菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Aklat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Aklat. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 2, 2019

Bakit tinatawag ang Diyos sa iba’t ibang pangalan sa iba’t ibang kapanahunan? Ano ang mga kahalagahan ng mga pangalan ng Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Nararapat mong malaman na ang Diyos sa simula ay walang pangalan. Gumamit lang Siya ng isa o dalawa, o maraming pangalan dahil mayroon Siyang gawaing kailangang isagawa at pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anuman ang tawag sa Kanya, hindi ba’t ito ay Kanyang pinili nang malaya? Kailangan ka ba Niya, isang nilalang, upang pagpasyahan ito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay ayon sa kung ano ang nauunawaan ng tao at ang wika ng tao, ngunit ang pangalang ito ay di kayang lagumin ng tao.

mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa bawat panahon na personal na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, gumagamit Siya ng pangalan na naaangkop sa panahon upang lagumin ang gawain na Kanyang isinasagawa.

Abr 11, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Karanasan

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Karanasan


Sa kabuuan ng mga karanasan ni Pedro, nakapagbata siya ng daan-daang mga pagsubok. Bagamat may kamalayan na ang mga tao ngayon sa terminong ‘pagsubok,’ hindi nila lahat nauunawaan ang tunay na kahulugan nito o mga pangyayari. Tinitimpla ng Diyos ang determinasyon ng tao, pinipino ang kanyang tiwala, at pineperpekto ang kanyang bawat bahagi, natatamo ito sa karamihan sa pamamagitan ng mga pagsubok.

Abr 9, 2019

Tanong 7: Ngayo’y nananalig tayo sa Panginoong Jesus; nagsasakripisyong ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, at tinatalikuran natin ang iba pa. ginagawa natin ang kalooban Ama sa langit. Ibig sabihi’y nagawa na tayong banal. Pagdating ng Panginoon, talagang dadalhin Niya tayo sa kaharian sa langit!



Tanong 7: Ngayo’y nananalig tayo sa Panginoong Jesus; nagsasakripisyong ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, at tinatalikuran natin ang iba pa. ginagawa natin ang kalooban Ama sa langit. Ibig sabihi’y nagawa na tayong banal. Pagdating ng Panginoon, talagang dadalhin Niya tayo sa kaharian sa langit!


Sagot: Tungkol sa kung sino ang makakapasok sa kaharian ng langit: Sabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus sa atin na ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit.

Mar 26, 2019

Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito

Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala sa inyo ito at iyon na lamang ang maging katapusan nito. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagkat karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan.

Mar 24, 2019

Gano’n pa man, sumampalataya kami sa Panginoon nang maraming taon, laging gumagawa para sa Panginoon at naghihirap nang labis. Hinding-hindi namin itinanggi ang pangalan ng Panginoong Jesus o trinaydor Siya. Samakatuwid, ayon sa pangako ng Panginoon, hindi Niya kami pababayaan. Kung dumating na ang Panginoon, kami na dapat ang una Niyang iniakyat sa kaharian ng langit. Bakit una kayong tumanggap habang naiwan kami sa ibaba? Hindi kami kumbinsido! Kung hindi namin tatanggapin ang gawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, talaga bang hindi kami makakapasok sa kaharian ng langit? Yon ang pinakamahalaga sa akin. Pa’no niyo ‘yon bibigyang-kahulugan?

Sagot: Talagang napakadali lang no’ng ipaliwanag. Ang mga naniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon ay maaaring nabasa na ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan, na lumabas pagkaumagang-umaga, upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan. At nang makipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denario sa bawa’t araw, ay isinugo niya sila sa kaniyang ubasan. At siya’y lumabas nang malapit na ang ikatlong oras, at nakita ang mga iba sa pamilihan na nangakatayong walang ginagawa; At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon din naman kayo sa ubasan, at bibigyan ko kayo ng nasa katuwiran. At nagsiyaon ng kanilang lakad sa ubasan. Lumabas siyang muli nang malapit na ang mga oras na ikaanim at ikasiyam, at gayon din ang ginawa.

Mar 21, 2019

Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito


Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala sa inyo ito at iyon na lamang ang maging katapusan nito. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagkat karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan. Gaya halimbawa, malalaman ninyo kung ano ang gusto ng Diyos na maintindihan ninyo at maisagawa; ito ay isang bagay na dapat gawin ng isang wastong taong may kakayahang makaunawa. Ang sinasabi ng Diyos ngayon ay lalong maliwanag at malinaw, at nagsasabi ang Diyos ng maraming bagay na hindi naisaalang-alang ng mga tao o ang iba’t-ibang mga kalagayan ng mga tao. Ang Kanyang mga salita ay para sa lahat, kasinglinaw ng liwanag ng bilog na buwan.

Mar 19, 2019

Pa’no ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Pa’no Niya hinahatulan ang tao, dinadalisay ang tao, at pineperpekto ang tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita? Isang bagay ‘to na kailangang-kailangan nating malaman. Kung nauunawaan natin ang gawa ng Makapangyarihang Diyos, kung gano’n, talagang naririnig natin ang tinig ng Diyos at iaakyat tayo sa harap ng trono ng Diyos. Pakipaliwanag mo pa sa ‘min nang mas detalyado!

Sagot: Ang pag-aaral kung pa’no ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay napakahalaga sa ating kakayahan na magkamit ng kaligtasan sa pamamagitan ng paghanap sa katotohanan. Gumagawa ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan para hatulan at linisin ang mga tao. Ginagawa Niya ‘yong mag-isa para iakyat ang Kanyang mga santo sa kaharian ng langit. Gano’n pa man, maraming mga mananampalataya sa komunidad ang hindi nakakaunawa sa nais ng Diyos. Iniisip nilang babalik ang Panginoon at agad na iaakyat ang lahat ng mga santo sa kaharian ng langit. Hindi sila naniniwalang pangungunahan Niya ang gawain ng paghatol at pagkastigo dahil, kung hinatulan at kinastigo Niya ang mga tao, hindi ba’t isusumpa at parurusahan Niya na rin sila? Samakatuwid, ayaw nilang tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw; hinihintay lang nila ang Panginoon na bumaba sa alapaap at iakyat sila sa kaharian ng langit. Ang totoo, isa ‘tong lubos na hindi pagkakaunawa sa kagustuhan ng Diyos.

Mar 15, 2019

Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao

Salita ng Diyos | Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao


Walang sinuman ang may kakayahang mamuhay nang mag-isa maliban sa kanila na binigyan ng natatanging tagubilin at paggabay ng Banal na Espiritu, sapagkat kinakailangan nila ang ministeryo at pagpapastol niyaong mga kinakasangkapan ng Diyos. Kaya, sa bawat kapanahunan nagbabangon ang Diyos ng iba’t-ibang mga tao na nagmamadali at abala tungkol sa pagpapastol sa mga iglesia para sa kapakanan ng Kanyang gawain. Na ang ibig sabihin, ang gawain ng Diyos ay dapat maganap sa pamamagitan niyaong Kanyang mga kinalulugdan at sinasang-ayunan; dapat gamitin ng Banal na Espiritu ang bahagi sa loob nila na mayroong pakinabang sa paggamit upang gumawa, at ginawa silang angkop sa pagkasangkapan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawang perpekto sa kanila ng Banal na Espiritu. Sapagkat ang kakayahan ng tao na makaunawa ay masyadong kulang, dapat siyang pastulan niyaong mga kinakasangkapan ng Diyos; ito ay kagaya ng pagkasangkapan ng Diyos kay Moises, na kung kanino Siya nakatagpo nang marami na angkop sa paggamit sa panahong iyon, na Kanyang kinasangkapan upang gawin ang gawain ng Diyos sa yugtong iyon. Sa yugtong ito, ang Diyos ay kumakasangkapan ng isang tao habang sinasamantala ang bahagi niya na maaaring kasangkapanin ng Banal na Espiritu upang gumawa, at ang Banal na Espiritu ay kapwa ginagabayan siya at ginagawang perpekto ang natitirang, di-magagamit na bahagi.

Mar 12, 2019

Namatay sa krus ang Panginoong Jesus para sa atin. Tinubos niya tayo sa mga kasalanan at pinatawad ang ating mga sala, ginawa Niya ito para iligtas tayo at ipinagkaloob sa atin na makapasok sa kaharian ng langit. Kahit patuloy tayong nagkakasala at kailangan pa tayong linisin, pinatawad ng Panginoon ang lahat ng kasalanan natin at ginawa tayong karapat-dapat sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Akala ko hangga’t isinasakripisyo natin ang lahat para makagawa para sa Panginoon, hangga’t payag tayong magtiis ng paghihirap at magbigay ng kabayaran, papayagan tayong makapasok sa kaharian ng langit. Akala ko ‘yon ang pinangako sa atin ng Panginoon. Gano’n pa man, ilan sa mga kapatid natin ang kumukwestyon ngayon sa paniniwalang ‘yon. Sabi nila kahit daw nagsikap tayo para sa Panginoon, madalas pa rin tayong magkasala at ikinukumpisal ang mga kasalanan natin, kaya hindi pa rin tayo nalilinis. Inihayag nila na banal ang Panginoon, kaya hindi Siya maaaring makita ng mga taong hindi banal. Ang tanong ko ay: Tayong mga isinakripisyo ang lahat para sa Panginoon, talaga bang madadala tayo sa kaharian ng langit? Talagang hindi pa natin alam ang sagot sa tanong na ‘yon, kaya gusto naming kausapin niyo kami tungkol do’n.

Sagot: Ang iniisip ng lahat ng mga sumasampalataya sa Panginoon: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus nang mamatay Siya sa krus, kaya pinatawad na tayo sa lahat ng kasalanan. Hindi na tayo nakikita ng Panginoon bilang mga makasalanan. Naging matuwid na tayo sa pamamagitan ng ating pananalig. Basta magtitiis tayo hanggang sa huli, Pagbalik ng Panginoon, agad tayong dadalhin sa alapaap papunta sa kaharian ng langit. Bueno, ‘yon ba ang katotohanan? Nagbigay ba ang Diyos ng ano ma’ng pruweba sa Kanyang mga salita para patunayan ang pahayag na ‘yon? Kung hindi naaayon sa katotohanan ang pananaw na ito, ano ang magiging mga epekto? Dapat gamitin nating mga sumasampalataya sa Panginoon ang mga salita Niya bilang basehan para sa lahat ng bagay. Sadyang totoo ‘yon pagdating sa tanong kung paano ilalarawan ang pagbabalik ng Panginoon. Kahit ano’ng mangyari, hindi natin dapat ilarawan ang Kanyang pagbabalik ayon sa mga pagkaintindi at imahinasyon ng tao. Napakaseryoso ng epekto ng gano’ng pag-uugali para pag-aralang mabuti.

Mar 7, 2019

Tungkol Sa Pagtupad Ng Lahat Ng Kanilang Tungkulin

Salita ng Diyos | Tungkol Sa Pagtupad Ng Lahat Ng Kanilang Tungkulin


Sa kasalukuyang daloy, bawa’t tao na tunay na nagmamahal sa Diyos ay may pagkakataon na gawin Niyang perpekto. Maging sila man ay bata o matanda basta’t pinanatili nila sa kanilang puso ang pagsunod sa Diyos at paggalang sa Kanya, sila ay maaari Niyang gawing perpekto. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang iba’t-ibang mga tungkulin. Basta’t ginawa mo ang lahat sa iyong lakas at isinusumite ang iyong sarili sa gawain ng Diyos ikaw ay magagawa Niyang perpekto. Sa kasalukuyan wala sa inyong perpekto. Minsan nagagawa ninyo ang isang uri ng tungkulin at kung minsan nagagawa ninyo ang dalawa; hangga’t ibinibigay ninyo ang lahat ng inyong lakas sa Diyos at ginugugol ang inyong sarili para sa Kanya, sa dakong huli kayo ay gagawing perpekto ng Diyos.

Ang mga kabataan ay may mas kaunting mga pilosopiya sa buhay, at sila ay kulang sa karunungan at kaalaman. Ang Diyos ay naririto upang gawing perpekto ang karunungan at kaunawaan ng tao, at ang salita ng Diyos ay kumakatha para sa mga bagay na kulang sila. Gayunpaman, ang mga disposisyon ng kabataan ay hindi matatag at ito ay nangangailangan ng pagbabagong-anyo ng Diyos. Ang mga kabataan ay may mas kaunting mga paniniwalang panrelihiyon at mas kaunting mga pilosopiya sa buhay. Sila ay nag-iisip sa mga simpleng termino, at ang kanilang mga pagsasaalang-alang ay hindi kumplikado. Ito ang aspeto kung saan ang kanilang katauhan ay hindi pa nahubog. Ito ay isang kanais-nais na aspeto, subali’t ang kabataan ay ignorante at kulang sa karunungan. Ito ang aspeto na kailangang gawing perpekto ng Diyos, upang mapaunlad ninyo ang pagkilala at makayang malinaw na maunawaan ang maraming mga ispiritwal na bagay, at unti-unting maging isang taong nababagay para gamitin ng Diyos. Nakakaya din ng mas matatandang kapatid na lalaki at babae na gumawa ng ilang mga tungkulin at sila ay hindi inaabandona ng Diyos. Sa mas matatandang kapatid na lalaki at babae sila din ay may mga ilang kanais-nais na mga aspeto at mga ilang hindi kanais-nais na aspeto. Ang mas matatandang kapatid na lalaki at babae ay may mas maraming mga pilosopiya sa buhay, sila ay may mas maraming mga paniniwalang panrelihiyon, ang kanilang mga kilos ay nanatili sa isang matigas na balangkas, sinusunod nila ang mga tuntunin na parang mga robot, at ikinakapit ang mga ito nang wala sa loob. Hindi sila nakikibagay nguni’t sila ay napakatigas. Ito ay hindi isang kanais-nais na aspeto. Gayunpaman, ang mga matatandang kapatid na lalaki at babae ay kalmado at hindi naliligalig sa anumang nangyayari; ang kanilang mga disposisyon ay matatag. Sila ay may mga mapupusok na sumpong, nguni’t sila ay laging mapilit. Tinatanggap lamang nila ang mga bagay nang unti-unti, subali’t ito ay hindi isang malaking depekto. Hanggang kaya ninyong isumite ang inyong mga sarili at tanggapin ang mga aktwal na salita ng Diyos, kung kayo ay hindi nag-aatubiling isumite ang inyong mga sarili at makasubaybay, kung sa lahat ng mga paraan kayo ay hindi nanghuhusga o mayroong ibang mga masamang kaisipan, kung inyong tinatanggap ang Kanyang mga salita at isinasagawa ito, at kung kayo ay hindi nagsasaliksik ng mga salita ng Diyos at isinusumite ang inyong mga sarili—kung inyong masunod ang lahat ng mga kondisyong ito—kayo ay magiging perpekto.

Maging kayo man ay mas bata o mas matandang kapatid na lalaki o babae, nalalaman ninyo ang tungkulin na dapat ninyong gampanan. Yaong mga nasa kanilang kabataan ay hindi arogante; yaong mga mas matatanda ay hindi pasibo at hindi paurong. At nakakaya nilang gamitin ang lakas ng bawa’t isa upang mapunan ang kanilang mga kahinaan, at magagawa nilang maglingkod sa isa’t isa nang walang pagtatangi. Ang tulay ng pagkakaibigan ay itinatayo sa pagitan ng mas bata at mas matatandang kapatid na lalaki o babae. Dahil sa pag-ibig ng Diyos nagagawa ninyong mas mabuting maintindihan ang isa’t isa. Hindi hinahamak ng mga nakababatang kapatid na lalaki at babae ang mga mas matandang kapatid na lalaki at babae, at ang mga nakatatandang kapatid na lalaki at babae ay hindi rin matuwid sa sarili. Hindi ba ito isang may armonyang pagsasama? Kung lahat kayo ay mayroong ganitong paninindigan, ang kalooban ng Diyos ay tiyak na matutupad sa inyong henerasyon.

Sa hinaharap, kung ikaw man ay pagpapalain o isusumpa ay pagpapasiyahan batay sa mga kilos na iyong ginagawa ngayon. Kung kayo ay gagawing perpekto ng Diyos iyon ay magiging ngayon sa panahong ito; hindi na magkakaroon ng iba pang pagkakataon sa hinaharap. Ngayon din, nais kayong gawing perpekto ng Diyos, at ito ay hindi lamang isang paraan ng pagsasalita. Sa hinaharap, maging anumang mga pagsubok ang matanggap ninyo, anumang mga pangyayari ang maganap, o anumang mga sakuna ang dumating sa inyo, kayo ay nais na gawing perpekto ng Diyos—ito ay isang tiyak at hindi pinagdududahang katotohanan. Mula saan ito maaaring makita? Mula sa katotohanan na ang salita ng Diyos sa lahat ng mga panahon at mga henerasyon ay hindi kailanman narating ang gayong tugatog na gaya ngayon —ito ay pumasok sa pinakamataas na kaharian, at ang gawain ng Espiritu Santo sa sangkatauhan ngayon ay hindi pa kailanman nangyari. Halos walang sinuman mula sa mga henerasyong lumipas ang nakasubok nito. Kahit na sa panahon ni Jesus wala ang mga pagbubunyag ng panahon ngayon; dakilang mga tugatog ang narating sa mga salitang sinabi sa inyo, mga bagay na naiintindihan ninyo, at mga bagay na inyong naranasan. Hindi kayo umaalis sa gitna ng mga pagsubok at mga parusa, at ito ay sapat na upang patunayan na ang gawain ng Diyos ay umabot na sa hindi pa narating na kaluwalhatian. Ito ay hindi isang bagay na kayang gawin ng tao at ito ay hindi isang bagay na pinananatili ng tao, nguni’t sa halip ay gawain ng Diyos Sarili Niya. Kaya, mula sa maraming mga katotohanan ng gawain ng Diyos makikita na nais gawing perpekto ng Diyos ang tao, at tiyak na kaya Niya kayong gawing ganap. Kung makaya ninyong makita ito, kung makaya ninyong magkaroon ng bagong pagtuklas na ito, hindi ninyo na kailangang maghintay para sa ikalawang pagdating ni Jesus nguni’t sa halip, ay hahayaan ninyong gawing ganap kayo ng Diyos sa kasalukuyang panahon. Kaya, nararapat na ang bawa’t isa sa inyo ay gawin ang lubos na makakaya at huwag maglimita ng pagpupunyagi upang kayo ay maaaring gawing perpekto ng Diyos.

Sa mga panahong ito hindi mo dapat na pansinin ang mga negatibong bagay. Dapat mo munang isantabi at hindi pansinin ang bawa’t bagay na makapagpaparamdam sa iyo ng negatibo. Kapag nangangasiwa ka ng mga bagay kailangan mong panatilihin ang isang puso na naghahanap at nag-aapuhap, at dapat mong panatilihin ang isang pusong masunurin sa Diyos. Sa tuwing nakakatuklas kayo ng kahinaan sa loob ng inyong mga sarili, nguni’t kayo ay hindi sumasailalim sa kontrol nito at inyong ginampanan ang tungkulin na dapat ninyong gawin, ito ay isang positibong kilos na pasulong. Halimbawa: Ang mga mas matandang kapatid na lalaki at babae ay may mga paniniwalang pangrelihiyon, nguni’t nakaya mong magdasal, at nakaya mong isumite ang iyong sarili, kumain at inumin ang salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno…. Sa isang salita, anuman ang kaya mong gawin, anumang tungkulin ang kaya mong gampanan, gamitin ito nang lubos nang may buong lakas na maaari mong tipunin. Huwag pasibong maghintay. Ang paggawa ng iyong tungkulin sa kasiyahan ng Diyos ang unang hakbang. Pagkatapos kapag kaya mo nang maintindihan ang katotohanan at pumasok sa katotohanan ng salita ng Diyos, ikaw ay nagawa ng perpekto ng Diyos.

Mar 6, 2019

Binanggit ng Panginoong Jesus ang mga misteryo ng kaharian ng langit sa mga disipulo, at bilang nagbalik na Panginoong Jesus, naghayag na rin ba ng maraming misteryo ang Makapangyarihang Diyos? Maaari n’yo bang ibahagi sa amin ang ilan sa mga misteryong inihayag ng Makapangyarihang Diyos? Malaking tulong iyon sa amin sa pagtukoy sa tinig ng Diyos.

Sagot:Tuwing nagkakatawang tao ang Diyos, marami Siyang inihahayag na katotohanan at misteryo sa atin. Walang duda ‘yan. Nagkakatawang tao ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, kaya nga, natural Siyang nagpapahayag ng maraming katotohanan, at naghahayag ng maraming misteryo. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naghayag ng maraming misteryo habang nangangaral at ginagawa ang Kanyang gawain, tulad ng, “Mangagsisi kayo: sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21).

Peb 28, 2019

Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay

Mga Pagbigkas ni Cristo | Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay


Nadadama ng mga tao na nagagawa lamang nilang magbago sa loob ng kanilang buhay sa iglesia, at kung hindi sila nabubuhay sa loob ng iglesia, ang pagbabago ay hindi posible, na hindi nila magagawang matamo ang pagbabago sa kanilang totoong buhay. Nakikilala ba ninyo kung ano ang usaping ito? Nagsalita Ako tungkol sa pagdadala sa Diyos sa totoong buhay, at ito ang landas para sa kanila na naniniwala sa Diyos upang pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Sa katunayan, ang buhay ng iglesia ay isa lamang limitadong paraan upang gawing perpekto ang tao. Ang pangunahing kapaligiran para sa pagka-perpekto ng mga tao ay ang totoong buhay pa rin. Ito ang totoong pagsasagawa at totoong pagsasanay na Aking sinasabi, na nagtutulot sa mga tao upang matamo ang isang buhay ng normal na pagkatao at upang isabuhay ang kawangis ng isang tunay na tao sa panahon ng pang-araw-araw na buhay.

Peb 26, 2019

Ano ang pagkakaiba ng mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propetang katulad nina Isaias, Ezekiel, at Daniel mula sa Kapanahunan ng Kautusan, sa mga salitang ipinahayag ng Diyos sa laman?

Sagot: Dahil sa pagkakaiba ng diwa ng Diyos na nagkatawang-tao sa diwa ng mga propeta, dumarating ang Diyos na nagkatawang-tao para gawin ang gawain ng Diyos samantalang ginampanan lang ng mga propeta ang tungkulin ng tao. Kaya likas na magkaiba ang kanilang gawain. Tingnan natin kung paano ito sinabi ng Makapangyarihang Diyos.

Peb 21, 2019

May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espirituwal

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espirituwal


Ang isang sumasampalataya ay dapat mayroong isang normal na buhay espirituwal-ito ang saligan para sa pagpapakaranas ng mga salita ng Diyos at pagpasok sa katotohanan. Sa kasalukuyan, maaari ba na ang lahat ng mga panalangin, ang mapalapit sa Diyos, ang pag-awit, pagpupuri, pagbubulay-bulay, at ang pagsisiskap na alamin ang mga salita ng Diyos na inyong isinasagawa ay nakaaabot sa mga pamantayan ng isang normal na buhay espirituwal. Walang sinuman sa inyo ang masyadong malinaw tungkol dito. Ang isang normal na buhay espirituwal ay hindi limitado sa panalangin, awit, buhay iglesia, pagkain at pag-inom ng mga salita ng diyos, at iba pang gayong mga pagsasagawa, ngunit ito ay nangangahulugan na isabuhay ang isang buhay espirituwal na sariwa at masigla. Ito ay hindi tungkol sa pamamaraan, bagkus sa resulta. Iniisip ng karamihan sa mga tao na upang magkaroon ng isang normal na buhay espirituwal ang isa ay dapat manalangin, umawit, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o subukang unawain ang mga salita ng Diyos.

Peb 18, 2019

Ngayon alam na ng lahat na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at Siya ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao! Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao, tinig ng kasintahang lalake. Subalit maraming kapatid pa rin ang hindi makahiwatig sa tinig ng Diyos. Kaya nga, inimbitahan namin ngayon si Kapatid na Xiang mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Inimbitahan namin sila para ibahagi sa atin kung paano tukuyin ang tinig ng Diyos. Para malaman natin kung paano tiyakin na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus.

Sagot: Napakahalaga ng itinanong n’yo. Para matanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at makita ang pagpapakita ng Diyos, Kailangan nating malaman kung paano tukuyin ang tinig ng Diyos. Sa katunayan, ang ibig sabhin ng pagtukoy sa tinig ng Diyos ay pagkilala sa mga salita at binibigkas ng Diyos, at pagkilala sa mga katangian ng mga salita ng Lumikha. Mga salita man ito ng Diyos na naging tao, o mga binigkas ng Espiritu ng Diyos, lahat ay pawang mga salitang sinambit ng Diyos sa sangkatauhan mula sa kaitaasan. Ganyan ang tono at mga katangian ng mga salita ng Diyos. Dito, malinaw na ipinakita ang awtoridad at pagkakakilanlan ng Diyos. Masasabing ito ang natatanging paraan ng pagsasalita ng Lumikha. Talagang malawak ang saklaw ng mga binigkas ng Diyos tuwing Siya’y nagiging tao. Ang mga ito una sa lahat ay nauugnay sa mga hinihingi at babala ng Diyos sa tao, ang mga salita ng batas at kautusan ng pamamahala ng Diyos, ang Kanyang mga salita ng paghatol at pagkastigo, at ang Kanyang paghahayag tungkol sa tiwaling sangkatauhan.

Peb 15, 2019

Paano Malalaman ang Realidad

Pag-bigkas ng Diyos | Paano Malalaman ang Realidad


Ang Diyos ay isang praktikal na Diyos: Lahat ng Kanyang gawa ay praktikal, lahat ng mga salita na binibigkas Niya ay praktikal, at lahat ng mga katotohanan na ipinahahayag Niya ay praktikal. Lahat ng bagay na hindi Kanyang mga salita ay walang-laman, hindi-umiiral, at hindi-malusog. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay upang gabayan ang mga tao tungo sa mga salita ng Diyos. Kung hahabulin ng mga tao ang pagpasok sa realidad, kung gayon dapat nilang hanapin ang realidad, at alamin ang realidad, kung saan matapos ito’y dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad. Mas nalalaman ng mga tao ang realidad, mas nakakaya nilang sabihin kung ang salita ng iba ay tunay; mas nalalaman ng mga tao ang realidad, mas kakaunti ang kanilang mga pagkaintindi; mas nararanasan ng mga tao ang realidad, mas alam nila ang mga gawa ng Diyos ng realidad, at mas madali para sa kanila na talikuran ang kanilang tiwali at makasatanas na mga disposisyon; mas mayroong realidad ang mga tao, mas nakikilala nila ang Diyos, at mas kinamumuhian nila ang laman at minamahal ang katotohanan; at mas mayroong realidad ang mga tao, mas napapalápít sila sa mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos.

Peb 12, 2019

Ang Tunay na Kahulugan ng Pagdala | Ang mga sinabi niyo ang paghahangad natin sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagdadala sa ‘tin sa alapaap ay nagmula lang talaga sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao. Seryosong naipagkanulo na natin ang mga salita ng Panginoon. Dahil do’n, pa’no tayo ngayon maghihintay sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagdadala sa atin sa alapaap? Pwede mo ba ‘yong ipaliwanag pa nang mas detalyado?

Sagot: Ang pag-asam ng mga santo na madala sa alapaap ay base sa sariling mga salita ng Panginoong Jesus. “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2-3). Iniinterpreta natin ang mga salita ng Panginoong Jesus ayon sa mga sarili nating pagkaintindi at imahinasyon. Iniisip nating dahil umakyat sa langit ang Panginoong Jesus gamit ang alapaap, ang lugar na inihanda ng Panginoon para sa sangkatauhan ay marahil nasa langit. Samakatuwid, hinihintay natin na magbalik ang Panginoong Jesus at iakyat tayo sa langit. Bukod pa ro’n, partikular nating iginagalang ang mga salita ni Pablo: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17).

Peb 8, 2019

Paano Maglingkod Nang Kaayon sa Kalooban ng Diyos

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Paano Maglingkod Nang Kaayon sa Kalooban ng Diyos


Ngayon, pangunahin nating tatalakayin kung paano dapat maglingkod ang mga tao sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Diyos, ano ang mga kundisyon na dapat matupad at kung ano ang dapat maunawaan ng mga naglilingkod sa Diyos, at ano ang mga paglihis sa inyong serbisyo. Dapat ninyong maunawaan ang lahat ng ito. Ang mga isyung ito ay humihipo sa inyong paniniwala sa Diyos, kung paano kayo naglalakad patungo sa landas ng pamamatnubay ng Banal na Espiritu, at kung paanong ang inyong lahat-lahat ay inaayos ng Diyos, at hahayaan kayo ng mga iyon na malaman ang bawa’t hakbang ng gawain ng Diyos sa inyo. Kapag naabot ninyo ang puntong iyon, inyong pahahalagahan ang pananampalataya sa Diyos, kung paano maniwala nang wasto sa Diyos, at kung ano ang dapat ninyong gawin upang kumilos nang kaayon sa kalooban ng Diyos. Gagawin kayo nitong ganap at lubos na masunurin sa gawain ng Diyos, at hindi kayo magrereklamo, hindi kayo hahatol, o magsusuri, at lalong hindi magsasaliksik. Dagdag pa rito, magagawa ninyong maging masunurin sa Diyos hanggang kamatayan, hinahayaan ang Diyos na igiya kayo at katayin na parang isang tupa, upang kayong lahat ay maaaring maging mga Pedro ng panahong 1990, at nagmamahal sa Diyos hanggang sa kasukdulan kahit na nasa krus, nang wala kahit kaunting reklamo. Doon lamang kayo maaaring mamuhay bilang mga Pedro ng panahong 1990.

Peb 4, 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo | Tanong 3: Sabi sa Biblia, “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Paano natin ipaliliwanag ‘yon?


Sagot: Asamin natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiyang Siya Mismo ang nagsabi. ‘Yon ang pinaka-karaniwang paraan ng paghihintay sa pagbalik ng Panginoon. Sino ba ang talagang nagsabi niyan? Mga salita ba ‘yan ng Panginoon o mga salita ng mga tao? “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin,” sino’ng nagsabi no’n? Mga salita ba ‘yon ng Panginoong Jesus? Walang sinabing gano’n ang Panginoong Jesus. Hindi rin ‘yon sinabi ng Banal na Espiritu. Ang mga salitang sinasabi at pinaniniwalaan mo ay mga salita ni Pablo. Kinakatawan ba ng mga salita ni Pablo ang mga salita ng Panginoong Jesus? Pwede ba siyang maging kinatawan ng Diyos? Tanging ang Diyos lang ang may alam sa sagot sa misteryong ito. Kung susubukan nating mga masamang tao na gumawa ng mga bulag na kahulugan at hatol gaya nito, isa ‘yong seryosong problema. Hindi si Kristo si Pablo. Isa lang siyang karaniwang masamang tao. Puno ng mga ideya at imahinasyon ng tao ang mga sinulat niya. Hindi ang mga salita niya ang katotohanan, kaya hindi natin ‘yon magagamit na pruweba. Lahat ng pruweba ay dapat nakabase sa mga salita ng Diyos sa Bibliya. Alinsunod ‘yon sa katotohanan. Maling imbestigahan ang pagdadala at pagpasok sa kaharian ng langit base sa mga salita ng mga tao sa Bibliya, lalo na kay Pablo, at hindi ayon sa mga salita ng Panginoong Jesus dahil tanging ang mga salita ng Panginoong Jesus ang katotohanan; tanging ang mga salita Niya ang may awtoridad. Tanging ang Panginoong Jesus ang Kristo, ang Hari ng kaharian ng langit. Bakit hindi niyo hanapin ang katotohanan at nais ng Diyos sa mga salita ng Panginoong Jesus? Sa halip, bakit niyo ginagamit ang mga salita ng tao na basehan ng inyong paghahanap? Alinsunod ba ‘yon sa nais ng Panginoon? Ginagawa kayo no’ng suseptible na sundin ang tao at tahakin ang sarili niyong landas. Nilikha ng Diyos ang tao mula sa putik ng lupa. Inatasan Niya sila na gawin ang mga tungkulin nila sa lupa, at ‘yon ay ang pamahalaan ang iba pa Niyang mga nilikha sa lupa. Hiniling Niya na sumunod sila, sumamba, at magbigay-dangal sa Kanya sa lupa at iniatas na ang destinasyon nila ay sa lupa, hindi sa langit. Maliban do’n, matagal nang sinabi sa atin ng Diyos na itatatag Niya ang kaharian Niya sa lupa. Maniniirahan siya sa lupa kasama nating mga tao at ang mga kaharian ng lupa ay dapat maging kahariang pinamamahalaan ni Kristo. Samakatuwid, sa lupa itatag ang kaharian ng Diyos sa huli, hindi sa langit. Maraming tao ang laging naghahangad na maiakyat sa langit. Yon ang sarili nilang pagkaintindi at imahinasyon, ang sarili nilang kathang hangarin. Hindi ‘yon alinsunod sa katotohanan o sa katotohanan ng gawain ng Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Paggising mula sa Panaginip

Peb 1, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Makapasok sa Isang Normal na Kalagayan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Makapasok sa Isang Normal na Kalagayan


Mas handang tanggapin ng mga tao ang mga salita ng Diyos, mas lalo silang maliliwanagan at mas lalo silang nagugutom at nauuhaw na hangarin ang kaalaman tungkol sa Diyos. Sila lamang mga nakakatanggap ng mga salita ng Diyos ang nakakayang magkaroon ng higit na malalalim at mayayamang karanasan; sila lamang yaong ang mga buhay ay lalong namumukadkad. Bawat isang naghahangad ng buhay ay dapat ituring ito na parang kanilang gawain, at dapat magkaroon ng damdamin na hindi sila mabubuhay kung wala ang Diyos, na walang kahit isang tagumpay kung wala ang Diyos, at ang lahat ay kahungkagan kung wala ang Diyos.