菜單

Peb 24, 2020

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pananabik ng Puso Ko




Ang Pananabik ng Puso Ko


Ang mahabang paglalakbay ng mga buhay ng tao,

puno ng hangin, ulan, maraming pagbabago.

Ang tila matagalang mga taon, mahirap, mapanglaw.

Lumilikha ang maiitim na ulap ng madilim

na napakalalim na hukay.

Ang kapangyarihan ni Satanas, masyadong malupit,

naghahari tulad ng isang mapaniil na pinuno,

sinasaklaw ang mga kaisipan.


Natukso, nawawala ng tao ang direksiyon,

hinahabol ang katanyagan, pakinabang,

pasa-pasa mula ulo hanggang paa.

Masyadong nasaktan, naalis ang wangis ng tao.

Puno ng mga sugat, pagod ang katawan at puso.

Walang lakas na naiwan para lumaban, nasiraan ng loob.

Wala dakong mabalingan, nasasaktan, naguguluhan.

Labis na nananabik na mahanap

ang isang lupaing tunay na dalisay.

Napakasidhing naghahanap, naglalakbay sa mundo.

Pusong puno ng kalungkutan,

masigasig akong nananalangin,

umaasang ililigtas ako ng Panginoon mula sa dalamhati.


Sa isang pagbagsak,

pitong kulog ang umaalingawngaw.

Bumababa sa lupa si Cristo ng mga huling araw.

Naririnig ko ang mga salita ng Diyos,

dumarating sa harap ko.

Ninanamnam ko ang Kanyang mga salita,

inaalam ang katotohanan.

Ang mga salita Niya ay pinapakain,

tinutustusan, dinidilig ako.

Nadama ko na sa aking sarili

ang tunay na pagmamahal ng Diyos.


Sa pamamagitan ng mga pagsubok, sakit at pagpipino,

ang buhay ay pinayayaman ng patuloy na paglago.

Hinahatulan, inaalis ko ang katiwalian,

at tinatamo ang paglilinis, kaligtasan.

Wala na ang mga luha, pangamba.

Yumuyuko ako sa harap ng Diyos,

ibinabahagi ang aking damdamin.

Pinili ako ng Diyos dahil sa Kanyang pag-ibig;

Nagpapasalamat ako sa Kanyang pagliligtas.

Nakatakas ako sa kadiliman,

nabubuhay sa harap Niya,

Ibinibigay ang puso ko sa Diyos,

sinusuklian ang Kanyang pag-ibig.


Magrekomenda nang higit pa: Tagalog Prayer Song

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento