菜單

Hul 22, 2020

Bakit Ginagawa ng Diyos ang gawain ng Pagliligtas sa Sangkatauhan?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa simula, ang Diyos ay nagpahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagawa ang Diyos kahit ano pa mang gawain. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang tiwali. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing abala ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa katiwalian ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at ililigtas ang sangkatauhan, na naging tiwali na, ang Diyos ay hindi kailanman muling makapapasok sa kapahingahan. Tulad na ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay isa na walang digmaan, walang karumihan, walang namamalagi sa di-pagkamakatuwiran. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas (dito ang “Satanas” ay tumutukoy sa kalabang mga puwersa). Ang pagtitiwali ni Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matiwasay na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, walang di-pagkamakatuwiran ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at walang pagsalakay ng anumang kalabang mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong dako; sila ay hindi na magiging isang sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas, bagkus ay isang sangkatauhan na nailigtas na pagkatapos na nagawang tiwali ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Nawala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalang-kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati-rating hindi makapagpahinga.

—mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ito ang mga katotohanan: Nang ang mundo ay hindi pa umiiral, ang arkanghel ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Mayroon itong kapangyarihan sa lahat ng anghel sa langit; ito ang awtoridad na ibinigay ng Diyos. Maliban sa Diyos, ito ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Nang nilikha ng Diyos kinalaunan ang sangkatauhan, nagsagawa ng mas malaking kataksilan ang arkanghel sa Diyos sa lupa. Sinasabi Ko na ipinagkanulo nito ang Diyos dahil nais nitong pamahalaan ang sangkatauhan at malampasan ang awtoridad ng Diyos. Ang arkanghel ang nanukso kay Eva tungo sa kasalanan; ginawa ito dahil nais nitong itatag ang kaharian nito sa lupa at gawin ang sangkatauhan na pagtaksilan ang Diyos at sa halip ay sundin ito. Nakita nito na maraming bagay ang sumunod dito; ang mga anghel ay sumunod dito, gayundin ang mga tao sa lupa. Ang mga ibon at hayop, mga puno, mga kagubatan, mga bundok, mga ilog, ang lahat ng bagay sa lupa ay nasa pangangalaga ng tao—iyon ay, sina Adan at Eva—habang sina Adan at Eva ay sumusunod dito. Kaya hinangad ng arkanghel na malampasan ang awtoridad ng Diyos at pagtaksilan ang Diyos. Kinalaunan ay pinamunuan niya ang maraming anghel upang ipagkanulo ang Diyos, anupa’t naging iba’t ibang maruruming espiritu ang mga ito. Hindi ba’t ang pagsulong ng sangkatauhan hanggang sa araw na ito ay dulot ng pagtitiwali ng arkanghel? Naging ganito lamang ang sangkatauhan ngayon dahil ipinagkanulo ng arkanghel ang Diyos at ginawa nitong tiwali ang sangkatauhan. … Ang sangkatauhan at ang lahat ng bagay sa lupa ay nasa ilalim na ngayon ng sakop ni Satanas at nasa ilalim ng sakop ng masama. Nais ng Diyos na ibunyag ang Kanyang mga pagkilos sa lahat ng bagay nang sa gayon ay maaaring makilala Siya ng mga tao, at sa ganyan ay matalo si Satanas at lubus-lubos na lipulin ang Kanyang mga kaaway. Ang kabuuan ng Kanyang gawain ay natutupad sa pamamagitan ng paghahayag ng Kanyang mga pagkilos. Ang lahat ng nilikha Niya ay nasa ilalim ng sakop ni Satanas, at dahil doon nais Niyang ibunyag ang Kanyang pagka-makapangyarihan sa lahat sa kanila, at sa ganyan ay matalo si Satanas. Kung walang Satanas, hindi Niya sana kakailanganing ibunyag ang Kanyang mga pagkilos. Kung hindi dahil sa panliligalig ni Satanas, nilikha Niya sana ang sangkatauhan at pinamunuan sila upang manirahan sa Hardin ng Eden. Bakit hindi Niya ibinunyag ang Kanyang mga pagkilos para sa mga anghel o sa arkanghel bago ang pagtataksil ni Satanas? Kung nakilala lamang Siya ng mga anghel at arkanghel, at sinunod din Siya noong simula, sa gayon hindi Niya sana isinagawa ang mga walang kabuluhang mga pagkilos ng gawain. Dahil sa pag-iral ni Satanas at ng mga demonyo, nilabanan Siya ng mga tao at sila ay napuno ng suwail na disposisyon, dahil doon ninais na ibunyag ng Diyos ang Kanyang mga pagkilos. Dahil nais Niyang makipagdigma kay Satanas, dapat Niyang gamitin ang Kanyang sariling awtoridad upang matalo si Satanas at gamitin ang lahat ng Kanyang mga pagkilos upang talunin si Satanas; sa paraang ito, ang Kanyang gawain ng pagliligtas na ginagawa sa sangkatauhan ay magiging daan upang makita ng mga tao ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan sa lahat.

—mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paano Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa ibabaw ng sangkatauhan, ang papawirin ay bumababa, madilim at malungkot, walang anumang banaag ng kalinawan, at ang mundo ng tao ay nalubog sa lubhang kadiliman, upang ang isa na nabubuhay dito ay hindi man lamang makikita ang kanyang nakaunat na kamay sa harap ng kanyang mukha o ang araw kapag siya ay tumitingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa, maputik at puno ng lubak, ay paliku-liko; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang madidilim na sulok ay puno ng mga labi ng patay, at sa malamig at madidilim na sulok ay naninirahan ang mga pulutong ng mga demonyo. At saanman sa mundo ng mga tao ang mga demonyo ay umaalis at dumarating nang sama-sama. Ang mga anak ng lahat ng klase ng mga ganid, puno ng putik, ay subsob sa matinding paglalaban-laban, na ang ingay ay nakasisindak sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa gayong mundo, ang gayong “makalupang paraiso,” saan tutungo ang isa upang maghanap ng kagalakan ng buhay? Saan pupunta ang isa upang masumpungan ang hantungan ng kanyang buhay? Ang sangkatauhan, niyurakan sa ilalim ng mga paa ni Satanas matagal nang nakalipas, mula pa sa simula ay naging artistang tinataglay ang larawan ni Satanas—lalong-lalo na, ang pagsasakatawan ni Satanas, nagsisilbing katibayan na sumasaksi kay Satanas, malinaw na malinaw. Paano maaaring ang ganyang lahi ng tao, ang gayong pangkat na masama’t kasuklam-suklam, at ang ganyang supling ng tiwaling pamilyang ito ng tao ay sumaksi sa Diyos? Saan nagmumula ang Aking luwalhati? Saan maaaring mag-umpisa ang isa na magsalita ng Aking pagsaksi? Dahil ang kaaway na, nagawang tiwali ang sangkatauhan, naninindigan laban sa Akin, ay nakuha na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong sinaunang panahon at napuspos ng Aking luwalhati at Aking pagsasabuhay—at dinumihan sila. Naagaw na nito ang Aking luwalhati, at ang tanging nilipos nito sa tao ay lasong labis na hinaluan ng kapangitan ni Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Sa pasimula, Aking nilikha ang sangkatauhan, ibig sabihin, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay binigyan ng anyo at larawan, puno ng kalakasan, puno ng buhay, at, higit pa rito, nasa piling ng Aking luwalhati. Iyan ang maluwalhating araw nang Aking nilikha ang tao. Pagkatapos niyan, si Eva ay ibinunga mula sa katawan ni Adan, at siya rin ay ang ninuno ng tao, kaya’t ang mga taong Aking nilalang ay puno ng Aking hininga at puno ng Aking luwalhati. Si Adan ay orihinal na isinilang mula sa Aking kamay at ang pagkakatawan ng Aking larawan. Sa gayon ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay isang katauhan na nilikha Ko, pinuspos ng Aking buhay na lakas, pinuspos ng Aking luwalhati, nagtataglay ng anyo at larawan, nagtataglay ng espiritu at hininga. Siya ang nag-iisang nilalang, may angking espiritu, na may kakayahan ng pagkatawan sa Akin, ng pagtataglay ng Aking larawan, at pagtanggap ng Aking hininga. Sa pasimula, si Eva ang ikalawang taong pinagkalooban ng hininga na ang paglikha ay Aking naitalaga, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eva” ay isang nilikhang magpapatuloy sa Aking luwalhati, puno ng Aking sigla at higit pa ay pinagkalooban ng Aking luwalhati. Si Eva ay nagmula kay Adan, kaya taglay rin niya ang Aking larawan, sapagkat siya ang ikalawang taong nilalang sa Aking larawan. Ang orihinal na kahulugan ng “Eva” ay isang buhay na tao, may espiritu, laman, at buto, ang Aking ikalawang patotoo gayundin ang Aking ikalawang larawan sa gitna ng sangkatauhan. Sila ang mga ninuno ng sangkatauhan, ang dalisay at mahalagang kayamanan ng tao, at, mula sa nauna, ay buhay na mga nilalang na pinagkalooban ng espiritu. Subali’t kinuha ng masama ang mga anak ng mga ninuno ng sangkatauhan at niyurakan sila at binihag sila, inilulubog ang mundo ng tao sa ganap na kadiliman, at ginagawa ito upang ang mga anak ay hindi na naniniwala sa Aking pag-iral. Lalo pang higit na kasuklam-suklam na, habang ang siyang masama ay ginagawang tiwali ang mga tao at niyuyurakan sila, malupit nitong inaagaw ang Aking luwalhati, ang Aking patotoo, ang siglang ipinagkaloob Ko sa kanila, ang hininga at ang buhay na iniihip Ko tungo sa kanila, ang buo Kong luwalhati sa mundo ng tao, at ang lahat ng dugo ng puso na Aking nagugol sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at naiwala na ang lahat ng Aking naipagkaloob sa kanila, tinatanggal ang luwalhating Aking naipagkaloob. Paano nila maaaring kilalanin na Ako ang Panginoon ng lahat ng nilalang? Paano sila makakapagpatuloy na maniwala sa Aking pag-iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang mga pagpapamalas ng Aking luwalhati sa ibabaw ng lupa? Paano maipapalagay ng mga apong lalaki at babaeng ito ang Diyos na iginalang ng kanilang sariling mga ninuno bilang ang Panginoon na lumikha sa kanila? Malugod na “iniharap” nitong mga kawawang apong lalaki at babae sa masama ang luwalhati, ang larawan, gayundin ang patotoo na ipinagkaloob Ko kina Adan at Eva, gayundin ang buhay na ipinagkaloob Ko sa sangkatauhan at kung saan sila ay umaasa upang umiral, at, nang wala ni katiting na pag-aalala sa presensya ng masama, ay naibigay ang Aking buong luwalhati dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng paggamit ng “linab”? Paanong maaangkin ng gayong sangkatauhan, gayong kasamang mga demonyo, gayong lumalakad na mga bangkay, gayong mga anyo ni Satanas, at gayong Aking mga kaaway ang Aking kaluwalhatian? Aangkinin Kong muli ang Aking kaluwalhatian, aangkinin ang Aking patotoo na umiiral sa gitna ng mga tao, at lahat ng dating pag-aari Ko na ibinigay Ko sa sangkatauhan noong unang panahon—lulupigin Kong ganap ang sangkatauhan. Gayunman, dapat mong malaman, ang mga taong nilikha Ko ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi Aking pagpapahayag lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas. At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan, masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati. Datapwa’t, ang nais Ko ay hindi ang sangkatauhan na nagawang tiwali ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban.

—mula sa “Ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

—————————————————
Ano ang layunin ng Diyos sa paglikha ng tao? Pagpapahintulot lang sa tao na makabisa ang lahat ng mga bagay? Mangyaring basahin at alamin ang tungkol sa malalim na kahulugan ng paglikha ng Diyos sa tao upang maranasan ang pag-ibig ng Diyos ...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento