Tanong 6: Talikuran natin ang iba pa, ipangaral ang ebanghelyo ng Panginoon, at patnubayan ang iglesia. Ganitong pagsusumikap ang paraan para maisagawa ang kalooban ng Ama sa langit. May mali ba sa ginagawa nating ito?
Sagot: Hindi komo ipinapangaral n’yo ang ebanghelyo ng Panginoon at nagsisikap kayo para sa Kanya ay ginagawa n’yo na ang kalooban ng Ama sa langit. Para magawa talaga ang kalooban ng Ama sa langit, kailangang sundin ng tao ang daan ng Panginoon at ang Kanyang mga utos. Kailangan gawin ng tao ang kanyang tungkulin ayon sa hinihiling ng Panginoon. Tulad ng sabi ng Panginoong Jesus, “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37-39).