菜單

Mar 22, 2020

Tagalog Christian Praise Song | "Ang Pag-ibig ng Diyos ay Mananatili sa mga Tao Magpakailanman"


Tagalog Christian Praise Song | "Ang Pag-ibig ng Diyos ay Mananatili sa mga Tao Magpakailanman"


I
Ang karaniwan at mapagkumbabang tao,
sinasakop Mo puso kong magulo.
Lumilikha Ka ng mga kababalaghan sa katawang-tao.
Saan man tumapak mga paa Mo, nagliliwanag ang buhay Mo.
Ang Iyong walang-awang paghatol ay pag-ibig.
Ipinakikita ang pighati Mo sa pamamagitan ng mga salita.
Tinitiis mo ang kahihiyan
at nagsasakripisyo Ka nang walang pag-iimbot.
Kasama ko ang pagmamahal Mo.
Nananatili ito magpakailanman sa puso ko.
Natanggap ko ang buong pag-ibig Mo.
Sa pananampalataya't walang hanggang pagmamahal.

II
Pinagkakalooban Mo ako ng pagkakataon sa muling pagsilang.
Naaakit ako ng dakilang pag-ibig Mo.
Iibigin Kita nang buong puso.
Ako'y magiging pinakamatalik Mong kaibigan.
Mamumuhay ako ayon sa mga salita Mo.
Nakamtan Mo ang tiwala ng lahat ng tao.
Inaantig ang pag-ibig ko ng halagang ibinayad Mo.
Hindi nagsisisi, at naghihintay sa pag-asa.
Kasama ko ang pagmamahal Mo.
Nananatili ito magpakailanman sa puso ko.
Natanggap ko ang buong pag-ibig Mo.
Sa pananampalataya't walang hanggang pagmamahal.

III
Lahat ibibigay ko para suklian pag-ibig Mo,
magbubunyi at sasaksi sa Iyo.
Isinasagawa ko ang Iyong mga salita
at nagsisikap na gawin ang Iyong kalooban.
Kasama ko ang pagmamahal Mo.
Nananatili ito magpakailanman sa puso ko.
Natanggap ko ang buong pag-ibig Mo.
Sa pananampalataya't walang hanggang pagmamahal.

mula sa Sumunod sa Cordero@at Kumanta ng mga Bagong Awitin


________________________________________________


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento