菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Propesiya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Propesiya. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 21, 2019

Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?


Mga Movie Clip (1) | Kumakatok sa Pintuan | "Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?"


Sabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin"(Juan 10:27). Ilang beses ding iprinoposiya sa Pahayag na, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." Ang tinig at mga salita ng Espiritu ang tinig ng Panginoon, at ang tupa ng Diyos ang siyang makakikilala sa tinig ng Diyos. Kung ganon, ano nga bang gawain ang pinakamahalaga para sa mga Kristiyano sa pagsalubong nila sa pagdating ng Panginoon?

Narito ang ilang interpretasyon at purong pag-unawa tungkol sa mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon na tiyak na makakatulong sa iyo upang salubungin ang ikalawang pagdating ng Panginoon.

Ago 18, 2019

Paano ba Talaga Darating ang Panginoon


Filipino Variety Show | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?


Sa mga huling araw, lalong umiigting ang pakiramdam ng mga Kristiyanong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit paano nga ba talaga magbabalik ang Panginoon? Sinasabi ng ilan, "Darating ang Panginoong Jesus kasama ng mga ulap". Sinasabi naman ng iba, "Ang mga propesiyang humuhula sa Kaniyang pagbabalik ay sinasabi ring, "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay, at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:25). "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw,Narito, ang kasintahang lalake; magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kung darating Siya na kasama ng mga ulap upang makita ng lahat, paano natin ipaliliwanag ang hiwaga ng pagdating Niya nang palihim, pagdurusa at pagtanggi sa Kaniya, pati na rin ang sinasabi na may mga magpapatotoo tungkol sa Kaniyang pagbalik?" Paano magpapakita sa atin ang Panginoon? Sa nakakatawang "crosstalk" na Paano Ba Talaga Darating ang Panginoon, susubukang alisin ang ating mga duda tungkol sa usaping ito.

Ago 15, 2019

Tanong 1: Matagal nang ipinangako sa atin ng Panginoon: “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2-3). Nakapaghanda na ang Panginoon ng lugar para sa atin sa langit. Pagbalik niya, agad niya tayong iaakyat sa kaharian ng langit. Kung bumalik na ang Panginoon, bakit nasa lupa pa rin ang lahat ng Kanyang mga santo? Bakit hindi pa rin tayo nadadala?


Sagot: Naghanda ng lugar ang Panginoon para sa mga sumasampalataya sa kanya. Totoo ‘yon. Pero nasa lupa ba ang lugar na ‘yon o nasa langit? Hindi tayo nakakasiguro tungkol diyan. Iniisip nating nasa langit ang kaharian ng langit, pero ayon ‘yon sa sarili nating pagkaintindi at imahinasyon. Pero ‘yon ba talaga ang katotohanan? Tingnan natin ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9-10).

Peb 2, 2019

Bakit Nagkakatawang-Tao ang Diyos para Gawin ang Kanyang Gawain sa mga Huling Araw


Clip ng Pelikulang Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train - Bakit Nagkakatawang-Tao ang Diyos para Gawin ang Kanyang Gawain sa mga Huling Araw

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapatotoo na sa mga huling araw ay muling nagkatawang-tao ang Panginoon para ipahayag ang katotohanan at gawin ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa mag-anak ng Diyos. Kaya bakit kailangan ng Diyos na magkatawang-tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Hindi ba kayang gawin ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito? Ano ang kaibhan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa gawain ng Espiritu?