菜單

Peb 15, 2019

Paano Malalaman ang Realidad

Pag-bigkas ng Diyos | Paano Malalaman ang Realidad


Ang Diyos ay isang praktikal na Diyos: Lahat ng Kanyang gawa ay praktikal, lahat ng mga salita na binibigkas Niya ay praktikal, at lahat ng mga katotohanan na ipinahahayag Niya ay praktikal. Lahat ng bagay na hindi Kanyang mga salita ay walang-laman, hindi-umiiral, at hindi-malusog. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay upang gabayan ang mga tao tungo sa mga salita ng Diyos. Kung hahabulin ng mga tao ang pagpasok sa realidad, kung gayon dapat nilang hanapin ang realidad, at alamin ang realidad, kung saan matapos ito’y dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad. Mas nalalaman ng mga tao ang realidad, mas nakakaya nilang sabihin kung ang salita ng iba ay tunay; mas nalalaman ng mga tao ang realidad, mas kakaunti ang kanilang mga pagkaintindi; mas nararanasan ng mga tao ang realidad, mas alam nila ang mga gawa ng Diyos ng realidad, at mas madali para sa kanila na talikuran ang kanilang tiwali at makasatanas na mga disposisyon; mas mayroong realidad ang mga tao, mas nakikilala nila ang Diyos, at mas kinamumuhian nila ang laman at minamahal ang katotohanan; at mas mayroong realidad ang mga tao, mas napapalápít sila sa mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos. Ang mga taong natatamo ng Diyos ay yaong nagtataglay ng realidad, at siyang nakakaalam ng realidad; yaong mga natatamo ng Diyos ay nakakaalam ng tunay na mga gawa ng Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng realidad. Mas aktuwal na nakikipagtulungan ka sa Diyos at dinidisiplina ang iyong katawan, mas matatamo mo ang gawa ng Banal na Espiritu, mas matatamo mo ang realidad, at mas maliliwanagan ka ng Diyos—at sa gayon, mas higit ang iyong kaalaman sa tunay na mga gawa ng Diyos. Kung nakakapamuhay ka sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu, ang kasalukuyang landas tungo sa pagsasagawa ay magiging mas malinaw sa iyo, at mas makakaya mong ihiwalay ang iyong sarili mula sa mga relihiyosong mga pagkaintindi at lumang mga pagsasagawa ng nakaraan. Ngayon, realidad ang tuon: Mas mayroong realidad ang mga tao, mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan, at mas higit ang kanilang pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Napapangibabawan ng realidad ang lahat ng mga titik at mga doktrina, napapangibabawan nito ang lahat ng teorya at kasanayan, at mas higit ang realidad na pinagtutuunan ng mga tao, mas tunay nilang maiibig ang Diyos, at magugutom at mauuhaw sa Kanyang mga salita. Kung lagi kang nakatuon sa realidad, ang iyong pilosopiyang pambuhay, mga relihiyosong pagkaintindi, at likas na karakter ay natural lamang na mabubura kasunod ng gawa ng Diyos. Yaong mga hindi naghahabol sa realidad, at walang kaalaman sa realidad, ay malamang na maghahabol doon sa higit-sa-natural, at madali silang malilinlang. Ang Banal na Espiritu ay walang kaparaanang gumawa sa mga naturang tao, kung kaya’t nakakaramdam sila ng kahungkagan, at ang kanilang mga buhay ay walang kahulugan.

Ang Banal na Espiritu ay nakakagawa lamang sa iyo kapag ikaw ay aktuwal na nagsasanay, aktuwal na naghahanap, aktuwal na nananalangin at nahahandang magpakasakit alang-alang sa paghahanap ng katotohanan. Yaong mga hindi naghahanap ng katotohanan ay wala ni anuman maliban sa mga titik at katuruan, mga walang-saysay na teorya, at yaong mga walang katotohanan ay natural na mayroong maraming mga pagkaintindi tungkol sa Diyos. Ang mga taong ganito ay naghahangad lamang na palitan ng Diyos ang kanilang katawang lupa ng espirituwal na katawan, nang sa ganoon ay maaari silang makabalik sa ikatlong langit. Kayhahangal ng mga taong ito! Lahat ng mga nagsasabi ng ganitong mga bagay ay walang kaalaman sa Diyos, o sa realidad; ang mga taong ganito ay posibleng di-nakikipagtulungan sa Diyos, at naghihintay nang walang-ginagawa. Para maunawaan ng mga tao ang katotohanan, at malinaw na makita ang katotohanan, at gayon din, para makapasok sila sa katotohanan at isagawa ito, dapat silang aktuwal na magsanay, aktuwal na maghanap, at aktuwal na magutom at mauhaw. Kapag nagugutom at nauuhaw ka, at kapag aktuwal kang nakikipagtulungan sa Diyos, tiyak na hihipuin ka ng Espiritu ng Diyos at gagawa sa loob mo na siyang magdadala sa iyo ng higit na pagliliwanag, at magbibigay sa iyo ng higit na kaalaman sa realidad, at magiging mas malaking tulong sa iyong buhay.

Kung nais ng mga tao na makilala ang Diyos, dapat muna nilang malaman na ang Diyos ay isang praktikal na Diyos, at dapat na malaman ang mga salita ng Diyos, ang praktikal na hitsura ng Diyos sa laman, at ang praktikal na gawa ng Diyos. Pagkatapos lamang na makilala na ang lahat ng gawa ng Diyos ay praktikal makakaya mong aktuwal na makipagtulungan sa Diyos, at sa pamamagitan lamang ng daang ito makakaya mong matamo ang paglago sa iyong buhay. Lahat niyaong mga walang kaalaman sa realidad ay walang kaparaanan upang maranasan ang mga salita ng Diyos, sila ay nabitag ng kanilang mga pagkaintindi, namumuhay sila sa kanilang guniguni, at sa gayon wala silang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Mas higit ang iyong kaalaman sa realidad, mas malápít ka sa Diyos, at mas palagay ang loob mo sa Kaniya; mas higit ang iyong paghahanap sa kalabuan at abstraksyon, at katuruan, mas higit kang mawawalay sa Diyos, sa gayon mas mararamdaman mo na ang pagdanas sa salita ng Diyos ay nakakapanghina at mahirap, at wala kang kakayahan sa pagpasok. Kung nais mo na pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, at patungo sa tamang landas ng iyong espirituwal na buhay, dapat mo munang kilalanin ang realidad at ihiwalay ang iyong sarili mula sa malabo, at higit-sa-natural na mga bagay—na ibig sabihin, una mo munang dapat maunawaan kung paanong ang Banal na Espiritu ay aktuwal na nagbibigay-liwanag at gumagabay sa iyo mula sa iyong loob. Sa ganitong paraan, kung tunay mong natatarok ang tunay na gawa ng Banal na Espiritu sa iyong loob, nakapasok ka na sa tamang daan ng pagiging ginagawang perpekto ng Diyos.

Ngayon, ang lahat ay nagsisimula sa realidad. Ang gawa ng Diyos ang pinakatotoo at nahihipo ng mga tao; yaon ang nararanasan ng mga tao, at nakakamtan. Sa mga tao kayrami ng malabo at higit-sa-natural, na pumipigil sa kanila mula sa pagkilala sa kasalukuyang gawain ng Diyos. Sa gayon, sa kanilang mga karanasan palagi silang lumilihis, at palaging nakakaramdam na nahihirapan, na lahat ay dulot ng kanilang mga pagkaintindi. Hindi nakakayang tarukin ng mga tao ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, hindi nila batid ang realidad, at kung kaya sila ay palaging negatibo sa kanilang landas sa pagpasok. Tinitingnan nila ang mga hinihingi ng Diyos mula sa malayo, di-makamtan ang mga iyon; nakikita lamang nila na ang mga salita ng Diyos ay tunay na mabubuti, nguni’t ‘di-natatagpuan ang landas sa pagpasok. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa batay sa prinsipyong ito: Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga tao, sa pamamagitan nila na aktibong nananalangin, naghahanap at mas napapalápít sa Diyos, ang mga bunga ay nakakamtan, at sila’y naliliwanagan at naiilawan ng Banal na Espiritu. Hindi ito ang katayuan na kumikilos nang isang-panig lamang ang Banal na Espiritu, o na ang tao ay kumikilos nang isang-panig lamang. Kapwa sila hindi maaaring mawala, at mas nakikipagtulungan ang mga tao, at mas hinahabol nila ang pag-abot sa mga pamantayan ng mga hinihingi ng Diyos, mas malaki ang gawa ng Banal na Espiritu. Tanging ang totoong pakikipagtulungan ng mga tao, dagdag pa sa gawa ng Banal na Espiritu, ang maaaring magbunga ng tunay na mga karanasan at ng makabuluhang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Unti-unti, sa pamamagitan ng pagdanas sa ganitong paraan, isang perpektong tao ang sa kahuli-hulihan ay naibubunga. Ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga higit-sa-natural na mga bagay; sa mga pagkaintindi ng mga tao, ang Diyos ang makapangyarihan-sa-lahat, at ang lahat ay ginagawa ng Diyos—na ang bunga ay walang-kibong paghihintay ng tao, hindi nagbabasa ng mga salita ng Diyos o nananalangin, at naghihintay na lamang sa hipo ng Banal na Espiritu. Yaong may tamang pagkaunawa, gayunpaman, ay naniniwala rito: Ang mga kilos ng Diyos ay maaari lamang makasulong hanggang sa aking pakikipagtulungan, at ang epekto ng gawa ng Diyos sa akin ay nakasalalay sa kung paano ako nakikipagtulungan. Kapag nagsasalita ang Diyos, dapat gawin ko ang lahat ng aking makakaya upang hanapin at magsumikap tungo sa mga salita ng Diyos; ito ang dapat kong makamit.

Kina Pedro at Pablo, malinaw ninyong nakikita na si Pedro ang mas higit na nagtuon ng atensiyon sa realidad. Mula sa pinagdaanan ni Pedro, nakikita na ang kanyang mga karanasan ay kumuha ng mga aral mula roon sa mga nabigo sa nakaraang panahon, kung kaya’t nakuha niya ang mga kalakasan ng mga banal ng panahong nakaraan—at mula rito maaaring makita kung gaano katotoo ang mga karanasan ni Pedro, na ang mga ito ay sapat upang hayaan ang mga tao na mahipo, at magkaroon ng kakayanan, at na ang mga iyon ay kayang makamit ng mga tao. Si Pablo, gayunman, ay kakaiba: Lahat ng sinalita niya ay malabo at di-nakikita, mga bagay tulad ng pagpunta sa ikatlong langit, ang pag-akyat sa trono, at ang korona ng pagkamatuwid. Tumuon siya roon na panlabas: sa katayuan, sa pagsaway sa mga tao, sa pagbabando ng kanyang pagiging-nauna, sa pagiging hinihipo ng Banal na Espiritu, at iba pa. Wala sa hinabol niya ang tunay, at karamihan doon ay pantasya, at sa gayon nakikita na ang lahat ng yaon ay higit-sa-natural, gaya nang kung gaano hinihipo ng Banal na Espiritu ang mga tao, ang malaking kagalakan na tinatamasa ng mga tao, ang pagpunta sa ikatlong langit, o regular na pagsasanay at pagtatamasa nito hanggang sa isang tiyak na lawak, pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagtatamasa sa mga ito hanggang sa isang tiyak na lawak—wala ni isa man dito ang tunay. Lahat ng mga gawa ng Banal na Espiritu ay karaniwan, at tunay. Kapag binabasa mo ang mga salita ng Diyos at nananalangin, sa kalooban mo ikaw ay maningning at matatag, ang mundong panlabas ay di-maaaring makialam sa iyo, sa loob mo handa mong mahalin ang Diyos, handa kang sumangkap sa mga positibong bagay, at kinamumuhian mo ang masamang mundo; ito ay pamumuhay sa loob ng Diyos, at hindi tulad nang sinasabi ng mga tao, na masyadong nagtatamasa—ang ganoong pananalita ay hindi tunay. Ngayon, ang lahat ay nagsisimula sa realidad. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay tunay, at sa iyong mga karanasan, dapat mong pagtuunan ng pansin ang tunay na pagkilala sa Diyos, at ang paghahanap sa mga bakás ng gawain ng Diyos at ang mga kaparaanan kung paano hinihipo at nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang mga tao. Kung kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos, at nananalangin, at nakikipagtulungan sa paraan na mas tunay, natatamo kung ano ang mabuti mula sa mga panahong nagdaan, at tinatanggihan kung ano ang masama tulad ni Pedro, kung nakikinig ka gamit ang iyong mga tainga, at nagmamasid gamit ang iyong mga mata, at madalas nananalangin at nagninilay sa iyong puso, at ginagawa ang lahat ng kaya mo upang makipagtulungan sa gawain ng Diyos, kung gayon, ang Diyos ay tiyak na gagabay sa iyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento