菜單

May 16, 2018

Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi)



  


  Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha. Bago nilikha ang mundo, o matapos itong likhain, hindi pa binalak ni Jehovah ang unang yugto ng gawain, sa kautusan; ang pangalawang yugto ng gawain, sa biyaya; o ang pangatlong yugto ng gawain, ang panlulupig, na kung saan Siya muna ang gagawa kasama ang isang grupo ng tao—ang ilan ay mga inapo ng Moab, at mula rito lulupigin Niya ang buong sansinukob. Hindi Niya sinabi ang mga salitang ito matapos likhain ang mundo; hindi Niya sinabi ang mga salitang ito pagkatapos ng Moab, lalo’t higit bago si Lot. Ang lahat ng Kanyang mga gawain ay napatupad nang kusang-loob. Mismong ganito kung papaano sumulong ang Kanyang buong anim na libong taon ng gawaing pamamahala; hindi Siya sumulat ng plano na katulad ng Paglalagom na Talaguhitan para sa Pagsulong ng Sangkatauhan bago likhain ang mundo. Sa gawain ng Diyos, tuwiran Niyang ipinahahayag kung ano Siya; hindi Niya pinahihirapan ang Kanyang isipan upang gumawa ng plano. Mangyari pa, maraming mga propeta ang nagpahayag ng kanilang mga hula, ngunit hindi pa rin masasabi na ang gawain ng Diyos ay laging tiyak sa paggawa ng plano; ang mga hula ay ginawa ayon sa aktwal na gawain ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas. Ganito ang paraan nang unang nilikha ni Jehovah si Adan at Eba nang sa gayon maihayag nila ang Diyos sa lupa at upang magkaroon ng mga saksi sa Diyos sa mga likha, ngunit nagkasala si Eba matapos tuksuhin ng ahas; gayundin ang ginawa ni Adan, at magkasama sa hardin nilang kinain ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Kaya, mayroong idinagdag na gawain si Jehovah para sa kanila. Nakita Niya ang kahubaran nila at binalot ang kanilang katawan ng damit na gawa sa katad ng hayop. Matapos ito, sinabi Niya kay Adan, “Sapagka’t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo … hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.” Sa babae ay sinabi Niyang, “Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.” Mula noon ay pinalayas Niya sila mula sa Hardin ng Eden at sila’y hinayaang mamuhay sa labas ng hardin, katulad ng ginagawa ngayon ng mga makabagong tao sa lupa. Nang nilikha ng Diyos ang tao sa simula, hindi Niya binalak na hayaang matukso ng ahas ang tao matapos niyang likhain at isinumpa ang tao at ang ahas. Wala talaga Siyang ganitong plano; ito ay ang pagsulong lamang ng mga bagay na nagbigay sa Kanya ng bagong gawain sa mga nilikha. Matapos maisagawa ni Jehovah ang gawain kina Adan at Eba sa lupa, ang sangkatauhan ay patuloy na sumulong sa loob ng ilang libong taon, hanggang “At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati. At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso. … Datapuwa’t si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon.” Sa oras na iyon si Jehovah ay nagkaroon ng mas maraming bagong gawain, dahil ang sangkatauhan na Kanyang nilikha ay naging sobrang makasalanan matapos tuksuhin ng ahas. Sa kalagayang ito, pinili ni Jehovah ang pamilya ni Noe mula sa mga taong ito at kinahabagan sila, at isinagawa ang Kanyang gawain na wasakin ang mundo sa pamamagitan ng baha. Ang sangkatauhan ay nagpatuloy sa pagsulong sa ganitong paraan hanggang sa araw na ito, naging labis na tiwali, at nang ang pagsulong ng sangkatauhan ay umabot sa tuktok, ito rin ay ang magiging katapusan ng sangkatauhan. Mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo, ang katotohanan ng Kanyang gawain ay nanatili sa ganitong paraan. Ito ay katulad kung paano mauuri ang tao ayon sa kanilang klase; malayo sa bawat isang tao na itinalaga sa kalagayang kanilang kinabibilangan sa pinakasimula, ang mga tao ay unti-unting nabibilang sa mga kalagayan matapos sumailalim sa pamamaraan ng pagsulong. Sa katapusan, kung sinuman ang hindi maililigtas ay ibabalik sa kani-kanilang mga ninuno. Wala sa mga gawa ng Diyos sa sangkatauhan ang nakahanda na nang likhain ang mundo; sa halip, ang pagsulong ng mga bagay ang nagpahintulot sa Diyos na makatotohanan at praktikal na isagawa ang bawat hakbang ng Kanyang gawain sa sangkatauhan. Ito ay tulad nang kung paanong hindi nilikha ng Diyos na Jehovah ang ahas upang tuksuhin ang babae. Hindi ito ang Kanyang tiyak na plano, o isang bagay na sinadya Niya; ang isa ay makapagsasabi na ito ay hindi inaasahan. Ito ang dahilan kung bakit pinalayas ni Jehovah si Adan at Eba mula sa Hardin ng Eden at nangako na hindi na muling lilikha ng tao. Ngunit ang karunungan ng Diyos ay natuklasan lamang ng mga tao dahil sa pagkasimulang ito, katulad ng punto na aking sinabi kanina: “Ang Aking karunungan ay ginagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas.” Kahit gaano naging tiwali ang sangkatauhan o kung paano sila tinukso ng ahas, mayroon pa ring karunungan si Jehovah; kaya, naggugol Siya sa bagong gawain mula nang nilkha Niya ang mundo, at wala sa mga hakbang ng gawaing ito ang naulit kailanman. Patuloy na nagsagawa ng mga balangkas si Satanas; patuloy na ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at patuloy na isinagawa ng Diyos na si Jehovah ang Kanyang madunong na gawain. Hindi Siya kailanman nabigo, at hindi Niya itinigil ang Kanyang gawain mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon. Matapos itiwali ni Satanas ang sangkatauhan, patuloy Siyang gumawa sa mga tao upang talunin ang Kanyang mga kaaway na itinitiwali ang sangkatauhan. Magpapatuloy ang labanang ito mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo. Sa paggawa ng lahat na mga gawaing ito, hindi lamang Niya pinahintulutan ang sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas, upang matanggap ang Kanyang dakilang kaligtasan, ngunit pinahintulutan din Niya ang sangkatauhan na makita ang Kanyang karunungan, pagka-makapangyarihan at awtoridad, at sa katapusan hahayaan Niyang makita ng sangkatauhan ang Kanyang matuwid na disposisyon—pinarurusahan ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti. Nilalabanan Niya si Satanas hanggang sa araw na ito at hindi kailanman natalo, dahil Siya ay isang marunong na Diyos, at ang Kanyang karunungan ay nagagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas. Kaya hindi Niya lamang napasusunod ang lahat sa langit sa Kanyang awtoridad; nagagawa rin Niyang panatilihin ang lahat sa Kanyang paanan, at hindi huli sa lahat, napababagsak sa Kanyang pagkastigo ang mga gumagawa ng masama na nanghihimasok at nanggugulo sa sangkatauhan. Ang lahat ng mga bunga ng Kanyang gawain ay dulot ng Kanyang karunungan. Hindi Niya kailanman ibinunyag ang Kanyang karunungan sa harap ng pag-iral ng sangkatauhan, dahil wala Siyang kaaway sa langit, sa lupa, o sa buong daigdig, at walang mga puwersa ng kadiliman na sumakop sa anuman sa kalikasan. Matapos Siyang ipagkanulo ng arkanghel, nilikha Niya ang sangkatauhan sa lupa, at dahil sa sangkatauhan ay pormal Niyang sinimulan ang isang libong taong digmaan nila ni Satanas, ang arkanghel, isang digmaan na lalong umiigting sa bawat magkakasunod na yugto. Ang Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan ay naroon sa bawat yugto. Tanging sa oras na ito ay makikita ng lahat ng nasa langit at lupa ang karunungan ng Diyos, pagka-makapangyarihan, at ang katotohanan ng Diyos. Isinasagawa pa rin Niya ang gawain sa paraang makatotohanan na tulad ng dati; bilang karagdagan, habang isinasagawa Niya ang Kanyang gawain, ibinubunyag din Niya ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan; pinahihintulutan Niya kayong makita ang katotohanan sa loob ng bawat yugto ng gawain, upang makita kung paano nga ba maipaliliwanag ang pagka-makapangyarihan ng Diyos, at higit sa lahat kung paano maipaliliwanag ang katotohanan ng Diyos.


  Hindi ba naniniwala ang mga tao na ito ay nakatadhana bago pa ang paglikha na ipagbibili ni Hudas si Jesus? Sa totoo lang, binalak na ito ng Banal na Espiritu ayon sa realidad ng panahon. Nangyari lamang na mayroong isang tao na ang pangalan ay Hudas na palaging mag-aalibugha sa kabang-yaman. Kaya siya ay napili upang gumanap sa papel na ito at magsilbi sa ganitong paraan. Ito ang tunay na halimbawa ng paggamit ng lokal na mapagkukunan. Walang kaalam-alam si Jesus noong una; nalaman lamang Niya nang nabunyag si Hudas. Kung mayroong iba na makagaganap sa papel na ito, iba rin sana ang gagawa kaysa si Hudas. Ang nakatalaga sa totoo lang ay kaalinsabay na ginawa ng Banal na Espiritu. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay palaging kusang-loob; anumang oras na binabalak Niya ang Kanyang gawain, isasagawa ito ng Banal na Espiritu. Bakit palagi kong sinasabi na ang gawain ng Banal na Espiritu ay makatotohanan? Na ito ay palaging bago at hindi kailanman luma, at ito ay palaging sariwa? Ang gawa ng Diyos ay hindi binalak bago pa likhain ang mundo; hindi ito ang nangyari! Ang bawat hakbang ng gawain ay nagtatamo ng tamang kalalabasan para sa nauukol na panahon, at hindi nanghihimasok sa isa’t-isa. Mayroong iba’t-ibang pagkakataon na kung saan ang mga plano sa iyong isip ay hindi mapapantayan ang pinakabagong gawain ng Banal na Espiritu. Ang Kanyang gawain ay hindi kasing-payak ng pag-unawa ng tao, o kasing-gulo ng mga imahinasyon ng tao; ito ay binubuo ng pagtutustos sa tao sa lahat ng oras at lahat ng lugar ayon sa kanilang kasalukuyang pangangailangan. Walang sinuman ang mas malinaw sa substansya ng tao maliban sa Kanya, at tiyak na ito ay para sa dahilan na walang makababagay sa makatotohanang pangangailangan ng tao gayundin ang Kanyang ginagawang gawain. Samakatuwid, mula sa pananaw ng tao, ang Kanyang gawain ay binalak na muna ng ilang libong taon. Habang Siya ay gumagawa sa inyo ngayon, ayon sa inyong kalagayan, Siya rin ay nagsasagawa ng gawain at nagsasalita sa anumang oras at anumang dako. Kapag ang mga tao ay nasa isang kalagayan, sinasabi Niya ang mga salita na tiyak na kanilang kailangan. Ito ay parang ang unang hakbang sa Kanyang gawain sa mga panahon ng pagkastigo. Pagkatapos ng mga panahon ng pagkastigo, nagpakita ang tao ng ilang mga pag-uugali, sila ay umastang mapanghimagsik sa ilang paraan, lumitaw ang ilang positibong kalagayan, lumitaw rin ang ilang negatibong kalagayan, at ang mataas na hangganan ng pagka-negatibong ito ay umabot sa ilang antas. Isinagawa ng Diyos ang Kanyang gawain hango sa lahat ng mga bagay na ito, at ginamit ang mga bagay na ito upang magkamit ng mas magandang bisa para sa Kanyang gawain. Isinasagawa Niya lamang ang panunustos Niyang gawain sa mga tao ayon sa kanilang kasalukuyang kalagayan. Isinasagawa Niya ang bawat hakbang sa gawain ayon sa aktwal na mga kalagayan ng mga tao. Ang lahat ng nilikha ay nasa Kanyang mga kamay; hindi ba Niya sila makikilala? Sa kabila ng mga kalagayan ng tao, isinasagawa ng Diyos ang susunod na hakbang sa Kanyang gawain na kailangang matapos, sa anumang oras at lugar. Ang gawaing ito ay hindi binalak ng isang libong taon ang nakaraan; ito ay pagkaintindi ng tao! Siya ay gumagawa habang sinusubaybayan ang dulot ng Kanyang gawain, at ang Kanyang gawain ay patuloy na lumalalim at lumalago; habang Kanyang sinusubaybayan ang mga resulta ng Kanyang gawain, isinasagawa na Niya ang susunod na hakbang ng Kanyang gawain. Gumagamit Siya ng maraming mga bagay upang unti-unting magbago at upang makita ng mga tao ang Kanyang bagong gawain. Ang ganitong uri ng gawain ay makapagtutustos sa pangangailangan ng mga tao, dahil kilalang-kilala ng Diyos ang mga tao. Ito ay kung paano Niya isinasagawa ang Kanyang gawain mula sa langit. Gayundin, isinasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain sa parehong paraan, nagbabalak ayon sa katotohanan at gumagawa sa sangkatauhan. Wala sa Kanyang mga gawain ang binalak bago nilikha ang mundo, o binalak nang mabuti sa simula pa lamang. 2,000 taon matapos likhain ang mundo, nakita ni Jehovah na ang sangkatauhan ay naging sobrang tiwali kaya’t ginamit Niya ang bibig ng propetang si Isaias upang gumawa ng hula na matapos ang Kapanahunan ng Kautusan ay nagtapos, isasagawa Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Ito ang plano ni Jehova, mangyari pa, ngunit ang planong ito ay ginawa rin ayon sa Kanyang napansing kalagayan sa mga oras na iyon; siguradong hindi Niya ito naisip matapos likhain si Adan. Nanghula lamang si Isaias, ngunit hindi agad nakapaghanda si Jehovah para rito sa Kapanahunan ng Kautusan; sa halip, itinalaga Niya ang gawaing ito sa pagsisimula ng Kapanahunan ng Biyaya, nang nagpakita ang mensahero sa panaginip ni Jose at siya ay niliwanagan, at nagsabing ang Diyos ay magiging tao, kaya’t ang Kanyang gawain sa pagkakatawang-tao ay nagsimula. Ang Diyos ay hindi, katulad ng inaakala ng iba, naghanda para sa Kanyang gawain ng pagkakatawang-tao matapos likhain ang mundo; ito ay napagpasiyahan lamang ayon sa antas ng pagsulong ng sangkatauhan at sa kalagayan ng Kanyang pakikipaglaban kay Satanas.

  Kapag ang Diyos ay nagiging tao, ang Kanyang Espiritu ay bumababa sa tao; sa ibang salita, ang Espiritu ng Diyos ay nagsusuot ng katawang-tao. Isinagawa Niya ang Kanyang gawain sa lupa, at sa halip na magdala ng ilang may takdang hakbang, ang gawaing ito ay lubos-lubos na walang hangganan. Ang gawain na isinasagawa ng Banal na Espiritu sa katawang-tao ay nalalaman sa pamamagitan ng mga resulta ng Kanyang gawain, at ginagamit Niya ang mga bagay na ito upang malaman ang haba ng panahon na kung saan Siya ay magsasagawa ng gawain sa Kanyang katawang-tao. Ang Banal na Espiritu ay tahasang ibinubunyag ang bawat hakbang sa Kanyang gawain; sinusuri Niya ang Kanyang gawain habang Siya ay nagpapatuloy; ito ay hindi higit sa karaniwan na mahahatak ang mga limitasyon ng imahinasyon ng tao. Ito ay katulad ng gawain ni Jehovah sa paglikha ng langit at lupa at lahat ng mga bagay; sabay Siyang nagplano at gumawa. Pinaghiwalay Niya ang liwanag mula sa kadiliman, at nagkaroon ng umaga at gabi—tumagal ito nang isang araw. Sa pangalawang araw nilikha Niya ang himpapawid, na tumagal din nang isang araw, at nilikha Niya ang lupa, mga dagat at mga bagay na titira rito, at tumagal din nang isang araw. Ito ay nagpatuloy hanggang sa ika-anim na araw, nang nilikha ng Diyos ang tao at pinahintulutan Niya itong pamahalaan ang mga bagay sa lupa, hanggang sa ika-pitong araw, nang natapos Niyang likhain ang lahat ng bagay, at nagpahinga. Pinagpala ng Diyos ang ika-pitong araw at itinalaga ito bilang banal na araw. Pinagpasiyahan Niya ang banal na araw na ito pagkatapos Niyang likhain ang lahat ng mga bagay, hindi bago sila likhain. Ang gawain na ito ay kusang isinagawa; bago gawin ang lahat ng mga bagay, hindi Siya nagpasya na likhain ang mundo sa loob ng anim na araw at magpahinga sa ika-pito; ang mga katotohanan ay hindi ganito. Hindi Niya ito sinabi, ni hindi Niya ito binalak. Hindi Niya sinabi na ang paglikha ng lahat ng mga bagay ay matatapos sa ika-anim na araw at Siya ay mamamahinga sa ika-pito; sa halip, lumikha Siya ayon sa kung ano ang maganda sa tingin Niya. Pagkatapos Niyang likhain ang lahat, dumating na ang ika-anim na araw. Kung natapos Niya sa ika-limang araw likhain ang lahat, itatalaga sana Niyang banal na araw ang ika-anim na araw; ngunit, natapos Niyang likhain ang lahat sa ika-anim na araw, kaya naging banal na araw ang ika-pitong araw, na sinusunod pa rin hanggang sa kasalukuyan. Samakatwid, ang Kanyang kasalukuyang gawain ay isinasagawa pa rin sa parehong paraan. Siya ay nagsasalita at tumutustos sa lahat ng inyong pangangailangan ayon sa inyong kalagayan. Iyon ay, ang Espiritu ay nagsasalita at kumikilos ayon sa mga kalagayan ng tao; pinagmamasdan ng Espiritu ang lahat, kasabay nito Siya rin ay gumagawa sa anumang oras at dako. Kung ano ang Aking gawin, sabihin, ilagay sa inyong harapan at ipagkaloob sa inyo, nang walang pagbubukod, na inyong kailangan. Ito ang dahilan kung bakit Aking sinasabi na wala sa Aking mga gawa ang hiwalay sa katotohanan; ang lahat ng ito ay tunay, dahil alam ninyong lahat “Tayo ay binabantayan ng Espiritu ng Diyos.” Kung ito ay binalak na noon pa man, hindi ba’t ito’y magiging masyadong malabo? Sa tingin ninyo ba ay gumawa ang Diyos sa loob ng anim na buong sanlibong taon at itinalaga na ang sangkatauhan bilang suwail, lumalaban, malihim at tuso, bilang mayroong laman, tiwaling masamang disposisyon, pagnanasa ng mga mata, at ang kanilang sariling pagpapalayaw. Hindi ito itinalaga noon, ngunit sa halip ay dahil sa katiwalian ni Satanas. Ang iba ay magsasabi na, “Hindi ba’t si Satanas ay hawak din ng Diyos? Itinalaga ng Diyos na gagawing tiwali ni Satanas ang tao sa ganitong paraan, at pagkatapos noon ay isinagawa Niya ang Kanyang gawain sa tao.” Itatalaga nga ba ng Diyos si Satanas upang itiwali ang sangkatauhan? Siya lamang ay sabik na pahintulutan ang sangkatauhan na mamuhay nang karaniwan; guguluhin Niya ba ang mga buhay ng sangkatauhan? Hindi ba’t magiging walang saysay ang pagtalo kay Satanas at pagliligtas sa sangkatauhan? Paano maitatalaga ang pagkasuwail ng sangkatauhan? Sa katunayan, ito ay dahil sa panliligalig ni Satanas; paano ito itatalaga ng Diyos? Ang Satanas na hawak ng Diyos na inyong naiintindihan at ang Satanas na hawak ng Diyos na aking sinasabi ay lubos na magkaiba. Ayon sa inyong pahayag na “Makapangyarihan ang Diyos, at si Satanas ay nasa Kanyang mga kamay,” hindi Siya ipagkakanulo ni Satanas. Hindi ba’t sinabi ninyo na ang Diyos ay makapangyarihan? Ang inyong kaalaman ay mahirap unawain at malayo sa katotohanan; ito ay hindi makatuwiran at hindi gagana! Ang Diyos ang makapangyarihan; ito ay hindi mali. Ipinagkanulo ng arkanghel ang Diyos dahil binigyan ito ng Diyos ng bahagi ng awtoridad. Siyempre, ito ay hindi inaasahan, katulad ng pagkahulog ni Eba sa tukso ng ahas. Ngunit, kahit paano man isagawa ni Satanas ang pagtataksil nito, hindi katulad ng Diyos, ito ay hindi makapangyarihan. Katulad ng inyong sinabi, malakas si Satanas; kahit ano ang gawin nito ay matatalo ito sa awtoridad ng Diyos. Ito ang tunay na kahulugan ng kasabihang, “Makapangyarihan ang Diyos, at si Satanas ay nasa Kanyang mga kamay.” Kaya, ang Kanyang digmaan laban kay Satanas ay nararapat maisagawa nang paisa-isa; higit pa rito, binabalak Niya ang Kanyang gawain bilang sagot sa mga pandaraya ni Satanas. Iyon ay, ayon sa mga kapanahunan, inililigtas Niya ang mga tao at ibinubunyag ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan. Gayundin, ang mga gawain sa mga huling araw ay hindi itinalaga bago ang Kapanahunan ng Biyaya; hindi ito itinalaga nang maayos katulad ng mga ito: Una, baguhin ang panlabas na disposisyon ng tao; pangalawa, ipatanggap sa tao ang Kanyang pagkastigo at mga pagsubok; pangatlo, iparanas sa tao ang kamatayan; pang-apat, iparanas sa tao ang mga oras ng pagmamahal sa Diyos at ipahayag ang kalalabasan ng nilikhang tao; panglima, ipakita sa tao ang kalooban ng Diyos at lubusang kilalanin ang Diyos, at gawing ganap ang tao. Hindi Niya binalak ang lahat ng mga bagay na ito sa Kapanahunan ng Biyaya; sa halip, nagsimula Siyang mag-plano sa kasalukuyang panahon. Si Satanas ay gumagawa, gayundin ang Diyos. Ipinahahayag ni Satanas ang tiwaling disposisyon nito, samantalang ang Diyos ay tuwirang nagsasalita at nagpapahayag ng mga totoong bagay. Ito ang gawain na isinasagawa ngayon, at ang parehong uri ng simulain sa paggawa ay ginamit din matagal na ang nakalipas, matapos likhain ang mundo.

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan:Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi)

Rekomendasyon:

Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento