Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas
Sa mga nagdaang kapanahunan, wala pang taong nakapasok sa kaharian at sa gayon ay wala pang nakapagtamasa ng biyaya ng Kapanahunan ng Kaharian, wala pang nakakita sa Hari ng kaharian. Bagama’t maraming mga tao ang nagpropesiya ng kagandahan ng kaharian sa ilalim ng pagbibigay-liwanag ng Aking Espiritu, panlabas lamang ang alam nila, hindi ang panloob na kahalagahan nito. Ngayong araw, sa pagdating ng kaharian tungo sa pormal na pag-iral sa lupa, karamihan sa sangkatauhan ay hindi pa rin nakaaalam kung ano ba ang dapat na maisakatuparan, kung anong kinasasaklawan ang pagdadalhan sa tao sa kasukdulan, sa Kapanahunan ng Kaharian. Tungkol dito, ikinatatakot Ko na ang lahat ng mga tao ay nasa isang estado ng pagkalito. Dahil ang araw ng ganap na pagsasakatuparan ng kaharian ay hindi pa lubusang dumarating, lahat ng tao ay nalilito, hindi ito makita nang malinaw. Ang aking gawa sa pagka-Diyos ay nagsisimula nang pormal sa Kapanahunan ng Kaharian. Ito ay sa pamamagitan ng pormal na pagsisimula ng Kapanahunan ng Kaharian na ang Aking disposisyon ay nagsisimula na progresibong ihayag ang kanyang sarili sa tao. Kaya sa sandaling ito ang banal na trumpeta ay pormal na nagsisimulang tumunog at magpahayag sa lahat. Kapag pormal Ko nang nakuha ang Aking kapangyarihan at paghahari bilang Hari sa kaharian, ang lahat ng Aking mga tao ay gagawin Kong ganap sa pagdaan ng panahon. Kapag ang lahat ng mga bansa ng daigdig ay nagkagulo, iyon ang tiyak na oras na ang Aking kaharian ay itatatag at huhugisan at kung kailan din Ako ay magbabagong-anyo at babalik sa buong sansinukob. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga tao ay makikita ang Aking maluwalhating mukha, makikita ang Aking totoong itsura. Mula sa paglikha ng mundo hanggang sa kasalukuyan, ang sangkatauhan ay ginawang tiwali ni Satanas hanggang sa lawak na kinasasadlakan nito hanggang ngayon. Sa katiwalian ng tao, ako ay naging higit at higit pang nalilingid mula sa mga tao at lalong hindi-maarok sa kanila. Hindi pa kailanman nakita ng tao ang Aking tunay na mukha, hindi kailanman direktang nakipag-ugnayan sa Akin. Tanging sa sabi-sabi at mitolohiya lamang nagkaroon ng isang “Ako” sa likhang-isip ng tao. Ako samakatuwid ay naaayon sa likhang-isip ng tao, iyon ay, sa mga pantaong pagkaintindi, upang mapakitunguhan ang “Ako” sa isipan ng mga tao, na maaari Kong mabago ang estado ng “Ako” na natanim sa kanilang isip sa napakaraming taon. Ito ang prinsipyo ng Aking gawa. Wala kahit isang tao ang nakaalam nito nang lubos na lubos. Kahit ang mga tao ay nangagpatirapa sa Akin at humarap sa Akin upang sumamba sa Akin, hindi ako nasisiyahan sa naturang mga kilos ng mga tao dahil sa kanilang mga puso hindi nila hawak ang Aking imahe, kundi isang imaheng panlabas sa Akin. Samakatuwid, ang kanilang isip ay kulang ng Aking disposisyon, wala silang alam sa totoong mukha Ko. Samakatuwid, kapag sa tingin nila ay lumaban sila sa Akin o sinuway ang Aking mga kautusan sa pangangasiwa, isasawalang bahala ko muna ito. At samakatuwid, sa kanilang mga alaala, Ako ay isang Diyos na nagpapakita ng awa sa mga tao sa halip na kinakastigo sila, o Ako ang Diyos Mismo na hindi ginagawa ang sinasabi Niya. Lahat ng mga ito ay mga likhang-isip na naibunga sa pag-iisip ng tao at hindi naaayon sa mga pangyayari.
Tumatayo Ako sa ibabaw ng sansinukob sa bawa’t araw, nagmamasid, at mapagpakumbabang itinatago ang Aking Sarili sa Aking dakong tahanan upang maranasan ang pantaong buhay, maiging sinusuri ang bawa’t gawa ng tao. Kailanma’y walang sinumang tunay na naghandog ng kanyang sarili sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang nagsikap na matamo ang katotohanan. Wala kahit isa ang kailanma’y naging napakaingat para sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang gumawa ng mga pagpapasya sa harap Ko at nanatili sa kanyang tungkulin. Wala kahit isa ang kailanma’y pinayagan Akong manahan sa kanya. Walang sinuman ang nagpahalaga sa Akin tulad ng pagpapahalaga niya sa kanyang sariling buhay. Kailanma’y walang sinuman sa buhay sa lupa ang nakakita ng kabuuan ng Aking pagka-Diyos. Walang sinuman ang kailanma’y nagnais na makaugnay ang praktikal na Diyos Mismo. Kapag nilalamon nang buo ng tubig ang mga tao, inililigtas Ko sila mula sa hindi-umaagos na tubig at binibigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng panibagong buhay. Kapag ang mga tao ay nawawalan ng ganang mabuhay, hinihila ko sila mula sa bingit ng kamatayan, pinagkakalooban sila ng lakas-ng-loob upang mabuhay, upang gawin nila Akong pundasyon ng kanilang pag-iral. Kapag sinuway Ako ng mga tao, sinasanhi Ko na makilala nila Ako sa kanilang pagsuway. Sa liwanag ng lumang kalikasan ng sangkatauhan at sa liwanag ng Aking kahabagan, sa halip na ilagay ang mga tao sa kamatayan, hinahayaan ko sila na magsisi at gumawa ng isang panibagong simula. Kapag ang mga tao ay nagdurusa ng taggutom, inaagaw Ko sila mula sa kamatayan hangga’t sila ay may natitirang isang hininga, na pumipigil sa kanila mula sa pagkahulog sa bitag ng mga panlilinlang ni Satanas. Ilang beses nang nakita ng mga tao ang Aking mga kamay; ilang beses na nilang nakita ang Aking mabait na itsura, nakita ang Aking nakangiting mukha; at ilang beses na nilang nakita ang Aking kamahalan, nakita ang Aking poot. Kahit ang sangkatauhan ay hindi kailanman Ako nakilala, hindi ko sinasamantala ang kanilang kahinaan para gumawa ng hindi kinakailangang kaguluhan. Dahil nararanasan Ko ang mga paghihirap ng sangkatauhan, Ako sa gayon ay dumaramay sa kahinaan ng tao. Ito lamang ay bilang tugon sa pagkamasuwayin ng mga tao, sa kanilang hindi pagtanaw ng utang-na-loob, na Ako ay nagpapatupad ng mga pagkastigo sa iba’t-ibang mga antas.
Itinatago ko ang Aking Sarili sa mga oras ng pagiging abala ng mga tao at inihahayag ang Aking Sarili sa kanilang mga oras ng paglilibang. Ang iniisip sa Akin ng sangkatauhan ay alam ang lahat ng bagay sa mundo at ang Diyos Mismo na nagkakaloob ng lahat ng mga kahilingan. Karamihan nga’y pumarito sa harap Ko upang humingi lamang ng tulong ng Diyos, hindi dahil sa pagnanais na makilala Ako. Kapag nasa matinding paghihirap ng sakit, ang mga tao’y agarang nakikiusap para sa Aking tulong. Tuwing nasa kagipitan, kanilang ipinagkakatiwala sa Akin ang kanilang mga paghihirap nang kanilang buong kakayahan higit na mabuti upang maibsan ang kanilang pagdurusa. Nguni’t wala pang kahit isang tao ang nakapagmahal sa Akin habang nasa kaginhawahan. Wala pang kahit isang tao ang nagtangkang tumawag sa akin sa oras ng kanilang katahimikan at kaligayahan nang makabahagi man lamang Ako sa kanilang kagalakan. Kapag ang kanilang mga pamilya ay masaya at malakas, ang mga tao ay isasantabi na Ako o pagsasarahan Ako ng pinto, na humahadlang sa Akin mula sa pagpasok, at sa gayon tinatamasa ng pamilya ang pinagpalang kaligayahan. Ang isip ng tao ay masyadong makitid, masyadong makitid para hawakan man lamang ang isang Diyos na mapagmahal, maawain, at maaring hipuin gaya Ko. Ilang beses na akong tinanggihan ng mga tao sa oras ng kanilang masayang tawanan; ilang beses na akong sinandalan bilang isang saklay ng mga tao nang sila’y natisod; ilang beses akong sapilitang inilagay sa papel ng doktor ng mga taong naghihirap sa karamdaman. Napakalupit ng sangkatauhan! Lubos na di-makatwiran at imoral. Kahit ang mga damdamin na dapat sana’y mayroon ang tao, ay hindi madarama sa kanila. Sila ay halos walang kahit anong pantaong pagdama. Bulayin ninyo ang nakaraan at ihambing ito sa kasalukuyan. Mayroon bang mga pagbabagong nagaganap sa loob ninyo? Mas kaunti ba ng nakaraang yaon ang nauulit sa kasalukuyan? O hindi pa ba napapalitan ang nakaraang iyon?
Sa ibabaw ng burol at pababa ng labak Ako’y nakatawid, nararanasan ang tagumpay at kabiguan ng mundo. Nakapaggala ako sa kalagitnaan ng mga tao at sa kalagitnaan ng mga tao ay nabuhay Ako nang maraming taon, nguni’t parang hindi masyadong nagbago ang disposisyon ng sangkatauhan. At ito ay tila ang lumang kalikasan ng mga tao ay nag-ugat at umusbong sa kanila. Hindi na nila kailanman kayang baguhin ang dating kalikasang iyon, pinabubuti na lamang kahit papaano mula sa orihinal na pundasyon. Tulad nga ng sabi ng mga tao, ang diwa lamang ang hindi nagbago, nguni’t ang kaanyuan ay sobrang nagbago. Ang bawa’t isa, ay tila baga, nagtatangkang lokohin Ako, silawin Ako, nang siya ay makalusot at makamit ang Aking kaluguran. Hindi ako humahanga ni nagbibigay ng pansin sa mga panlilinlang ng mga tao. Sa halip na magsiklab sa galit, Ako’y nakatingin na lamang nguni’t walang nakikita. Plano Kong bigyan ang sangkatauhan ng isang tiyak na antas ng kaluwagan at, matapos ito, pakitunguhan ang lahat ng tao bilang isa. Dahil ang lahat ng mga tao ay walang paggalang sa sarili at mga walang-kwentang hampaslupa, hindi minamahal ang kanilang mga sarili, bakit pa nila Ako kakailanganin na magpakita ng napabagong kahabagan at pagmamahal? Walang malilisanan, ang mga tao ay di kilala ang kanilang mga sarili, at hindi alam ang kanilang halaga. Dapat ilagay nila ang kanilang mga sarili sa isang timbangan para timbangin. Hindi Ako pinakikinggan ng sangkatauhan, kaya hindi Ko rin sila siniseryoso. Ang sangkatauhan ay hindi nagbibigay-atensyon sa Akin, kaya hindi Ko kailangang maglaan ng oras at pagod sa kanila. Hindi ba ito ang pinakamagaling sa dalawang mundo? Hindi ba ito naglalarawan sa inyo, Aking bayan? Sinong nakagawa ng mga resolusyon sa harap Ko at hindi ito itinapon pagkatapos? Sinong nakagawa ng pang-matagalang mga resolusyon sa harap Ko sa halip na magpasya nang madalas sa ganito at sa ganoon? Palagi, gumagawa ang mga tao ng mga resolusyon sa harap Ko sa mga oras ng kaluwagan at babawiing lahat ang mga ito sa mga panahon ng kagipitan. Kalaunan muli nilang bubuhayin ang kanilang ipinasya at dadalhin sa harap Ko. Ako ba’y ganoong ka-hindi-kagalang-galang na basta Ko tatanggapin ang basura na pinulot ng tao mula sa tambakan? Iilang tao lamang ang humahawak nang mahigpit sa kanilang mga resolusyon, iilan ang malinis, at iilan ang naghahandog ng kanilang pinakamahalaga bilang kanilang sakripisyo sa Akin. Hindi ba kayong lahat ay ganito rin? Kung, bilang isa sa Aking mga tao sa kaharian, hindi ninyo mapanatili ang inyong tungkulin, kayo ay Aking kapopootan at tatanggihan!
Marso 12, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento