菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mahalin ang isa't isa. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mahalin ang isa't isa. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 9, 2019

Tagalog Praise Songs | "Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis"



Tagalog Praise Songs | "Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis"


I
Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin,
dalisay na walang dungis.
Gamitin ang iyong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Ang pag-ibig ay 'di nagtatakda ng mga kondisyon
o mga hadlang o agwat.
Gamitin ang 'yong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Kung ikaw ay nagmamahal, 'di ka manlilinlang,
magrereklamo at tatalikod,
naghihintay ng kapalit.

Hun 5, 2019

Salita ng Buhay | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Ikalawang Bahagi)


Salita ng Buhay | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, na Kanyang pinangunahan hanggang sa araw na ito. Pagkatapos ay iniligtas Niya ang sangkatauhan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, iligtas nang buo ang sangkatauhan at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan mula sa simula hanggang sa katapusan—ang pagpapanumbalik sa tao sa kanyang orihinal na larawan at sa kanyang orihinal na wangis.