菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ikalawang pagdating ni Jesus. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ikalawang pagdating ni Jesus. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 18, 2019

Paano ba Talaga Darating ang Panginoon


Filipino Variety Show | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?


Sa mga huling araw, lalong umiigting ang pakiramdam ng mga Kristiyanong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit paano nga ba talaga magbabalik ang Panginoon? Sinasabi ng ilan, "Darating ang Panginoong Jesus kasama ng mga ulap". Sinasabi naman ng iba, "Ang mga propesiyang humuhula sa Kaniyang pagbabalik ay sinasabi ring, "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay, at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:25). "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw,Narito, ang kasintahang lalake; magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kung darating Siya na kasama ng mga ulap upang makita ng lahat, paano natin ipaliliwanag ang hiwaga ng pagdating Niya nang palihim, pagdurusa at pagtanggi sa Kaniya, pati na rin ang sinasabi na may mga magpapatotoo tungkol sa Kaniyang pagbalik?" Paano magpapakita sa atin ang Panginoon? Sa nakakatawang "crosstalk" na Paano Ba Talaga Darating ang Panginoon, susubukang alisin ang ating mga duda tungkol sa usaping ito.

Ago 9, 2019

Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”


Sa loob ng ilang libong mga taon, pinananabikan ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan ng tao na mamasdan si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna niyaong mga nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makasama ng mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasakatuparan ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa gitna ng mga Judio, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, patatawarin ang mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at palalayain ang tao mula sa kasalanan.

Hun 8, 2019

Tagalog Christian Music | Ang Tatlong Yugto ng Gawain ay Ginagawa ng Isang Diyos



Tagalog Christian Music | Ang Tatlong Yugto ng Gawain ay Ginagawa ng Isang Diyos



 I
Lahat ng disposisyon ng Diyos ay nabunyag na
di lamang sa Panahon ng Biyaya, Kautusan, o mga huling araw,
kundi sa buong anim-na-libong taon ng plano ng pamamahala.
Ang gawain sa mga huling araw ay paghatol, poot at pagkastigo.
II
Ang gawaing ginawa ng Diyos sa mga huling araw
ay di makahahalili sa gawain
ng Panahon ng Kautusan o Biyaya.
Kundi ang tatlo'y kumukonekta sa isang entidad.
Ang mga ito'y ginagawa ng Diyos,
ngunit sa magkakahiwalay na panahon.

Peb 18, 2019

Ngayon alam na ng lahat na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at Siya ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao! Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao, tinig ng kasintahang lalake. Subalit maraming kapatid pa rin ang hindi makahiwatig sa tinig ng Diyos. Kaya nga, inimbitahan namin ngayon si Kapatid na Xiang mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Inimbitahan namin sila para ibahagi sa atin kung paano tukuyin ang tinig ng Diyos. Para malaman natin kung paano tiyakin na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus.

Sagot: Napakahalaga ng itinanong n’yo. Para matanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at makita ang pagpapakita ng Diyos, Kailangan nating malaman kung paano tukuyin ang tinig ng Diyos. Sa katunayan, ang ibig sabhin ng pagtukoy sa tinig ng Diyos ay pagkilala sa mga salita at binibigkas ng Diyos, at pagkilala sa mga katangian ng mga salita ng Lumikha. Mga salita man ito ng Diyos na naging tao, o mga binigkas ng Espiritu ng Diyos, lahat ay pawang mga salitang sinambit ng Diyos sa sangkatauhan mula sa kaitaasan. Ganyan ang tono at mga katangian ng mga salita ng Diyos. Dito, malinaw na ipinakita ang awtoridad at pagkakakilanlan ng Diyos. Masasabing ito ang natatanging paraan ng pagsasalita ng Lumikha. Talagang malawak ang saklaw ng mga binigkas ng Diyos tuwing Siya’y nagiging tao. Ang mga ito una sa lahat ay nauugnay sa mga hinihingi at babala ng Diyos sa tao, ang mga salita ng batas at kautusan ng pamamahala ng Diyos, ang Kanyang mga salita ng paghatol at pagkastigo, at ang Kanyang paghahayag tungkol sa tiwaling sangkatauhan.

Peb 14, 2019

Sinasalubong ng Matatalinong Birhen ang Kasintahang Lalaki | Dumating ang taong 2019.



Sinasalubong ng Matatalinong Birhen ang Kasintahang Lalaki | Dumating ang taong 2019. Paano dapat salubungin ng mga Kristiyano ang pagbabalik ng Panginoon?



Ngayon na ang katapusan ng mga huling araw, at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay talagang nagkakatotoo na. Maraming mga Kristiyano ay may kutob na ang Panginoon ay nagbalik na. Kung gayon, paano dapat batiin ng mga Kristiyano ang pagbabalik ng Panginoon? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan." (Lucas 11:10).
"Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart

Peb 7, 2019

Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon | Paano ba Talaga Darating ang Panginoon


Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon | Paano ba Talaga Darating ang Panginoon


Sa mga huling araw, lalong umiigting ang pakiramdam ng mga Kristiyanong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit paano nga ba talaga magbabalik ang Panginoon? Sinasabi ng ilan, "Darating ang Panginoong Jesus kasama ng mga ulap". Sinasabi naman ng iba, "Ang mga propesiyang humuhula sa Kaniyang pagbabalik ay sinasabi ring, "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay, at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:25). "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw,Narito, ang kasintahang lalake; magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kung darating Siya na kasama ng mga ulap upang makita ng lahat, paano natin ipaliliwanag ang hiwaga ng pagdating Niya nang palihim, pagdurusa at pagtanggi sa Kaniya, pati na rin ang sinasabi na may mga magpapatotoo tungkol sa Kaniyang pagbalik?" Paano magpapakita sa atin ang Panginoon? 
Ang crosstalk Kung Paano Eksaktong Inihayag ng Panginoon ang misteryo ng pagbabalik ng Panginoon.