菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pananampalataya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pananampalataya. Ipakita ang lahat ng mga post

May 8, 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo - Ano ang tunay na mananagumpay?

Q&A tungkol sa Ebanghelyo - Ano ang tunay na mananagumpay?


Ano ba talaga ang isang mananagumpay? Anong mga katotohanan ang dapat na mayroon siya? Walang nakakaunawa dito. Mula sa ating pananaw, kung magsisikap tayo para sa Panginoon, at magiging tapat sa pangalan Niya, magiging mga mananagumpay tayo. Pero mali ang pananaw na ito. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Diyos sa pagiging isang mananagumpay.

Abr 17, 2019

Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos

Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob ng iglesia ngayon? Mayroon ka bang nauunawaan sa gayon? Ano ang pinakadakilang mga paghihirap ng mga kapatid? Ano ang pinakakulang sa kanila? Sa kasalukuyan, may ilang mga tao na negatibo sa gitna ng mga pagsubok, at ang iba sa kanila ay nagrereklamo pa, at ang ilan ay hindi na nagpapatuloy pa sapagkat ang Diyos ay hindi na nagsasalita. Ang mga tao ay hindi nakapasok sa tamang landas sa paniniwala sa Diyos.

Ene 22, 2018

Kristiyanong Pelikula (Tagalog) | Sa Katindihan ng Taglamig

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Kristiyanong Pelikula (Tagalog) | Sa Katindihan ng Taglamig

Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia. Partikular sa isang nagyeyelong gabi nang ang temperatura ay mas mababa ng 20 degrees sa zero, pinuwersa siyang hubaran, ibinabad sa nagyeyelong tubig, sinindak ng kuryente sa kanyang maselang bahagi, at puwersahang pinainom ng mustasang tubig ng mga pulis….Nagdusa siya sa malupit na pagpapahirap at hindi maipaliwanag na pagkapahiya. Sa panahon ng pagsisiyasat, nasaktan at napahiya siya. Desperado siyang nanalangin sa Diyos nang paulit-ulit. Binigyan siya ng napapanahong pagliliwanag at patnubay ng salita ng Diyos. Sa pananampalataya at lakas na tinanggap niya mula sa salita ng Diyos, nalampasan niya ang mabagsik na pagpapahirap at malademonyong pinsala at nagbigay ng kahanga-hanga at tumataginting na pagsaksi. Tulad ng bulaklak ng sirwelas sa taglamig, nagpakita siya ng matatag na kalakasan sa pamamagitan ng pamumukadkad nang may buong kapurihan sa gitna ng matinding kahirapan, na pinagmumulan ng kalugud-lugod na katahimikan …
Rekomendasyon

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Ene 18, 2018

Pelikula ng Ebanghelyo (Tagalog) | Ang Sandali ng Pagbabago

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sandali ng Pagbabago

Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa ring nagkakasala ang tao, napatawad na ng Panginoon ang kanyang mga kasalanan, agad babaguhin ang kanyang imahe para maging banal at iaangat siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Gayunman, sa nagdaang mga taon, lubhang naging mapanglaw ang iglesia, naging negatibo at mahina ang lahat ng nananalig, nanlamig ang kanilang pananampalataya at pagmamahal. Ang ilang mga katrabaho ay sumusunod sa salita ng Panginoon: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Pinagdududahan nila ang paniwala na “Pagdating ng Panginoon, agad Niyang babaguhin ang imahe ng tao at iaangat siya sa kaharian ng langit.” Nadarama nila na dahil patuloy pa rin tayong nagkakasala, hindi pa rin natin natatamo ang kabanalan at sinusuway natin ang kalooban ng Diyos, tayo maiaangat sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon? Matapos makipag-usap at makipagtalo, nadarama ni Su Mingyue na, may ilang kontradiksyon sa pagitan ng salita ng Panginoon at ng ideya ni Pablo na agad babaguhin ang imahe ng tao pagdating ng Panginoon. Aling ideya ba naman ang tama? Problemado at nalilito ang puso ni Su Mingyue. Para makakita ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu upang lutasin ang kanyang praktikal na pagkalito, para hindi siya pabayaan ng Panginoon, nagpasiya si Su Mingyue na pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikipagtalo at pakikipag-usap sa mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa huli ay naunawaan ni Su Mingyue at ng iba ang tanging landas papasok sa kaharian ng langit …
Rekomendasyon

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus

Ene 1, 2018

Pag-bigkas ng Diyos – Ano ang Alam Ninyo Tungkol sa Pananampalataya?

karunungan, Pananampalataya, pag-ibig, Langit, katotohanan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Pag-bigkas ng Diyos – Ano ang Alam Ninyo Tungkol sa Pananampalataya?

    Umiiral lamang sa tao ang hindi tiyak na salita ng pananampalataya, subalit hindi alam ng tao kung ano ang bumubuo sa pananampalataya, at lalo na kung bakit siya may pananampalataya. Masyadong maliit ang pang-unawa ng tao at ang tao mismo ay masyadong kulang; Siya ay may pananampalataya lamang sa Akin nang wala sa isip at walang pagkaalam. Bagaman hindi niya nalalaman kung ano ang pananampalataya o kung bakit siya may pananampalataya sa Akin, patuloy at mapilit niyang ginagawa. Ang hinihiling ko sa tao ay hindi lamang para tawagan niya Ako nang masidhi sa ganitong paraan o maniwala sa Akin sa isang paraang magulo. Sapagkat ang Aking gawain ay para sa tao upang makita niya Ako at makilala Ako, hindi para mamangha at tingnan Ako ng tao sa isang bagong liwanag dahil sa Aking gawain. Dati akong nagpamalas ng maraming tanda at himala at nagsagawa ng maraming milagro. Ang mga Israelita noong panahong iyon ay nagpakita sa Akin ng lubos na paghanga at lubhang sinamba ang Aking pambihirang kakayahang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Noong panahong iyon, inakala ng mga Hudyo na ang Aking kapangyarihan sa pagpapagaling ay dalubhasa at hindi pangkaraniwan. Dahil sa Aking maraming naturang gawain, tinanaw nila Ako nang may respeto; nakaramdam sila ng malaking paghanga sa lahat ng Aking kapangyarihan. Kaya sinumang nakakita sa Aking gumawa ng mga milagro ay sinundan ako nang mabuti, kung saan napalibutan ako ng libu-libo upang panoorin akong magpagaling ng maysakit. Nagpamalas ako ng maraming tanda at himala, ngunit tinanaw lamang Ako ng tao bilang isang dalubhasang manggagamot; nagsalita rin Ako ng maraming salita ng pagtuturo sa mga tao noong panahong iyon, ngunit tinanaw lamang nila Ako bilang isang mataas na guro sa kanyang mga disipulo! Maging sa araw na ito, matapos matunghayan ng mga tao ang pangkasaysayang tala ng Aking gawain, nagpapatuloy ang kanilang interpretasyon sa Akin bilang isang magaling na doktor na nagpapagaling ng maysakit at isang guro sa mga mangmang. At tinukoy nila Ako bilang ang mahabaging Panginoong Jesucristo. Ang mga nagbibigay kahulugan sa banal na kasulatan ay maaaring nalampasan ang Aking kakayahan sa pagpapagaling, o maaaring mga disipulo na dinaig pa ang kanilang mga guro, ngunit ang mga ganoong tao na may dakilang katanyagan, na ang mga pangalan ay kilala sa buong mundo, ay tinatanaw Ako nang mababa bilang isang hamak na manggagamot! Mas higit pa sa bilang ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat ang Aking mga gawa, at mas lalong dakila pa kaysa sa lahat ng mga anak ni Solomon ang Aking karunungan, ngunit ang mga tao ay basta na lamang Akong pinapalagay bilang isang manggagamot na maliit ang kabuluhan at isang hindi kilalang guro ng tao! Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang pagalingin lamang sila? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para gamitin lamang ang Aking kapangyarihan sa pagtaboy ng mga masasamang espiritu mula sa kanilang katawan? At gaano karami ang naniniwala sa Akin upang makatanggap lamang ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Akin? Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang hingian lamang Ako ng higit pang materyal na kayamanan, at gaano karami ang naniniwala sa Akin upang gugulin ang buhay na ito sa kaligtasan at upang maging ligtas at maayos sa mundong darating? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para maiwasan lamang ang paghihirap ng impiyerno at tumanggap ng mga pagpapala ng langit? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang ginhawa ngunit hindi naghahangad na may makamit man lang sa mundong darating? Nang Ako ay naghatid ng Aking matinding galit sa tao at kinuha ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Nang ibinigay Ko sa tao ang paghihirap ng impiyerno at tinubos ang mga pagpapala ng langit, naging galit ang kahihiyan ng tao. Nang tinanong Ako ng tao upang pagalingin siya, ngunit hindi ko siya kinilala at nakadama ng poot para sa kanya, ang tao ay lumayo mula sa Akin at hinahangad ang paraan ng mga doktor sa pangungulam at mangbabarang. Nang inalis Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, nangagsiwalaan ang lahat nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang. Ang mga Hudyo ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sumunod sa Akin saan man ako nagtungo. Ang mga ignoranteng tao na ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay hinanap lamang ang mga tanda at himala na ipinamalas ko. Tinanaw nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinakamagagandang milagro. Samakatuwid, kapag pinalayas Ko ang mga demonyo mula sa mga tao, nag-uusap usap sila na may malaking kalituhan, sinasabing ako si Elijah, ako si Moses, na ako ang pinaka sinauna sa lahat ng mga propeta, na ako ang pinakamagaling sa lahat ng mga manggagamot. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing Ako ang buhay, ang daan at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking pagkatao o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos Mismo. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing dadalhin ko sa kaligtasan ang lahat ng sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaalam na Ako ang Tagapagligtas ng sangkatauhan; kilala lang Ako ng tao bilang isang mabait at maawaing tao. At bukod sa Aking sarili na nagagawang ipaliwanag ang lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakilala sa Akin, at walang naniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Ang tao lang ang may ganitong paraan ng pananampalataya sa Akin, at nililinlang Ako sa ganitong paraan. Paanong magagawa ng tao na maging saksi sa Akin kapag taglay niya ang ganitong pananaw tungkol sa Akin?

Dis 28, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa

Pananampalataya, paniniwala, katotohanan, buhay, Kaalaman

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa

    Ang mga tao ay naniwala sa Diyos sa mahabang panahon, gayon pa man karamihan sa kanila ay walang nauunawaan sa salitang “Diyos.” Sila lamang ay sumusunod sa isang pagkalito. Wala silang palatandaan sa kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit ang tao ay dapat maniwala sa Diyos o kung ano ba talaga ang Diyos. Kung alam lamang ng tao na sumampalataya at sumunod sa Diyos, ngunit hindi kung ano ang Diyos, ni hindi nila nauunawaan ang Diyos, kung gayon hindi ba ito ang pinakamalaking katatawanan sa mundo? Kahit na nakasaksi ang tao sa maraming makalangit na misteryo ngayon at nakarinig ng higit na malalim na kaalaman na hindi kailanman naunawaan ng tao noon, sila ay nasa dilim sa maraming pinakapayak, at mababaw na katotohanan. Ang ilan sa mga tao ay maaaring magsabi, “Kami ay naniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon. Paanong hindi natin maaaring malaman kung ano ang Diyos? Hindi ba tayo minamaliit nito?” Ngunit sa katotohanan, kahit na ang lahat ay sumusunod sa Akin ngayon, walang sinuman ang may anumang mga pag-unawa ng lahat ng gawa ngayon. Binibitawan nila ang kahit na pinakapayak at pinakamadaling katanungan, lalo na ang pinaka-komplikadong tanong ng “Diyos.” Dapat mong malaman ang mga katanungan na sinantabi mo muna at hindi matuklasan ang siyang iyong dapat pinaka-malaman, dahil ang alam mo lamang ay sundin ang karamihan ng sambayanan, hindi binibigyang pansin at hindi kinakalinga ang mga bagay na dapat ay ginagamit mo sa iyong sarili. Alam mo ba talaga kung bakit dapat kang magkaroon ng pananampalataya sa Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang tao? Bilang isang tao na may pananampalataya sa Diyos, kung ikaw ay mabigong maunawaan ang mga bagay na ito, hindi mo ba nawala ang iyong dignidad bilang isang mananampalataya ng Diyos? Ang Aking gawa ngayon ay ito: upang maunawaan ng tao ang kanilang kakanyahan, maunawaan ang lahat na Aking ginagawa, at malaman ang tunay na mukha ng Diyos—ito ang pagsasarang kilos ng Aking plano sa pamamahala, ang huling yugto ng Aking gawa. Kaya Ko sinasabi sa inyo ang lahat ng misteryo ng buhay nang maaga, upang lahat kayo ay maaaring tanggapin ito mula sa Akin. Dahil ito ay ang gawa sa huling panahon, dapat Kong sabihin sa inyo lahat ang katotohanan ng buhay na hindi ninyo pa nalaman noon, kahit na hindi niyo maunawaan ang mga ito at hindi kayang dalhin ang mga ito, dahil kayo ay masyadong kulang at walang paghahanda. Gusto Kong wakasan ang Aking gawa, upang matapos ang lahat ng Aking kinakailangan na gawa, at upang ipaalam sa inyo nang ganap ang kinakailangan ninyong gawin, baka kayo muli ay maligaw at maniwala sa panlilinlang ng kasamaan kapag dumating ang kadiliman. Maraming mga paraan na higit sa inyong pang-unawa, maraming mga bagay na hindi niyo maintindihan. Kayo ay masyadong mang-mang. Alam Ko ang inyong tayog at gayundin ang inyong mga pagkukulang. Samakatuwid, kahit na maraming salita na hindi ninyo kayang maintindihan, nais Ko pa rin sabihin sa inyo ang lahat ng mga katotohanang ito na hindi niyo pa kailanman naririnig—dahil lagi Akong nababahala kung, sa inyong kasalukuyang tayog, magagawa ninyong maging patotoo para sa Akin. Hindi sa minamaliit Ko kayo. Kayong lahat ay mga hayop na hindi dumaan sa Aking pormal na pagsasanay, at ito ay tunay na nakapagdududa kung gaano kalaki ang kapurihan na nasa sa inyo. Kahit na Ako ay naggugol ng napakaraming enerhiya sa inyo, ngunit tila walang positibong elemento ang nabubuhay sa inyo, habang ang negatibong elemento ay maaaring bilangin sa mga daliri at nakatuon lamang sa mga patotoo sa kahihiyan ni Satanas. Halos lahat ng bagay sa inyo ay lason ni Satanas. Nakatingin kayo sa Akin na mistulang lampas kayo sa kaligtasan. Kaya, ang mga bagay kung nasaan ang mga ito ngayon, tumingin Ako sa inyong iba’t ibang pagkilos, at sa wakas nalaman Ko ang inyong tunay na tayog. Kaya Ako ay patuloy na nababahala sa inyo: Umalis siya upang mabuhay sa kanyang sarili, ang kalalabasan ng tao ay magiging maayos kaysa o maihahambing sa kung ano siya ngayon? Hindi ba kayo nababalisa sa inyong mababang tayog? Maaari ba kayong maging tulad ng mga piniling tao ng Israel, tapat sa Akin at Akin lamang sa lahat ng pagkakataon? Ang inyong ipinapakita ay hindi ang harot ng mga bata sa paningin ng kanilang mga magulang, ngunit ang kalupitang lumalabas sa hayop kapag sila ay malayo sa hagupit ng kanilang amo. Dapat ninyong malaman ang inyong mga kalikasan, gayundin din ang kahinaan sa lahat ng inyong ibinabahagi, ang inyong karaniwang sakit. Kaya ang Akin lamang pangaral sa inyo ngayon ay maging patotoo para sa Akin. Huwag kailanman sa anumang pangyayari hayaan ang lumang sakit na muling sumiklab. Ang pinaka-mahalagang bagay ay magbigay ng pagpapatotoo. Iyan ang sentro ng Aking gawa. Dapat ninyong tanggapin ang Aking mga salita tulad ng pagtanggap ni Maria sa paghahayag ni Jehova sa kanyang panaginip, na may pananampalataya at gayon din ang pagsunod. Tanging ito ang kuwalipikado bilang pagiging malinis. Dahil kayo ang madalas nakaririnig ng Aking mga salita, ang Aking mga pinaka-pinagpala. Binibigay Ko sa inyo ang lahat ng Aking mga mahalagang pag-aari, ibinibigay nang ganap ang lahat sa inyo. Ang inyong katayuan at ng mga anak ng Israel, gayunpaman, ay higit na magkaiba, ganap na magkahiwalay na mundo. Ngunit kung ikukumpara sa kanila, kayo ay tumatanggap nang marami. Habang gipit silang naghihintay sa Aking pagpapakita, gumugugol kayo ng kaaya-ayang araw kasama Ako, nakikibahagi ng Aking mga kayamanan. Sa pamamagitan ng paghahambing, ano ang nagbibigay sa inyo ng karapatang magputak at makipagbangayan sa Akin at humingi ng bahagi ng Aking pag-aari? Hindi ba kayo nakakatanggap nang sapat? Binigyan kayo nang sobra, ngunit ang isinukli niyo sa Akin ay nakadudurog sa pusong kalungkutan at pagkabalisa at hindi mapigil na sama ng loob at kawalang-kasiyahan. Kayo ay masyadong karima-rimarim, at pumupukaw rin kayo ng awa. Kaya’t Ako ay walang pagpipilian kung hindi lunukin lahat ng Aking sama ng loob at magpasubali nang paulit-ulit. Sa mahigit ilang libong taon ng trabaho, hindi Ako nagdala ng anumang mga pagtutol sa sangkatauhan noon dahil Ako ay may natuklasan sa kasaysayan ng pag-unlad ng sangkatauhan, tanging ang mga panlilinlang lamang sa inyo ang pinaka-kilala. Sila ay tulad ng mahalagang mga mana na iniwan sa iyo sa pamamagitan ng mga sikat na “ninuno” ng unang panahon. Talagang galit Ako sa mga mas mababa kaysa sa baboy at aso. Kayo ay walang konsiyensya! Ang inyong karakter ay masyadong mababa! Ang inyong puso ay masyadong matigas! Kung kinuha Ko ang mga salita Ko at Aking mga gawa sa Israel, matagal Ko na dapat nakamit ang kaluwalhatian. Ngunit hindi gayon sa inyo. Sa inyo mayroon lamang malupit na kapabayaan, ang inyong malamig na balikat, at ang inyong mga palusot. Kayo ay walang pakiramdam at masyadong walang halaga!

Dis 20, 2017

Ang tinig ng Diyos - Ang Kakanyahan at Pagkakakilanlan ng Tao

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang tinig ng Diyos - Ang Kakanyahan at Pagkakakilanlan ng Tao

    Sa katunayan, sila ay hindi nabigo, at sila ay nagbabantay na sa nagáwâ na sa loob ng huling anim-na-libong taon magpahanggang ngayon, sapagka’t hindi Ko sila tinalikuran. Sa halip, dahil kinain ng kanilang mga ninuno ang “bunga”mula sa punò ng kaalaman ng mabuti at masámâ na ipinakita ng diyablo, tinalikuran nila Ako para sa kasalanan. Ang mabuti ay nabibilang sa Akin, samantalang ang masámâ ay nabibilang sa diyablo na nanlilinlang sa Akin alang-alang sa kasalanan. Hindi Ko sinisisi ang mga tao, ni winawasak Ko sila nang walang-awa o isinasailalim sila sa walang-awang pagkastigo, sapagka’t ang masama ay hindi orihinal na nabibilang sa sangkatauhan. Samakatuwid kahit na ang mga Israelitang yaon ay ipinako Ako sa krus sa publiko, sila, na naghihintay sa Mesias at Jehova at naghahangad para sa Tagapagligtas na si Jesus, ay hindi nakakalimot sa Aking pangako. Ito ay sa kadahilanang hindi Ko sila pinababayaan. Matapos ang lahat, ginamit Ko ang dugo bilang katibayan para sa tipan na itinatag Ko sa mga tao. Ang katunayang ito ay naging ang “dugo ng tipan” na iniukit sa mga puso ng mga kabataan at inosenteng mga tao, na parang ito ay itinatak, at gaya ng walang-hanggang kapwa-pag-iral ng langit at lupa. Hindi Ko kailanman dinaya ang mga malulungkot na kaluluwang yaon na Aking tinubos, natamo, at umiibig sa Akin nang higit kaysa sa diyablo pagkatapos Kong italaga at piliin sila. Samakatuwid, sila ay nananabik na inaasahan ang Aking pagbabalik at nananabik na hinihintay ang pakikipagtagpo sa Akin. Yamang hindi Ko kailanman binura ang tipan na itinatag Ko sa kanila sa pamamagitan ng dugo, hindi nakakagulat na sila ay sabik na naghihintay. Muli Kong huhulihin ang mga tupang ito na nawala nang maraming taon, sapagka’t palagi Kong minamahal ang mga tao. Dahil sa mga elemento ng kasamaan na naidagdag sa kabutihan ng tao, bagaman makakamit Ko ang mga kawawang kaluluwa na nagmamahal sa Akin at siyang minamahal Ko na, paano Ko maaaring dalhin sa Aking bahay ang mga masasamang yaon na hindi kailanman nagmahal sa Akin at kumilos na parang mga kaaway? Hindi Ko dadalhin sa Aking kaharian ang mga inapo ng diyablo at ahas na namumuhi, sumasalungat, lumalaban, sumasalakay, at sumusumpa sa Akin sa Aking kaharian, kahit na itinatag Ko ang tipan sa mga tao sa pamamagitan ng dugo. Dapat mong malaman kung bakit at para kanino Ko isinasakatuparan ang gawain. Ito ba ay mabuti o masama sa iyong pag-ibig? Kilala mo ba Ako talaga tulad ng pagkakilala nina David at Moises? Tunay ka bang naglilingkod sa Akin gaya ni Abraham? Totoo na ginagawa Kitang perpekto, subali’t dapat mo itong malaman: Sinong kakatawanin mo? Sino ang magkakaroon ng kapareho mong kinalabasan? Sa iyong buhay, mayroon ka bang masaya at masaganang ani sa pamamagitan ng pagkakaranas sa Akin? Ito ba ay masagana at mabunga? Dapat mong suriin ang iyong sarili. Sa maraming taon gumagawa ka para sa Aking kapakanan, nguni’t kahit kailan ba ay may nakuha kang anuman? Nababago ka ba o nakakatamo ng anuman? Bilang kapalit ng iyong karanasan sa paghihirap, nagiging katulad ka ba ni Pedro na napako sa krus, o gaya ni Pablo na pinabagsak at nakatanggap ng isang dakilang “liwanag”? Dapat mong mamalayan ang mga ito. Ako ay hindi patuloy na nagsasalita at nag-iisip tungkol sa iyong buhay na mas maliit pa kaysa buto ng mustasa, na kasinglaki ng isang butil ng buhangin. Sa tapat na pagsasalita, ang sangkatauhan ang Aking pinamamahalaan. Gayunpaman, hindi Ko isinasaalang-alang ang buhay ng tao, na minsan Ko nang kinamuhian nguni’t sa dakong huli ay pinulot Kong muli, bilang isang mahalagang bahagi ng Aking pamamahala. Dapat kang maging malinaw tungkol sa kung ano talaga ang inyong dating pagkakakilanlan at sinong pinaglingkuran ninyo bilang mga alipin. Samakatuwid, Ako ay hindi gumagamit ng mga mukha ng mga tao gaya ni Satanas bilang mga kagamitang panangkap upang pamahalaan sila, sapagka’t ang mga tao ay hindi mahahalagang mga bagay. Dapat ninyong maalala ang Aking pagtingin sa inyo sa pasimula, at ang tawag Ko sa inyo sa panahong iyon na kung saan ay hindi walang praktikal na kabuluhan. Dapat mong malaman na ang “mga sombrero” sa inyong mga ulo ay hindi walang batayan. Aking ipinalalagay na alam ninyong lahat na kayo ay hindi orihinal na nabibilang sa Diyos, subali’t kayo ay nahuli ni Satanas noong matagal na ang nakalipas at nagsilbi sa tahanan nito bilang matapat na mga tagapaglingkod. Matagal na ninyo Akong nakalimutan, dahil matagal na kayong nasa labas ng Aking bahay nguni’t nasa mga kamay ng diyablo. Yaong Aking inililigtas ay yaong Aking itinalaga matagal na ang nakalipas at natubos sa pamamagitan Ko, samantalang kayo ay kaawa-awang mga kaluluwa na inilagay sa gitna ng mga tao bilang isang naibukod sa panuntunan. Dapat ninyong malaman na hindi kayo kabilang sa bahay ni David o ni Jacob, kundi doon kay Moab, na siyang mga kasapi ng isang tribong Gentil. Sapagka’t hindi Ko itinatag ang isang tipan sa inyo, subali’t isinakatuparan lamang ang gawain at nagsalita sa gitna ninyo, at pinangunahan kayo. Ang Aking dugo ay hindi ibinuhos para sa inyo. Isinakatuparan Ko lamang ang Aking gawain sa gitna ninyo alang-alang sa Aking patotoo. Hindi ba ninyo nalaman iyan? Ang Akin bang gawain ay talagang gaya nang kay Jesus na nagdurugo hanggang kamatayan para sa inyo? Hindi ito katumbas ng halaga na nakayanan Ko ang gayong kalaking kahihiyan para sa inyo. Ang Diyos, na ganap na walang kasalanan, sa katunayan ay dumating sa isang lugar na gaya ng lugar para sa mga aso at mga baboy na sukdulang kasumpa-sumpa at nakakainis, at hindi maaaring tirahan ng mga tao. Gayunman, tiniis Ko ang lahat ng mga malupit na kahihiyang ito para sa kaluwalhatian ng Aking Ama at para sa walang-hanggang patotoo. Dapat ninyong malaman ang inyong asal at makita na kayo ay hindi mga anak na isinilang sa “mayayaman at makapangyarihang mga pamilya” kundi maralitang anak lamang ni Satanas. Kayo ay hindi mga tagapagtatag sa gitna ng mga tao, at kayo ay walang karapatang pantao o kalayaan. Kayo sa orihinal ay walang bahaging anuman sa mga pagpapala mula sa alinman sa sangkatauhan o sa kaharian ng langit. Ito ay dahil sa kayo ay nasa kailaliman ng mga tao sa sangkatauhan, at hindi Ko kailanman napag-isipan ang inyong kinabukasan. Samakatuwid, kahit na ito ay orihinal na bahagi ng Aking plano na ngayon ay magkakaroon Ako ng pananampalataya upang gawin kayong perpekto, ito ay isang wala pang nakagagawang gawain, sapagka’t ang inyong estado ay napakababa at sa orihinal ay wala kayong bahagi sa sangkatauhan. Hindi ba ito isang pagpapala sa mga tao?

Dis 18, 2017

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

sundin, kapalaran, Pananampalataya, Langit, katotohanan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay

Para sa Lahat ng Mga Bagay (IV)

    Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang isang natatanging paksa. Para sa bawat isa sa inyo, mayroon lamang dalawang pangunahing mga bagay ang kailangan ninyong malaman, maranasan at maintindihan—at ano ang dalawang bagay na ito? Ang una ay ang personal na pagpasok sa buhay ng mga tao, at ang ikalawa ay may kaugnayan sa pagkilala sa Diyos. Sa araw na ito ay bibigyan ko kayo ng pagpipilian: Pumili ng isa. Gusto ba ninyong makarinig tungkol sa isang paksa na may kaugnayan sa personal na karanasan sa buhay ng mga tao, o gusto ninyong makarinig ng isang tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo? At bakit Ako nagbibigay sa inyo ng gayong pagpipilian? Sapagkat, sa araw na ito, naiisip Kong salitain sa inyo ang ilang mga bagong bagay tungkol sa pagkilala sa Diyos. Ngunit, anu’t-anuman, papipiliin Ko muna kayo sa pagitan ng dalawang bagay na kasasabi Ko lang. (Pipiliin Ko yaong tungkol sa pagkilala sa Diyos.) (Naiisip namin na ang pakikipagniig sa kaalaman ng Diyos ay mas mabuti, rin) Naiisip ba ninyo na kung ano ang ating napag-usapan nitong nakaraan lang tungkol sa pagkilala sa Diyos ay maaaring makamit? (Nang isagawa ng Diyos ang unang pakikipag-isa, hindi natin ito naramdamang ganoon. Pagkatapos noon, ang Diyos ay nagsagawa pa ng ilang mga pakikipag-isa, at nang magbalik tayo sa unang pakikipag-isa, sa mga kapaligirang nilikha ng Diyos, ang mga kapatid ay nakinig sa pagpapakaranas sa lugar na ito.) Makatarungan lamang sabihin na hindi ito maabot ng karamihan sa mga tao. Maaaring hindi kayo makumbinsi ng mga salitang ito. Bakit ko sinasabi ito? Dahil noong kayo ay nakikinig sa mga sinasabi Ko noong una, paano Ko man ito sinabi, o sa kung anong mga salita, nang inyo itong marinig, sa literal at sa teorya ay may kamalayan kayo ukol sa Aking sinasabi, ngunit ang isang lubhang seryosong isyu sa inyo ay, hindi ninyo naintindihan kung bakit Ko nasabi ang mga bagay na ito, bakit Ako nagsalita ukol sa mga paksang ito. Ito ang pinakapunto ng usapin. At kaya, bagamat ang pakikinig sa mga salitang ito ay nakadagdag at napagyaman ang inyong pagkaunawa ukol sa Diyos at sa Kanyang mga gawa, bakit naguguluhan pa rin kayo sa pagkilala sa Diyos? Ang katuwiran ay ito: Pagkarinig sa Aking sinabi, hindi naiintindihan ng karamihan sa inyo kung bakit Ko nasabi ito, at kung anong kaugnayan mayroon ito sa pagkilala sa Diyos. Hindi nga ba? Ano ang kinalaman ng kawalan ninyo ng kakayahan na maintindihan ang kaugnayan nito sa pagkilala sa Diyos? Naisip na ba ninyo kailanman ang ukol dito? Marahil hindi pa. Ang katuwiran kung bakit hindi ninyo naiintindihan ang mga bagay na ito ay sapagkat ang inyong karanasan sa buhay ay masyadong mababaw. Kung ang kaalaman at karanasan ng mga tao ukol sa mga salita ng Diyos ay mananatili sa napakababaw na antas, kung gayon karamihan sa kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay magiging malabo at mahirap unawain—ito ay magiging panimula, pandoktrina, at panteorya. Sa teorya, ito ay lumilitaw o masasabing makatwiran at rasonable, ngunit ang kaalaman sa Diyos na lumalabas sa mga bibig ng mga tao ay hungkag. At bakit Ko sinasabing ito ay hungkag? Sapagkat, sa totoo lang, sa iyong mga puso hindi kayo malinaw tungkol sa kung ang mga salita tungkol sa pagkilala sa Diyos na lumabas sa inyong mga bibig ay tama o hindi, kung ang mga ito ay eksakto o hindi. At kaya, bagamat karamihan sa mga tao ay nakarinig ng napakaraming mga impormasyon at mga paksa tungkol sa pagkilala sa Diyos, ang kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay hindi pa umaabot lampas sa teorya at malabo at mahirap unawain na doktrina.

Dis 16, 2017

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII

karunungan, Pananampalataya, Biblia, buhay, kapalaran

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII

(I) Isang Pangkalahatang-Ideya sa

Awtoridad ng Diyos, Ang matuwid na Disposisyon ng Diyos, at Kabanalan ng Diyos

    Kapag natapos na ninyo ang mga panalangin, nakadarama ba ng kapanatagan ang inyong mga puso sa harap ng Diyos? (Oo.) Kung ang puso ng isang tao ay maaaring maging panatag, maaari na nilang marinig at maintindihan ang salita ng Diyos at maaari na nilang marinig at maintindihan ang katotohanan. Kung ang iyong puso ay hindi mapanatag, kung ang puso mo ay laging naguguluhan, o laging nag-iisip ng ibang mga bagay, makaaapekto ito sa iyong pagsama upang makinig sa salita ng Diyos. Kaya, ano ang ipinahihiwatig ng tinatalakay natin sa oras na ito? Bumalik lang tayo ng konti sa pangunahing punto. Tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo, ang natatangi, ano ang unang bahagi na ating tinalakay? (Awtoridad ng Diyos.) Ano ang ikalawa? (Ang matuwid na disposisyon ng Diyos.) At ang ikatlo? (Ang kabanalan ng Diyos.) Gaano ba kadalas nating talakayin ang awtoridad ng Diyos? Nagkaroon ba ito ng epekto? (Dalawang beses.) Paano naman ang matuwid na disposisyon ng Diyos? (Isang beses.) Ang ilang beses nating pagtalakay sa kabanalan ng Diyos ay nakapag-iwan marahil ng impresyon sa inyo, ngunit nagkaroon ba ng epekto ang partikular na paksa na tinalakay natin sa bawat pagkakataon? Sa unang bahagi ng “Ang awtoridad ng Diyos,” ano ang naiwang malalim na impresyon sa inyo, anong bahagi ang nagkaroon ng matinding epekto sa inyo? (Ang awtoridad ng salita ng Diyos at ang Diyos bilang Namumuno sa lahat ng mga bagay.) Pag-usapan ang pinakamahalagang puntos. (Una, ipinabatid ng Diyos ang awtoridad at ang kapangyarihan ng salita ng Diyos; kasimbuti ng Diyos ang Kanyang salita at ang Kanyang salita ay magkakatotoo. Ito ang pinakadiwa ng Diyos.) (Ang awtoridad ng Diyos ay nakasalalay sa Kanyang paglikha ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng nakapaloob rito. Walang sinuman ang makapagpapabago sa awtoridad ng Diyos. Ang Diyos ang namumuno sa lahat ng mga bagay at pinamamahalaan Niya ang lahat ng mga bagay.) (Ginagamit ng Diyos ang bahaghari at ang mga tipan sa tao.) Ito ang partikular na paksa. Mayroon pa bang iba? (Iniutos ng Diyos kay Satanas na maaari nitong tuksuhin si Job, subalit hindi maaaring kunin ang kanyang buhay. Mula rito makikita natin ang awtoridad ng salita ng Diyos.) Ito ang pagkaunawa na inyong natamo matapos mapakinggan ang pakikipagniig, tama? Mayroon bang iba pa na idaragdag? (Pangunahin nating tinatanggap na kinakatawan ng awtoridad ng Diyos ang natatanging katayuan at kalagayan ng Diyos, at walang sinuman sa mga nilikha o hindi nilikhang katauhan ang maaaring magtaglay ng Kanyang awtoridad.) (Nagsasalita ang Diyos upang gumawa ng tipan sa tao at nagsasalita Siya upang ihayag ang Kanyang mga pagpapala sa tao, lahat ng mga ito ay mga halimbawa ng awtoridad ng salita ng Diyos.) (Nakikita natin ang awtoridad ng Diyos sa pagkalikha ng kalangitan at ng lupa at ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng Kanyang salita, at mula sa Diyos na nagkatawang-tao nakikita natin na ang Kanyang salita ay tinataglay rin ang awtoridad ng Diyos, ang mga ito ay parehong simbolo ng pagiging katangi-tangi ng Diyos. Makikita natin ito nang utusan ni Jesus si Lazaro na maglakad palabas ng kanyang puntod: Ang buhay at kamatayan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, kung saan si Satanas ay walang kapangyarihan na pumigil; maging ang gawain ng Diyos ay isinagawa man sa laman o sa Espiritu, ang Kanyang awtoridad ay natatangi.) May iba pa ba kayong idaragdag? (Makikita natin na ang anim na mga sugpungan ng buhay ay idinidikta ng Diyos.) Magaling! Ano pa? (Ang mga pagpapala ng Diyos sa tao ay kumakatawan din sa Kanyang awtoridad.) Kapag pinag-uusapan natin ang awtoridad ng Diyos, ano ang inyong pagkaunawa sa salitang “awtoridad”? Sa loob ng saklaw ng awtoridad ng Diyos, sa ginagawa ng Diyos at inihahayag, ano ang nakikita ng mga tao? (Nakikita namin ang pagiging makapangyarihan at karunungan ng Diyos.) (Nakikita namin na ang awtoridad ng Diyos ay laging naroroon at na ito ay tunay, tunay na umiiral.) (Nakikita namin ang awtoridad ng Diyos sa malawak na proporsyon sa Kanyang dominyon sa daigdig, at nakikita namin sa maliit na sukat habang pinamamahalaan Niya ang buhay ng tao. Mula sa anim na mga sugpungan ng buhay nakikita namin na talagang pinaplano ng Diyos at pinamamahalaan ang bawat aspeto ng aming mga buhay.) (Tangi sa roon, nakikita namin na ang awtoridad ng Diyos ay kumakatawan sa Diyos Mismo, ang natatangi, at walang sinuman sa mga nilikha at hindi nilikhang mga katauhan ang maaaring magtaglay nito. Ang awtoridad ng Diyos ay sumisimbolo sa Kanyang katayuan.) “Mga simbolo ng katayuan ng Diyos at kalagayan ng Diyos,” tila mayroon kayong doktrinal na kaalaman sa mga salitang ito. Ano ang katanungan na katatanong ko lang sa inyo, maaari ba ninyo itong ulitin? (Sa ginagwa ng Diyos at inihahayag, ano ang ating nakikita?) Ano ang inyong nakikita? Maaari kaya na ang nakikita lang ninyo ay ang awtoridad ng Diyos? Naramdaman din ba ninyo ang awtoridad ng Diyos? (Nakikita namin ang realidad ng Diyos, ang pagiging totoo ng Diyos, ang pagiging tapat ng Diyos.) (Nakikita namin ang karunungan ng Diyos.) Ang pagiging tapat ng Diyos, ang pagiging totoo ng Diyos, at ang sinasabi ng ilan na karunungan ng Diyos. Ano pa ang narooon? (Ang walang hanggang kapangyarihan ng Diyos.) (Pagkakita sa pagkamatuwid at kabutihan ng Diyos.) Hindi pa rin ninyo gaanong nakukuha, kaya mag-isip pa nang konti. (Ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay inihahayag at nasasalamin sa Kanyang pagkontrol, pangunguna, at pamamahala sa sangkatauhan. Ito ay tunay na tunay at totoo. Palagi Niyang ginagawa ang Kanyang gawain at walang sinuman sa mga nilikha o hindi nilikhang mga katauhan ang maaaring magtaglay ng awtoridad at kapangyarihang ito.) Tumitingin ba kayong lahat sa inyong mga itinala? Mayroon ba talaga kayong anumang kaalaman sa awtoridad ng Diyos? Naiintindihan ba talaga ninuman sa inyo ang Kanyang awtoridad? (Binabantayan kami ng Diyos at pinangangalagaan kami mula noong kami ay mga bata pa, at nakikita namin ang awtoridad ng Diyos sa gayon. Lagi naming hindi naiintindihan ang mga sitwasyon na nangyayari sa amin, ngunit palagi kaming pinangangalagaan ng Diyos nang lihim; ito rin ay awtoridad ng Diyos.) Magaling, mahusay ang pagkakasabi!
  Kapag pinag-uusapan natin ang “awtoridad ng Diyos,” nasaan ang pokus, ang pangunahing punto? Bakit kailangan pa nating pag-usapan ang paksang ito? Una, upang maiintindihan ng mga tao, upang makita, at upang madama ang awtoridad ng Diyos. Ang iyong nakikita at ang iyong nadarama ay mula sa mga pagkilos ng Diyos, mga salita ng Diyos, at ang pamamahala ng Diyos sa daigdig. Kaya, ang lahat ng nakikita ng tao sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos, lahat ng kanilang matututuhan sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos, o anumang tanggapin nila sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos, anong tunay na kaalaman ang matatamo mula rito? Una, ang layunin sa pagtalakay ng paksang ito ay upang maitatag ng tao ang kalagayan ng Diyos bilang Manlilikha at ang Kanyang katayuan sa gitna ng lahat ng mga bagay. Ikalawa, kapag nakita ng mga tao ang lahat ng mga nagawa ng Diyos at sinabi at pinamahalaan sa pamamagitan ng Kanyang awtoridad, magbibigay-daan ito sa kanila upang makita ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Magbibigay-daan ito sa kanila upang makita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos upang pamahalaan ang lahat ng bagay at kung gaano Siya katalino habang isinasagawa Niya ito. Hindi ba ito ang pokus at ang pangunahing punto ng natatanging awtoridad ng Diyos na tinalakay natin noong una? Di pa gaanong nagtatagal gayunman nakalimutan na ito ng ilan, na nagpapatunay na hindi pa ninyo lubos na nauunawaan ang awtoridad ng Diyos; maaari pang masabi ng isang tao na hindi pa ninyo nakita ang awtoridad ng Diyos. Nauunawaan na ba ninyo ito ngayon nang bahagya? Kapag nakita mo ang awtoridad ng Diyos sa pagkilos, ano ang tunay mong mararamdaman? Tunay mo bang naramdaman ang kapangyarihan ng Diyos? (Naramdaman namin.) Kapag binasa mo ang mga salita ng Diyos tungkol sa Kanyang paglikha sa daigdig madarama mo ang Kanyang kapangyarihan, nadarama mo ang Kanyang pagiging makapangyarihan. Kapag nakita mo ang dominyon ng Diyos sa kapalaran ng mga tao, ano ang iyong madarama? Nadarama mo ba ang Kanyang kapangyarihan at Kanyang karunungan? (Nadarama namin.) Kung hindi tinaglay ng Diyos ang kapangyarihang ito, kung Hindi Niya tinaglay ang karunungang ito, magiging karapat-dapat ba Siyang magkaroon ng dominyon sa daigdig at magkaroon ng dominyon sa kapalaran ng mga tao? (Hindi Siya magkakaroon.) Kung ang sinuman ay walang kakayahan na gawin ang kanyang trabaho, hindi nagtataglay ng kinakailangang mga lakas at kapos sa angkop na mga kasanayan at kaalaman, magiging karapat-dapat ba sila sa kanilang trabaho? Tiyak na sila ay hindi magiging karapat-dapat; ang posibilidad na makagawa ang isang tao ng dakilang mga bagay ay batay sa kung gaano kadakila ang kanilang mga kakayahan. Tinataglay ng Diyos ang gayong kapangyarihan gayundin ang karunungan, at kaya taglay Niya ang awtoridad; ito ay natatangi. Nakakilala ka na ba kailanman ng isang nilikha o isang tao sa daigdig na nagtataglay ng kaparehong kapangyarihan na mayroon ang Diyos? Mayroon bang sinuman o anuman na may kapangyarihang malikha ang kalangitan at ang lupa at lahat ng mga bagay gayundin ang pigilan at magkaroon ng dominyon sa kanila? Mayroon bang sinuman o anuman na maaaring mamuno at pangunahan ang buong sangkatauhan at maging parehong laging-naroroon at nasa lahat ng dako? (Wala, walang ganon.) Naiintindihan na ba ninyo ngayon ang tunay na kahulugan ng lahat ng kailangan sa natatanging awtoridad ng Diyos? Mayroon ba kayong ilang pagkaunawa? (Oo mayroon.) Narepaso na natin ngayon ang mga puntos na tumatakip sa natatanging awtoridad ng Diyos.

Dis 15, 2017

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

Pag-asa, Jesus, Panalangin, Pananampalataya, buhay

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

Ang Kabanalan ng Diyos (III)

    Ano’ng pakiramdam ninyo matapos ninyong dasalin ang inyong mga panalangin? (Tuwang-tuwa at naantig.) Simulan natin ang ating pagsasamahan. Anong paksa ang ating pagsasamahan noong nakaraan? (Ang kabanalan ng Diyos.) At aling aspeto ng Diyos Mismo ang nauukol sa kabanalan ng Diyos? Ito ba ay ukol sa kakanyahan ng Diyos? (Oo.) Kaya ano ang eksaktong paksa na nauukol sa kakanyahan ng Diyos? Ito ba’y ang kabanalan ng Diyos? (Oo.) Ang kabanalan ng Diyos: ito ang natatanging kakanyahan ng Diyos. Ano ang pangunahing tema na ating pinagsamahan noong nakaraan? (Pagkilala sa kasamaan ni Satanas.) At ano ang pagsasamahan natin noong nakaraan tungkol sa kasamaan ni Satanas? Naaalaala ba ninyo? (Kung paano itiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ginagamit nito ang kaalaman, siyensiya, tradisyunal na kultura, pamahiin, at panlipunang uso upang itiwali tayo.) Tama, ito ang pangunahing paksa na tinalakay natin nang nakaraan. Ginagamit ni Satanas ang kaalaman, siyensiya, pamahiin, tradisyunal na kultura, at panlipunang uso upang itiwali ang tao; ang mga ito ang mga paraan na kung saan ginagawang tiwali ni Satanas ang tao. Ilan lahat ang mga paraang ito? (Lima.) Alin-aling limang mga paraan? (Siyensiya, kaalaman, trasdisyunal na kultura, pamahiin, at panlipunang uso.) Alin sa palagay ninyo ang mas pinaka-ginagamit ni Satanas upang itiwali ang tao, ang bagay na mas malalim na ginagawa silang tiwali? (Tradisyunal na kultura.) May ilang mga kapatid na nag-iisip na ito ay tradisyunal na kultura. May iba pa? (Kaalaman.) Tila kayo ay may mataas na antas ng kaalaman. Mayroon pang iba? (Kaalaman.) Pareho kayo ng pananaw. Ang mga kapatid na nagsabing tradisyunal na kultura, maaari n’yo bang sabihin sa amin kung bakit ganito ang naisip ninyo? Mayroon ba kayong pagkaunawa nito? Hindi n’yo ba nais na ipaliwanag ang inyong pagkaunawa? (Ang mga pilosopiya ni Satanas at ang mga doktrina nina Confucius at Mencius ay malalim na nakatanim sa aming mga isip, kaya pakiramdam namin labis na ginagawa kaming tiwali ng mga ito.) Kayo na nag-iisip na ito ay ang kaalaman, maaari n’yo bang ipaliwanag kung bakit? Sabihin ang inyong mga dahilan. (Hindi tayo kailanman pahihintulutan ng kaalaman na sambahin ang Diyos. Itinatanggi nito ang pag-iral ng Diyos, at itinatanggi ang pamamahala ng Diyos. Iyon ay, ang kaalaman ay nagsasabi sa atin na mag-aral mula sa batang edad, at tanging sa pag-aaral at pagtamo ng kaalaman lamang natin matitiyak ang ating kinabukasan at tadhana. Sa ganitong paraan, ginagawa tayong tiwali nito.) Kaya ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang kontrolin ang iyong kinabukasan at tadhana, samakatuwid ikaw ay pinangungunahan nito sa paghila nito sa iyong ilong; Ito ang iyong iniisip kung paano labis na ginagawang tiwali ni Satanas ang tao. Kaya karamihan sa inyo ay iniisip na ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang itiwali ang tao nang mas malaliman. Mayroon pa bang iba? Ano ang tungkol sa siyensiya o panlipunang uso, halimbawa? Mayroon bang sinumang sumasang-ayon sa mga ito? (Oo.) Ngayon, pagsasamahan kong muli ang tungkol sa limang mga paraan na kung saan ginagawang tiwali ni Satanas ang tao at, kapag ako ay natapos na, tatanungin ko kayo ng ilang mga katanungan upang makita nang eksakto sa aling aspeto labis na ginagawang tiwali ni Satanas ang tao. Naiintindihan ninyo ang paksang ito, hindi ba?

Dis 12, 2017

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

pag-ibig, Jehovah,Pananampalataya,Biblia, Langit

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

    Ngayong narinig ninyo na ang nakaraang paksa sa pagsasamahan na tungkol sa awtoridad ng Diyos, nakatitiyak Ako na nasangkapan na kayo ng sapat na mga salita sa bagay na ito. Gaano man ang kaya ninyong tanggapin at unawain ay depende kung gaanong pagsasagawa ang ibubuhos ninyo dito. Umaasa Ako na buong sikap ninyong maaabot ang bagay na ito; huwag kayong makitungo dito nang hindi bukal sa puso kahit sa anong paraan! Ngayon, ang pagkilala ba sa awtoridad ng Diyos ay katulad ng pagkilala sa kabuuan ng Diyos? Maaaring masabi ng isang tao na ang pagkilala sa awtoridad ng Diyos ay ang simula ng pagkilala sa natatanging Diyos Mismo, at masasabi din ng iba na ang pagkilala sa awtoridad ng Diyos ay nangangahulugang nakatapak na ang isang tao sa pintuan ng pagkakilala sa diwa ng natatanging Diyos Mismo. Ang pagkilalang ito ay isang bahagi ng pag-unawa sa Diyos. Ano ang iba pang bahagi kung gayon? Ito ang paksa na nais Kong pagsamahan natin ngayon–Ang matuwid na disposisyon ng Diyos.

Dis 8, 2017

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain

pag-ibig, Pag-asa , Pananampalataya, Langit, katotohanan

Mga Salita ng na Makapangyarihang DiyosPaano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain

    Una, umawit tayo ng isang himno: Ang Awit ng Kaharian (I) Ang Kaharian ay Bumaba sa Mundo
    Lahat ng tao’y masaya sa Diyos. Lahat ng tao’y pinupuri ang Diyos. Lahat ng dila’y tumatawag sa isang tunay na Diyos. Ang kaharia’y dumating sa mundo.
    1. Lahat ng tao’y masaya sa Diyos. Lahat ng tao’y pinupuri ang Diyos. Lahat ng dila’y tumatawag sa isang tunay na Diyos. Lahat ng tao’y tumitingala, tinitingnan mga gawa ng Diyos. Ang kaharia’y dumating sa mundo. Ang Diyos mayama’t sagana. Ang Diyos mayama’t sagana. Sino’ng di ramdam mapalad? (Sino’ng di ramdam mapalad?) Sino’ng di sasayaw para dito? (Sino’ng di sasayaw para dito?) O Sion! O Sion! Itaas bandila mo ng tagumpay, ipagdiwang ang Diyos! Awitin iyong awit ng tagumpay, ikalat pangalang banal ng Diyos!

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Job, pag-ibig, Pag-asa, karunungan, Pananampalataya

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos - Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

    Noong ating huling pulong ay naibahagi natin ang napakahalagang paksa. Naalala ba ninyo kung ano iyon? Hayaan ninyong ulitin Ko. Ang paksa ng ating huling pagsasama ay ang: Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Mahalaga ba ang paksang ito para sa inyo? Aling mga bahagi ang pinakamahalaga para sa inyo? Gawain ng Diyos, Disposisyon ng Diyos, o ang Diyos Mismo? Saan kayo pinaka-interesado? Aling mga bahagi ang pinakagusto ninyong marinig? Alam Kong mahirap ito para sa inyo na sagutin ang tanong na iyan, dahil ang disposisyon ng Diyos ay makikita sa bawat aspeto ng Kanyang gawain, at ang Kanyang disposisyon ay palaging ibinubunyag sa Kanyang gawain at sa lahat ng lugar, at, sa katunayan, kumakatawan sa Diyos Mismo; sa pangkalahatang plano sa pamamahala ng Diyos, ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo ay hindi mapaghihiwalay mula sa bawat isa.

Dis 7, 2017

Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama

Biyaya, kabanalan, kaluwalhatian, Pananampalataya, Kaalaman

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama

  Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, gumagabay sa direksyon ng pag-unlad mo, nagtatakda ng tadhana mo, at nagtutustos ng mga pangangailangan mo—sa katapus-tapusan, gaano ang nauunawaan mo at gaano ang totoong pagkakakilala mo tungkol sa Kanya? Alam mo ba kung ano ang ginagawa Niya sa iyo sa bawa’t araw? Alam mo ba ang mga prinsipyo at mga layunin na pinagbabatayan Niya ng bawa’t kilos Niya? Alam mo ba kung paano ka Niya ginagabayan? Alam mo ba ang paraan kung paano ka Niya tinutustusan? Alam mo ba ang mga pamamaraan ng Kanyang pag-aakay sa iyo? Alam mo ba kung ano ang nais Niyang makuha mula sa iyo at ano ang nais Niyang makamit sa iyo? Alam mo ba ang nagiging saloobin Niya pagdating sa iba’t ibang asal mo? Alam mo ba kung ikaw ay isang taong minamahal Niya? Alam mo ba ang pinanggagalingan ng Kanyang kagalakan, galit, kalungkutan, at tuwa, ang mga kaisipan at ideya sa likod ng mga iyon, at ang Kanyang kakanyahan? Alam mo ba, sa kahuli-hulihan, kung anong uring Diyos ang Diyos na ito na pinaniniwalaan mo? Ang mga ito ba at ang iba pang mga tanong na gaya niyan ay ang mga bagay na hindi mo pa kailanman naunawaan o napag-isipan? Sa iyong patuloy na paniniwala sa Diyos, ikaw ba, sa pamamagitan ng tunay na pagpapahalaga at pagdaranas ng mga salita ng Diyos, ay nalinawan na sa iyong maling mga pagkaunawa tungkol sa Kanya? Ikaw ba, matapos tanggapin ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, ay tunay na nagpapasakop at nagmamalasakit? Ikaw ba, sa gitna ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, ay nakaalam ng pagiging mapaghimagsik at maka-satanas na kalikasan ng tao at nagkamit ng kaunting kaunawaan tungkol sa kabanalan ng Diyos? Ikaw ba, sa ilalim ng paggabay at pagliliwanag ng salita ng Diyos, ay nagsimulang magkaroon ng bagong pananaw tungkol sa buhay? Ikaw ba, sa gitna ng pagsubok na ipinadala ng Diyos, ay nakaramdam ng Kanyang hindi pagpayag sa mga pagkakasala ng tao at maging kung ano ang Kanyang hinihingi sa iyo at paano ka Niya inililigtas? Kung hindi mo alam kung paano ang magkamali ng pagkaunawa sa Diyos, o kung paano lilinawin ang maling pagkaunawang ito, kung gayon masasabing hindi ka pa talaga nakapasok sa tunay na pakikipag-isa sa Diyos at hindi pa kailanman naintindihan ang Diyos, o kahit papaano masasabing hindi mo kailanman ninais na maintindihan Siya. Kung hindi mo alam kung ano ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, kung gayon tiyak na hindi mo alam kung ano ang pagpapasakop at pagmamalasakit, o kahit papaano hindi ka pa kailanman talagang nagpasakop o nagmalasakit sa Diyos. Kung hindi mo pa kailanman naranasan ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, kung gayon hindi mo talaga malalaman kung ano ang Kanyang kabanalan, at lalong hindi magiging malinaw sa iyo kung ano ang paghihimagsik ng tao. Kung hindi ka pa talaga kailanman nagkaroon ng tamang pananaw sa buhay, o tamang layunin sa buhay, kundi nalilito pa at hindi makapagdesisyon tungkol sa iyong magiging landas ng buhay sa hinaharap, maging hanggang sa puntong nag-aalangan kang magpatuloy, kung gayon tiyak na hindi mo pa kailanman tunay na natanggap ang pagliliwanag at paggabay ng Diyos, at masasabi ring hindi ka pa kailanman tunay na natustusan o napunuan ng mga salita ng Diyos. Kung hindi ka pa napasailalim sa pagsubok ng Diyos, malinaw na hindi mo talaga malalaman ang hindi pagpapaubaya ng Diyos sa mga kasalanan ng tao, o hindi mo maiintindihan ang sa kahuli-hulihan ay hinihingi ng Diyos sa iyo, at lalo na, kung ano ang gawain Niya ng pamamahala at pagliligtas sa tao. Gaano man karaming taon na naniwala ang isang tao sa Diyos, kung hindi pa niya kailanman naranasan o nadama ang anuman sa mga salita ng Diyos, kung gayon tiyak na hindi pa niya nilalakaran ang daan tungo sa kaligtasan, ang pananampalataya niya sa Diyos ay tiyak na walang tunay na laman, ang pagkakilala niya rin sa Diyos ay tiyak na wala, at malinaw na wala siyang kamuwang-muwang kung paano magpitagan sa Diyos.

Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

pag-ibig, karunungan, Pananampalataya, Jehovah, Banal na kasulatan

Mga Salita ng na Makapangyarihang DiyosAng Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

    Ang bawat isa ay nararamdaman na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao na ang pamamahala ng Diyos ay ganap na hindi nauugnay sa tao. Palagay nila na itong pamamahala ay ang gawa ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang pagliligtas ng sangkatauhan ay naging malabo at magulo, at ngayon ay walang iba kundi walang laman na retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano nagagawa ng Diyos ang Kanyang gawa. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at ang bahagi na dapat niyang gawin upang mailigtas. Gaano iyon Kalunus-lunos! Ang pagliligtas ng tao ay hindi mapaghiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayon man hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at gayon ay mas lalong lumalayo mula sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, sa gayon, kailangan nating magkaroon ng pag-talakay patungkol sa pamamahala ng Diyos, upang ang bawat tagasunod ay malinaw na malaman ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Maaari rin silang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.

Dis 5, 2017

Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa

buhay, Kaalaman, Pananampalataya, katotohanan, Langit

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa

  Sa paghusga sa mga kilos at gawa ng inyong buhay, kailangan ninyo lahat ang araw-araw na pagdaloy ng mga salita upang sustentuhan at maging bago muli kayo, dahil kayo ay masyadong may kakulangan, at ang inyong kaalamanat kakayahan upang makatanggap ay masyadong kakaunti. Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at palibot na walang katotohanan o mabuting pag-iisip. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na malaman Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang hindi malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalaman batay lamang sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga. Hindi ako kailanman nakatagpo ni isa na tunay na inilagay ang kanyang puso at espiritu sa Aking altar, na hindi kailanman nagalaw. Samakatuwid, hindi Ko nais na isiwalat nang walang kabuluhan ang lahat ng salita na nais Kong ipahayag sa sangkatauhan. Sa Aking puso, Ako ay nagpaplano lamang na kumpletuhin ang Aking hindi natapos na gawain at dalhin ang kaligtasan sa sangkatauhan na ililigtas ko pa lang. Gayon pa man, nais Ko para sa lahat na sumunod sa Akin upang makatanggap ng Aking kaligtasan at ang katotohanan ng Aking salita na ipinagkaloob sa tao. Umaasa ako na isang araw, kapag isinara mo ang iyong mga mata, makikita mo ang isang lupain kung saan ang samyo ay pupuno sa hangin at ang mga balon ng buhay na tubig ay dadaloy, hindi isang malamig, walang sigla na mundo kung saan ang mga kadiliman ng ulap ng kalangitan at mga alulong ay hindi kailanman magwawakas.

Dis 4, 2017

Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

Kaharian, Diyos, Pananampalataya, simbahan, Patotoo

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

     1. Ang tao ay hindi dapat palakihin ang kanyang sarili, ni ipagmalaki ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.

Dis 3, 2017

Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos

pag-ibig, Pananampalataya, Langit, katotohanan, buhay

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos

    Maraming mga bagay ang nais Kong makamit ninyo. Gayunman, ang inyong mga gawain at lahat ng inyong buhay ay hindi natutugunan nang buo ang Aking mga hinihingi, kaya dapat Akong maging prangka at ipaliwanag sa inyo ang Aking puso’t isipan. Sapagkat ang inyong kakayahang umintindi at magpahalaga ay lubhang mahina, kayo ay lubhang ignorante sa Aking disposisyon at kabuuan, ito ay isang bagay na nangangailangan ng madaliang pagbibigay-alam sa inyo. Gaano man ang iyong pagkakaintindi dati o handa ka man intindihin ang mga isyung ito, dapat ko pa ring ipaliwanag ito sa inyo nang detalyado. Ang isyung ito ay hindi sobrang iba para sa inyo, ngunit mukhang hindi ninyo maunawaan o hindi pamilyar ang kahulugang nilalaman nito. Marami ang may banaag ng pag-unawa at karamihan ay mababaw ang kaalaman sa isyung ito. Upang matulungan kayong isagawa ang katotohanan, iyan ay, upang mas mahusay na mailagay ang Aking mga salita sa inyong pagsasagawa, sa tingin ko ito ang usapin na dapat ninyo munang maunawaan. Kung hindi, ang inyong pananampalataya ay mananatiling walang katiyakan, mapagkunwari, at talagang nakulayan ng relihiyon. Kung hindi mo mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, samakatuwid magiging imposible para sa iyong gawin ang trabahong gagawin mo para sa Kanya. Kung hindi mo malalaman ang kalooban ng Diyos, magiging imposible rin na mapanatili ang paggalang at takot sa Kanya, tanging pagsasawalang bahalang nakagawian at pagsisinungaling, at bukod dito, ang di-magbabagong kalapastanganan. Ang maunawaan ang disposisyon ng Diyos sa katunayan ay napakahalaga, at ang kaalaman ng diwa ng Diyos ay hindi maaaring makaligtaan, nguni’t walang puspusang nagsiyasat o nag-usisa sa problema. Malinaw na makikita na inyong lahat isinanatabi ang mga batas ng pangangasiwa na inilabas ko. Kung hindi ninyo mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, madali kayong magkasala kung gayon sa Kanyang disposisyon. Ang gayong pagkakasala ay katumbas ng pagpapasiklab ng galit ng Diyos Mismo, at sa huli ay nagiging pagsuway laban sa mga administratibong kautusan. Ngayon dapat ay napagtanto mo na maaari mong maunawaan ang disposisyon ng Diyos kapag iyong nalaman ang Kanyang kabuuan, at upang maintindihanang disposisyon ng Diyos ay katumbas ng pag-unawa sa mga administratibong kautusan. Walang duda, karamihan sa mga batas ng pangangasiwa ay may kaugnayan sa disposisyon ng Diyos, ngunit ang kabuuan ng Kanyang disposisyon ay hindi pa naipapahayag sa loob nito. Inaatasan kayo nitong magkaroon ng karagdagang kaalaman ukol sa disposisyon ng Diyos.

Nob 29, 2017

Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

pananampalataya sa Diyos, buhay, pananampalataya, Kaalaman, Langit

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

   Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang pinagdaanan na kahirapan; o marahil hindi ka sumailalim sa kahirapan at sa halip tumanggap ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang ordinaryo lamang. Sa kabila nito, ikaw ay nanatiling tagasunod ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagsasamahan tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya. Gayunman, aking pinaaalalahanan ang lahat ng magbabasa ng mga salitang ito na ang salita ng Diyos ay nakadirekta tungo sa lahat ng kumikilala sa Diyos at lahat ng sumusunod sa Diyos, hindi tungo sa lahat ng tao sa pangkalahatan, kabilang ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay nagsasalita para sa karamihan, sa lahat ng tao sa mundo, walang magiging epekto sa iyo kung gayon ang salita ng Diyos. Kaya, dapat mong ingatan ang lahat ng mga salita na malapit sa inyong puso, at huwag mong ilagay ang iyong sarili sa labas ng nasasakupan nito. Sa anumang pagkakataon, ating pag-usapan kung anong nangyayari sa ating tahanan.

Nob 27, 2017

Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

karunungan, Pananampalataya, Langit, katotohanan, buhay

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

    Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Ngunit naisip na ba ninyo kung talagang makikilala ninyo si Jesus pagbalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya? Alam ng lahat nang nagbasa ng Biblia na babalik si Jesus, at lahat nang nagbasa ng Biblia ay taimtim na hinihintay ang Kanyang pagdating. Nakatutok kayong lahat sa pagdating ng sandaling iyon, at kapuri-puri ang inyong katapatan, nakakainggit ang inyong pananampalataya, ngunit natatanto ba ninyo na nakagawa kayo ng malubhang pagkakamali? Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, ngunit ito ang tanong Ko sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming alagad ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, kanino Siya bababa? Kung sa inyo unang bababa si Jesus, hindi ba ito ituturing ng iba na lubhang di-makatarungan? Alam Ko na napakamataimtim at napakamatapat ninyo kay Jesus, ngunit nakaharap na ba ninyo si Jesus? Alam ba ninyo ang Kanyang disposisyon? Nakasama na ba ninyo Siya? Gaano ba talaga ninyo nauunawaan ang tungkol sa Kanya? Sasabihin ng ilan na ang mga salitang ito ay naglalagay sa kanila sa nakakaasiwang kalagayan. Sasabihin nilang, “Napakaraming beses ko nang nabasa ang Biblia mula simula hanggang wakas. Paano ko hindi mauunawaan si Jesus? Huwag na nating intindihin ang disposisyon ni Jesus—alam ko pa nga ang kulay ng damit na gusto Niyang isuot. Hinahamak Mo ba ako kapag sinasabi Mo na hindi ko Siya nauunawaan?” Iminumungkahi Ko na huwag kang makipagtalo sa mga usaping ito; mas mabuti pang huminahon at pagsamahan ang tungkol sa sumusunod na mga tanong: Una, alam mo ba kung ano ang katotohanan, at ano ang teoriya? Ikalawa, alam mo ba kung ano ang pagkaintindi, at ano ang katotohanan? Ikatlo, alam mo ba kung ano ang akala, at ano ang totoo?