菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Propeta. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Propeta. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 2, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas

pagsamba, Pagsamba, Propeta, Boses,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat.



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas




   Sa mga nagdaang kapanahunan, wala pang taong nakapasok sa kaharian at sa gayon ay wala pang nakapagtamasa ng biyaya ng Kapanahunan ng Kaharian, wala pang nakakita sa Hari ng kaharian. Bagama’t maraming mga tao ang nagpropesiya ng kagandahan ng kaharian sa ilalim ng pagbibigay-liwanag ng Aking Espiritu, panlabas lamang ang alam nila, hindi ang panloob na kahalagahan nito. Ngayong araw, sa pagdating ng kaharian tungo sa pormal na pag-iral sa lupa, karamihan sa sangkatauhan ay hindi pa rin nakaaalam kung ano ba ang dapat na maisakatuparan, kung anong kinasasaklawan ang pagdadalhan sa tao sa kasukdulan, sa Kapanahunan ng Kaharian. Tungkol dito, ikinatatakot Ko na ang lahat ng mga tao ay nasa isang estado ng pagkalito. Dahil ang araw ng ganap na pagsasakatuparan ng kaharian ay hindi pa lubusang dumarating, lahat ng tao ay nalilito, hindi ito makita nang malinaw. Ang aking gawa sa pagka-Diyos ay nagsisimula nang pormal sa Kapanahunan ng Kaharian. Ito ay sa pamamagitan ng pormal na pagsisimula ng Kapanahunan ng Kaharian na ang Aking disposisyon ay nagsisimula na progresibong ihayag ang kanyang sarili sa tao. Kaya sa sandaling ito ang banal na trumpeta ay pormal na nagsisimulang tumunog at magpahayag sa lahat. Kapag pormal Ko nang nakuha ang Aking kapangyarihan at paghahari bilang Hari sa kaharian, ang lahat ng Aking mga tao ay gagawin Kong ganap sa pagdaan ng panahon. Kapag ang lahat ng mga bansa ng daigdig ay nagkagulo, iyon ang tiyak na oras na ang Aking kaharian ay itatatag at huhugisan at kung kailan din Ako ay magbabagong-anyo at babalik sa buong sansinukob. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga tao ay makikita ang Aking maluwalhating mukha, makikita ang Aking totoong itsura. Mula sa paglikha ng mundo hanggang sa kasalukuyan, ang sangkatauhan ay ginawang tiwali ni Satanas hanggang sa lawak na kinasasadlakan nito hanggang ngayon. Sa katiwalian ng tao, ako ay naging higit at higit pang nalilingid mula sa mga tao at lalong hindi-maarok sa kanila. Hindi pa kailanman nakita ng tao ang Aking tunay na mukha, hindi kailanman direktang nakipag-ugnayan sa Akin. Tanging sa sabi-sabi at mitolohiya lamang nagkaroon ng isang “Ako” sa likhang-isip ng tao. Ako samakatuwid ay naaayon sa likhang-isip ng tao, iyon ay, sa mga pantaong pagkaintindi, upang mapakitunguhan ang “Ako” sa isipan ng mga tao, na maaari Kong mabago ang estado ng “Ako” na natanim sa kanilang isip sa napakaraming taon. Ito ang prinsipyo ng Aking gawa. Wala kahit isang tao ang nakaalam nito nang lubos na lubos. Kahit ang mga tao ay nangagpatirapa sa Akin at humarap sa Akin upang sumamba sa Akin, hindi ako nasisiyahan sa naturang mga kilos ng mga tao dahil sa kanilang mga puso hindi nila hawak ang Aking imahe, kundi isang imaheng panlabas sa Akin. Samakatuwid, ang kanilang isip ay kulang ng Aking disposisyon, wala silang alam sa totoong mukha Ko. Samakatuwid, kapag sa tingin nila ay lumaban sila sa Akin o sinuway ang Aking mga kautusan sa pangangasiwa, isasawalang bahala ko muna ito. At samakatuwid, sa kanilang mga alaala, Ako ay isang Diyos na nagpapakita ng awa sa mga tao sa halip na kinakastigo sila, o Ako ang Diyos Mismo na hindi ginagawa ang sinasabi Niya. Lahat ng mga ito ay mga likhang-isip na naibunga sa pag-iisip ng tao at hindi naaayon sa mga pangyayari.