่œๅ–ฎ

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Karanasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Karanasan. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 14, 2018

Ang Landas sa Paghahanap ng Katotohanan

Landas, katotohanan, buhay, karanasan, Diyos

๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ๐ŸŒŸ



๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ ๐ŸŒŸ๐ŸŒŸ


I
May bahagi ba ang iyong estado
sa kung paano mo naiintindihan ang katotohanan?
Nagtataka ka ba sa mga pagtatagpo kung aling katotohanan
ang nagpapahiwatig ng totoo?
Pagkatapos ay hanapin ang mga katotohanang ito
at matutuklasan mo kung ano ang kalooban ng Diyos
sa lahat ng iyong ginagawa.
II
Sa lahat ng nakatagpo mo,
alamin kung aling mga bahagi ng katotohanan
nauugnay sa kung ano ang nasa harap mo.
Kung susundan mo ang kalooban ng Diyos
nang 'di nalalaman ang katotohanan,
ito ay walang bunga at bulag, magdadala sa wala.
May bahagi ba ang iyong estado
sa kung paano mo naiintindihan ang katotohanan?
Nagtataka ka ba sa mga pagtatagpo kung aling katotohanan
ang nagpapahiwatig ng totoo?
Pagkatapos ay hanapin ang mga katotohanang ito
at matutuklasan mo kung ano ang kalooban ng Diyos
sa lahat ng iyong ginagawa.

Ago 8, 2018

Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw




Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha......Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas."


════════════.❋.═════════════

Malaman ang higit pa:

Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Ago 7, 2018

Ang Mga Paniwala at Imahinasyon Ay Hindi Kailanman Makakatulong na Makilala Mo ang Diyos

katotohanan, Karanasan, Diyos, Landas, soberanya




I
Ang kaalaman sa Diyos ay hindi nakasalalay
sa karanasan ni imahinasyon.
Ang mga ito ay hindi dapat kailanman ipataw sa Diyos.
Dahil kahit na gaano kayaman
at kanais-nais ang karanasan ng tao,
sila ay limitado, hindi sila katunayan ni katotohanan,
pagiging hindi rin tugma sa tunay na disposisyon ng Diyos,
pagiging hindi rin naaayon sa tunay na diwa ng Diyos.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao,
ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.

Ago 3, 2018

Ano ba talaga ang tunay na pananalig sa Diyos? Paano dapat maniwala sa Diyos ang isang tao para matamo ang Kanyang papuri?

Kaharian, Karanasan, Diyos, Landas, Langit


Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:

  Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, sa gayon, na lahat ng mga taong hindi nakakaalam sa Diyos ay nagtataglay ng isang nakakalitong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagkat ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, sa gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang hangarin ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwat ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagkat sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa guwang na mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang sustansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugang wala nang higit pa sa pagtanggap sa maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Kanya nguni’t tinututulan Siya, tunay na makakatupad sa hangarin ng Diyos?

mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ago 1, 2018

Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao

Jesus, Diyos, Kaharian, Karanasan, kaligtasan,





.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪

  
  Ang bawa’t yugto ng gawaing ginagawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noong una, nang pumarito si Jesus, Siya ay lalaki, nguni’t sa pagkakataong ito Siya ay babae. Mula rito, makikita mo na nilikha ng Diyos ang kapwa lalaki at babae para sa kapakanan ng Kanyang gawain, at sa Kanya ay walang pagkakaiba ang kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Niyang kunin ang anumang uri ng katawang-tao na gusto Niya at maaari Siyang katawanin ng katawang yaon. Maging lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos hangga’t ito ay Kanyang nagkatawang-taong lamรกn. Kung si Jesus ay nagpakita bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang lalaki, ang ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang yugtong yaon ng gawain ay kapareho ding natapos. Kung gayon ang naging sitwasyon, ang kasalukuyang yugto ng gawain ay kailangan sanang kumpletuhin ng isang lalaki, nguni’t pareho pa ring makukumpleto ang gawain. Ang gawaing ginawa sa alinmang yugto ay parehong makabuluhan; hindi naulit ang alinmang yugto ng gawain ni sumasalungat sa isa. Noon, nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, Siya ay tinawag na ang bugtong na Anak-na-lalaki, at tinutukoy ng “Anak-na-lalaki” ang kasariang lalaki. Kung gayon, bakit hindi nababanggit sa yugtong ito ang bugtong na Anak-na-lalaki? Ito ay dahil ang mga kinakailangan ng gawain ay nangailangan ng pagbabago sa kasarian na iba mula roon kay Jesus. Para sa Diyos walang pagkakaiba ang kasarian. Ginagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa kagustuhan Niya at sa paggawa ng Kanyang gawain wala Siya sa ilalim ng anumang mga pagbabawal, kundi natatanging malaya. Gayunpaman, ang bawa’t yugto ng gawain ay may sariling praktikal na kabuluhan. Dalawang beses na naging katawang-tao ang Diyos, at hindi na kailangang sabihin pa na ang pagkakatawang-tao Niya sa mga huling araw ang huling pagkakataon. Naparito Siya upang ibunyag ang lahat ng Kanyang mga gawa. Kung hindi Siya naging katawang-tao sa yugtong ito upang personal na gumawa para masaksihan ng tao, panghahawakan ng tao magpakailanman ang paniwalang lalaki lamang ang Diyos, hindi babae. Bago nito, naniwala ang buong sangkatauhan na maari lamang maging lalaki ang Diyos at hindi maaaring matawag ang isang babae na Diyos, sapagka’t itinuring ng buong sangkatauhan ang lalaki na may awtoridad sa itaas ng babae. Naniwala silang walang babae ang maaaring magkaroon ng awtoridad, kundi lalaki lamang. Higit pa rito, sinabi pa nila na lalaki ang ulo ng babae at dapat sumunod ang babae sa lalaki at hindi niya maaaring higitan ito. Sa nakaraan, nang sinabi na ang lalaki ang ulo ng babae, ito ay nakatuon kina Adan at Eva na nalinlang ng ahas, at hindi sa lalaki at babae na nilikha ni Jehova noong pasimula. Sabihin pa, dapat na sundin at mahalin ng isang babae ang kanyang asawa, tulad ng kailangang matutunan ng asawang lalaki na pakainin at suportahan ang kanyang pamilya. Mga batas at utos ito na itinatag ni Jehova na kailangang sundin ng sangkatauhan sa kanilang pamumuhay sa lupa. Sinabi ni Jehova sa babae, “at sa iyong asawa ay magnanais ang iyong kalooban, at siya'y mamumuno sa iyo.” Sinabi Niya lamang iyon upang ang sangkatauhan (na, parehong lalaki at babae) ay mamuhay nang normal na mga buhay sa ilalim ng pamamahala ni Jehova, at tanging upang ang mga buhay ng sangkatauhan ay magkaroon ng isang kayarian at hindi mawala sa kanilang wastong pagkakaayos. Samakatuwid, gumawa si Jehova ng angkop na mga alituntunin sa kung paano dapat kikilos ang lalaki at babae, nguni’t ito ay kaugnay lamang sa lahat ng nilalang na nabubuhay sa lupa at walang kaugnayan sa nagkatawang-taong lamรกn ng Diyos. Paano magiging kapareho ng Diyos ang Kanyang sangnilikha? Ang mga salita Niya ay nakatuon lamang sa sangkatauhan ng Kanyang sangnilikha; itinatag Niya lamang ang mga alituntunin para sa lalaki at babae upang makapamuhay nang normal na mga buhay ang sangkatauhan. Noong pasimula, nang likhain ni Jehova ang sangkatauhan, gumawa Siya ng dalawang uri ng tao, parehong lalaki at babae; kaya’t ang Kanyang nagkatawang-taong laman ay napag-iba rin sa alinman sa lalaki o babae. Hindi Siya nagpasya sa Kanyang gawain batay sa mga salitang sinabi Niya kina Adan at Eva. Ang dalawang beses Niyang pagiging katawang-tao ay ganap na ipinasya ayon sa Kanyang kaisipan noong una Niyang likhain ang sangkatauhan, iyon ay, kinumpleto Niya ang gawain ng Kanyang dalawang pagkakatawang-tao batay sa lalaki at babae bago sila napรกsรกmรข. Kung kinuha ng sangkatauhan ang mga salitang sinabi ni Jehova kina Adan at Eva na nalinlang ng ahas at inilapat ito sa gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi ba dapat din na mahalin ni Jesus ang Kanyang asawa gaya ng nararapat Niyang gawin? Sa ganitong paraan, magiging Diyos pa rin ba ang Diyos? At dahil ganito, makakaya pa rin ba Niyang kumpletuhin ang Kanyang gawain? Kung mali para sa nagkatawang-taong lamรกn ng Diyos ang maging babae, hindi ba magiging mali na rin sa pinakamalaking sukat na nalรญkhรข ng Diyos ang babae? Kung iniisip pa rin ng tao na mali para sa Diyos ang magkatawang-tao bilang babae, kung gayon hindi ba si Jesus, na hindi nag-asawa at samakatuwid ay hindi maaaring magmahal sa Kanyang asawa, ay nasa kamalian din tulad ng kasalukuyang pagkakatawang-tao? Yamang ginagamit mo ang mga salitang binigkas ni Jehova kay Eva upang sukatin ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa kasalukuyan, dapat mong gamitin kung gayon ang mga salita ni Jehova kay Adan upang hatulan ang Panginoong Jesus na naging katawang-tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi ba pareho ang dalawang ito? Yamang sinusukat mo ang Panginoong Jesus batay sa lalaki na hindi nalinlang ng ahas, hindi mo maaaring hatulan kung gayon ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ngayon batay sa babae na nalinlang ng ahas. Magiging hindi patas ito! Kung ginawa mo ang gayong paghatol, patunay ito na wala ka sa katinuan. Nang dalawang beses na naging katawang-tao si Jehova, ang kasarian ng kanyang katawang-tao ay naugnay sa lalaki at babae na hindi nalinlang ng ahas; alinsunod ito sa lalaki at babae na hindi nalinlang ng ahas na dalawang beses Siyang nagkatawang-tao. Huwag isipin na ang pagkalalaki ni Jesus ay pareho sa Adan na nalinlang ng ahas. Ganap na wala silang kaugnayan, at ang dalawa ay mga lalaki na may magkaibang kalikasan. Tiyak na ang pagkalalaki ni Jesus ay hindi maaaring magpatunay na ulo lamang Siya ng lahat ng babae nguni’t hindi ng lahat ng lalaki? Hindi ba Siya ang Hari ng lahat ng mga Judio (kasama ang parehong mga lalaki at babae)? Siya ay Diyos Mismo, hindi lamang ang ulo ng babae kundi ulo rin ng lalaki. Siya ang Panginoon ng lahat ng nilalang at ulo ng lahat ng nilalang. Paano mo nagagawang tukuyin ang pagkalalaki ni Jesus bilang ang sagisag ng ulo ng babae? Hindi ba ito kalapastanganan? Si Jesus ay isang lalaki na hindi nadungisan ng kasamaan. Siya ay Diyos; Siya ang Cristo; Siya ang Panginoon. Paano Siya magiging isang lalaki na tulad ni Adan na pinรกsรกmรข? Si Jesus ang katawang-tao na isinuot ng pinakabanal na Espiritu ng Diyos. Paano mo nagagawang sabihin na Siya ay isang Diyos na nagtataglay ng pagkalalaki ni Adan? Sa ganyang sitwasyon, hindi ba magiging mali ang lahat ng gawain ng Diyos? Magagawa ba ni Jehova na isama sa loob ni Jesus ang pagkalalaki ni Adan na nalinlang? Hindi ba ang pagkakatawang-tao sa kasalukuyan ay isa pang pagkakataon ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao na naiiba sa kasarian mula kay Jesus nguni’t katulad Niya sa kalikasan? Nangangahas ka pa rin bang sabihin na hindi maaaring maging babae ang Diyos na nagkatawang-tao, dahil babae ang unang nalinlang ng ahas? Nangangahas ka pa rin bang sabihin na, dahil ang babae ang pinakamarumi at ang pinagmulan ng kasamaan ng sangkatauhan, ang Diyos ay hindi maaaring maging katawang-tao bilang isang babae? Nangangahas ka bang magpumilit sa pagsasabi na “ang babae ay dapat laging sumunod sa lalaki at maaaring hindi kailanman maghayag o direktang kumatawan sa Diyos”? Hindi mo naunawaan sa nakaraan, nguni’t makapagpapatuloy ka ba ngayon sa paglapastangan sa gawain ng Diyos, lalo na sa nagkatawang-taong lamรกn ng Diyos? Kung hindi mo kayang makita ito nang may ganap na kalinawan, pinakamahusay na isaalang-alang mo ang iyong pananalita, upang hindi mabunyag ang iyong kahangalan at kamangmangan at malantad ang iyong kapangitan. Huwag mong isipin na nauunawaan mo ang lahat. Sinasabi ko sa iyo na ang lahat ng nakita at naranasan mo na ay hindi sapat para maunawaan mo kahit ang ika-sanlibong bahagi ng Aking plano ng pamamahala. Kaya bakit kung kumilos ka ay labis na mapagmataas? Ang kakapiranggot na talento at ang kakaunting kaalaman mo ay hindi sapat para gamitin ni Jesus sa kahit isang segundo lamang ng Kanyang gawain! Gaano ba talaga karami ang karanasan mo? Ang nakita mo at lahat ng narinig mo sa buong buhay mo at ang naguni-guni mo ay mas maliit kaysa sa gawain na ginagawa Ko sa isang saglit! Pinakamahusay na huwag kang mamintas at maghanap ng kamalian. Gaano ka man kaarogante, isa ka lamang nilalang na mas maliit pa sa langgam! Ang nakakarga mo sa iyong tiyan ay mas kaunti kaysa sa binubuhat ng langgam sa kanyang tiyan! Huwag isipin na, dahil nagkamit ka lamang ng ilang karanasan at pagiging-nauna sa tungkulin, ay may karapatan ka nang kumumpas nang magaspang at magmayabang. Hindi ba bunga ng mga salitang nabรญgkรกs Ko ang iyong karanasan at iyong pagiging-nauna? Naniniwala ka bang binili mo ang mga iyon sa pamamagitan ng sarili mong paggawa at pagsisikap? Ngayon, nakikita mong Ako ay naging katawang-tao, at dahil lamang dito ikaw ay napupuno ng gayon kayamang mga konsepto, at nakahirang ng hindi mabilang na mga paniwala mula sa mga iyon. Kung hindi dahil sa Aking pagkakatawang-tao, kahit pa may angkin kang hindi pangkaraniwang mga talento, hindi ka magkakaroon ng napakaraming mga konsepto; at hindi ba nagmumula sa mga ito ang mga paniwala mo? Kung hindi naging katawang-tao si Jesus sa unang pagkakataong iyan, malalaman mo ba ang tungkol sa pagkakatawang-tao? Hindi ba dahil binigyan ka ng unang pagkakatawang-tao ng kaalaman kaya walang-pakundangan mong sinusubukang hatulan ang ikalawang pagkakatawang-tao? Bakit, sa halip na maging masunuring tagasunod, ay isinasailalim mo ito sa pag-aaral? Kapag nakapasok ka tungo sa daloy na ito at lumapit sa harapan ng nagkatawang-taong Diyos, papayagan ka ba Niyang gumawa ng isang pag-aaral tungkol dito? Ayos lamang para sa iyo na pag-aralan ang kasaysayan ng sarili mong pamilya, nguni’t kung susubukan mong pag-aralan ang “kasaysayan ng pamilya” ng Diyos, papayagan ka ba ng Diyos ng kasalukuyan na isagawa ang naturang pag-aaral? Hindi ka ba bulag? Hindi mo ba hinahamak ang iyong sarili?

Hul 31, 2018

Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna

Ebanghelyo, panalangin, Kaharian, Karanasan, Diyos



Muling, Beijing

Agosto 16, 2012

  Noong Hulyo 21, 2012, nakita ng Beijing ang pinakamabigat na pagbagsak ng ulan sa loob ng animnapung taon. Sa malakas na buhos ng ulan na iyon nakita ko ang mga gawa ng Diyos at nakita ko kung paano Niya inililigtas ang tao.

Hul 27, 2018

Ang Mga Paniwala at Imahinasyon Ay Hindi Kailanman Makakatulong na Makilala Mo ang Diyos





I
Ang kaalaman sa Diyos ay hindi nakasalalay
sa karanasan ni imahinasyon.
Ang mga ito ay hindi dapat kailanman ipataw sa Diyos.
Dahil kahit na gaano kayaman
at kanais-nais ang karanasan ng tao,
sila ay limitado, hindi sila katunayan ni katotohanan,
pagiging hindi rin tugma sa tunay na disposisyon ng Diyos,
pagiging hindi rin naaayon sa tunay na diwa ng Diyos.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao,
ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.

Hul 10, 2018

Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod

Diyos, Karanasan, Landas, Cristo, Espiritu,







  Mula pa sa simula ng Kanyang gawain sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kalooban at tiyaking ang Kanyang gawain sa daigdig ay nadadala sa maayos na kaganapan. Ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao na maglilingkod sa Kanya. Ang bawat tao na naglilingkod sa Diyos ay dapat nauunawaan ang kaloobang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang gawaing ito, mas mahusay na nakikita ng mga tao ang karunungan ng Diyos at pagka-makapangyarihan ng Diyos, at nakikita ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang Diyos ay tunay na dumarating sa daigdig upang gawin ang Kanyang gawain, nakikipag-ugnayan sa mga tao, upang mas malinaw nilang malaman ang Kanyang mga gawa. Ngayon, itong grupo ninyo ay mapalad na naglilingkod sa praktikal na Diyos. Ito ay hindi mabilang na pagpapala para sa inyo. Sa katotohanan, ang Diyos ang nagtataas sa inyo. Sa pagpili ng isang tao na maglilingkod sa Kanya, ang Diyos ay laging may sariling mga prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos, gaya ng iniisip ng mga tao, ay tunay na hindi lamang isang simpleng bagay ng labis na kagustuhan. Ngayon nakikita ninyo kung paano ang sinumang naglilingkod sa Diyos sa Kanyang presensiya ay ginagawa ito sa patnubay ng Diyos at gawa ng Banal na Espiritu; sila ang naghahanap ng katotohanan. Ang mga ito ang pinakamababang kinakailangan na dapat taglayin ng lahat ng naglilingkod sa Diyos.

Hul 4, 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng Mga Huling Araw | "Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos"




▬▬▬▬▬▬▬เน‘۩*•*۩เน‘▬▬▬▬▬▬▬▬


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ninyong maglingkod sa kalooban ng Diyos, dapat muna ninyong maunawaan kung anong uri ng mga tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ginagawang perpekto ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang karapat-dapat maglingkod sa Diyos. Ito man lang ang dapat na mayroon kayo. Dagdag pa rito, dapat ninyong malaman ang mga hangarin ng gawa ng Diyos, at ang gawa ng Diyos na gagawin dito at ngayon. Matapos unawain ito, at sa pamamagitan ng paggabay ng mga salita ng Diyos, kailangan muna ninyong pumasok, at unang tumanggap ng komisyon ng Diyos. Kapag aktwal kayong dumanas batay sa mga salita ng Diyos, at kapag tunay ninyong alam ang gawa ng Diyos, kayo ay magiging karapat-dapat sa paglilingkod sa Diyos. At kapag kayo ay naglilingkod sa Kanya, iminumulat ng Diyos ang inyong mga mata, at nagpapahintulot sa inyo na magkaroon ng isang mas higit na pang-unawa ng Kanyang gawa at mas malinaw itong makikita. Kapag pumasok ka sa katotohanan, ang iyong mga karanasan ay mas magiging malalim at tunay, at ang lahat sa inyo nagkaroon ng ganoong karanasan ay maaaring maglakad kabilang ang mga iglesia at maglaan sa inyong mga kapatid, ang bawat isa ay pinagmumulan ng lakas ng iba upang punan ang inyong sariling kakulangan, at nagkakaroon ng isang mas mayamang kaalaman sa inyong mga espiritu. Matapos makamit ang epektong ito, saka lamang kayo maaaring maglingkod sa kalooban ng Diyos at gawing perpekto ng Diyos sa kurso ng inyong serbisyo."

Hun 27, 2018

Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon


══════════════ ════════════



Zhang Jin, Beijing

August 16, 2012

  Ako’y isang matandang kapatid na may kapansanan sa dalawang paa. Kahit na ang panahon ay maaliwalas, hirap ako sa paglalakad, subalit nang ang tubig baha ay tatangayin na ako, ipinahintulot ng Diyos na mahimalang makaligtas ako sa panganib.

Peb 19, 2018

Clip ng Pelikulang | "Paano Mapagsisikapang Makapasok sa Kaharian sa Langit (2)"



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (2)



   Nadarama ng karamihan sa mga nananalig sa Panginoon na basta't sinusunod natin ang mga salita ng Panginoon, nagpapakumbaba tayo at nagtitiyaga, at sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo sa pagsasakripisyo, paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, mabibigyang-kasiyahan natin ang kalooban ng Diyos. At dadalhin tayo sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Gayunman, napag-isip-isip na ba natin kung talagang makakamit ng paghahanap na ito ang papuri at pagtanggap ng Panginoon sa kaharian sa langit? Kung hindi, paano natin dapat pagsikapang matamo ang papuri ng Panginoon at madala sa kaharian sa langit?

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos