菜單

Ene 30, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos|Iba't-ibang Lugar ng Kapahingahan para sa Diyos at sa Tao


Tagalog Worship Songs | Iba't-ibang Lugar ng Kapahingahan para sa Diyos at sa Tao


I
Ang Diyos ay may sarili N'yang hantungan,
at ang tao'y may sarili rin n'ya.
Ang Diyos na nagpapahinga'y
mananatiling ginagabayan ang tao,
na sasamba sa 'sang tunay na Diyos sa langit.
'Di mamumuhay ang Diyos sa sangkatauhan;
ang tao'y 'di kayang mabuhay sa hantungan ng Diyos.
Ang Diyos at tao'y 'di maaaring mabuhay sa parehong kaharian,
sa kanya-kanyang paraan ng pamumuhay.
Ang sangkatauhan ang bunga ng pamamahala ng Diyos
at ang layunin ng Kanyang paggabay,
habang ang Diyos ang Siyang namumuno sa kanila.
Ang Diyos at ang tao'y magkaiba sa kakanyahan.


II
Ang lugar ng kapahingahan ng tao'y sa lupa;
Ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay sa langit.
Ang taong nagpapahinga'y sasamba sa Diyos
at sa lupa'y mabubuhay,
at ang Diyos na nagpapahinga'y mamumuno sa sangkatauhan.
Ang Diyos ay mamumuno mula sa langit at hindi mula sa lupa.
Diyos ay Espiritu pa rin, tao'y mananatiling laman pa rin.
Ang Diyos at ang tao'y bawat isa'y magpapahinga
sa sarili nilang paraan.
Nagpapakita ang Diyos sa tao habang nagpapahinga S'ya.
Habang ang sangkatauha'y nagpapahinga,
sila'y dadalhin ng Diyos upang bumisita sa langit,
at magsaya kung ano ang buhay sa mundo ng langit,
at magsaya kung ano ang buhay sa mundo ng langit.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Tagalog christian songs mp3 free download

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento