Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob ng iglesia ngayon? Mayroon ka bang nauunawaan sa gayon? Ano ang pinakadakilang mga paghihirap ng mga kapatid? Ano ang pinakakulang sa kanila? Sa kasalukuyan, may ilang mga tao na negatibo sa gitna ng mga pagsubok, at ang iba sa kanila ay nagrereklamo pa, at ang ilan ay hindi na nagpapatuloy pa sapagkat ang Diyos ay hindi na nagsasalita. Ang mga tao ay hindi nakapasok sa tamang landas sa paniniwala sa Diyos.
Hindi nila kayang mamuhay nang mag-isa, at hindi nila mapanatili ang kanilang sariling buhay espiritwal.May ilang mga tao na sumusunod, taglay ang udyok para sa paghahangad, at nakahanda sa pagsasagawa kapag nagsalita ang Diyos. Ngunit kapag hindi nagsasalita ang Diyos, hindi na sila nagpapatuloy. Hindi pa rin naiintindihan ng mga tao ang kalooban ng Diyos sa loob ng kanilang mga puso at wala kaagad silang pag-ibig para sa Diyos; Ang kanilang pagsunod sa Diyos sa nakaraan ay dahil pinilit sila. Ngayon mayroong ilang mga tao na pagod na sa gawain ng Diyos. Hindi ba sila nasa panganib? Napakarami sa mga tao ang nasa isang kalagayan na kinakaya lamang. Bagamat kinakain nila at iniinom ang mga salita ng Diyos at nananalangin sa Kanya, lahat ng ito ay pabantulot. Wala silang udyok na taglay nila dati, at ang karamihan sa mga tao ay hindi interesado sa gawain ng Diyos na kapinuhan at pagka-perpekto. Ito ay parang hindi pa sila nagkaroon ng anumang panloob na udyok, at kapag sila ay napagtatagumpayan ng mga pagsalangsang hindi nila nadarama ang utang na loob sa Diyos. Hindi sila nagsisisi sa kanilang mga sarili at hindi nila hinahangad ang katotohanan o iniiwan ang iglesia. Ang hinahangad lamang nila ay mga panandaliang kaaliwan. Ito ang pinakahangal na uri ng mangmang! Kapag dumating ang oras, silang lahat ay itatakwil, wala ni isa man ang maliligtas! Iniisip mo ba na kung ang isang tao ay nailigtas nang minsan ay palagi silang ililigtas? Ito ay isa lamang pagtatangka na lokohin ang mga tao! Yaong mga hindi naghahangad ng pagpasok sa buhay ay kakastiguhin. Ang karamihan sa mga tao ay lubos na walang interes sa pagpasok sa buhay, sa mga pananaw, o sa pagsasagawa ng katotohanan. Hindi nila hinahangad ang pagpasok, at tiyak na hindi nila hahangarin ang pagpasok nang husto. Hindi ba nila sinisira ang kanilang mga sarili? Sa ngayon, may isang bahagi ng mga tao na ang mga kondisyon ay paganda nang paganda. Habang lalong gumagawa ang Banal na Espiritu lalong mas nadaragdagan ang kanilang pagtitiwala, at habang nadaragdagan ang kanilang karanasan lalo nilang mas nararamdaman ang malalim na misteryo ng gawain ng Diyos. Habang sila ay nakapapasok nang husto, lalo nilang mas nauunawaan. Nararamdaman nila na ang pag-ibig ng Diyos ay napakadakila, at nakadarama sila ng kapanatagan at niliwanagan sa loob. Sila ay mayroong isang pagkaunawa sa gawain ng Diyos. Ang mga ito ay ang mga tao kung kanino gumagawa ang Banal na Espiritu. Sinasabi ng ilang mga tao, bagamat walang mga bagong salita mula sa Diyos, dapat pa rin akong maghangad na makaabot pa nang mas malalim sa katotohanan, kailangan kong maging masikap tungkol sa lahat ng bagay sa aking aktwal na karanasan at pumasok sa katotohanan ng gawain ng Diyos. Ang ganitong uri ng tao ay may gawain ng Banal na Espiritu. Bagamat hindi ipinakikita ng Diyos ang Kanyang mukha at nakatago mula sa bawat tao, at hindi siya bumibigkas ng anumang salita, at may mga pagkakataon na nakararanas ang mga tao ng ilang panloob na kapinuhan, gayunman ay hindi lubusang iniwan ng Diyos ang mga tao. Kung hindi mapanatili ng isang tao ang katotohanan na dapat nilang ipatupad, hindi sila magkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa panahon ng yugto ng kapinuhan, ng Diyos na hindi ipinakikita ang Sarili Niya, kung wala kang pagtitiwala at ikaw ay naduwag, kapag hindi ka nakatuon sa pagdaranas ng Kanyang mga salita, ito ay pagtakas mula sa gawain ng Diyos. Kalaunan, ikaw ay palalayasin. Yaong mga hindi naghahangad na makapasok sa salita ng Diyos ay hindi maaaring sumaksi sa Kanya. Yaong mga nagagawang sumaksi sa Diyos at mapalugod ang Kanyang kalooban ay umaasang lahat sa kanilang udyok na hangarin ang mga salita ng Diyos. Ang gawain na tinutupad ng Diyos sa mga tao ay una sa lahat upang tulutan silang makamit ang katotohanan. Ang iyong paghahangad sa buhay ay para sa kapakanan ng iyong pagka-perpekto –lahat ng ito ay upang gawin kang angkop sa paggamit ng Diyos. Lahat ng iyong hinahangad ngayon ay pagdinig sa mga misteryo, pakikinig ng kaunti sa mga salita ng Diyos, pinagsasawa ang iyong mga mata, pagtingin sa isang bagay na bago o pagtingin sa kung ano ang uso, at paghahanap ng sagot sa iyong mga katanungan. Kung ito ang layunin sa iyong puso, walang paraan para sa iyo na maabot ang mga kinakailangan ng Diyos. Yaong mga hindi naghahangad sa katotohanan ay hindi makasusunod hanggang sa katapusan. Sa ngayon, hindi sa ang Diyos ay hindi gumagawa ng anumang bagay-ang mga tao ang hindi nakikipagtulungan, sapagkat sila ay sawa na sa Kanyang gawain. Ang nais lamang nila ay makinig ng mga salita ng Kanyang pagpapala, at sila ay walang kahandaang makinig sa mga salita ng Kanyang paghatol at pagkastigo. Ano ang dahilan para rito? Ito ay dahil sa ang pagnanais ng mga tao na makamit ang Kanyang mga pagpapala ay hindi natupad, at sila ay negatibo at mahina. Hindi sa sinasadya ng Diyos na huwag tulutan ang mga tao na sundin Siya, at hindi sa sinasadya Niyang magpadala ng mga dagok sa sangkatauhan. Ang mga tao ay negatibo at mahina lamang sapagkat ang kanilang mga layunin ay hindi wasto. Ang Diyos ay ang Diyos na nagbibigay sa tao ng buhay, at hindi Niya madadala ang tao sa kamatayan. Ang pagiging negatibo ng mga tao, kahinaan, at ang pag-urong ay dulot lahat ng kanilang mga sarili.
Ang kasalukuyang gawain ng Diyos ay nagdadala ng ilang kapinuhan, at yaon lamang makapaninindigan sa loob ng kapinuhang ito at makapagkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos. Hindi alintana kung paano Niya ikinukubli ang Sarili Niya, hindi nagsasalita, o hindi gumagawa, makapaghahangad ka pa rin nang mayroong lakas. Kahit pa sabihin ng Diyos na itatakwil ka Niya, susunod ka pa rin sa Kanya. Ito ay pagiging isang saksi para sa Diyos. Kapag ikinubli ng Diyos ang Sarili Niya mula sa iyo at tumigil ka sa pagsunod sa Kanya, ito ba ay pagiging saksi para sa Diyos? Kung ang mga tao ay hindi talaga pumasok, wala silang kasalukuyang tayog, at kapag nakasagupa talaga sila ng isang matinding pagsubok, matutumba sila. Ang Diyos ay hindi nagsasalita sa ngayon, o kung ano ang Kanyang ginagawa ay hindi naaayon sa iyong sariling mga paniwala, kaya ikaw ay hindi nasa maayos na kalagayan. Kung ang Diyos ay kasalukuyang kumikilos alinsunod sa iyong sariling mga paniwala, kung napalulugod Niya ang iyong kalooban at nagagawa mong manindigan at mayroong udyok para sa paghahangad, kung gayon ano ba talaga ang iyong ikabubuhay? Sinasabi Ko na maraming mga tao ang nabubuhay na lubos na umaasa sa pagiging mausyoso ng tao! Tiyak na wala silang isang tunay na puso ng paghahangad. Lahat silang hindi naghahangad ng pagpasok sa katotohanan ngunit umaasa sa kanilang pagiging mausyoso sa buhay ay kasuklam-suklam na mga tao na nasa panganib! Ang iba’t-ibang mga uri ng gawain ng Diyos ay para lahat gawing perpekto ang sangkatauhan. Gayunman, ang mga tao ay palaging mausyoso, gusto nilang mag-usisa tungkol sa mga bali-balita, nag-aalala sila kung ano ang nangyayari sa ibang bansa-kung ano ang nagyayari sa Israel, kung mayroong lindol sa Ehipto-palagi silang naghahanap para sa ilang bago, mga kakaibang mga bagay upang mapalugod ang kanilang makasariling mga pagnanasa. Hindi nila hinahangad ang buhay, at hindi hinahangad na maging perpekto. Hinangad lamang nila na dumating ang araw ng Diyos nang mas maaga nang upang ang kanilang magandang pangarap ay magkatotoo at ang kanilang malabis na mga pagnanasa ay matupad. Ang gayong uri ng tao ay hindi praktikal-sila ay isang tao na mayroong pananaw na hindi wasto. Ang paghahangad sa katotohanan ay ang saligan ng paniniwala ng sangkatauhan sa Diyos. Kung ang mga tao ay hindi maghahangad ng pagpasok sa buhay, kung hindi sila maghahangad na mapalugod ang Diyos, sila ay sasailalim sa kaparusahan. Yaong mga parurusahan ay silang mga hindi nagkaroon ng gawain ng Banal na Espiritu sa panahon ng oras ng gawain ng Diyos.
Paano dapat makipagtulungan ang mga tao sa Diyos sa panahon ng yugtong ito ng Kanyang gawain? Ang Diyos ay kasalukuyang sinusubok ang mga tao. Hindi Siya bumibigkas kahit isang salita; ikinukubli Niya ang Sarili Niya at hindi Siya tuwirang nakikipag-ugnayan sa mga tao. Sa panlabas, parang hindi Siya gumagawa, ngunit ang katotohanan ay gumagawa pa rin Siya sa loob ng tao. Lahat silang mga naghahangad ng pagpasok sa buhay at mayroong isang pananaw para sa kanilang paghahangad sa buhay ay walang mga pag-aalinlangan, kahit na hindi nila lubusang nauunawaan ang gawain ng Diyos. Sa gitna ng mga pagsubok, maging kung hindi mo alam kung ano ang gustong gawin ng Diyos at kung anong gawain ang gusto Niyang isakatuparan, dapat mong malaman na ang mga layunin ng Diyos para sa sangkatauhan ay palaging mabuti. Kung hahangarin mo Siya nang may isang tunay na puso, hindi ka Niya kailanman iiwan, at sa katapusan tiyak na gagawin ka Niyang perpekto at dadalhin ka sa isang angkop na hantungan. Kahit paano man sinusubok ng Diyos ang mga tao sa kasalukuyan, darating ang araw kung saan maglalaan Siya sa mga tao ng isang angkop na kalalabasan at bibigyan sila ng angkop na kagantihan batay sa kung ano ang kanilang ginawa. Hindi aakayin ng Diyos ang mga tao sa isang partikular na punto at sa gayon ay itatakwil lamang sila at hindi sila papansinin. Ito ay dahil Siya ay isang tapat na Diyos. Sa yugtong ito, ginagawa ng Banal na Espiritu ang gawain ng kapinuhan. Ito ang pagpipino sa bawat isang tao. Sa mga yugto ng gawain sa pagsubok sa kamatayan at ang pagsubok sa pagkastigo, ang kapinuhan sa panahong iyon ay kapinuhang lahat sa pamamagitan ng mga salita. Para maranasan ng mga tao ang gawain ng Diyos, kailangan muna nilang maintindihan ang Kanyang kasalukuyang gawain at maintindihan kung paano dapat makipagtulungan ang sangkatauhan. Ito ay isang bagay na dapat maunawaan ng lahat. Maging anuman ang ginagawa ng Diyos, maging ito man ay kapinuhan o kapag hindi Siya nagsasalita, ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos ay hindi nakaayon sa mga pagkaintindi ng sangkatauhan. Silang lahat ay naghihiwalay at nasisira sa pamamagitan ng mga pagkaintindi ng mga tao. Ito ay Kanyang gawain. Ngunit dapat kang maniwala kapag ang gawain ng Diyos ay nakaabot sa isang tiyak na yugto, anuman ang mangyari hindi Niya hahayaan na ang sangkatauhan ay mamatay. Pareho Niyang ibinibigay ang mga pangako at mga pagpapala sa sangkatauhan, at lahat yaong mga naghahangad sa Kanya ay makapagkakamit ng Kanyang mga pagpapala, habang yaong mga hindi ay itatapon ng Diyos. Ito ay nakasalalay sa iyong paghahangad. Ano man ang mangyari, dapat mong paniwalaan na kapag nagwakas ang gawain ng Diyos, ang bawat isang tao ay magkakaroon ng isang angkop na hantungan. Ang Diyos ay naglaan sa sangkatauhan ng magagandang mga pangarap, ngunit kapag hindi nila hinangad ang mga ito, hindi nila makakamit ang mga ito. Dapat mo nang makita ngayon ito-ang kapinuhan ng Diyos at pagkastigo ay Kanyang gawain, ngunit para sa mga tao, dapat silang maghangad ng isang pagbabago sa disposisyon sa lahat ng panahon. Sa iyong praktikal na karanasan, kailangan mo munang malaman kung paano kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at hanapin kung ano ang dapat mong pasukin at ang iyong mga pagkukulang sa loob ng Kanyang mga salita, at maghangad ng pagpasok sa iyong praktikal na karanasan. Kunin ang bahagi ng mga salita ng Diyos na dapat isagawa at subukang isagawa ito. Ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay isang aspeto, ang buhay ng iglesia at kailangan ding mapanatili, kailangang magkaroon ka ng isang normal na espiritwal na buhay, at magawang iabot ang iyong kasalukuyang mga kalagayan sa Diyos. Hindi alintana kung paano man nagbabago ang Kanyang gawain, ang iyong espiritwal na buhay ay dapat manatiling normal. Mapapanatili ng isang espiritwal na buhay ang iyong wastong pagpasok. Anuman ang gawin ng Diyos maipagpapatuloy mo ang iyong espiritwal na buhay nang tuluy-tuloy at matutupad ang iyong tungkulin. Ito ang dapat na gawin ng mga tao. Ito ay gawaing lahat ng Banal na Espiritu, ngunit para sa kanila na mayroong isang normal na kondisyon ito ay ang pagiging perpekto. Para doon sa mga mayroong isang abnormal na kondisyon ito ay isang pagsubok. Sa kasalukuyang yugto ng gawaing kapinuhan ng Banal na Espiritu, sinasabi ng ilang mga tao na napakadakila ng gawain ng Diyos at ang mga tao ay nangangailangan talaga ng kapinuhan, at kung hindi ang kanilang tayog ay magiging masyadong maliit at walang paraan sa pag-abot ng kalooban ng Diyos. Gayunman, sa kanila na may kalagayan na hindi maayos, ito ay nagiging isang dahilan upang hindi hangarin ang Diyos, at isang dahilan upang huwag dumalo sa mga pagtitipon o kumain at uminom ng salita ng Diyos. Sa gawain ng Diyos, maging kung anuman ang Kanyang ginagawa o kung anumang mga pagbabago, sa paanuman ang mga tao ay dapat magpanatili ng isang normal na espiritwal na buhay. Marahil ikaw ay hindi naging maluwag sa kasalukuyang yugto ng iyong espiritwal na buhay, ngunit hindi ka pa rin nakapagkamit nang gaano, hindi ka pa nakapag-ani ng isang dakilang pakikitungo. Sa ilalim ng ganitong uri ng mga pagkakataon kailangan mo pa ring sundin ang mga patakaran; kailangan mong manatili sa mga patakarang ito nang hindi ka magdanas ng mga kabiguan sa iyong buhay at nang mapalugod mo ang kalooban ng Diyos. Kung ang iyong espiritwal na buhay ay hindi normal, hindi mo maiintindihan ang kasalukuyang gawain ng Diyos; palagi mong nararamdaman na ito ay lubos na hindi kaayon ng iyong sariling mga paniwala, at nakahanda kang sundin Siya, ngunit kulang ka sa panloob na udyok. Kaya maging anuman ang kasalukuyang ginagawa ng Diyos, ang tao ay dapat makipagtulungan. Kapag ang tao ay hindi makikipagtulungan hindi magagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain, at kung ang mga tao ay walang isang puso ng pakikipagtulungan, hindi nila matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung gusto mong magkaroon ng gawain ng Banal na Espiritu sa loob mo, at gusto mong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos, kailangan mong mapanatili ang iyong dating katapatan sa harap ng Diyos. Ngayon, hindi kinakailangan para sa iyo na magkaroon ng isang malalim na pagkaunawa, mas mataas na teorya, o ng mas maraming mga bagay-ang kinakailangan lamang ay iyong mapagtibay ang salita ng Diyos sa dating saligan. Kapag hindi nakipagtulungan ang mga tao sa Diyos at hindi naghangad ng mas malalim na pagpasok, kukunin ng Diyos ang minsa’y nasa kanila na. Sa loob, ang mga tao ay palaging sakim para sa kagaangan at mas gustong tahakin ang madaling na daan. Ninanais nilang makamit ang mga pangako ng Diyos nang walang binabayarang anumang halaga. Ito ang mga malabis na saloobin sa gitna ng sangkatauhan. Ang pagkakamit ng buhay mismo nang walang binabayarang halaga-ano ba ang naging napakadali? Kapag ang isang tao ay naniniwala sa Diyos at naghahangad na pumasok sa buhay at maghangad ng isang pagbabago sa kanilang disposisyon, kailangan nilang magbayad ng isang halaga at matamo ang isang kalagayan kung saan palagi nilang susundin ang Diyos anuman ang Kanyang gawin. Ito ay isang bagay na kailangang gawin ng mga tao. Kahit sundin mo ang lahat ng ito bilang isang patakaran, kailangang manatili ka dito, at gaano man katindi ang mga pagsubok, hindi mo bibitiwan ang iyong normal na kaugnayan sa Diyos. Dapat nagagawa mong manalangin, panatilihin ang iyong buhay iglesia, at manatili sa mga kapatid. Kapag sinusubok ka ng Diyos, dapat mo pa ring hangarin ang katotohanan. Ito ang pinakakaunti para sa isang espiritwal na buhay. Ang pagkakaroon palagi ng isang pusong paghahangad at pagsisikap na makipagtulungan, paggamit ng lahat ng iyong lakas-maaari bang gawin ito? Sa batayang ito, ang pang-unawa at ang pagpasok sa katotohanan ay magiging isang bagay na maaari mong matamo. Madaling tanggapin ang salita ng Diyos kapag ang iyong mga sariling kalagayan ay normal, at parang hindi mahirap isagawa ang katotohanan, at nararamdaman mo na ang gawain ng Diyos ay dakila. Ngunit kung mahina ang iyong mga kondisyon, gaano man kadakila ang gawain ng Diyos at gaano man kagandang magsalita ang isang tao, hindi mo papansinin. Kapag ang mga kondisyon ng isang tao ay hindi normal, hindi makagagawa ang Diyos sa kanila, at hindi sila makapagtatamo ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon.
Kung ang mga tao ay walang anumang pagtitiwala, hindi madaling magpatuloy sa landas na ito. Nakikita ng lahat ngayon na ang gawain ng Diyos ay hindi lahat nakaayon sa mga paniwala ng mga tao-gaano man karami ang gawain na Kanyang ginagawa o gaano man Siya magsalita, ito ay lubos na hindi ayon sa mga paniwala ng tao. Kinakailangan nito sa mga tao na magkaroon ng pagtitiwala at paninindigan na tumindig sa kung ano na ang nakita nila at kung ano ang kanilang nakamit mula sa kanilang mga karanasan. Maging anuman ang ginagawa ng Diyos sa mga tao, kailangan nilang pagtibayin ang kung ano ang taglay nila sa kanilang mga sarili, maging taos-puso sa harap ng Diyos, at maging tapat sa Kanya hanggang katapusan. Ito ang tungkulin ng sangkatauhan. Ito ang dapat gawin ng mga tao-dapat nilang pagtibayin ito. Hinihingi ng paniniwala sa Diyos ang pagiging masunurin sa Kanya at karanasan sa Kanyang gawain. Ang Diyos ay gumawa ng napakaraming gawain-maaaring sabihin na para sa mga tao ito lahat ay pagka-perpekto, lahat ay kapinuhan, at higit pa, ito lahat ay pagkastigo. Hindi nagkaroon ng isang hakbang ang gawain ng Diyos na nakaayon sa mga paniwala ng mga tao; ang tinatamasa ng mga tao ay ang maanghang na mga salita ng Diyos. Kapag dumating ang Diyos, tatamasahin ng mga tao ang Kanyang kamahalan at ang Kanyang matinding galit, ngunit gaano man kaanghang ang Kanyang mga salita, dumating Siya para iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan. Bilang mga nilalang, kailangan tuparin ng mga tao ang mga tungkulin na dapat nilang tuparin, at sumaksi para sa Diyos sa gitna ng kapinuhan. Sa bawat pagsubok dapat nilang pagtibayin ang saksi na dapat silang maging, at maging isang matunog na saksi para sa Diyos. Ito ay isang mananagumpay. Hindi alintana kung paano ka pipinuhin ng Diyos, manatili kang puno ng pagtitiwala at hindi mawawalan ng pagtitiwala sa Diyos. Gawin mo kung ano ang dapat gawin ng tao. Ito ang kinakailangan ng Diyos sa tao, at dapat ang iyong puso ay magawang ganap na ibalik sa Kanya at bumaling tungo sa Kanya sa bawat sandali. Ito ay isang mananagumpay. Sa kanila na tinutukoy ng Diyos na mga mananagumpay ay yaong nagagawa pang sumaksi, napapanatili ang kanilang pagtitiwala, at ang kanilang katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas at nasa ilalim ng pag-atake ni Satanas, iyon ay, kapag nasa loob ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring mapanatili ang isang puso ng kadalisayan at ang iyong tunay na pag-ibig para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay magiging saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang mananagumpay. Kung ang iyong paghahangad ay napakahusay kapag pinagpapala ka ng Diyos, ngunit ikaw ay umurong nang wala ang Kanyang mga pagpapala, ito ba ay kadalisayan? Yayamang ikaw ay nakatitiyak na ang landas na ito ay tunay, dapat mo itong sundin hanggang sa katapusan; kailangan mong mapanatili ang iyong katapatan sa Diyos. Yayamang nakita mo na ang Diyos Mismo ay dumating sa lupa upang gawin kang perpekto, dapat mong ibigay nang lubos ang iyong puso sa Kanya. Hindi alintana kung anuman ang Kanyang ginagawa, kahit pinagpasyahan man Niya ang isang hindi kaya-ayang kalalabasan para sa iyo sa pagtatapos, magagawa mo pa ring sundin Siya. Ito ay pagpapanatili ng iyong kadalisayan sa harap ng Diyos. Ang pag-aalay ng isang banal na katawang espiritwal at isang dalisay na birhen sa Diyos ay nangangahulugan ng pagpapanatili ng isang puso ng katapatan sa harap ng Diyos. Para sa sangkatauhan, ang katapatan ay kadalisayan, at ang magawang maging tapat sa harap ng Diyos ay pagpapanatili ng kadalisayan. Ito ang dapat mong isagawa. Kapag kailangan mong manalangin, magtipun-tipon sa pagsasamahan, umawit ng mga himno, o pabayaan ang laman, gawin mo nga. Kapag tinutupad mo ang iyong tungkulin huwag kang malilito rito; kapag naharap sa mga pagsubok manindigan ka. Ito ay katapatan sa Diyos. Kung hindi mo pagtitibayin kung ano ang dapat gawin ng mga tao, kung gayon ang lahat ng iyong nakaraang pagdurusa at mga ambisyon ay pawang pagpapagal.
Sapagkat bawat hakbang ng gawain ng Diyos, may isang paraan na dapat makipagtulungan ang mga tao. Pinipino ng Diyos ang mga tao nang upang magkaroon sila ng pagtitiwala sa gitna ng mga kapinuhan. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao nang upang magkaroon sila ng pagtitiwala na gawing perpekto ng Diyos at handang tanggapin ang Kanyang mga kapinuhan at pakikitungo at pagpupungos ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay gumagawa sa gitna ng mga tao upang dalhan sila ng pagliliwanag at pagpapalinaw, at makipagtulungan sila sa Kanya at isagawa. Ang Diyos ay hindi nagsasalita sa panahon ng mga kapinuhan. Hindi Niya binibigkas ang Kanyang tinig, ngunit mayroon pa ring gawain na dapat gawin ang mga tao. Kailangan mong pagtibayin kung ano ang palagi mong pinagtitibay, dapat mo pa ring magawa ang manalangin sa Diyos, maging malapit sa Diyos, at sumaksi sa harap ng Diyos; at sa ganitong paraan matutupad mo ang iyong tungkulin. Lahat kayo ay dapat makakita nang malinaw mula sa gawain ng Diyos na ang Kanyang mga pagsubok sa pagtitiwala at pag-ibig ng mga tao ay kinakailangan na sila ay lalo pang manalangin sa Diyos, at kanilang pahalagahan ang mga salita ng Diyos sa harapan Niya nang mas madalas. Kapag pinapagliwanag ka ng Diyos at naunawaan mo ang Kanyang kalooban ngunit hindi mo ito kailanman isinagawa, wala kang makakamit. Kapag isinasagawa mo ang mga salita ng Diyos, dapat ka pa ring manalangin sa Kanya, kapag pinahahalagahan mo ang Kanyang mga salita kailangan mong palaging maghangad sa harap Niya at maging buo ang pagtitiwala sa Kanya nang hindi nawawalan ng puso o nanlalamig. Yaong mga hindi nagsasagawa sa mga salita ng Diyos ay masayang-masaya sa panahon ng mga pagtitipon, ngunit nahuhulog sa kadiliman pagbalik nila sa bahay. May mga ilan na ayaw man lang magtipun-tipon. Kaya kailangan mong malinaw na makita kung anong tungkulin ito na dapat tuparin ng mga tao. Maaaring hindi mo nalalaman kung ano talaga ng kalooban ng Diyos, ngunit maaari mong tuparin ang iyong tungkulin, makapananalangin kung kailan mo gusto, magagawa mong isagawa ang katotohanan kung kailan mo gusto, at magagawa mo kung ano ang kailangang gawin ng mga tao. Maaari mong pagtibayin ang iyong dating pananaw. Sa ganitong paraan, mas magagawa mong tanggapin ang susunod na hakbang ng gawain ng Diyos. Isa itong suliranin kung hindi ka maghahangad kapag gumagawa ang Diyos sa isang tagong paraan. Kapag Siya ay nagsasalita at nangangaral sa panahon ng mga pagtitipon, nakikinig nang may kasiglahan, ngunit kapag hindi Siya nagsasalita nawawalan ka ng lakas at umuurong. Anong uri ng tao ang gagawa nito? Ito ay isang tao na nakikiayon lamang. Sila ay walang paninindigan, walang patotoo, at walang pananaw! Karamihan sa mga tao ay kagaya ng gayon. Kapag nagpatuloy ka sa gayong paraan, isang araw kapag dumaan ka sa isang matinding pagsubok, bababa ka sa kaparusahan. Ang pagkakaroon ng isang paninindigan ay napakahalaga sa pagka-perpekto ng Diyos sa mga tao. Kung hindi mo pagdududahan isa man sa hakbang ng gawain ng Diyos, tinutupad mo ang tungkulin ng tao, tapat mong pinagtitibay kung ano ang ipinagagawa sa iyo ng Diyos, iyon ay, natatandaan mo ang mga ipinapayo sa iyo ng Diyos, at hindi mo nalilimutan ang Kanyang mga ipinapayo anuman ang Kanyang ginagawa, kung wala kang duda tungkol sa Kanyang gawain, pananatilihin ang iyong tindig, magpapatuloy na sumaksi, at magiging matagumpay sa bawat pagkakataon, sa katapusan ikaw ay gagawing perpekto sa isang mananagumpay ng Diyos. Kung nagagawa mong makapanindigan sa bawat hakbang ng mga pagsubok ng Diyos, at makapaninindigan ka hanggang sa katapusan, ikaw ay isang mananagumpay, at ikaw ay isang tao na ginawang perpekto ng Diyos. Kung hindi ka makapaninindigan sa iyong kasalukuyang mga pagsubok, sa hinaharap lalo itong magiging mas mahirap. Kung ikaw ay sasailalim lamang sa isang hindi gaanong makabuluhang pagdurusa at hindi mo isasagawa ang katotohanan, wala kang makakamit sa katapusan. Ikaw ay mawawalan. Mayroong ilang mga tao na binibitawan ang kanilang paghahangad kapag nakikita nila na hindi nagsasalita ang Diyos, at ang kanilang puso ay nagkakahiwa-hiwalay. Hindi ba ito isang hangal? Ang ganitong mga uri ng mga tao ay walang katotohanan. Kapag ang Diyos ay nagsasalita, lagi silang nagpupunta kung saan-saan, abala at masigla sa panlabas, ngunit ngayon na hindi Siya nagsasalita, hindi na sila naghahangad. Ang ganitong uri ng tao ay walang kinabukasan. Sa panahon ng mga kapinuhan, kailangang pumasok ka mula sa isang positibong pananaw at matutuhan ang mga aral na dapat mong matutuhan; kapag nananalangin ka sa Diyos at binabasa ang Kanyang salita, dapat mong ihambing ang iyong sariling kalagayan dito, tuklasin ang iyong mga pagkukulang, at matutuklasan na mayroon kang napakaraming mga aral na matututuhan. Habang lalong nagiging taimtim ang iyong paghahangad sa gitna ng mga kapinuhan, lalong mas masusumpungan mo ang iyong sarili na kulang. Kapag ikaw ay nakararanas ng mga kapinuhan maraming mga usapin ang iyong masasagupa; hindi mo sila malinaw na nakikita, nagrereklamo ka, ibinubunyag mo ang iyong sariling laman-sa pamamagitan lamang nito mo matutuklasan kung gaano katindi ang iyong tiwaling disposisyon.
Ang mga tao ay nagkukulang sa uri at sila ay hindi umaabot sa mga patakaran ng Diyos, sa hinaharap baka lalo pa silang mangangailangan ng pagtitiwala upang makalakad sa landas na ito. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay nangangailangan ng napakalaking pagtitiwala na mas malaki pa kaysa doon kay Job. Yaong mga walang pagtitiwala ay hindi makapagpapatuloy na magkamit ng karanasan at hindi magagawang gawing perpekto ng Diyos. Kapag dumating ang araw na matitinding mga pagsubok ang dumating sa iyo, ang ilan sa mga tao ay iiwan ang iglesia na ito, at ang ilan ay iiwan ang iglesia na iyon. Sa mga taong iyon, magkakaroon ng ilan na nakagagawa nang mahusay sa kanilang paghahangad sa nakaraang mga araw at hindi malinaw kung bakit hindi na sila naniniwala. Maraming mga bagay ang mangyayari at hindi mo malalaman kung ano ang nangyayari, at hindi ibubunyag ng Diyos ang anumang mga palatandaan o mga hiwaga, o gagawa ng anumang higit sa karaniwan. Ito ay upang makita kung ikaw ay makapaninindigan-ang Diyos ay gumagamit ng mga katotohanan upang pinuhin ang mga tao. Hindi ka pa gaanong nagdusa. Sa hinaharap kapag nakasagupa ka ng matitinding mga pagsubok, sa ilang mga lugar ang bawat isang tao sa iglesia ay aalis, at yaong mga nakapalagayan mo na ng loob ay aalis at iiwan ang kanilang pananampalataya. Magagawa mo bang manindigan kung gayon? Ngayon, ang mga pagsubok na iyong nakaharap ay malilit lamang, at marahil ni hindi mo magawang sila ay matagalan. Kabilang sa hakbang na ito ang mga kapinuhan at pag-perpekto sa pamamagitan ng salita lamang. Sa mga susunod na hakbang, ang mga katotohanan ay darating sa iyo upang pinuhin ka, at pagkatapos ikaw ay papagitna sa panganib. Sa sandaling ito ay naging totoong malubha, papayuhan ka ng Diyos na magmadali at umalis, at ang mga relihiyosong tao ay magtatangka na talian ka. Ito ay upang makita kung makapagpapatuloy ka sa landas. Ang lahat ng mga ito ay mga pagsubok. Ang kasalukuyang mga pagsubok ay maliliit, ngunit darating ang araw kung kailan mayroong mga magulang sa tahanan na hindi na naniniwala at mayroong mga anak sa tahanan na hindi na naniniwala. Makapagpapatuloy ka pa ba? Habang lalong lumalayo ang iyong nararating, lalong mas magiging matindi ang mga pagsubok. Ipinatutupad ng Diyos ang Kanyang gawain sa pagpipino ng mga tao alinsunod sa kanilang mga pangangailangan at sa kanilang tayog. Sa panahon ng yugto ng pagka-perpekto ng Diyos sa sangkatauhan, hindi posible na ang mga bilang ng mga tao ay patuloy na lumago. Sila ay uurong lamang-sa pamamagitan lamang ng mga kapinuhang ito magiging perpekto ang mga tao. Pakikitunguhan, didisiplihanin, susubukin, kakastiguhin, susumpain-matatagalan mo ba ang lahat ng ito? Kapag nakakita ka ng isang iglesia na may lalong mabuting kalagayan, ang mga kapatid ay naghahangad lahat nang may matinding lakas, ikaw mismo ay mahihikayat. Kapag dumating ang araw na sila ay umalis nang lahat, ang ilan sa kanila ay hindi na naniniwala, ang iba ay umalis upang magnegosyo o magpakasal, at ang ilan ay umanib sa relihiyon, makapaninindigan ka ba kung gayon? Mananatili ka bang hindi naapektuhan sa loob? Ang pagka-perpekto ng Diyos sa sangkatauhan ay hindi gayon kasimpleng bagay! Siya ay gumagamit ng maraming mga bagay upang pinuhin ang mga tao. Nakikita ng mga tao ang mga ito bilang mga pamamaraan, ngunit sa orihinal na layunin ng Diyos hindi kailanman ito mga pamamaraan, bagkus ay mga katotohanan. Sa katapusan, kapag napino na Niya ang mga tao hanggang sa isang punto at wala na silang mga reklamo, ang hakbang na ito ng Kanyang gawain ay makukumpleto. Ang dakilang gawain ng Banal na Espiritu ay upang gawin kang perpekto, at kapag hindi Siya gumagawa at ikinukubli ang Sarili Niya, ito ay higit pa para sa layunin ng iyong pagka-perpekto, at sa ganitong paraan maaaring lalo pa itong makita kung mayroon kang pag-ibig para sa Diyos, at kung mayroon kang tunay na pagtitiwala sa Kanya. Kapag ang Diyos ay nagsasalita nang malinaw, hindi mo na kailangang maghanap; kapag Siya ay nakakubli doon ka lamang kailangang maghanap, kailangang mong maramdaman ang iyong pinatutunguhan. Kailangan mong matupad ang tungkulin ng isang nilalang, at maging anuman ang iyong hinaharap na kalalabasan at iyong hantungan, kailangan mong magawang hangarin ang kaalaman at pag-ibig ng Diyos sa mga taong ikaw ay buhay, at hindi alinta kung paano ka ituturing ng Diyos, hindi ka makapagrereklamo. Mayroong isang kondisyon para sa gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng mga tao. Hangga’t sila ay nananabik na maghangad at hindi hati ang puso o nag-aalinlangan tungkol sa mga pagkilos ng Diyos, at napagtitibay nila ang kanilang tungkulin sa lahat ng oras, sa ganitong paraan lamang nila makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawat yugto ng gawain ng Diyos, ang kinakailangan sa sangkatauhan ay napakalaking pagtitiwala at paghahangad sa harap ng Diyos-sa pamamagitan lamang ng karanasan natutuklasan ng mga tao kung gaano kaibig-ibig ang Diyos at kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa tao. Kung hindi mo mararanasan, kapag hindi mo nadama ang iyong landas sa pamamagitan ng gayon, kapag hindi ka naghangad, wala kang makakamit. Kailangan mong maramdaman ang iyong patutunguhan sa pamamagitan ng iyong mga karanasan, at sa pamamagitan lamang ng iyong mga karanasan mo makikita ang mga pagkilos ng Diyos, at makikilala ang Kanyang pagiging kamangha-mangha at pagiging hindi maarok.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento