菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Relasyon sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Relasyon sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 30, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos|Iba't-ibang Lugar ng Kapahingahan para sa Diyos at sa Tao


Tagalog Worship Songs | Iba't-ibang Lugar ng Kapahingahan para sa Diyos at sa Tao


I
Ang Diyos ay may sarili N'yang hantungan,
at ang tao'y may sarili rin n'ya.
Ang Diyos na nagpapahinga'y
mananatiling ginagabayan ang tao,
na sasamba sa 'sang tunay na Diyos sa langit.
'Di mamumuhay ang Diyos sa sangkatauhan;
ang tao'y 'di kayang mabuhay sa hantungan ng Diyos.
Ang Diyos at tao'y 'di maaaring mabuhay sa parehong kaharian,
sa kanya-kanyang paraan ng pamumuhay.
Ang sangkatauhan ang bunga ng pamamahala ng Diyos
at ang layunin ng Kanyang paggabay,
habang ang Diyos ang Siyang namumuno sa kanila.
Ang Diyos at ang tao'y magkaiba sa kakanyahan.

Ene 19, 2019

Tagalog Christian Movies | Ano ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga Taong Ginamit ng Diyos?


Tagalog Christian Movies | "Ano ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga Taong Ginamit ng Diyos?" (Mga Movie Clip)


Sinasabi ng Diyos, "Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi isang tao na ginamit ng Diyos; dito, may malaking pagkakaiba" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan, at dalawang beses na nagkaroon ng mga taong ginamit ng Diyos na nakikipagtulungan sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Ang parehong nagkatawang-taong Diyos at mga taong ginagamit ng Diyos ay nagtataglay ng normal na pagkatao at gawain ng Banal na Espiritu, ngunit ano ba talaga ang pagkakaiba ng kanilang mga sangkap? At paano ba dapat natin aalamin ang nagkatawang-taong Diyos? Ibinunyag ang mga sagot sa maigsing video na ito.