菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Diyos ay Pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Diyos ay Pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 10, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ibibigay Mo Ba sa Diyos ang Pag-ibig sa Iyong Puso?

Awit ng papuri  | Ibibigay Mo Ba sa Diyos ang Pag-ibig sa Iyong Puso?

I
Kung naniniwala ka sa Diyos ngunit walang layunin,
ang iyong buhay ay mawawalan ng halaga.
At sa pagdating ng panahong magwakas na ang buhay,
tanging ang asul na langit
at ang maalikabok na lupa lamang ang mapagmamasdan mo.
Nahahanda ka bang ibigay sa Kanya ang iyong pagmamahal?
Nais mo bang gawin itong batayan ng iyong kaligtasan,
kaligtasan?
Nakita ko sa aking buhay,
mas higit na pag-ibig na ibinibigay ko sa Diyos,
mas lalo kong nadarama ang kagalakan ng buhay
at walang hangganang lakas.

Dis 12, 2018

Tagalog Christian Crosstalk | "Mga Mata sa Lahat ng Dako" | The Status Quo of Christians in China


Tagalog Christian Crosstalk | "Mga Mata sa Lahat ng Dako" | The Status Quo of Christians in China


Inilalarawan ng crosstalk na Mga Mata Sa Lahat ng Dako kung paano tinatangka ng Partido Komunista ng Tsina na itaboy ang relihiyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malawakang paghahanap sa buong bansa, pati na rin ang paggamit sa mga tao mula sa bawat uri at antas ng buhay bilang mga mata para mag-imbestiga, magbantay, at magmanman sa mga Kristiyano. Sa pamamagitan ng nakakatawa at malinaw na pagtatanghal, ipinakikita ng komedyang pangdalawahan na ito sa ating lahat ang mga kasuklam-suklam na pamamaraan at mga karumaldumal na intensyon kung saan inaaresto ng CCP ang mga Kristiyano, at ipinakikita rin nito sa atin kung paano umaasa ang mga Kristiyano sa Diyos para makaiwas sa isang pares ng mga mata at sa iba pa, maipalaganap ang ebanghelyo at sumaksi sa Diyos. 

Dis 6, 2018

Tagalog Christian Crosstalk | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?


Tagalog Christian Crosstalk | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?


Sa mga huling araw, lalong umiigting ang pakiramdam ng mga Kristiyanong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit paano nga ba talaga magbabalik ang Panginoon? Sinasabi ng ilan, "Darating ang Panginoong Jesus kasama ng mga ulap". Sinasabi naman ng iba, "Ang mga propesiyang humuhula sa Kaniyang pagbabalik ay sinasabi ring, "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay, at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:25). "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw,Narito, ang kasintahang lalake; magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kung darating Siya na kasama ng mga ulap upang makita ng lahat, paano natin  ipaliliwanag ang hiwaga ng pagdating Niya nang palihim, pagdurusa at pagtanggi sa Kaniya, pati na rin ang sinasabi na may mga magpapatotoo tungkol sa Kaniyang pagbalik?" Paano magpapakita sa atin ang Panginoon? Sa nakakatawang "crosstalk" na Paano Ba Talaga Darating ang Panginoon, susubukang alisin ang ating mga duda tungkol sa usaping ito. 

Dis 3, 2018

New Gospel Skit "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God


New Gospel Skit "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God


"Ipinapaliwanag ng munting dula na Ang Panginoon ay Kumakatok kung paanong, sa mga huling araw, ang Panginoon ay kumakatok sa pinto ng ating mga puso gamit ang Kanyang mga salita, at na maririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at magpipiging na kasama ng Cordero.

Nob 14, 2018

Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?


Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?


Sa kasalukuyan, ang pagpapahirap ng ateistang gobyerno ng CCP sa mga Kristiyano ay tumitindi araw-araw. Ang mga mananampalataya ay nahaharap sa mga pagbabawal na isagawa ang kanilang pananalig sa lahat ng oras; ni hindi sila makahanap ng lugar para makapagtipon nang payapa.

Okt 21, 2018

Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)


Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)


Dalawang libong taon na ang nakakaraan, noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, pinanghawakan ng mga Fariseo ang mga kautusan at kinondena ang Kanyang gawain, sinasabing ang gawain Niya ay labas sa Banal na Kasulatan. Para maprotektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga tao sa paghahanap sa gawain ng Panginoong Jesus, at nakipagsanib puwersa sa pamahalaang Romano para ipako Siya sa krus.

Okt 15, 2018

CROSSTALK – “IPINAKITA NG MALAKING PULANG DRAGON ANG PANGIT NA MUKHA NITO” (TAGALOG DUBBED)


CROSSTALK – “IPINAKITA NG MALAKING PULANG DRAGON ANG PANGIT NA MUKHA NITO” (TAGALOG DUBBED)


Pangunahing inihahayag ng kaswal na pag-uusap na ito na hindi lang gusto ng malaking pulang dragon na pagharian ang mga mamamayan ng Tsina, kundi meron din itong mapanlinlang na ambisyon na makipagkaisa sa Taiwan at pagharian ang buong Asya at maging ang Europa at Hilagang Amerika. Inihahayag din nito ang pakana ng malaking pulang dragon sa likod ng maingat na inimbentong kaso sa Shandong Zhaoyuan noong Mayo 28, gayundin ang kasuklam-suklam na pakay nitong mag-udyok ng demonstrasyon sa South Korea noong Agosto 28. Katunayan, inihayag na ng salita ng Diyos ang tunay na layunin ng malaking pulang dragon. Ang pangit na mukha nito ay nalantad na sa liwanag, bilang na ang mga araw ng dragon. Para itong tipaklong sa pagtatapos ng taglagas; malapit na itong mamatay. Ang nakakatawang kaswal na pag-uusap na ito ay tapat at tahasang naghahayag ng tunay na mukha ng malaking pulang dragon. Nakakatuwa talaga!


Okt 12, 2018

Tagalog Crosstalk "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos" | Can the Lord Be Called Jesus When He Returns?


Crosstalk – "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos" (Tagalog Gospel Video)


Sa loob ng dalawang libong taon, palaging nagdarasal at nananawagan ang mga Kristiyano sa pangalan ng Panginoong Jesus, nananalig na ang pangalan ng Diyos ay palaging magiging Jesus. Gayunman, ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag, kapitulo 3, bersikulo 12, na magkakaroon ng bagong pangalan ang Panginoon pagbalik Niya. Kaya ngayong nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw, matatawag pa rin ba natin siyang Jesus? Anong mga hiwaga ang nasa likod ng pangalan ng Diyos? Ang pagtatanghal na salitaan na may pamagat na "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos," ay pinaghahalo ang mga estilo ng pag-awit at pagbigkas para gabayan tayo sa pag-unawa sa kahalagahan kung bakit iba-iba ang pangalan ng Diyos sa iba’t ibang panahon.