菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagbigkas ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagbigkas ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 3, 2020

Mga Salita tungkol sa Kapanahunan ng Kaharian—ang Huling Kapanahunan


 Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’y naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos.

Hul 23, 2020

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos - Kabanata 12



Kapag kumikidlat mula sa Silangan—na siya ring talagang sandali na nagsisimula Akong magsalita—sa sandaling kumikidlat, ang buong kalangitan ay pinaliliwanag, at ang lahat ng bituin ay nagsisimulang mag-ibang-anyo. Tila ba ang buong sangkatauhan ay sumasailalim sa wastong paglilinis at pagbubukud-bukod. Sa ilalim ng liwanag nitong hawakan ng ilaw mula sa Silangan, ang buong sangkatauhan ay ibinubunyag sa kanilang orihinal na anyo, ang mga mata ay nasisilaw, napapatigil sa kalituhan; lalo pang hindi nila naitatago ang kanilang pangit na mga itsura.

Hun 10, 2020

Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao


Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, nakagawa ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakapapasok sa kapahingahan. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, nakagawa ng maraming gawain ang Diyos, nguni’t alam mo bang ang gawain na ginagawa ng Diyos sa araw na ito ay lalong higit kaysa mga gawain Niya noon at nasa lalong nakatataas na antas?

Hun 7, 2020

Sa Sandaling Mamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa


 Inaasam mo bang makita si Jesus? Inaasam mo bang mabuhay kasama si Jesus? Inaasam mo bang marinig ang mga salitang sinasambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo naman sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Nguni’t naisip na ba ninyo ito: Talaga bang makikilala ninyo si Jesus sa pagbabalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang-pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya?

Hun 5, 2020

Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan


Ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos ay malapit na sa pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay nabuksan na para sa lahat niyaong mga naghahanap ng Kanyang pagpapakita. Minamahal na mga kapatiran, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano itong hinahanap ninyo? Kayo ba ay naghihintay sa pagpapakita ng Diyos? Hinahanap ba ninyo ang Kanyang mga yapak? Talagang lubos na pinananabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap masumpungan ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad nito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan ang araw ng pagpapakita ng Diyos?

Hun 4, 2020

Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”



Sa loob ng ilang libong mga taon, pinananabikan na ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan na ng tao na mapagmasdan si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna niyaong mga nanabik na at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong mga taon. Hinangad na ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makasama ng mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon.

Abr 2, 2020

Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”


Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”


Sa loob ng ilang libong mga taon, pinananabikan na ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan na ng tao na mapagmasdan si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna niyaong mga nanabik na at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong mga taon. Hinangad na ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makasama ng mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon.

Mar 30, 2020

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos



Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos


Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman alam na alam ng mga tao ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos.

Nob 17, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)

Dapat ninyong malaman ang tungkol sa kuwentong napapaloob at ang paglikha ng Biblia. Ang kaalamang ito ay hindi pinanghahawakan niyaong mga hindi nakakatanggap sa bagong gawain ng Diyos. Hindi nila nalalaman. Ipaliwanag mo sa kanila ang mga bagay na ito na may katuturan, at hindi sila magiging mapagpilosopo sa iyo tungkol sa Biblia. Palagi nilang sinusuring mabuti kung ano ang hinulaan na: Nagkatotoo ba ang pahayag na ito? Nagkatotoo ba ang pahayag na iyon? Ang kanilang pagtanggap sa ebanghelyo ay alinsunod sa Biblia; ipinangangaral nila ang ebanghelyo alinsunod sa Biblia. Umaasa sila sa mga salita ng Biblia upang maniwala sa Diyos; kung wala ang Biblia, hindi sila maniniwala sa Diyos. Ito ang paraan kung paano sila nabubuhay, sinusuri ang Biblia nang mabuti. Kapag muli nilang susuriing mabuti ang Biblia at tinatanong ka para sa mga paliwanag, maaari mong sabihin, “Una, huwag nating patotohanan ang bawa’t pahayag. Sa halip, tingnan natin kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu. At hayaang ihambing natin laban sa katotohanan upang makita kung ang landas na ating nilalakaran ay nakaayon sa gawain ng Banal na Espiritu, at gamitin ang gawain ng Banal na Espiritu upang tiyakin kung ang gayong landas ay tama. Hinggil sa kung ang pahayag na ito o ang pahayag na iyon ay nagkatotoo, tayong mga tao ay hindi dapat na manghimasok.

Set 17, 2019

Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan


Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Iyon ay dahil maaari lang magmula sa Diyos ang buhay, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng tubig na nagbibigay-buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, marami ang nagawa na ng Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay,

Ago 23, 2019

Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos


Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos


Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at sa bahaging dapat niyang gampanan upang maligtas. Gaano kalunus-lunos iyan!

Ago 9, 2019

Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”


Sa loob ng ilang libong mga taon, pinananabikan ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan ng tao na mamasdan si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna niyaong mga nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makasama ng mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasakatuparan ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa gitna ng mga Judio, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, patatawarin ang mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at palalayain ang tao mula sa kasalanan.

Hul 20, 2019

Salita ng Diyos | Tungkol sa Karanasan

Sa kabuuan ng mga karanasan ni Pedro, nakapagbata siya ng daan-daang mga pagsubok. Bagamat may kamalayan na ang mga tao ngayon sa terminong ‘pagsubok,’ hindi nila lahat nauunawaan ang tunay na kahulugan nito o mga pangyayari. Tinitimpla ng Diyos ang determinasyon ng tao, pinipino ang kanyang tiwala, at pineperpekto ang kanyang bawat bahagi, natatamo ito sa karamihan sa pamamagitan ng mga pagsubok. Ang mga pagsubok ay mga tagong gawain din ng Banal na Espiritu. Tila pinabayaan ng Diyos ang tao, at kaya ang tao, kung hindi magiging maingat, ay makikita ang mga ito bilang mga tukso ni Satanas. Sa katunayan, maraming mga pagsubok ang maituturing na mga tukso, at ito ang panuntunan at patakaran ng gawain ng Diyos.

Hun 19, 2019

Pag-bigkas ng Diyos | Nakarating na ang Milenyong Kaharian

Salita ng Diyos,
Nakikita ba ninyo kung anong gawain ang tutuparin ng Diyos sa grupong ito ng mga tao? Sinabi ng Diyos, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga pagbigkas at tuluy-tuloy, at sa hinaharap ang mga pagbigkas ng Diyos ay direkta pang gagabay sa buhay ng tao sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos. Mula sa kalangitan nagpadala ang Diyos ng pagkain, tubig, at manna upang tamasahin ng mga tao, at ito ay ganito pa rin ngayon: Personal na nagpapadala ang Diyos ng mga bagay na kakainin at iinumin para tamasahin ng mga tao, at personal Siyang nagpapadala ng mga sumpa upang kastiguhin ang mga tao.

May 2, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao.

Abr 28, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo - Pagpapanatili sa Mga Utos at Pagsasagawa sa Katotohanan

Mga Pagbigkas ni Cristo - Pagpapanatili sa Mga Utos at Pagsasagawa sa Katotohanan


Sa pagsasagawa, ang mga utos ay dapat nakaugnay sa pagsasagawa sa katotohanan. Habang pinananatili ang mga utos, dapat isagawa ng isang tao ang katotohanan. Kapag isinasagawa ang katotohanan, hindi dapat labagin ng isang tao ang mga panuntunan ng mga utos o sumalangsang sa mga utos. Habang lalo mong isinasagawa ang katotohanan, mas lalo kang nananatili sa diwa ng mga utos. Habang lalo mong isinasagawa ang katotohanan, mas lalo mong maiintindihan ang salita ng Diyos gaya ng inihayag sa mga utos.

Abr 11, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Karanasan

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Karanasan


Sa kabuuan ng mga karanasan ni Pedro, nakapagbata siya ng daan-daang mga pagsubok. Bagamat may kamalayan na ang mga tao ngayon sa terminong ‘pagsubok,’ hindi nila lahat nauunawaan ang tunay na kahulugan nito o mga pangyayari. Tinitimpla ng Diyos ang determinasyon ng tao, pinipino ang kanyang tiwala, at pineperpekto ang kanyang bawat bahagi, natatamo ito sa karamihan sa pamamagitan ng mga pagsubok.

Mar 21, 2019

Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito


Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala sa inyo ito at iyon na lamang ang maging katapusan nito. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagkat karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan. Gaya halimbawa, malalaman ninyo kung ano ang gusto ng Diyos na maintindihan ninyo at maisagawa; ito ay isang bagay na dapat gawin ng isang wastong taong may kakayahang makaunawa. Ang sinasabi ng Diyos ngayon ay lalong maliwanag at malinaw, at nagsasabi ang Diyos ng maraming bagay na hindi naisaalang-alang ng mga tao o ang iba’t-ibang mga kalagayan ng mga tao. Ang Kanyang mga salita ay para sa lahat, kasinglinaw ng liwanag ng bilog na buwan.

Mar 15, 2019

Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao

Salita ng Diyos | Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao


Walang sinuman ang may kakayahang mamuhay nang mag-isa maliban sa kanila na binigyan ng natatanging tagubilin at paggabay ng Banal na Espiritu, sapagkat kinakailangan nila ang ministeryo at pagpapastol niyaong mga kinakasangkapan ng Diyos. Kaya, sa bawat kapanahunan nagbabangon ang Diyos ng iba’t-ibang mga tao na nagmamadali at abala tungkol sa pagpapastol sa mga iglesia para sa kapakanan ng Kanyang gawain. Na ang ibig sabihin, ang gawain ng Diyos ay dapat maganap sa pamamagitan niyaong Kanyang mga kinalulugdan at sinasang-ayunan; dapat gamitin ng Banal na Espiritu ang bahagi sa loob nila na mayroong pakinabang sa paggamit upang gumawa, at ginawa silang angkop sa pagkasangkapan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawang perpekto sa kanila ng Banal na Espiritu. Sapagkat ang kakayahan ng tao na makaunawa ay masyadong kulang, dapat siyang pastulan niyaong mga kinakasangkapan ng Diyos; ito ay kagaya ng pagkasangkapan ng Diyos kay Moises, na kung kanino Siya nakatagpo nang marami na angkop sa paggamit sa panahong iyon, na Kanyang kinasangkapan upang gawin ang gawain ng Diyos sa yugtong iyon. Sa yugtong ito, ang Diyos ay kumakasangkapan ng isang tao habang sinasamantala ang bahagi niya na maaaring kasangkapanin ng Banal na Espiritu upang gumawa, at ang Banal na Espiritu ay kapwa ginagabayan siya at ginagawang perpekto ang natitirang, di-magagamit na bahagi.

Mar 7, 2019

Tungkol Sa Pagtupad Ng Lahat Ng Kanilang Tungkulin

Salita ng Diyos | Tungkol Sa Pagtupad Ng Lahat Ng Kanilang Tungkulin


Sa kasalukuyang daloy, bawa’t tao na tunay na nagmamahal sa Diyos ay may pagkakataon na gawin Niyang perpekto. Maging sila man ay bata o matanda basta’t pinanatili nila sa kanilang puso ang pagsunod sa Diyos at paggalang sa Kanya, sila ay maaari Niyang gawing perpekto. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang iba’t-ibang mga tungkulin. Basta’t ginawa mo ang lahat sa iyong lakas at isinusumite ang iyong sarili sa gawain ng Diyos ikaw ay magagawa Niyang perpekto. Sa kasalukuyan wala sa inyong perpekto. Minsan nagagawa ninyo ang isang uri ng tungkulin at kung minsan nagagawa ninyo ang dalawa; hangga’t ibinibigay ninyo ang lahat ng inyong lakas sa Diyos at ginugugol ang inyong sarili para sa Kanya, sa dakong huli kayo ay gagawing perpekto ng Diyos.

Ang mga kabataan ay may mas kaunting mga pilosopiya sa buhay, at sila ay kulang sa karunungan at kaalaman. Ang Diyos ay naririto upang gawing perpekto ang karunungan at kaunawaan ng tao, at ang salita ng Diyos ay kumakatha para sa mga bagay na kulang sila. Gayunpaman, ang mga disposisyon ng kabataan ay hindi matatag at ito ay nangangailangan ng pagbabagong-anyo ng Diyos. Ang mga kabataan ay may mas kaunting mga paniniwalang panrelihiyon at mas kaunting mga pilosopiya sa buhay. Sila ay nag-iisip sa mga simpleng termino, at ang kanilang mga pagsasaalang-alang ay hindi kumplikado. Ito ang aspeto kung saan ang kanilang katauhan ay hindi pa nahubog. Ito ay isang kanais-nais na aspeto, subali’t ang kabataan ay ignorante at kulang sa karunungan. Ito ang aspeto na kailangang gawing perpekto ng Diyos, upang mapaunlad ninyo ang pagkilala at makayang malinaw na maunawaan ang maraming mga ispiritwal na bagay, at unti-unting maging isang taong nababagay para gamitin ng Diyos. Nakakaya din ng mas matatandang kapatid na lalaki at babae na gumawa ng ilang mga tungkulin at sila ay hindi inaabandona ng Diyos. Sa mas matatandang kapatid na lalaki at babae sila din ay may mga ilang kanais-nais na mga aspeto at mga ilang hindi kanais-nais na aspeto. Ang mas matatandang kapatid na lalaki at babae ay may mas maraming mga pilosopiya sa buhay, sila ay may mas maraming mga paniniwalang panrelihiyon, ang kanilang mga kilos ay nanatili sa isang matigas na balangkas, sinusunod nila ang mga tuntunin na parang mga robot, at ikinakapit ang mga ito nang wala sa loob. Hindi sila nakikibagay nguni’t sila ay napakatigas. Ito ay hindi isang kanais-nais na aspeto. Gayunpaman, ang mga matatandang kapatid na lalaki at babae ay kalmado at hindi naliligalig sa anumang nangyayari; ang kanilang mga disposisyon ay matatag. Sila ay may mga mapupusok na sumpong, nguni’t sila ay laging mapilit. Tinatanggap lamang nila ang mga bagay nang unti-unti, subali’t ito ay hindi isang malaking depekto. Hanggang kaya ninyong isumite ang inyong mga sarili at tanggapin ang mga aktwal na salita ng Diyos, kung kayo ay hindi nag-aatubiling isumite ang inyong mga sarili at makasubaybay, kung sa lahat ng mga paraan kayo ay hindi nanghuhusga o mayroong ibang mga masamang kaisipan, kung inyong tinatanggap ang Kanyang mga salita at isinasagawa ito, at kung kayo ay hindi nagsasaliksik ng mga salita ng Diyos at isinusumite ang inyong mga sarili—kung inyong masunod ang lahat ng mga kondisyong ito—kayo ay magiging perpekto.

Maging kayo man ay mas bata o mas matandang kapatid na lalaki o babae, nalalaman ninyo ang tungkulin na dapat ninyong gampanan. Yaong mga nasa kanilang kabataan ay hindi arogante; yaong mga mas matatanda ay hindi pasibo at hindi paurong. At nakakaya nilang gamitin ang lakas ng bawa’t isa upang mapunan ang kanilang mga kahinaan, at magagawa nilang maglingkod sa isa’t isa nang walang pagtatangi. Ang tulay ng pagkakaibigan ay itinatayo sa pagitan ng mas bata at mas matatandang kapatid na lalaki o babae. Dahil sa pag-ibig ng Diyos nagagawa ninyong mas mabuting maintindihan ang isa’t isa. Hindi hinahamak ng mga nakababatang kapatid na lalaki at babae ang mga mas matandang kapatid na lalaki at babae, at ang mga nakatatandang kapatid na lalaki at babae ay hindi rin matuwid sa sarili. Hindi ba ito isang may armonyang pagsasama? Kung lahat kayo ay mayroong ganitong paninindigan, ang kalooban ng Diyos ay tiyak na matutupad sa inyong henerasyon.

Sa hinaharap, kung ikaw man ay pagpapalain o isusumpa ay pagpapasiyahan batay sa mga kilos na iyong ginagawa ngayon. Kung kayo ay gagawing perpekto ng Diyos iyon ay magiging ngayon sa panahong ito; hindi na magkakaroon ng iba pang pagkakataon sa hinaharap. Ngayon din, nais kayong gawing perpekto ng Diyos, at ito ay hindi lamang isang paraan ng pagsasalita. Sa hinaharap, maging anumang mga pagsubok ang matanggap ninyo, anumang mga pangyayari ang maganap, o anumang mga sakuna ang dumating sa inyo, kayo ay nais na gawing perpekto ng Diyos—ito ay isang tiyak at hindi pinagdududahang katotohanan. Mula saan ito maaaring makita? Mula sa katotohanan na ang salita ng Diyos sa lahat ng mga panahon at mga henerasyon ay hindi kailanman narating ang gayong tugatog na gaya ngayon —ito ay pumasok sa pinakamataas na kaharian, at ang gawain ng Espiritu Santo sa sangkatauhan ngayon ay hindi pa kailanman nangyari. Halos walang sinuman mula sa mga henerasyong lumipas ang nakasubok nito. Kahit na sa panahon ni Jesus wala ang mga pagbubunyag ng panahon ngayon; dakilang mga tugatog ang narating sa mga salitang sinabi sa inyo, mga bagay na naiintindihan ninyo, at mga bagay na inyong naranasan. Hindi kayo umaalis sa gitna ng mga pagsubok at mga parusa, at ito ay sapat na upang patunayan na ang gawain ng Diyos ay umabot na sa hindi pa narating na kaluwalhatian. Ito ay hindi isang bagay na kayang gawin ng tao at ito ay hindi isang bagay na pinananatili ng tao, nguni’t sa halip ay gawain ng Diyos Sarili Niya. Kaya, mula sa maraming mga katotohanan ng gawain ng Diyos makikita na nais gawing perpekto ng Diyos ang tao, at tiyak na kaya Niya kayong gawing ganap. Kung makaya ninyong makita ito, kung makaya ninyong magkaroon ng bagong pagtuklas na ito, hindi ninyo na kailangang maghintay para sa ikalawang pagdating ni Jesus nguni’t sa halip, ay hahayaan ninyong gawing ganap kayo ng Diyos sa kasalukuyang panahon. Kaya, nararapat na ang bawa’t isa sa inyo ay gawin ang lubos na makakaya at huwag maglimita ng pagpupunyagi upang kayo ay maaaring gawing perpekto ng Diyos.

Sa mga panahong ito hindi mo dapat na pansinin ang mga negatibong bagay. Dapat mo munang isantabi at hindi pansinin ang bawa’t bagay na makapagpaparamdam sa iyo ng negatibo. Kapag nangangasiwa ka ng mga bagay kailangan mong panatilihin ang isang puso na naghahanap at nag-aapuhap, at dapat mong panatilihin ang isang pusong masunurin sa Diyos. Sa tuwing nakakatuklas kayo ng kahinaan sa loob ng inyong mga sarili, nguni’t kayo ay hindi sumasailalim sa kontrol nito at inyong ginampanan ang tungkulin na dapat ninyong gawin, ito ay isang positibong kilos na pasulong. Halimbawa: Ang mga mas matandang kapatid na lalaki at babae ay may mga paniniwalang pangrelihiyon, nguni’t nakaya mong magdasal, at nakaya mong isumite ang iyong sarili, kumain at inumin ang salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno…. Sa isang salita, anuman ang kaya mong gawin, anumang tungkulin ang kaya mong gampanan, gamitin ito nang lubos nang may buong lakas na maaari mong tipunin. Huwag pasibong maghintay. Ang paggawa ng iyong tungkulin sa kasiyahan ng Diyos ang unang hakbang. Pagkatapos kapag kaya mo nang maintindihan ang katotohanan at pumasok sa katotohanan ng salita ng Diyos, ikaw ay nagawa ng perpekto ng Diyos.