菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkilala sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkilala sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 29, 2020

Bakit Sinasabi na ang Pagkaalam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Daan Tungo sa Pagkilala sa Diyos?


(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos

Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong yugto. Hindi kabilang sa tatlong yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian.

Hul 20, 2019

Salita ng Diyos | Tungkol sa Karanasan

Sa kabuuan ng mga karanasan ni Pedro, nakapagbata siya ng daan-daang mga pagsubok. Bagamat may kamalayan na ang mga tao ngayon sa terminong ‘pagsubok,’ hindi nila lahat nauunawaan ang tunay na kahulugan nito o mga pangyayari. Tinitimpla ng Diyos ang determinasyon ng tao, pinipino ang kanyang tiwala, at pineperpekto ang kanyang bawat bahagi, natatamo ito sa karamihan sa pamamagitan ng mga pagsubok. Ang mga pagsubok ay mga tagong gawain din ng Banal na Espiritu. Tila pinabayaan ng Diyos ang tao, at kaya ang tao, kung hindi magiging maingat, ay makikita ang mga ito bilang mga tukso ni Satanas. Sa katunayan, maraming mga pagsubok ang maituturing na mga tukso, at ito ang panuntunan at patakaran ng gawain ng Diyos.

Hun 3, 2019

Pag-bigkas ng Diyos | Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

Jesus,Cristo

Pag-bigkas ng Diyos | Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Persona, at ang Salita ang bumubuo sa praktikal na Diyos Mismo, at ito ang tunay na kahulugan ng praktikal na Diyos Mismo. Kung kilala mo lamang ang Persona—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at pagkatao—subali’t hindi alam ang gawa ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at kung nagbibigay-pansin ka lamang sa Espiritu, at sa Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu,

May 31, 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos"


Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung hindi mo alam ang diwa ng Diyos, magiging imposible para sa iyo na magpakita sa Kanya ng pagpipitagan at pagkatakot, pero sa halip tanging walang pakundangang pagwawalang-bahala at paglihis, at bukod diyan, hindi na maiwawastong paglapastangan. Bagama’t ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay tunay na mahalaga at ang pag-alam sa diwa ng Diyos ay hindi dapat maliitin,walang sinuman ang kailanman ay lubusang nakapagsuri o nakapagsiyasat na sa mga isyung ito. Malinaw na binalewala ninyong lahat ang mga kautusang administratibo na ipinahayag Ko.

May 15, 2019

Pagkilala sa Diyos | Sa Ikalawang Araw, Isinasaayos ng Awtoridad ng Diyos ang mga Katubigan, at Ginagawa ang mga Kalawakan, at Isang Puwang para sa Pinaka-pangunahing Kaligtasan ng Sangkatauhan ay Nagpapakita


Basahin natin ang ikalawang talata ng Biblia: “At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon” (Gen 1:6-7). Anong mga pagbabago ang mga nangyari matapos sabihin ng Diyos “Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig”?

May 14, 2019

Pagkilala sa Diyos | Sa Unang Araw, ang Araw at Gabi ng Sangkatauhan ay Isinilang at Nanindigan Salamat sa Awtoridad ng Diyos


Tingnan natin ang unang talata: “At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw” (Gen 1:3-5). Inilalarawan ng talatang ito ang unang kilos ng Diyos sa simula ng paglikha, at ang unang araw na dumaan Siya kung saan mayroong gabi at umaga.

Abr 22, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo-Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso


Ang grupo ng mga tao na gustong makamit ng Diyos ay yaong nagsisikap na makipagtulungan sa Diyos, na magagawang sundin ang Kanyang gawain, at naniniwala na ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay totoo, na magagawang isagawa ang mga kinakailangan ng Diyos. Sila yaong mga mayroong tunay na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Sila yaong maaaring gawing perpekto, at sila yaong walang pagsalang lalakaran ang landas ng pagiging perpekto.Yaong mga walang isang malinaw na pagkaunawa sa gawain ng Diyos,

Abr 13, 2019

Tagalog Christian Songs-Kayhirap ng Gawain ng Diyos



Tagalog Christian Songs:Kayhirap ng Gawain ng Diyos


I
Ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa lupa
ay may kasamang malaking paghihirap.
Ang kahinaan, kakulangan, batang isip,
at kamangmangan ng tao at lahat na tungkol sa kanya
ay napagplanuhan na at napag-isipang mabuti ng Diyos.
Ang tao'y parang tigreng papel,
walang nangangahas na galitin siya.
Kung di'y gaganti siya, mawawala,
babalik sa dati, babalewalain ang Diyos,

Mar 2, 2019

Kung Kilala lang Ninuman ang Diyos Matatakot Siya sa Diyos at Lalayuan ang Kasamaan


Tagalog Worship SongsKung Kilala lang Ninuman ang Diyos
Matatakot Siya sa Diyos at Lalayuan ang Kasamaan


I
Upang layuan ang kasamaan,
dapat matutunan mo'ng matakot sa Diyos.
Upang matamo ang takot,
dapat matutunan mo ang tungkol sa Diyos.
Upang matutunan ang Diyos,
dapat mong isagawa ang salita N'ya,
danasin ang disiplina't paghatol N'ya.
Ang pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan
ay may malaking kaugnayan,
kaugnayan sa kaalaman sa Diyos.
Kung kilala lang ninuman ang Diyos matatakot siya sa Diyos
at lalayuan ang kasamaan.
Upang isagawa ang mga salita ng Diyos,
dapat mong makaharap ang Diyos at ang mga salita N'ya.
Paligid mo'y hilingin sa Diyos na ihanda,
upang maranasan mo ang mga salita Niya.

Peb 20, 2019

Tagalog Christian Music Video | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)


Tagalog Worship Songs | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)


I
Diyos na nagkakatawang tao'y tinatawag na Cristo,
ang Cristong makapagbibigay ng katotohana'y Diyos.
Hindi kalabisang sabihin nang gayon.
Dahil angkin N'ya ang diwa ng Diyos.
Angkin N'ya ang disposisyon ng Diyos at dunong sa gawa N'ya,
na di-maabot ng tao.
Yaong tinatawag ang sarili na Cristo
pero di magawa ang gawain ng Diyos ay mga mandaraya,
'di katagala'y babagsak lahat.
Sapagka't kahit tinatawag nila ang sarili na Cristo,
ala silang taglay alinmang diwa ni Cristo.

Peb 16, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Kilalang-kilala ni Pedro ang Diyos



Tagalog Christian Songs | Kilalang-kilala ni Pedro ang Diyos


I
Matagal nang tapat sa Diyos si Pedro,
pero kailanma'y di nagreklamo.
Maging si Job di n'ya kapantay,
lalong higit mga banal sa buong panahon.
Di lang niya hinangad na Diyos ay kilalanin,
pero makilala S'ya kapag nagpakana si Satanas.
Taon ng serbisyo napalugod ang Diyos;
Di s'ya makasangkapan ni Satanas.
Kilala ni Pedro ang Diyos,
kilalang-kilala ni Pedro ang Diyos.
Kaalaman niya tungkol sa Diyos, mas marami kaysa iba.

Ene 15, 2019

Tagalog praise and worship Songs | Ang Tunay na Pananalig Ay Nagmumula Lamang sa Pagkilala sa mga Gawa ng Diyos (Tagalog Songs)


Tagalog praise and worship Songs | "Ang Tunay na Pananalig Ay Nagmumula Lamang sa Pagkilala sa mga Gawa ng Diyos" (Tagalog Dubbed)


I
Ang gawain ng Diyos ngayon ay magsalita,
walang mga palatandaan, ni mga kababalaghan.
Hindi ito Kapanahunan ng Biyaya.
Ang Diyos ay normal at totoo.
Sa huling mga araw,
hindi Siya si Hesus na higit sa karaniwan,
ngunit isang praktikal na Diyos sa katawang tao,
walang pinagkaiba sa tao.
Kaya ang paniniwala ng tao sa Diyos
ay dahil sa Kanyang maraming mga gawain, mga salita at gawa.
Oo, ito ay pagbigkas ng Diyos
na lupigin at gawing perpekto ang tao.
Ang mga palatandaan at kababalaghan
ay hindi ang ugat ng kanilang pananampalataya.
Oo, mga gawa ng Diyos na Siya'y makilala ng tao.

Ene 10, 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Paano Makilala ang Diyos sa Lupa" (Salita ng Buhay)


Salita ng Diyos | "Paano Makilala ang Diyos sa Lupa" (Salita ng Buhay)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ipinagpalagay ninyo ang mga gawa ni Cristo mula sa pananaw ng di-matuwid at tinatasahan ang lahat ng Kanyang mga gawa, at Kanyang pagkakakilanlan at diwa mula sa perspektibo ng masama. Nakagawa kayo ng malubhang pagkakamali at nagawa ninyo ang hindi nagawa ng mga nauna sa inyo. Iyon ay, pinaglilingkuran lang ninyo ang matayog na Diyos na nasa langit na may korona sa Kanyang ulo at hindi kailanman pinaglingkuran ang Diyos na ipinapalagay na napaka-walang-halaga kaya ni hindi ninyo dapat makita. Hindi ba ito inyong pagkakasala? Hindi ba ito tipikal na halimbawa ng inyong pagkakasala sa disposisyon ng Diyos? Sinasamba ninyo ang Diyos na nasa langit. Sinasamba ninyo ang mga matatayog na imahe at pinahahalagahan yaong mga kinikilalang may kahusayang magsalita. Nagagalak kang utusan ng Diyos na nagbibigay ng sandakot na kayamanan at lubos na nananabik sa Diyos na kayang tumupad ng iyong mga hangarin. Ang tanging ayaw mong sambahin ay ang Diyos na hindi matayog; ang iyong nag-iisang bagay na kinamumuhian ay ang maiugnay sa Diyos na ito na wala kahit isang tao ang lubhang pinagpipitaganan. Ang bagay lamang na hindi mo gustong gawin ay ang maglingkod sa Diyos na hindi ka man lang binigyan kahit isang kusing, at ang tanging Isang hindi ka kayang papanabikin sa Kanya ay itong di-kaibig-ibig na Diyos. Ang ganitong uri ng Diyos ay hindi kayang palawakin ang iyong abot-tanaw, para maramdaman na parang nakahanap ka ng kayamanan, lalo na ang matupad ang iyong pangarap. Bakit, kung gayon, sinusunod mo Siya? Sumagi ba sa isipan mo ang tanong na ito?"