Tagalog Christian Songs:Kayhirap ng Gawain ng Diyos
I
Ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa lupa
ay may kasamang malaking paghihirap.
Ang kahinaan, kakulangan, batang isip,
at kamangmangan ng tao at lahat na tungkol sa kanya
ay napagplanuhan na at napag-isipang mabuti ng Diyos.
Ang tao'y parang tigreng papel,
walang nangangahas na galitin siya.
Kung di'y gaganti siya, mawawala,
o tatakbo sa kanyang "amang baboy,
inang aso" para magpakasawa
sa maruruming bagay sa kanilang katawan. Kaylaking sagabal!
Sa lahat ng hakbang, nililitis at nanganganib ang Diyos.
Ang Kanyang mga salita'y taos, tapat at walang malisya.
Nasasaktan Siya pag walang tumatanggap
o lubos na nagpapasakop.
Gabi't araw Siyang gumagawa
at nag-aalala para sa buhay ng tao.
Nakikiramay Siya sa kahinaan ng tao.
Nagdurusa Siya sa problemang piliin ang bawat salita at gawain.
Batid kung gaano kahina, kasuwail,
kabatang-isip, karupok ang tao,
iniisip Niya ang mga bagay na ito, gabi't araw.
Sino'ng nakaalam nito? Kanino Siya magtatapat?
Sino'ng makakaunawa rito? Ah! Kayhirap ng gawain ng Diyos.
II
Laging muhi ang Diyos sa lahat
ng kasalanan at karuwagan ng tao.
Nag-aalala Siya sa kahinaan ng tao
at sa landas na tatahakin nito.
At habang minamasdan Niya ang lahat ng salita at gawa ng tao,
napupuno Siya ng awa, galit at sama ng loob.
Manhid na ang lahat ng inosente,
bakit ba kailangang gawing mahirap ng Diyos
ang mga bagay-bagay para sa kanila?
Hindi na makapagtiyaga ang mahina.
Kaya bakit palaging galit ang Diyos sa kanya?
Mahina at walang lakas ang tao, walang sigla.
Bakit Mo siya pinagagalitan sa pagsuway?
Sino'ng makakatagal sa mga banta ng Diyos?
awing mahirap ng Diyos
ang mga bagay-bagay para sa kanila?
Hindi na makapagtiyaga ang mahina.
Kaya bakit palaging galit ang Diyos sa kanya?
Mahina at walang lakas ang tao, walang sigla.
Bakit Mo siya pinagagalitan sa pagsuway?
Sino'ng makakatagal sa mga banta ng Diyos?
III
Marupok ang tao, at dahil walang pagpipilian,
itinago na ng Diyos ang galit sa Kanyang puso,
para unti-unting makapaglimi sa sarili ang marupok na tao.
Ngunit ang taong nagdurusa'y
di nauunawaan ang kalooban ng Diyos.
Wala siyang malay na natapakan na siya ng haring diyablo,
lagi niyang kinakalaban ang Diyos,
o maligamgam ang pakikitungo niya sa kanyang Diyos.
Sino na ang nagseryoso sa maraming salita ng Diyos?
Sino na ang nagseryoso sa maraming salita ng Diyos?
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento