菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Movie Clips. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Movie Clips. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 6, 2020

Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos


Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging ang Panginoong Jesus na pumarito upang tubusin ang sangkatauhan, at sinabi ng mga Judiong Fariseo na ang Panginoong Jesus ay isang tao lamang. Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging Makapangyarihang Diyos na naparito para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, at ang mga pastor at mga elder ng daigdig ng relihiyon ay nagsasabi rin na ang Makapangyarihang Diyos ay isang tao lamang, kaya ano ang problema rito?

Hul 24, 2020

Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao


Bakit sinasabi na mas kapaki-pakinabang na magkatawang-tao ang Diyos sa pagliligtas sa tiwaling sangkatauhan? Sa ano maaaring makita ang pangangailangan at malaking kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang laman ng tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinaka-pangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos ng personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na sa laman, at dahil si Satanas ay ginagamit din ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos.

Hul 17, 2020

Magbibigay ba ang Panginoon ng Pagbubunyag sa Tao sa Pagbabalik Niya?


Maraming mga pastor at mga elder ng relihiyon, dahil maraming taon na silang sumasampalataya sa Diyos, ang palaging masipag na gumagawa para sa Panginoon at nananatiling mapagmasid, naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon, naniniwala sila na sa pagdating ng Panginoon tiyak na magbibigay Siya sa kanila ng pagbubunyag. Ang pananaw bang ito ay umaayon sa mga katunayan ng gawain ng Diyos? Tiyak bang magbibigay ng pagbubunyag ang Diyos sa tao kapag Siya ay nagkatawang-tao?

Hul 14, 2020

Pagbubunyag sa Hiwaga ng Pagkakatawang-tao


Kahit alam ng mga taong nananalig sa Panginoon na ang Panginoong Jesus ay Diyos na naging tao, wala talagang nakakaunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. Ipinropesiya sa Biblia na muling paparito ang Panginoon sa katawang-tao  para magsalita at gumawa sa mga huling araw. Kung hindi natin kilala ang Diyos na nagkatawang-tao, walang paraan para tanggapin natin ang ikalawang pagparito ng Panginoon.

Hul 4, 2020

Paano Magpapakita ang Panginoon sa Tao sa Kanyang Muling Pagdating?


Sa paglipas ng mga siglo simula nang mabuhay na muli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, tayong mga mananampalataya ay sabik na umaasam sa pagbabalik ni Jesus na Tagapagligtas. Karamihan sa mga tao ay naniniwala na ang espirituwal na katawan ng nabuhay na muling Jesus ang magpapakita sa atin kapag nagbalik ang Panginoon. Ngunit bakit nagpakita ang Diyos sa tao na nagkakatawang-tao bilang Anak ng tao sa mga huling araw? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao.

Hun 28, 2020

Ang mga Bungang Natamo ng Gawain ng Diyos na Nagkatawang-Tao


Ipinropesiya ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw, ang trigo ay ihihiwalay sa panirang damo, ang tupa sa mga kambing, at ang mabubuting alipin sa masasamang alipin. Alam mo ba kung paano natupad ang mga propesiyang ito? Gusto mo bang malaman kung paano hinihiwalay ng Diyos ang bawat isa sa kauri nila sa mga huling araw? Kung nais mong magtamo ng mas detalyadong pag-unawa, panoorin lamang ang maikling videong ito!

        ______________________________

Hun 24, 2020

Bakit Kinokontra ng mga Fariseo ang Diyos?



Ang mga Fariseo sa mga relihiyon ay pawang maalam sa Kasulatan at naglingkod sa Diyos nang maraming taon, pero hindi lang nila hindi hinanap at siniyasat ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kundi mabangis pa nilang hinatulan, tinuligsa, at kinalaban ito. Talagang hindi kapani-paniwala! Bakit nga ba tinuligsa at kinalaban ng mga Fariseo sa mga relihiyon ang Diyos? Sabi ng Diyos, "Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos.

Hun 15, 2020

Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia



Naniniwala ang mga pastor at elder ng mga relihiyon na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nasa loob ng Biblia, na kumpleto na ang pagliligtas ng Diyos at basta’t ibinabase ng mga tao sa Biblia ang kanilang paniniwala sa Panginoon at nananangan sila sa Biblia, maaari silang madala at makapasok sa kaharian ng langit. Talaga bang ganito ang nangyayari? Ang Diyos ba ang makapagliligtas sa atin, o ang Biblia? Ang Diyos ba ang makapagpapahayag ng katotohanan, o ang Biblia? Para malaman ang iba pa, panoorin lamang ang videong ito!

————————————————————————————————
Ang mga salita ng Diyos ay lahat ng katotohanan. Tanging kung pagninilayan natin ang mga salita ng Diyos sa ating mga puso ay mauunawaan natin ang kalooban at mga kahilingan ng Diyos. Ang "pag aaral ng biblia" ay makakatulong sa atin upang maunawaan ng mabuti ang mga salita ng Diyos!

Hun 11, 2020

Kayang Kilalanin ng Matalinong Birhen ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Tunay na Cristo at mga Bulaang Cristo



Nahaharap sa ikalawang pagdating ng Panginoon, masyado ka bang matatakot sa mga bulaang Cristo na isasara mo ang pinto upang protektahan ang iyong sarili at maghintay para sa pagbubunyag ng Panginoon, o kikilos ka tulad ng matalinong birhen, at dinggin ang tinig ng Diyos at batiin ang pagbabalik ng Panginoon? Sasabihin sa iyo ng maikling video na ito kung paano salubungin ang ikalawang pagbabalik ng Panginoon.
___________________________________________________________________________
      Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.

May 27, 2020

Clip ng Pelikulang (5) "Sumailalim sa Paghatol sa mga Huling Araw at Kumawala sa Bitag ni Satanas"


Sabi sa Biblia, "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios" (1 Pedro 4:17). Sa mga huling araw, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa tao at ipinapakita sa atin ang Kanyang matuwid, dakila at di-masusuway na disposisyon. Hinahatulan ng Diyos ang tao sa mga huling araw para iligtas ang tao at makaalpas sila sa impluwensya ni Satanas at tunay na makabalik sa Diyos.

Abr 30, 2020

Natuklasan: May Iba pa bang mga Salita o Gawain ng Diyos Maliban sa mga Nasa Biblia?


Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon kadalasan ay itinuturo sa mga tao na walang mga salita at gawain ng Diyos sa labas ng Biblia, kaya maling maniwala sa anumang wala sa Biblia. Tama kaya ang ideyang ito kung sisiyasatin? Naaayon ba ito sa realidad ng gawain ng Diyos? Ang pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi talaga nakatala at lumalagpas pa sa Lumang Tipan. Kung maling maniwala sa anumang wala sa Biblia, hindi ba tinutuligsa rin natin ang gawain ng Panginoon? Kaya may iba pa bang mga salita at gawain ng Diyos maliban sa mga nasa Biblia, o wala na? Ihahayag sa iyo ng videong ito ang sagot.
        Rekomendasyon: Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia


Abr 22, 2020

Bakit Hindi Pinahihintulutan ng CCP ang mga Kristiyano na Tahakin ang Tamang Landas ng Buhay?



Walang-awang inuusig at inaatake ng Partido Komunista ng Tsina ang pananampalataya ng relihiyon. Walang pakundangan nilang ikinukulong at pinahihirapan ang mga Krsitiyano. Pinapayagan lamang nila ang mga tao na sumunod sa Partido Komunista. Hindi nila pinapayagan ang mga tao na manalig sa Diyos at sumunod sa Kanya habang tinatahak nila ang tamang landas ng buhay. Ano kaya ang kahihinatnan sa huli ng Partido Komunista ng Tsina?

Mar 20, 2020

Ang Pagsisikap ba sa Pagtatrabaho ay Nangangahulugang Sinusunod Natin ang Kalooban ng Ama sa Langit?


Clip ng Pelikulang | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono (7) | "Ang Pagsisikap ba sa Pagtatrabaho ay Nangangahulugang Sinusunod Natin ang Kalooban ng Ama sa Langit?"


Iniisip ng ilang mananampalataya na ang tanging kailangan nating gawin ay magdusa at bayaran ang kapalit na ipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon, pasanin ang krus at sundan ang Panginoon, at magpakumbaba, magpasensiya at magtitis, at sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng ito sinusunod natin ang kalooban ng Ama sa langit, at naniniwala rin sila na kung palagi tayong magpupursige sa pananampalataya natin sa ganitong paraan, sa kalauna’y ililigtas tayo ng Diyos at makakapasok sa kaharian ng langit at makakamit ang walang hanggang buhay.

Mar 15, 2020

Mga Movie Clip (2) | "Anong mga Kamalian ang Pinakamadaling Nagagawa sa Pagsalubong sa Panginoon?"


Tagalog Christian Movie | Kumakatok sa Pintuan | "Anong mga Kamalian ang Pinakamadaling Nagagawa sa Pagsalubong sa Panginoon?"


Maraming mga mananampalataya sa mga grupo ng relihiyon ang naniniwala sa sinasabi ng mga pastor at elder na, “Nasa Biblia ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos. Imposibleng mawala sa Biblia ang kahit na ano sa mga salita ng Diyos.” May matibay bang basehan sa Biblia ang pahayag nilang ito? Sinabi ba ng Panginoong Jesus ang mga salitang ito? Sa Pahayag, ilang beses iprinoposiya na, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia."

Mar 4, 2020

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Bakit Walang-awang Inuusig ng Partido Komunista ng Tsina ang Pananampalataya ng Relihiyon?


 Bakit Walang-awang Inuusig ng Partido Komunista ng Tsina ang Pananampalataya ng Relihiyon?


Matagal na panahon nang walang-awang pinigil, inatake at pinagbawalan ng Partido Komunista ng Tsina ang pananampalataya ng relihiyon. Tinawag nilang mga pangunahing kriminal ng estado ang mga Kristiyano. Hindi sila nag-aalinlangang gumamit ng mga mararahas na paraan para pigilan, hulihin, pahirapan at paslangin silang lahat. Anong dahilan at ginagawa nila ang mga bagay na ito? Kinikilala ng mga nananampalataya ang Diyos bilang dakila. Iginagalang nila ang Diyos at nakatuon sila sa paghahanap sa katotohanan at sa pagtahak sa tamang landas ng buhay. Bakit itinuturing ng Partido Komunista ng Tsina ang mga Kristiyano bilang mga kaaway? Bakit salungat sila sa mga taong nananalig sa Diyos? Sisiyasatin ng video na ito ang mga dahilan kung bakit inuusig ng Partido Komunista ng Tsina ang pananampalataya ng relihiyon.



Higit pang pansin: Kidlat ng Silanganan


Ene 21, 2020

(Clips 7/7) Mga Patotoo ng Pagkakaranas ng Paghatol sa Harapan ng Upuan ni Cristo


"Sino Siya na Nagbalik" (Clips 7/7) Mga Patotoo ng Pagkakaranas ng Paghatol sa Harapan ng Upuan ni Cristo


Bagama’t napapawalang-sala ang ating mga kasalanan sa sandaling maniwala tayo sa Panginoon, nabubuhay pa rin tayo sa gitna ng kasalanan, nagkakasala at ikinukumpisal ang mga kasalanan araw-araw at lahat ay nasasabik sa sandaling hindi na tayo magkakasala o susuway sa Diyos. Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang paghatol upang lutasin ang ating mga malasatanas na disposisyon at makasalanang kalikasan. Makinig kayo!

Dis 22, 2019

Ang Estratehiya ng CCP na Pilitin ang mga Kristiyano sa Pagbabanta sa Kanilang Pamilya


"Tamis sa Kahirapan" (Clip 1/6) Ang Estratehiya ng CCP  na Pilitin ang mga Kristiyano sa Pagbabanta sa Kanilang Pamilya


Upang mapilit ang mga Kristiyano na ipagkanulo ang iglesia, traydurin ang Diyos at sirain ang pagkakataon nila na mailigtas ng Diyos, walang pakundangang pinagbabantaan ng Partido Komunista ng Tsina ang mga kapamilya ng mga Kristiyano at ginagamit nila ang emosyon ng pamilya ng mga Kristiyano para mapilit sila na ipagkanulo ang Diyos. Magtagumpay kaya ang mga pakana ng Partido Komunista ng Tsina? Sa digmaang ito ng kabutihan at kasamaan, paano mananalig ang mga Kristiyano sa Diyos para malagpasan ang mga temtasyon ni Satanas at manindigan at makapagpatotoo para sa Diyos? 

Higit pang pansin: Ebanghelyo ngayong araw




Okt 9, 2019

Tagalog Christian Movies | "Paggising Mula sa Panaginip" (Clips 1/4) Ang Kaharian ba ng Diyos ay nasa Langit o nasa Lupa?


Tagalog Christian Movies | "Paggising Mula sa Panaginip" (Clips 1/4) Ang Kaharian ba ng Diyos ay nasa Langit o nasa Lupa?


Maraming mga nananampalataya sa Panginoong Jesus ang naghihintay na madala sa kaharian ng langit, pero alam mo ba kung nasaan talaga ang kaharian ng langit?  Alam mo ba ang tunay na kahulugan ng pagdadala?  Ang pelikulang ito ng “Paggising Mula sa Panaginip”, ay magbubunyag sa mga misteryo ng pagdadala para sa ‘yo!

Manood ng higit pa:Ebangheliyong pelikula

Set 9, 2019

Paggising Mula sa Panaginip (2) Kung Walang Kabanalan Walang Taong Makakapasok sa Kaharian ng Diyos


Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (2) "Kung Walang Kabanalan Walang Taong Makakapasok sa Kaharian ng Diyos"


Kapag ang mga kasalanan nating mga mananampalataya sa Panginoon ay pinatawad, makakamit ba natin ang paglilinis?  Kung hindi tayo nagsisikap para sa paglilinis, at binibigyang pansin lang ang paggugol sa sarili para sa Panginoon at masigasig na paggawa ng gawain ng Panginoon, madadala ba tayo sa kaharian ng langit?  Ang pelikulang ito ng Paggising Mula sa Panaginip, ang magbibigay sa ‘yo ng lahat ng kasagutan!

Rekomendasyon: Ginagamit ng Diyos ang Katotohanan Upang Hatulan at Linisin ang Tao sa mga Huling Araw

Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/videos/without-holiness-no-man-shall-enter-God-s-kingdom.html

Ago 21, 2019

Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?


Mga Movie Clip (1) | Kumakatok sa Pintuan | "Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?"


Sabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin"(Juan 10:27). Ilang beses ding iprinoposiya sa Pahayag na, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." Ang tinig at mga salita ng Espiritu ang tinig ng Panginoon, at ang tupa ng Diyos ang siyang makakikilala sa tinig ng Diyos. Kung ganon, ano nga bang gawain ang pinakamahalaga para sa mga Kristiyano sa pagsalubong nila sa pagdating ng Panginoon?

Narito ang ilang interpretasyon at purong pag-unawa tungkol sa mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon na tiyak na makakatulong sa iyo upang salubungin ang ikalawang pagdating ng Panginoon.