菜單

Ago 3, 2018

Ano ba talaga ang tunay na pananalig sa Diyos? Paano dapat maniwala sa Diyos ang isang tao para matamo ang Kanyang papuri?

Kaharian, Karanasan, Diyos, Landas, Langit


Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:

  Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, sa gayon, na lahat ng mga taong hindi nakakaalam sa Diyos ay nagtataglay ng isang nakakalitong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagkat ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, sa gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang hangarin ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwat ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagkat sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa guwang na mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang sustansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugang wala nang higit pa sa pagtanggap sa maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Kanya nguni’t tinututulan Siya, tunay na makakatupad sa hangarin ng Diyos?

mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


  Ngayon, ano ang tunay na paniniwala sa Diyos? Ito ay ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang realidad ng iyong buhay at ang pagkilala sa Diyos mula sa Kanyang salita upang makamit ang isang tunay na pagmamahal sa Kanya. Upang maging malinaw: Yaon ay ang paniniwala sa Diyos nang sa gayon ikaw ay sumunod sa Diyos, mahalin ang Diyos at gawin ang tungkulin na dapat gawin bilang isang nilikha ng Diyos. Ito ang layunin ng paniniwala sa Diyos. Dapat mong makamit ang isang kaalaman ng kariktan ng Diyos, kung gaano karapat-dapat ang Diyos sa paggalang, kung paano, sa Kanyang mga nilikha, ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas at ginagawa silang perpekto—ito ang pinakamababa na dapat mong taglayin sa iyong paniniwala sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin na pagpapalit mula sa isang buhay sa katawang-tao tungo sa isang buhay ng nagmamahal sa Diyos, mula sa isang buhay sa loob ng kalikasan tungo sa isang buhay sa loob ng pagka-Diyos ng Diyos, ito ay ang paglabas mula sa ilalim ng sakop ni Satanas at pamumuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, ito ay ang makayanang makamit ang pagkamasunurin sa Diyos at hindi pagkamasunurin sa laman, ito ay pagpapahintulot sa Diyos na makamtan ang iyong buong puso, pagpapahintulot sa Diyos na gawin kang perpekto at pagpapalaya sa iyong sarili mula sa tiwaling mala-demonyong disposisyon. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin upang ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos ay mahayag sa iyo, nang sa gayon maaari mong maisagawa ang kalooban ng Diyos, at maganap ang plano ng Diyos, at makayanang magbigay patotoo sa Diyos sa harap ni Satanas. Ang paniniwala sa Diyos ay hindi dapat upang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, ni hindi dapat para sa kapakanan ng iyong personal na laman. Ito ay dapat para sa pagtugis sa pagkilala sa Diyos, at makayanang sumunod sa Diyos, at tulad ni Pedro, sumunod sa Kanya hanggang kamatayan. Ito ay kung ano ang pangunahin upang makamit. At kumain at uminom ng salita ng Diyos ay upang makilala ang Diyos at upang mabigyan-kasiyahan ang Diyos. Ang kumain at uminom ng salita ng Diyos ay nagbibigay sa iyo nang mas higit na kaalaman sa Diyos, at tanging pagkatapos ay maaari kang sumunod sa Diyos. Tanging kung makikilala mo ang Diyos maaari mo Siyang mahalin, at ang pagkamit ng layuning ito ay ang tanging layon na dapat mayroon ang tao sa kanyang paniniwala sa Diyos. Kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, palagi mong sinusubukang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid ang pagtingin ng ganitong paniniwala ay mali. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang realidad ng buhay. Tanging sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos mula sa Kanyang bibig at pagsasakatuparan nito sa iyong sariling kalooban makakamit ang layon ng Diyos. Sa paniniwala sa Diyos, dapat tugisin ng tao ang magawang perpekto siya ng Diyos, ang makayanang pasailalim sa Diyos, at ang kumpletong pagkamasunurin sa Diyos. Kung maaari kang makasunod sa Diyos na hindi nagrereklamo, maaalalahanin sa mga pagnanais ng Diyos, makamtan ang tayog ni Pedro, at taglayin ang estilo ni Pedro na tinukoy ng Diyos, sa gayon makakamtan mo ang tagumpay ng paniniwala sa Diyos, at ito ay magiging tanda na ikaw ay nakamtan ng Diyos.

mula sa “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Dahil ikaw ay naniniwala sa Diyos, ikaw ay dapat kumain at uminom sa Kanyang salita, danasin ang Kanyang salita, at isabuhay ang Kanyang salita. Ito lamang ang paniniwala sa Diyos. Kung sinasabi mong ikaw ay naniniwala sa Diyos nguni’t hindi makapagpahayag ng kahit na ano sa Kanyang salita o isagawa ang mga iyon, ikaw ay hindi masasabing naniniwala sa Diyos. Ito ay “paghahanap ng tinapay upang pawiin ang gutom.” Ang pagsasalita lamang ng mga walang-kuwentang patotoo, walang-silbing mga bagay, at mabababaw na mga bagay, at wala ni katiting na katunayan ay hindi bumubuo sa paniniwala sa Diyos. Sa gayon,[a] hindi mo natarok ang tamang paraan ng paniniwala sa Diyos. Bakit mo kailangang mas kumain at uminom sa salita ng Diyos? Ibinibilang ba itong paniniwala kung ikaw ay hindi kumakain at umiinom sa Kanyang mga salita at naghahanap lamang para makaakyat sa langit? Ano ang unang hakbang para sa isang naniniwala sa Diyos? Sa pamamagitan ng anong landas ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Maaari ka bang magawang perpekto nang hindi kumakain at umiinom sa salita ng Diyos? Maibibilang ka bang tao sa kaharian kung wala ang salita ng Diyos bilang iyong katunayan? Ano nga ba ang paniniwala sa Diyos? Ang mga naniniwala sa Diyos ay nararapat magtaglay ng mabuting pag-uugali sa panlabas, sa pinakamababa, at higit na mahalaga ay ang pagkakaroon ng salita ng Diyos. Kahit na anong mangyari, hindi mo kailanman matatalikuran ang Kanyang salita. Ang iyong pagkakilala sa Diyos at pagtupad ng Kanyang kalooban ay nakakamit lahat sa pamamagitan ng Kanyang salita. Ang lahat ng mga bansa, sekta, taguri at sektor ay malulupig sa pamamagitan ng salita sa hinaharap. Magsasalita ang Diyos nang tuwiran, at ang lahat ng tao ay hahawakan ang salita ng Diyos sa kanilang mga kamay; sa pamamagitan nito ay magagawang perpekto ang mga tao. Ang salita ng Diyos ay lumalaganap saanman: Ang mga tao ay pinag-uusapan ang salita ng Diyos at nagsasagawa ayon sa salita ng Diyos, habang ang iniingatan sa kalooban ay salita pa rin ng Diyos. Kapwa sa loob at sa labas, sila ay babad sa salita ng Diyos, at dahil dito sila ay ginagawang perpekto. Ang mga tumutupad sa kalooban ng Diyos at kayang sumaksi sa Kanya ay yaong mga nagtataglay ng salita ng Diyos bilang katunayan.

mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Maaari mong isipin na tungkol sa pagdurusa ang paniniwala sa Diyos, o ang paggawa ng maraming mga bagay para sa Kanya, o para sa kapayapaan ng iyong laman, o upang maging maayos ang lahat sa iyo, upang maging maginhawa ang lahat—nguni’t wala sa mga ito ang mga layuning dapat mayroon ang mga tao para sa paniniwala sa Diyos. Kung iyan ang iyong paniniwala, kung gayon di-tama ang iyong pananaw at hindi ka basta magagawang perpekto. Ang mga pagkilos ng Diyos, ang matuwid na disposisyon ng Diyos, ang Kanyang karunungan, ang Kanyang mga salita, at ang Kanyang pagiging kamangha-mangha at pagiging di-maarok ay ang lahat ng mga bagay na dapat maunawaan ng mga tao. Gamitin ang pagkaunawang ito upang tanggalin ang pansariling mga kahilingan gayundin ang mga indibiduwal na mga pag-asa at mga paniwala sa iyong puso. Sa pagtanggal lamang sa mga ito matutugunan mo ang mga kundisyon na hinihingi ng Diyos. Sa pamamagitan lamang nito magkakaroon ka ng buhay at mapalulugod ang Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay para sa pagpapalugod sa Diyos, at upang isabuhay ang disposisyon na Kanyang kinakailangan, upang maipamalas ang Kanyang mga pagkilos at kaluwalhatian sa pamamagitan ng grupong ito ng mga taong di-karapat-dapat. Yaon ang tamang pananaw para sa paniniwala sa Diyos, at layunin din na dapat mong hanapin. Mayroon ka dapat na tamang pananaw sa paniniwala sa Diyos at hanapin na matamo ang mga salita ng Diyos. Kailangan mong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at magawang isabuhay ang katotohanan, at bukod-tanging nakikita ang Kanyang praktikal na mga gawa, nakikita ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa sa buong sansinukob, gayundin ang praktikal na gawain na Kanyang ginagawa sa laman. Sa pamamagitan ng kanilang aktwal na mga karanasan, mapapahalagahan ng mga tao kung paano ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa kanila, at kung ano ang Kanyang kalooban tungo sa kanila. Lahat ng ito ay upang tanggalin ang kanilang tiwaling maka-Satanas na disposisyon. Tanggalin sa sarili mo ang di-malinis at di-matuwid na nasa loob mo, hubarin ang iyong maling mga layunin, at mabubuo sa iyo ang totoong pananampalataya sa Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng totoong pananampalataya totoo mong maiibig ang Diyos. Maiibig mo lamang nang tunay ang Diyos sa mga saligan ng iyong paniniwala sa Kanya. Matatamo mo ba ang pag-ibig sa Diyos nang hindi naniniwala sa Kanya? Yamang naniniwala ka sa Diyos, hindi ka dapat hangal tungkol dito. Napupuno ng kalakasan ang ilang mga tao sa sandaling makita nila na ang pananampalataya sa Diyos ay magdudulot sa kanila ng mga pagpapala, nguni’t nawawala ang lahat ng sigla sa sandaling makita nilang magdurusa sila ng mga pagpipino. Paniniwala ba sa Diyos iyan? Sa katapusan, ang pananampalataya sa Diyos ay tungkol sa ganap at lubos na pagsunod sa harap Niya. Naniniwala ka sa Diyos nguni’t mayroon ka pa ring mga hinihingi sa Kanya, mayroon pa ring maraming mga relihiyosong pagkaintindi na hindi mo mabitiwan, pansariling mga kapakanan na hindi mo mapakawalan, at naghahangad pa rin ng mga pagpapala sa laman at nais mong iligtas ng Diyos ang iyong laman, na iligtas ang iyong kaluluwa—lahat ng ito ay mga pagpapahayag ng mga tao na may maling pananaw. Bagama’t may pananampalataya sa Diyos ang mga taong may mga relihiyosong paniniwala, hindi sila naghahanap ng pagbabago sa disposisyon, hindi naghahabol ng pagkakilala sa Diyos, at ang hinahanap lamang nila ay ang mga kapakanan ng kanilang laman. Marami sa gitna ninyo ang mayroong mga pananampalataya na kabilang sa kategorya ng relihiyosong mga paniniwala. Hindi iyan totoong pananampalataya sa Diyos. Upang maniwala sa Diyos kailangang angkin ng mga tao ang isang puso na magdurusa para sa Kanya at handang isuko ang kanilang mga sarili. Hangga’t hindi nila natutugunan ang dalawang kalagayang ito hindi ito nabibilang na pananampalataya sa Diyos, at hindi nila matatamo ang pagbabago sa disposisyon. Ang mga tao lamang na tunay na naghahanap sa katotohanan, naghahanap ng pagkakilala sa Diyos, at naghahabol sa buhay ay yaong mga totoong naniniwala sa Diyos.

mula sa “Yaong Mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Sa kanyang pananampalataya sa Diyos, sumumpong si Pedro na mapasaya ang Diyos sa lahat ng kanyang ginawa, at sumumpong na sumunod ang lahat ng nagmula sa Diyos. Wala ni kaunting reklamo, kinaya niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, pati na rin ang pagpipino, masaklap na karanasan, at ang kakulangan sa kanyang buhay, wala sa nabanggit ang kayang baguhin ang kanyang pag-ibig sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pag-ibig ng Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Ang pagkastigo, paghatol, at masaklap na karanasan—may kakayanan kang makamit ang pagsunod hanggang kamatayan, at ito ay ang dapat na makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang kabusilakan ng pagmamahal ng Diyos. Kung kaya ng tao na magkamit ng ganito kahigit, kung gayon siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos, at walang mas makapagpapasaya sa kalooban ng Lumikha. Ipagpalagay mo na kaya mong gumawa para sa Diyos, ngunit hindi ka sumusunod sa Kanya, at hindi ninyo kayang tunay na magmahal sa Kanya. Sa ganitong paraan, hindi mo lamang hindi maisasakatuparan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, kung hindi maisusumpa pa ng Diyos, dahil ikaw ay isang taong hindi nagtataglay ng katotohanan, na hindi kayang sumunod sa Diyos, at na suwail sa Diyos. Gusto mo lamang ang paggawa para sa Diyos, at hindi gusto ang pagsasagawa ng katotohanan, o pagkilala sa iyong sarili. Hindi mo naiintindihan o nalalaman ang Lumikha, at hindi sumusunod o nagmamahal sa Lumikha. Ikaw ay taong likas na suwail sa Diyos, at kaya ang mga taong ganoon ay hindi mahal ng Lumikha.

mula sa “Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  Ang paniniwala sa Diyos ay ang unang hakbang sa pagkilala sa Diyos. Ang proseso ng pagsulong mula sa paunang paniniwala sa Diyos tungo sa pinakamalalim na paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso ng pagdama sa gawa ng Diyos. Kung ikaw ay naniniwala lamang sa Diyos alang-alang sa paniniwala sa Diyos, at hindi naniniwala sa Diyos upang makilala ang Diyos, sa gayon ay walang katotohanan sa iyong paniniwala, at hindi ito maaaring maging dalisay—at gayon ito ay walang duda. Kung, sa oras ng proseso na kung saan nadarama niya ang Diyos, unti-unting nakikilala ng tao ang Diyos, at ang kanyang disposisyon ay unti-unting magbabago, at ang kanyang paniniwala ay unti-unting magiging totoo. Sa ganitong paraan, kapag nakakamit ng tao ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos, ganap niyang makakamit ang Diyos. Malayo ang pinagdaanan ng Diyos upang maging tao para sa ikalawang pagkakataon at personal na gawin ang Kanyang gawa upang magawa Siyang kilalanin ng tao, at upang makita Siya. Ang pagkilala sa Diyos[b] ay ang huling epekto na makakamit sa katapusan ng gawain ng Diyos; ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ito para sa kapakanan ng Kanyang huling pagpapatotoo, at upang sa wakas at ganap ng makabalik ang tao sa Kanya. Magagawa lamang ng tao na mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, at para ibigin ang Diyos dapat niyang makilala ang Diyos. Hindi mahalaga kung paano siya naghahanap, o kung ano ang kanyang hinahangad na makamit, dapat niyang makamit ang pagkilala sa Diyos. Tanging sa paraan lamang na ito makakapagbigay ang tao ng kasiyahan sa puso ng Diyos.

mula sa “Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

a. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “Sa gayon.”

b. Ang orihinal na teksto ay nagsasabi ng “Ang gawain ng pagkilala sa Diyos.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento