Tagalog Christian Music | Ang Tatlong Yugto ng Gawain ay Ginagawa ng Isang Diyos
I
Lahat ng disposisyon ng Diyos ay nabunyag na
di lamang sa Panahon ng Biyaya, Kautusan, o mga huling araw,
kundi sa buong anim-na-libong taon ng plano ng pamamahala.
Ang gawain sa mga huling araw ay paghatol, poot at pagkastigo.
II
Ang gawaing ginawa ng Diyos sa mga huling araw
ay di makahahalili sa gawain
ng Panahon ng Kautusan o Biyaya.
Kundi ang tatlo'y kumukonekta sa isang entidad.
Ang mga ito'y ginagawa ng Diyos,
ngunit sa magkakahiwalay na panahon.
Ang gawai'y nagsimula sa Panahon ng Kautusan.
Ang Pagtubos ay sa Panahon ng Biyaya.
At ang gawaing ginawa sa mga huling araw
ang nagdadala sa lahat ng bagay sa katapusan.
Unawain na ang tatlong yugto ng gawain,
sa iba't ibang panahon at lugar,
ay malinaw na gawain ng isang Diyos, ng isang Espiritu.
At lahat ng naghihiwalay sa mga ito'y,
salungat sa Kanya.
III
Mula sa gawain ni Jehova tungo kay Jesus hanggang ngayon,
tatlong yugto'y patuloy na sinasaklaw
ang buong lawak ng plano ng pamamahala ng Diyos,
lahat ay gawa ng isang Espiritu.
Simula nang likhain ang mundo,
palagi nang pinamamahalaan ng Diyos ang tao.
Siya ang Simula, Wakas, Una at Huli,
Isa na kung kanino ang panahon
ay nagsisimula at nagwawakas.
Ang gawai'y nagsimula sa Panahon ng Kautusan.
Ang Pagtubos ay sa Panahon ng Biyaya.
At ang gawaing ginawa sa mga huling araw
ang nagdadala sa lahat ng bagay sa katapusan.
Unawain na ang tatlong yugto ng gawain,
sa iba't ibang panahon at lugar,
ay malinaw na gawain ng isang Diyos, ng isang Espiritu.
At lahat ng naghihiwalay sa mga ito'y,
salungat sa Kanya.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mahal kong mga kapatid, ang Panginoon ay darating. Nais mo bang malaman kung anong paraan babalik ang Panginoon? Maligayang pagdating upang panoorin ang mga clip ng pelikula tungkol sa pagbabalik ng Panginoon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento