菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na matapat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na matapat. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 18, 2019

Salita ng Diyos | Tunay na patotoo ba ng pananampalataya sa Diyos kung natatamasa lamang ng isang tao ang biyaya ng Diyos?

Pamilya,

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Kung tinatamasa mo lamang ang biyaya ng Diyos, sa isang mapayapang buhay ng sambahayan o mga pagpapalang materyal, kung gayon hindi mo nakamit ang Diyos, at ang iyong paniniwala sa Diyos ay nabigo. Ipinatupad na ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng biyaya sa katawang-tao, at ipinagkaloob na ang mga materyal na pagpapala sa tao—ngunit ang tao ay hindi maaaring gawing perpekto sa pamamagitan lamang ng biyaya, pag-ibig, at habag. Sa mga karanasan ng tao nakakaharap niya ang ilang pag-ibig ng Diyos, at nakikita ang pag-ibig at habag ng Diyos, ngunit sa pagdanas sa loob ng isang yugto ng panahon, nakikita niya na ang biyaya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig at habag ay walang kakayahan na gawing perpekto ang tao, at walang kakayahan sa pagbubunyag sa kung alin ang tiwali sa loob ng tao, ni nagagawa ng mga ito na alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon, o gawing perpekto ang kanyang pananampalataya at pag-ibig.

Hun 9, 2019

Tagalog Praise Songs | "Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis"



Tagalog Praise Songs | "Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis"


I
Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin,
dalisay na walang dungis.
Gamitin ang iyong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Ang pag-ibig ay 'di nagtatakda ng mga kondisyon
o mga hadlang o agwat.
Gamitin ang 'yong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Kung ikaw ay nagmamahal, 'di ka manlilinlang,
magrereklamo at tatalikod,
naghihintay ng kapalit.

Ene 29, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ibigay ang Isipan at Katawan sa Katuparan ng Utos ng Diyos"


Tagalog Gospel Songs | Ibigay ang Isipan at Katawan sa Katuparan ng Utos ng Diyos


Bilang mga kasapi ng sangkatauhan at mga Kristiyanong tapat,
pananagutan at obligasyon nating lahat
na ialay ang ating katawa't isipan
sa katuparan ng utos ng Diyos,
dahil buong pagkatao nati'y nagmula sa Diyos,
at umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos.
Kung mga katawa't isip nati'y 'di para sa utos ng Diyos
o para sa matuwid na layunin ng sangkatauhan,
mga kaluluwa nati'y 'di magiging karapat-dapat
sa mga taong naging martir para sa utos ng Diyos,
higit na mas 'di karapat-dapat sa Diyos,
na naglaan sa'tin ng lahat ng bagay, ng lahat ng bagay.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Dis 2, 2017

Tatlong Babala

Pananampalataya, katotohanan, buhay, kapalaran, matapat

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Tatlong Babala

    Bilang isang mananampalataya ng Diyos, nararapat kayong maging tapat lamang sa Kanya at ihanay ang iyong puso sa Kanya sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, hindi sapat kumatawan ang mga ito maging gaano man ito kalinaw at naging batayan ng katotohanan para sa tao, dahil sa kanilang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, kahangalan, at katiwalian. Samakatuwid, bago matukoy ang inyong katapusan, nararapat lamang na sabihin ko ang ilang mga bagay na lubhang napakahalaga para sa inyo. Bago ako magpatuloy, kailangang maintindihan ninyo muna ang mga ito: Ang mga sasabihin ko ay ang mga katotohanang nakatuon sa buong sangkatauhan, hindi lamang sa partikular na tao o klase ng tao. Samakatuwid, pagtuunan lamang ng pansin ang pagtanggap ng Aking mga salita sa makatotohanang pananaw, at panatilihin ang ugali ng konsentrasyon at katapatan. Huwag balewalain ang alinman sa mga salita at katotohanang Aking sasabihin, at huwag isaalang-alang ang Aking mga salita nang may panghahamak. Sa inyong buhay nakikita kong karamihan sa inyong mga ginagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan, samakatwid Hinihiling ko na kayo ay maging tagapaglingkod sa katotohanan at huwag maging alipin ng kasamaan at kapangitan. Huwag apakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng tahanan ng Diyos. Ito ang Aking babala para sa inyo. Ngayon sisimulan ko ng magsalita tungkol sa paksang dapat talakayin: