit walang kaugnayan sa hantungan ng tao. Ang mga ito ay angkop lang para sa isang yugto noong Kapanahunan ng Biyaya. Ang nilalayon na kahulugan ng mga salitang ito ay nakadirekta sa kapayapaan at materyal na mga pagpapala na tinatamasa ng mga tao; hindi nito ibig sabihin na ang buong pamilya ng isang taong naniniwala sa Panginoon ay maililigtas, at hindi rin nito ibig sabihin na kung ang isa ay nagtatamo ng magandang kapalaran, ang kanyang buong pamilya ay madadala rin sa kapahingahan. Kahit nakatatanggap ang sinuman ng mga pagpapala o dumaranas ng kasawian ito’y pinagpapasyahan ayon sa sariling kakanyahan, at hindi pinagpapasyahan ayon sa mga karaniwang kakanyahan na kapareho ng iba. Ang kaharian ay talagang walang ganitong uri ng kasabihan o ganitong uri ng patakaran. Kung magagawa ninuman na makaligtas sa huli, ito’y dahil nakaabot siya sa mga kinakailangan ng Diyos, at kung sa huli sinuman ay hindi magawang manatili sa oras ng kapahingahan, ito’y dahil ang taong ito ay suwail sa Diyos at hindi natugunan ang mga kinakailangan ng Diyos. Ang bawa’t isa ay may naaangkop na hantungan. Ang mga hantungang ito ay pinagpapasyahan ayon sa kakanyahan ng bawat tao at ito ay ganap na walang-kaugnayan sa iba. Ang napakasamang pag-uugali ng isang bata ay hindi maaaring ilipat sa kanyang mga magulang, at ang pagkamatuwid ng isang bata ay hindi maaaring ibahagi sa kanyang mga magulang. Ang napakasamang pag-uugali ng magulang ay hindi maaaring ilipat sa kanyang mga anak, at ang pagkamatuwid ng magulang ay hindi maaaring ibahagi sa kanyang mga anak. Ang bawa’t isa ay dinadala ang kanyang kaukulang mga kasalanan, at tinatamasa ng bawa’t isa ang kanyang kaukulang kapalaran. Walang sinuman ang maaaring pumalit para sa iba. Ito ang pagkamatuwid. Sa pananaw ng tao, kung ang mga magulang ay makakuha ng magandang kapalaran, ganyan din ang kanilang mga anak, at kung ang anak ay gumawa ng masama, ang kanilang mga magulang ay dapat magbayad-sala para sa kanilang mga kasalanan. Ito ang pananaw ng tao at paraan ng tao sa paggawa ng mga bagay. Hindi ito pananaw ng Diyos. Ang kalalabasan ng bawat isa ay pinagpapasyahan ayon sa kakanyahan na nanggagaling mula sa kanilang pag-uugali, at ito ay palaging pinagpapasyahan nang naaangkop. Walang sinuman ang maaaring magdala sa mga kasalanan ng iba: at higit pa, walang sinuman ang maaaring tumanggap ng kaparusahan na kahalili ng iba. Ito ay tiyak. Ang haling na haling na pangangalaga ng magulang para sa kanyang mga anak ay hindi nangangahulugan na maaari silang magsagawa ng matuwid na mga gawa na kahalili ng kanilang mga anak, ni ang masunuring pagmamahal ng isang bata sa kanyang mga magulang ay nangangahulugan na maaari silang magsagawa ng matuwid na mga gawa na kahalili ng kanilang mga magulang. Ito ang tunay na kahulugan sa likod ng mga salita, “Kung magkagayo’y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan: Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan.” Walang sinuman ang maaaring dalhin ang kanilang mga anak na gumagawa ng kasamaan sa kapahingahan batay sa kanilang malalim na pag-ibig para sa kanilang mga anak, at ni maaaring dalhin ng sinuman ang kanyang asawang babae (o lalaki) sa kapahingahan batay sa kanilang sariling matuwid na pag-uugali. Ito ay isang administratibong patakaran; walang maaaring mga eksepsiyon para sa sinuman. Ang gumagawa ng pagkamatuwid ay gumagawa ng pagkamatuwid, at ang gumagawa ng kasamaan ay gumagawa ng kasamaan. Ang mga gumagawa ng pagkamatuwid ay makakayang makaligtas, at ang mga gumagawa ng kasamaan ay wawasakin. Ang banal ay banal; hindi sila marumi. Ang marumi ay marumi, at hindi sila nagtataglay ng kahit na anumang bahaging banal. Lahat ng masasamang tao ay wawasakin, at lahat ng mga taong matuwid ay makaliligtas, kahit na ang mga anak nang gumagawa ng masama ay gumawa ng matutuwid na gawa, at kahit na ang mga magulang ng isang matuwid na tao ay gumawa ng masasamang gawa. Walang relasyon sa pagitan ng isang nananampalatayang asawang lalaki at ng asawang babaeng di-sumasampalataya, at walang relasyon sa pagitan ng nananampalatayang mga anak at di-nananampalatayang magulang. Sila ay dalawang di-magkaayong uri. Bago pumasok sa kapahingahan, ang isa ay may pisikal na mga kamag-anak, ngunit sa sandaling ang sinuman ay pumasok na sa kapahingahan, siya ay wala nang anumang pisikal na mga kamag-anak na masasabi. Yaong mga ginagawa ang kanilang tungkulin at ang mga hindi ay magkaaway; ang mga umiibig sa Diyos at ang mga namumuhi sa Diyos ay magkasalungat sa isa’t isa. Ang mga pumasok sa kapahingahan at ang mga taong nawasak ay dalawang magkaibang uri ng mga nilalang. Ang mga nilalang na tutupad sa kanilang tungkulin ay makakaligtas, at ang mga nilalang na hindi makatupad ng kanilang mga tungkulin ay wawasakin; higit pa rito, ito’y mananatili sa walang-hanggan. Minamahal mo ba ang iyong asawang lalaki upang tuparin ang iyong tungkulin bilang nilalang? Minamahal mo ba ang iyong asawang babae upang tuparin ang iyong tungkulin bilang nilalang? Ikaw ba’y masunurin sa iyong di-sumasampalatayang mga magulang upang tuparin ang iyong tungkulin bilang nilalang? Ang pananaw ba ng tao sa paniniwala sa Diyos ay tama o hindi? Bakit ka naniniwala sa Diyos? Ano ang iyong nais matamo? Paano mo mahal ang Diyos? Yaong mga hindi makatupad sa kanilang tungkulin bilang mga nilalang at hindi makagawa ng buong pagsisikap ay wawasakin. Ang mga tao ngayon ay may pisikal na relasyon sa isa’t isa, pati na rin ang mga ugnayan sa pamamagitan ng dugo, ngunit sa maglaon lahat ng ito’y madudurog. Ang mga mananampalataya at hindi naniniwala ay hindi kaayon ngunit sa halip ay salungat sa isa’t isa. Yaong mga nasa kapahingahan ay naniniwala na mayroong Diyos at masunurin sa Diyos. Ang mga suwail sa Diyos ay wawasakin lahat. Ang mga pamilya ay hindi na iiral pa sa lupa; paano maaaring magkaroon ng mga magulang o mga anak o mga relasyon sa pagitan ng mag-asawa? Ang mismong di-pagkaayon sa paniniwala at kawalan ng pananampalataya ang magpapatid sa mga pisikal na relasyong ito!

May 21, 2018

Salita ng Diyos | Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Unang bahagi)



Jesus, iglesia, Cristo, Espiritu, Langit



  

  Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang masama. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing abala ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at ililigtas ang sangkatauhan, na naging masama, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan. Tulad na ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay isa na walang digmaan, walang karumihan, walang namamalagi na di-pagkamatuwid. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas (dito ang “Satanas” ay tumutukoy sa kalabang mga puwersa), kasamaan ni Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matiwasay na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, wala ng di-pagkamatuwid ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at wala ng pagsalakay ng anumang kalabang mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong saklaw; sila ay hindi na magiging isang sangkatauhan na ginawang masama ni Satanas, bagkus ay isang sangkatauhan na nailigtas pagkatapos na magáwáng masama ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Nawala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalang-kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati-rating hindi makapagpahinga. Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, ni nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; walang na ang kasamaan ni Satanas, ni mangyayari man ang anumang bagay na di-matuwid. Ang sangkatauhan ay mamumuhay nang normal sa lupa, at mamumuhay sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas at si Satanas ay nawasak na, na ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay lubusang natapos. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa gitna ng tao, at ang tao ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kaya, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at ang tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa’t tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay kasama ng sangkatauhan, at ang tao ay hindi rin magagawang mamuhay kasama ng Diyos sa hantungan ng Diyos. Ang Diyos at tao ay hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong saklaw; sa halip, kapwa sila may sariling mga kaukulang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ay ang Isa na siyang gumagabay sa buong sangkatauhan, habang ang buong sangkatauhan ay ang pagbubuu-buo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Ang sangkatauhan ay siyang inaakay; ukol sa kakanyahan, ang sangkatauhan ay hindi tulad ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagpapahinga ay ang pagbalik sa orihinal na lugar ng isa. Samakatuwid, kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, nangangahulugan ito na ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na lugar. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay sa ibabaw ng lupa o makikibahagi sa kagalakan at paghihirap ng sangkatauhan habang kasama ng sangkatauhan. Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na likha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos na gawing ganap ang Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan ng tao at pagpasok sa kapahingahan ay hindi rin maiiwasang mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mamumuhay din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay magiging ang Espiritu pa rin, habang ang tao ay magiging laman pa rin. Ang Diyos at tao ay kapwa may kanya-kanyang mga paraan ng pagpapahinga. Habang nagpapahinga ang Diyos, Siya ay darating at magpapakita sa gitna ng tao; habang nagpapahinga ang tao, siya ay aakayin ng Diyos upang dumalaw sa langit at upang masiyahan din sa buhay sa langit. Matapos na ang Diyos at tao ay pumasok sa kapahingahan, si Satanas ay hindi na iiral pa, at tulad ni Satanas, yaong masasamang tao ay hindi na rin iiral. Bago pumasok ang Diyos at tao sa kapahingahan; yaong masasamang indibidwal na minsan ay umusig sa Diyos sa ibabaw ng lupa at ang mga kaaway na mga suwail sa Kanya sa lupa ay nawasak na; sila ay nawasak na sa pamamagitan ng malalaking sakuna ng mga huling araw. Pagkatapos na yaong masasamang indibidwal ay ganap nang nawasak, hinding-hindi na muling mababatid ng lupa ang panliligalig ni Satanas. Matatamo ng sangkatauhan ang ganap na kaligtasan, at dito pa lamang ganap na magtatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga kinakailangan para ang Diyos at ang tao ay makapasok sa kapahingahan.

May 6, 2018

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampung Pagbigkas

espiritu,  langit, Diyos, panginoon, Mga Pagsasalaysay




Hindi masukat at hindi maarok ang kayamanan ng Aking sambahayan, gayunma’y hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao upang tamasahin ang mga iyon. Wala siyang kakayahang tamasahin ang mga iyon sa kanyang sarili, ni protektahan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga pagsisikap; sa halip, palagi niyang nailalagay sa iba ang kanyang pagtitiwala. Sa lahat ng mga yaong tinitingnan Ko, wala kahit isa ang kailanma’y kusa at direktang naghanap sa Akin. Lumalapit silang lahat sa harap Ko sa panghihikayat ng iba, sumusunod sa karamihan, at ayaw nilang bayaran ang halaga o gumugol ng oras para pagyamanin ang kanilang mga buhay. Samakatuwid, walang sinuman sa gitna ng tao ang namuhay kailanman sa katotohanan, at namumuhay ang lahat ng mga tao ng mga buhay na walang kahulugan. Dahil sa mga gawi at kaugalian ng tao na matagal nang umiiral, umalingasaw ang amoy ng lupa sa mga katawan ng lahat ng mga tao. Bilang resulta, naging manhid ang tao, walang pandama sa kalagiman ng mundo, at sa halip ay nagpapakaabala siya sa gawain ng pagtatamasa sa sarili sa malamig na mundong ito. Walang kahit kaunting init ang buhay ng tao, at walang kahit anong pantaong lasa o liwanag—gayunma’y sinanay niya ang kanyang sarili dito, nanatili siya sa habambuhay na kawalan ng halaga kung saan nagmamadali siyang gumagawa nang walang anumang napapala. Sa isang kisapmata, lumalapit ang araw ng kamatayan, at namamatay ang tao ng isang mapait na kamatayan. Kailanman, wala siyang natupad na anuman, o napalang anuman sa mundong ito—nagmamadali lamang siyang dumarating, at nagmamadaling umaalis. Sa Aking paningin wala sa mga yaon ang nakapagdala kailanman ng anuman, o nakakuha ng anuman, kung kaya nararamdaman ng tao na hindi patas ang mundo. Gayunman walang may gustong magmadali. Hinihintay lamang nila ang araw kung kailan ang Aking pangako mula sa langit ay biglang darating sa gitna ng tao, magpapahintulot sa kanila, sa panahon kung kailan sila ay naligaw, na minsan pa ay makita ang daan ng walang-hanggang buhay. Kaya, nakatutok ang tao sa bawat gawa at kilos Ko upang tingnan kung talagang natupad Ko ang pangako Ko sa kanya. Kapag siya ay nasa kalagitnaan ng hirap, o sa matinding sakit, o pinalilibutan ng mga pagsubok at malapit nang mahulog, isinusumpa ng tao ang araw ng kanyang kapanganakan upang mas mabilis niyang matakasan ang mga problema niya at makalipat sa mas magandang lugar. Ngunit kapag lumipas na ang mga pagsubok, napupuno ng kagalakan ang tao. Ipinagdiriwang niya ang araw ng kapanganakan niya sa mundo at hinihiling na pagpalain Ko ang araw ng kanyang kapanganakan; sa panahong ito, hindi na binabanggit ng tao ang mga pangako ng nakaraan, malalim ang takot niya na sa ikalawang pagkakataon darating muli sa kanya ang kamatayan. Kapag itinataas ng mga kamay Ko ang mundo, sumasayaw sa kagalakan ang mga tao, hindi na sila nalulungkot, at umaasa silang lahat sa Akin. Kapag tinatakpan Ko ng Aking mga kamay ang Aking mukha, at itinutulak ang mga tao sa ilalim ng lupa, agad silang nahihirapan sa paghinga, at bahagya na silang makapanatiling buhay. Lahat sila ay sumisigaw sa Akin, takot na lilipulin Ko sila, sapagka’t gusto nilang lahat na makita ang araw kung kailan Ako ay maluluwalhati. Itinuturing ng tao ang araw Ko bilang pangunahin ng kanyang pag-iral, at ito ay dahil lamang sa mahigpit na pagnanais ng mga tao para sa araw kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay darating kaya nakapanatiling buhay ang sangkatauhan hanggang ngayon. Ang pagpapalang ipinahayag ng Aking bibig ay na yaong mga ipinanganganak sa panahon ng mga huling araw ay napakapalad na makita ang buo Kong kaluwalhatian.

Abr 26, 2018

Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal

Cristo, iglesia, Espiritu, Diyos, Ang Patotoo ng isang Cristiano.


Baixue    Shenyang City

   Dahil sa isang pangangailangan sa trabaho, inilipat ako sa ibang lugar ng trabaho. Nang panahong iyon, labis akong nagpasalamat sa Diyos. Pakiramdam ko’y marami pang kulang sa akin, gayunman sa pamamagitan ng banal na pagsusulong ng Diyos, nabigyan ako ng pagkakataon upang tuparin ang aking tungkulin sa isang kahanga-hangang lugar ng trabaho. Gumawa ako ng panata sa Diyos sa aking puso: Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makabayad sa Diyos.

Abr 25, 2018

Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan

Fariseo,Langit, Espiritu, Landas,Buhay musika





 I

Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon
nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao,"
at tinatapos ang kapanahunan ng  paniniwala
sa malabong D'yos.
Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos
dalhin lahat ng sangkatauhan,
dalhin ang tao sa mas totoo,
mas praktikal, at mas mabuting panahon.

Abr 15, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos


  Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang lahat ng mga kilos at mga gawa ni Satanas ay nakikita sa tao. Ngayon ang lahat ng mga kilos at mga gawa ng tao ay pagpapahayag ni Satanas at samakatuwid ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos. Ang tao ang sagisag ni Satanas, at ang disposisyon ng tao ay hindi kayang kumatawan sa disposisyon ng Diyos. Ang ilang mga tao ay may mabuting karakter; ang Diyos ay maaaring gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng naturang karakter ng mga tao at ang gawain na kanilang ginagawa ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ngunit ang kanilang disposisyon ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang gawain ng Diyos na ginagawa Niya sa kanila ay kumikilos lamang at lumalawak sa kung ano na ang umiiral sa loob. Maging sa mga propeta o ang mga taong ginamit ng Diyos mula sa mga nakaraang panahon, walang sinuman ang maaaring direktang kumatawan sa Kanya."


Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan