菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post

May 16, 2018

Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi)



  


  Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha. Bago nilikha ang mundo, o matapos itong likhain, hindi pa binalak ni Jehovah ang unang yugto ng gawain, sa kautusan; ang pangalawang yugto ng gawain, sa biyaya; o ang pangatlong yugto ng gawain, ang panlulupig, na kung saan Siya muna ang gagawa kasama ang isang grupo ng tao—ang ilan ay mga inapo ng Moab, at mula rito lulupigin Niya ang buong sansinukob. Hindi Niya sinabi ang mga salitang ito matapos likhain ang mundo; hindi Niya sinabi ang mga salitang ito pagkatapos ng Moab, lalo’t higit bago si Lot. Ang lahat ng Kanyang mga gawain ay napatupad nang kusang-loob. Mismong ganito kung papaano sumulong ang Kanyang buong anim na libong taon ng gawaing pamamahala; hindi Siya sumulat ng plano na katulad ng Paglalagom na Talaguhitan para sa Pagsulong ng Sangkatauhan bago likhain ang mundo. Sa gawain ng Diyos, tuwiran Niyang ipinahahayag kung ano Siya; hindi Niya pinahihirapan ang Kanyang isipan upang gumawa ng plano. Mangyari pa, maraming mga propeta ang nagpahayag ng kanilang mga hula, ngunit hindi pa rin masasabi na ang gawain ng Diyos ay laging tiyak sa paggawa ng plano; ang mga hula ay ginawa ayon sa aktwal na gawain ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas. Ganito ang paraan nang unang nilikha ni Jehovah si Adan at Eba nang sa gayon maihayag nila ang Diyos sa lupa at upang magkaroon ng mga saksi sa Diyos sa mga likha, ngunit nagkasala si Eba matapos tuksuhin ng ahas; gayundin ang ginawa ni Adan, at magkasama sa hardin nilang kinain ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Kaya, mayroong idinagdag na gawain si Jehovah para sa kanila. Nakita Niya ang kahubaran nila at binalot ang kanilang katawan ng damit na gawa sa katad ng hayop. Matapos ito, sinabi Niya kay Adan, “Sapagka’t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo … hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.” Sa babae ay sinabi Niyang, “Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.” Mula noon ay pinalayas Niya sila mula sa Hardin ng Eden at sila’y hinayaang mamuhay sa labas ng hardin, katulad ng ginagawa ngayon ng mga makabagong tao sa lupa. Nang nilikha ng Diyos ang tao sa simula, hindi Niya binalak na hayaang matukso ng ahas ang tao matapos niyang likhain at isinumpa ang tao at ang ahas. Wala talaga Siyang ganitong plano; ito ay ang pagsulong lamang ng mga bagay na nagbigay sa Kanya ng bagong gawain sa mga nilikha. Matapos maisagawa ni Jehovah ang gawain kina Adan at Eba sa lupa, ang sangkatauhan ay patuloy na sumulong sa loob ng ilang libong taon, hanggang “At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati. At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso. … Datapuwa’t si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon.” Sa oras na iyon si Jehovah ay nagkaroon ng mas maraming bagong gawain, dahil ang sangkatauhan na Kanyang nilikha ay naging sobrang makasalanan matapos tuksuhin ng ahas. Sa kalagayang ito, pinili ni Jehovah ang pamilya ni Noe mula sa mga taong ito at kinahabagan sila, at isinagawa ang Kanyang gawain na wasakin ang mundo sa pamamagitan ng baha. Ang sangkatauhan ay nagpatuloy sa pagsulong sa ganitong paraan hanggang sa araw na ito, naging labis na tiwali, at nang ang pagsulong ng sangkatauhan ay umabot sa tuktok, ito rin ay ang magiging katapusan ng sangkatauhan. Mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo, ang katotohanan ng Kanyang gawain ay nanatili sa ganitong paraan. Ito ay katulad kung paano mauuri ang tao ayon sa kanilang klase; malayo sa bawat isang tao na itinalaga sa kalagayang kanilang kinabibilangan sa pinakasimula, ang mga tao ay unti-unting nabibilang sa mga kalagayan matapos sumailalim sa pamamaraan ng pagsulong. Sa katapusan, kung sinuman ang hindi maililigtas ay ibabalik sa kani-kanilang mga ninuno. Wala sa mga gawa ng Diyos sa sangkatauhan ang nakahanda na nang likhain ang mundo; sa halip, ang pagsulong ng mga bagay ang nagpahintulot sa Diyos na makatotohanan at praktikal na isagawa ang bawat hakbang ng Kanyang gawain sa sangkatauhan. Ito ay tulad nang kung paanong hindi nilikha ng Diyos na Jehovah ang ahas upang tuksuhin ang babae. Hindi ito ang Kanyang tiyak na plano, o isang bagay na sinadya Niya; ang isa ay makapagsasabi na ito ay hindi inaasahan. Ito ang dahilan kung bakit pinalayas ni Jehovah si Adan at Eba mula sa Hardin ng Eden at nangako na hindi na muling lilikha ng tao. Ngunit ang karunungan ng Diyos ay natuklasan lamang ng mga tao dahil sa pagkasimulang ito, katulad ng punto na aking sinabi kanina: “Ang Aking karunungan ay ginagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas.” Kahit gaano naging tiwali ang sangkatauhan o kung paano sila tinukso ng ahas, mayroon pa ring karunungan si Jehovah; kaya, naggugol Siya sa bagong gawain mula nang nilkha Niya ang mundo, at wala sa mga hakbang ng gawaing ito ang naulit kailanman. Patuloy na nagsagawa ng mga balangkas si Satanas; patuloy na ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at patuloy na isinagawa ng Diyos na si Jehovah ang Kanyang madunong na gawain. Hindi Siya kailanman nabigo, at hindi Niya itinigil ang Kanyang gawain mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon. Matapos itiwali ni Satanas ang sangkatauhan, patuloy Siyang gumawa sa mga tao upang talunin ang Kanyang mga kaaway na itinitiwali ang sangkatauhan. Magpapatuloy ang labanang ito mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo. Sa paggawa ng lahat na mga gawaing ito, hindi lamang Niya pinahintulutan ang sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas, upang matanggap ang Kanyang dakilang kaligtasan, ngunit pinahintulutan din Niya ang sangkatauhan na makita ang Kanyang karunungan, pagka-makapangyarihan at awtoridad, at sa katapusan hahayaan Niyang makita ng sangkatauhan ang Kanyang matuwid na disposisyon—pinarurusahan ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti. Nilalabanan Niya si Satanas hanggang sa araw na ito at hindi kailanman natalo, dahil Siya ay isang marunong na Diyos, at ang Kanyang karunungan ay nagagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas. Kaya hindi Niya lamang napasusunod ang lahat sa langit sa Kanyang awtoridad; nagagawa rin Niyang panatilihin ang lahat sa Kanyang paanan, at hindi huli sa lahat, napababagsak sa Kanyang pagkastigo ang mga gumagawa ng masama na nanghihimasok at nanggugulo sa sangkatauhan. Ang lahat ng mga bunga ng Kanyang gawain ay dulot ng Kanyang karunungan. Hindi Niya kailanman ibinunyag ang Kanyang karunungan sa harap ng pag-iral ng sangkatauhan, dahil wala Siyang kaaway sa langit, sa lupa, o sa buong daigdig, at walang mga puwersa ng kadiliman na sumakop sa anuman sa kalikasan. Matapos Siyang ipagkanulo ng arkanghel, nilikha Niya ang sangkatauhan sa lupa, at dahil sa sangkatauhan ay pormal Niyang sinimulan ang isang libong taong digmaan nila ni Satanas, ang arkanghel, isang digmaan na lalong umiigting sa bawat magkakasunod na yugto. Ang Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan ay naroon sa bawat yugto. Tanging sa oras na ito ay makikita ng lahat ng nasa langit at lupa ang karunungan ng Diyos, pagka-makapangyarihan, at ang katotohanan ng Diyos. Isinasagawa pa rin Niya ang gawain sa paraang makatotohanan na tulad ng dati; bilang karagdagan, habang isinasagawa Niya ang Kanyang gawain, ibinubunyag din Niya ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan; pinahihintulutan Niya kayong makita ang katotohanan sa loob ng bawat yugto ng gawain, upang makita kung paano nga ba maipaliliwanag ang pagka-makapangyarihan ng Diyos, at higit sa lahat kung paano maipaliliwanag ang katotohanan ng Diyos.

Dis 12, 2017

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

pag-ibig, Jehovah,Pananampalataya,Biblia, Langit

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

    Ngayong narinig ninyo na ang nakaraang paksa sa pagsasamahan na tungkol sa awtoridad ng Diyos, nakatitiyak Ako na nasangkapan na kayo ng sapat na mga salita sa bagay na ito. Gaano man ang kaya ninyong tanggapin at unawain ay depende kung gaanong pagsasagawa ang ibubuhos ninyo dito. Umaasa Ako na buong sikap ninyong maaabot ang bagay na ito; huwag kayong makitungo dito nang hindi bukal sa puso kahit sa anong paraan! Ngayon, ang pagkilala ba sa awtoridad ng Diyos ay katulad ng pagkilala sa kabuuan ng Diyos? Maaaring masabi ng isang tao na ang pagkilala sa awtoridad ng Diyos ay ang simula ng pagkilala sa natatanging Diyos Mismo, at masasabi din ng iba na ang pagkilala sa awtoridad ng Diyos ay nangangahulugang nakatapak na ang isang tao sa pintuan ng pagkakilala sa diwa ng natatanging Diyos Mismo. Ang pagkilalang ito ay isang bahagi ng pag-unawa sa Diyos. Ano ang iba pang bahagi kung gayon? Ito ang paksa na nais Kong pagsamahan natin ngayon–Ang matuwid na disposisyon ng Diyos.

Dis 11, 2017

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Biblia, buhay, Jehovah, Jesus, kaligtasan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Awtoridad ng Diyos (I)


    Ang ilan sa huli kong tinalakay sa mga pagsasamahan ay tungkol sa gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at Diyos Mismo. Pagkatapos mapakinggan ang mga pagtalakay sa mga pagsasamahan na ito, naramdaman ba ninyo na nagkaroon kayo ng kaunawaan at kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos? Gaano katinding kaunawaan at kaalaman? Maaari niyo ba itong lagyan ng numero? Nagbigay ba sa inyo ang mga pagsasamahang ito ng mas malalim na kaunawaan sa Diyos? Maaari bang sabihing ang kaunawaang ito ay isang tunay na kaalaman sa Diyos? Maaari bang sabihin na itong kaalaman at kaunawaan sa Diyos ay isang kaalaman sa kabuuang diwa ng Diyos, at ang lahat ng mayroon at kung ano Siya? Hindi, malinaw na hindi! Ito’y dahil nagbigay lamang ang mga pagsasamahang ito ng kaunawaan sa bahagi ng disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya—hindi ang lahat ng ito, o ang kabuuan nito. Ang mga pagsasamahan ay nagpaunawa sa inyo ng bahagi sa gawaing minsa’y ginawa ng Diyos, kung saan nakita ninyo ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, pati na rin ang pamamaraan at pag-iisip sa likod ng lahat ng Kanyang ginawa. Ngunit isa lamang itong literal, sinabing kaunawaan sa Diyos, at, sa inyong puso, nananatili kayong hindi sigurado kung gaano karami rito ang totoo. Ano ang mga pangunahing tumutukoy sa kung mayroon bang anumang katotohanan sa inyong kaunawaan sa mga naturang bagay? Natutukoy ito sa pamamagitan ng kung gaano katindi ang mga salita ng Diyos at disposisyon na tunay ninyong naranasan sa panahon ng inyong aktwal na mga karanasan, at kung gaano karami ang nakita at nalaman ninyo sa panahon ng inyong aktwal na mga karanasan. “Ang ilang mga huling pagsasamahan ay nagpaunawa sa atin ng mga bagay na ginawa ng Diyos, ang mga pag-iisip ng Diyos, at bukod diyan, ang saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan at ang mga basehan ng Kanyang mga pagkilos, pati na rin ang mga prinsipyo ng Kanyang mga pagkilos. At kaya natin nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, at nalaman ang kabuuan ng Diyos.” May nagsabi ba ng mga naturang salita? Tama ba na sabihin ito? Ito’y malinaw na hindi. At bakit ko sinabi na ito’y hindi? Ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ay naipahayag sa mga bagay na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi. Maaaring makita ng tao kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng gawain na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi, ngunit ito lang ay para sabihin na ang gawain at mga salita ay nagpapaunawa sa tao ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Kung naisin ng tao na magkaroon pa ng mas marami at malalim na kaunawaan sa Diyos, kung gayon dapat ay mas maranasan ng tao ang mga salita at gawain ng Diyos. Bagama’t ang tao ay nagkakaroon lamang ng bahagyang kaunawaan sa Diyos kapag nakararanas ng bahagi ng mga salita o gawain ng Diyos, ito bang bahagyang kaunawaang ito ay kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos? Kumakatawan ba ito sa diwa ng Diyos? Syempre ito’y kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos, at sa diwa ng Diyos, walang duda diyan. Anumang oras o lugar, o sa kung anumang paraan gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, o sa kung anumang anyo Siya magpakita sa tao, o sa kung anong paraan Niya ipahayag ang Kanyang kalooban, ang lahat na Kanyang ibinubunyag at ipinapahayag ay kumakatawan sa Diyos Mismo, sa diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya, maging sa Kanyang totoong pagkakakilanlan; ito ay talagang tunay. Ngunit, ngayon, ang mga tao ay may bahagya lang na pag-unawa sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at sa pamamagitan ng kung ano ang naririnig nila sa katuruan, at kaya sa partikular na lawak, ang kaunawaang ito ay maaaring sabihing panteoryang kaalaman lamang. Sa pagtingin sa iyong aktwal na kalagayan, maaari mo lang beripikahin ang kaunawaan o kaalaman sa Diyos na iyong narinig, nakita, o nalaman at naintindihan sa iyong puso ngayon kung ang bawat isa sa inyo ay mapagdaanan ito sa iyong mga aktwal na mga karanasan, at malaman ito nang paunti-unti. Kung hindi ko tatalakayin sa pagsasamahan ang mga salitang ito sa inyo, makukuha niyo ba ang tunay na kaalaman sa Diyos sa pamamagitan lamang ng inyong mga karanasan? Para gawin iyon, sa tingin ko, ay magiging napakahirap. Iyon ay dahil kinakailangan ng mga tao na taglayin muna ang mga salita ng Diyos para malaman kung paano makaranas. Gayun pa man, marami sa mga salita ng Diyos na kinakain ng tao, ganyan ang bilang ng maaari nilang aktwal na maranasan. Nangunguna ang salita ng Diyos sa daanan, at gagabayan ang tao sa kanyang karanasan. Sa madaling salita, para sa mga nagkaroon ng ilang tunay na karanasan, ang huling ilang mga pagsasamahan ang tutulong sa kanilang makamit ang mas malalim na pag-unawa sa katotohanan, at mas makatotohanang kaalaman sa Diyos. Ngunit para sa mga wala pang anumang tunay na karanasan, o sa mga nagsisimula pa lamang sa kanilang karanasan, o nagsisimula pa lamang na mapunta sa realidad, ito ay isang malaking pagsubok.

Dis 10, 2017

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Kaalaman, Jesus, Jehovah, Biblia, buhay

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

   Ang ilang mga pagsasamahang ito ay nagkaroon ng epekto sa bawat isang tao. Sa ngayon, sa wakas ay mararamdaman talaga ng mga tao ang tunay na pag-iral ng Diyos at ang Diyos ay totoong napakalapit sa kanila. Bagamat ang mga tao ay naniniwala sa Diyos sa maraming mga taon, hindi nila kailanman tunay na naintindihan ang Kanyang mga saloobin at mga ideya gaya nang naiintindihan nila ngayon, o tunay na naranasan ang Kanyang praktikal na mga gawa gaya nang nararanasan nila sa ngayon. Maging sa kaalaman o sa aktwal na pagsasagawa, karamihan sa mga tao ay natuto ng isang bagong bagay at nagkamit ng mas mataas na pagkaunawa, at napagtanto nila ang kanilang pagkakamali sa kanilang sariling mga paghahangad sa nakaraan, napagtanto ang kababawan ng kanilang karanasan at na masyadong marami ang hindi ayon sa kalooban ng Diyos, at naunawaan na ang pinakakulang sa tao ay ang kaalaman sa Disposisyon ng Diyos. Ang kaalamang ito sa bahagi ng mga tao ay isang uri ng madamdaming kaalaman; upang maabot ang makatwirang kaalaman ay kinakailangan ng unti-unting pagpapalalim at pagpapalakas sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan. Bago tunay na maintindihan ng tao ang Diyos, sa pansarili maaring masabi na sila ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos sa kanilang mga puso, ngunit wala silang tunay na pagkaunawa sa mga tiyak na katanungan kagaya ng kung anong uri ng Diyos Siya talaga, ano ang Kanyang kalooban, ano ang Kanyang disposisyon, at ano ang Kanyang tunay na saloobin tungo sa sangkatauhan. Nailalagay nito sa malaking kompromiso ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos—ang kanilang pananampalataya ay hindi makararating sa kadalisayan o pagka-perpekto. Kahit na ikaw ay nasa harapan ng salita ng Diyos, o nadarama mo na nakaharap mo na ang Diyos sa pamamagitan ng iyong mga karanasan, hindi pa rin ito masasabing lubos mo na Siyang naiintindihan. Sapagkat hindi mo nalalaman ang mga saloobin ng Diyos, o kung ano ang Kanyang iniibig at Kanyang kinamumuhian, kung ano ang ikinagagalit Niya at kung ano ang nakagagalak sa Kanya, wala kang tunay na pagkaunawa sa Kanya. Ang iyong pananampalataya ay itinayo sa isang pundasyon ng kalabuan at kathang-isip, batay sa iyong pansariling mga kagustuhan. Ito ay malayo pa rin sa tunay na pananampalataya, at ikaw ay malayo pa rin sa pagiging isang tunay na mananampalataya. Ang mga pagpapaliwanag sa mga halimbawa mula sa mga kuwento mula sa Biblia ay nagtulot sa mga tao na malaman ang puso ng Diyos, kung ano ang Kanyang iniisip sa bawat hakbang sa Kanyang gawain at bakit Niya ginawa ang gawaing ito, ano ang Kanyang orihinal na layunin at Kanyang plano nang Kanyang gawin ito, kung paano Niya nakamit ang Kanyang mga ideya, at kung paano Niya inihanda at binuo ang Kanyang plano. Sa pamamagitan ng mga kuwentong ito, makakamit natin ang isang detalyado, tiyak na pagkaunawa sa bawat partikular na layunin ng Diyos at bawat tunay na saloobin sa panahon ng Kanyang anim na libong taon ng gawaing pamamahala, at ang Kanyang saloobin tungo sa mga tao sa magkakaibang mga pagkakataon sa magkakaibang mga panahon. Ang pagkaunawa sa kung ano ang iniisip ng Diyos, kung ano ang Kanyang saloobin, at ang disposisyon na Kanyang ibinubunyag habang hinaharap Niya ang bawat sitwasyon, ay makatutulong sa bawat tao na lalo pang mapagtanto nang mabuti ang Kanyang pag-iral, at lalo pang madama nang mabuti ang Kanyang pagiging totoo at pagiging tunay. Ang Aking layunin sa paglalahad sa mga kuwentong ito ay hindi upang maunawaan ng mga tao ang kasaysayan ng Biblia, ni hindi upang tulungan silang makabisado ang mga aklat sa Biblia o ang mga tao rito, at lalong hindi upang tulungan ang mga tao na maunawaan ang nasa likod ng kung ano ang ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Ito ay upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalooban ng Diyos, ang Kanyang disposisyon, at ang bawat maliit na bahagi Niya, at makamit ang isang mas tunay at mas wastong pagkaunawa at kaalaman ukol sa Diyos. Sa ganitong paraan, magagawa ng puso ng mga tao ang, paunti-unti, maging bukas sa Diyos, mapalapit sa Diyos, at maunawaan Siya nang mas mabuti, ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang diwa, at makilalang mabuti ang tunay na Diyos Mismo.

Dis 7, 2017

Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

pag-ibig, karunungan, Pananampalataya, Jehovah, Banal na kasulatan

Mga Salita ng na Makapangyarihang DiyosAng Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

    Ang bawat isa ay nararamdaman na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao na ang pamamahala ng Diyos ay ganap na hindi nauugnay sa tao. Palagay nila na itong pamamahala ay ang gawa ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang pagliligtas ng sangkatauhan ay naging malabo at magulo, at ngayon ay walang iba kundi walang laman na retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano nagagawa ng Diyos ang Kanyang gawa. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at ang bahagi na dapat niyang gawin upang mailigtas. Gaano iyon Kalunus-lunos! Ang pagliligtas ng tao ay hindi mapaghiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayon man hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at gayon ay mas lalong lumalayo mula sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, sa gayon, kailangan nating magkaroon ng pag-talakay patungkol sa pamamahala ng Diyos, upang ang bawat tagasunod ay malinaw na malaman ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Maaari rin silang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.

Set 15, 2017

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Walang Sinumang Nabubuhay sa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Walang Sinumang Nabubuhay sa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot
Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong kaligtasan, upang ang Aking gawain ay magpatuloy nang maayos, at upang ang Aking inagurasyon gawain sa buong sansinukuban ay maisakatuparan nang higit na angkop at maingat, pagbunyag ng Aking mga salita, awtoridad, kamahalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng lupain at mga bayan. Ang Aking gawain na kasama ninyo ay ang umpisa ng Aking gawain sa buong sansinukob. Bagaman ngayon na ang mga huling araw, alamin ninyo na ang “mga huling araw” ay isa lamang pangalan ng isang panahon: Gaya ng Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya, ito ay tumutukoy sa isang panahon, at tanda ng kabuuan ng isang panahon, sa halip na sa mga huling mga taon o buwan. Ngunit ang mga huling araw ay pawang hindi kagaya ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain para sa mga huling araw ay hindi gagawin sa Israel, kundi sa mga Gentil; ito ay ang paglupig sa lahat ng bayan at mga mamamayan sa labas ng Israel sa harap ng Aking luklukan, upang ang Aking luwalhati sa buong sansinukuban ay kayang punuin ang buong kalangitan. Ito ay upang makamtan Ko ang mas dakilang kaluwalhatian, upang ang lahat ng nilikha sa lupa ay maipasa ang Aking kaluwalhatian sa bawat bayan, sa lahat ng salinlahi magpakailanman, at ang lahat ng nilikha sa langit at lupa ay makita ang lahat ng kaluwalhatian na Aking natamo sa lupa. Ang gawain sa mga huling araw ay ang gawain ng panlulupig. Hindi ito ang pagpatnubay sa lahat ng mga tao sa lupa, kundi ang konklusyon ng walang pagkasira at libong-taong buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan sa lupa. Ang kahihinatnan, ang gawain ng mga huling araw ay hindi maihahambing sa ilang libong taon na gawain sa Israel, hindi rin maitulad sa isang dekadang gawain sa Hudea na nagpatuloy nang ilang libong taon hanggang sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Dinaranas lamang ng mga tao sa mga huling araw ang muling pagpapakita ng Manunubos sa katawang-tao, at tinatanggap nila ang personal na gawain at mga salita ng Diyos. Hindi ito aabot ng dalawang libong taon bago dumating ang mga huling araw ng katapusan; ang mga ito ay maikli, kagaya nang tinapos ni Jesus ang mga gawain noong Kapanahunan ng Biyaya sa Hudea. Ito ay dahil sa ang mga huling araw ay ang konklusyon ng buong kapanahunan. Sila ay ang kabuuan at ang katapusan ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos, at sila ang tumatapos sa habang-buhay na pagdurusa ng sangkatauhan. Hindi nila tinatanggap ang kabuuan ng sangkatauhan sa bagong panahon o payagan ang buhay ng sangkatauhan na magpatuloy. Iyan ay walang kabuluhan para sa Aking plano sa pamamahala o sa pag-iral ng tao. Kung ang sangkatauhan ay magpatuloy nang ganito, kung gayon pagkaraan ng ilang panahon sila ay lalamunin nang buo ng diyablo, at ang mga kaluluwa na nauukol sa Akin ay lubusang kakamkamin ng mga kamay nito. Ang Aking gawain ay tatagal ng anim na libong taon, at Ako ay nangako na ang paghawak ng diyablo sa buong sangkatauhan ay hindi din tatagal ng higit sa anim na libong taon. At gayon, napapanahon na. Hindi ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa mga huling araw Aking susupilin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng mga kaluluwa sa lupa na nauukol sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay makawala sa dagat ng pagdurusa, at gayon matatapos na ang kabuuan ng Aking gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na ako kailanman magkakatawang-tao sa lupa, at hindi Ko na kailanman pakikilusin ang Aking makapangyarihang Espiritu sa lupa. Ako ay gagawa lamang ng isang bagay sa lupa: Babaguhin Ko ang sangkatauhan, ang sangkatauhan na banal, at ang Aking tapat na lungsod sa lupa. Ngunit alamin ninyo na hindi Ko lilipulin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko ang natitirang ikatlong bahagi—ang ikatlong mga nagmamahal sa Akin at lubusang nagpasakop sa Akin, at sila ay Aking gagawing mabunga at mapagparami sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan, binubusog sila ng masaganang mga tupa at baka at lahat ng mga sagana ng lupa. Ang sangkatauhang ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, ngunit hindi ito ang karumaldumal na maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi ang sangkatauhan na naipon mula sa Aking mga nalikom. Ang sangkatauhang iyon ay hindi masisira, maaabala, o maikukulong ni Satanas, at sila ang tanging mga sangkatauhan na mananatili sa mundo pagkatapos Kong magtagumpay laban kay Satanas. Ang sangkatauhan na mayroon ngayon ay ang Aking nasakop at nakatamo ng Aking pangako. At gayon, ang sangkatauhan na nasakop sa mga huling araw ang siya ring sangkatauhan na maliligtas at magkakamit ng Aking mga walang hanggang biyaya. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Ang mga nasamsam sa digmaan ay Aking naipon mula sa sakop ni Satanas, at ang tanging kaganapan at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Sila ay nagmula sa bawat bayan at denominasyon, at bawat lugar at bansa, sa buong sansinukuban. Sila ay galing sa iba’t-ibang lahi, iba’t-ibang wika, kaugalian at mga kulay ng balat, at sila ay nakakalat sa lahat ng mga bayan at denominasyon sa buong mundo, at sa bawat sulok ng mundo. Sa bandang huli, sila ay magsasama-sama upang buuin ang ganap na sangkatauhan, ang pulong ng sangkatauhan na hindi kayang abutin ng mga puwersa ni Satanas. Silang mga nasa sangkatauhan na hindi naligtas at nasakop Ko ay lulubog nang matahimik sa kailaliman ng dagat, at masusunog ng Aking tumutupok na apoy nang walang hanggan. Lilipulin Ko itong luma, nananaig na kadungisan ng sangkatauhan, kagaya ng paglipol Ko sa mga panganay na lalaking anak at mga baka sa Ehipto, iniwan lamang ang mga Israelita, na kumain ng karne ng tupa, uminom ng dugo ng tupa, at nagtatak ng dugo ng tupa sa itaas ng kanilang mga pinto. Ang mga tao na Aking sinakop at Aking naging pamilya, hindi rin ba sila ang mga tao na kumain sa Aking laman ang Kordero at uminom ng Aking dugo ang Kordero, at nailigtas dahil sa Akin at Ako ay sambahin? Hindi ba sila ang mga uri ng tao na laging sinasamahan ng Aking kaluwalhatian? Hindi ba silang walang katawan Ko, ang Kordero, ay tahimik nang lumubog sa kailaliman ng dagat? Ngayon sumasalungat sila sa Akin, at ngayon ang Aking mga salita ay tulad lamang ng mga sinambit ni Jehovah sa mga lalaking anak at mga lalaking apo ng Israel. Ngunit ang katigasan sa kaibuturan ng inyong mga puso ay nag-iimbak ng Aking poot, nagdudulot ng mas matinding pagdurusa sa inyong mga katawang-tao, mas matinding paghatol sa inyong mga kasalanan, mas matinding poot sa inyong kalikuan. Sino ang maliligtas sa Aking araw ng poot, kung ganito ang turing ninyo sa Akin sa ngayon? Kaninong kalikuan ang kayang makatakas sa Aking mga mata ng pagkastigo? Kaninong mga kasalanan ang makakaiwas sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Kaninong mga paglabag ang makakatanggap ng Aking paghatol, ang Makapangyarihan sa lahat? Ako, ang Jehovah, ay nagsasalita sa inyo, mga angkan ng mga pamilyang Gentil, at ang mga salitang binibigkas ko sa inyo ay higit sa lahat ng mga binigkas sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit kayo ay mas matigas pa sa lahat ng mga tao sa Ehipto. Hindi ba ninyo iniipon ang Aking poot habang ihinahanda ko ang Aking kapahingahan? Paano kayo makakatakas nang walang galos simula sa araw Ko, ang Makapangyarihan sa lahat?

Set 7, 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan


Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan

Ang gawain na nagawa ni Jehovah sa mga Israelita ay itinatag sa sangkatauhan sa lupa na pinagmulan ng Diyos, ang Kanyang banal na lugar kung saan Siya nagkaroon ng presensya. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa mga Israelita. Sa simula, hindi Siya nagtrabaho sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang mga tao na nakita Niyang angkop upang paghigpitan ang mga saklaw ng Kanyang gawain. Ang Israel ay ang pook kung saan nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, at mula sa alabok ng pook na iyon nilikha ni Jehovah ang tao; ito ang pundasyon ng Kanyang gawain sa mundo. Ang mga Israelita, na mga inapo ni Noah at ni Adan, ay ang pundasyon ng gawain ni Jehovah sa lupa.