菜單

Hul 28, 2019

Tanong 5: Sabi mo kailangang tanggapin ng mga taong nananalig sa Diyos ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at noon lang mababago ang kanilang masamang disposisyon. Pero, alinsunod sa mga ipinagagawa ng Panginoon, nagpapakumbaba at nagpapasensya tayo, minamahal natin ang ating mga kaaway, pinapasan ang ating krus, sinusupil ang ating katawan, tinatalikuran ang mga makamundong bagay, at nagsisikap at nangangaral para sa Panginoon at kung anu-ano pa. Kaya hindi ba mga pagbabago natin ang lahat ng ito? Hindi ba puwedeng maging mga kredensyal ang mga ito para sa pagpasok natin sa kaharian ng langit? Naniniwala ako na basta’t naghanap tayo sa ganitong paraan, mapapadalisay tayo, at makakapasok sa kaharian ng langit.

Sagot: Maaaring mahalin natin ang ating kaaway, magpasan tayo ng krus, labanan natin ang ating katawan, at ikalat natin ang ebanghelyo ng Panginoon. Mga positibong pag-uugali ito na nagmumula sa ating pananalig sa Panginoon. Ang ating pagpapakita ng magagandang pag-uugaling iyon ay nagpapahiwatig na tunay ang pananampalataya natin sa Panginoon. Ang magagandang pag-uugaling ito ay maaaring mukhang tama sa mga tao, na para bang alinsunod ito sa salita ng Diyos, pero hindi nito ibig sabihin na ipinamumuhay natin ang salita ng Diyos at sinusunod ang kalooban ng Ama sa langit, na hindi na tayo likas na makasalanan at napabanal na tayo. May dahilan kaya hindi natin puwedeng tingnan lang ang magagandang pag-uugali ng mga tao.
Kailangan din nating tingnan ang kanilang mga intensyon at tunay na layunin. Kung ang intensyon natin ay sundin, mahalin, at bigyang-kasiyahan ang Diyos, ang ganitong klaseng pag-uugali ay pamumuhay sa katotohanan at pagsunod sa kalooban ng Ama sa langit. Sa kabilang dako, kung ang ating magandang pag-uugali ay para lamang mapagpala at magantimpalaan, para magantimpalaan ng putong, pero hindi dahil sa pagmamahal sa Diyos, ang ganitong klase ng magandang pag-uugali ay kaipokritohan ng mga Fariseo sa halip na pagsunod sa kalooban ng Ama sa langit. Kung ang pagpapakita natin ng magandang pag-uugali ay nagpapahiwatig na sinusunod natin ang kalooban ng Ama sa langit, na napabanal na tayo, bakit madalas pa tayong magkasala at lumaban sa Diyos? Bakit nagkakasala pa rin tayo sa maghapon at nagkukumpisal sa gabi? Sapat na iyan para ipakita na ang pagpapakita lang na hindi komo nagpapakita tayo ng magagandang pag-uugali ay namumuhay na tayo sa katotohanan at realidad ng salita ng Diyos. Ni hindi nito ibig sabihin na may pag-unawa o takot tayo sa Diyos, at kaya natin Siyang mahalin at sundin. Gaya ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga pagbabago na hindi hihigit kaysa sa paggawi ay hindi napapanatili. Kung walang pagbabago sa disposisyon sa buhay ng mga tao, sa malao’t madali kung gayon lilitaw ang kanilang masamang bahagi. Sapagkat ang pinagmumulan ng mga pagbabago sa kanilang paggawi ay sigasig, kalakip ng ilang gawain ng Banal na Espiritu sa panahong iyon, masyadong napakadali para sa kanila na maging maalab, o maging mabuti sa loob ng ilang panahon. Kagaya ng sinasabi ng hindi sumasampalataya, “Ang paggawa ng isang mabuting gawa ay madali, ang mahirap ay ang habambuhay na paggawa ng mabubuting gawa.” Walang kakayahan ang mga tao sa paggawa ng mabubuting gawa sa buong buhay nila. Ang kanilang paggawi ay idinidikta ng buhay; kung anuman ang kanilang buhay, gayundin ang kanilang paggawi, at yaon lamang likas na ibinunyag ang kumakatawan sa buhay, at sa kalikasan ng isa. Ang mga bagay na huwad ay hindi nagtatagal. … Ang pagpapakabait ay hindi kapareho ng pagsunod sa Diyos, lalong hindi ito katumbas ng pagiging kaayon kay Cristo. Ang mga pagbabago sa paggawi ay batay sa doktrina, at iniluwal dahil sa sigasig—hindi batay ang mga ito sa tunay na kaalaman ukol sa Diyos, o sa katotohanan, lalong hindi dahil sa paggabay ng Banal na Espiritu. Bagamat may mga pagkakataon na ang ilan sa ginagawa ng mga tao ay pinapatnubayan ng Banal na Espiritu, hindi ito ang pagpapahayag ng buhay, lalong hindi ito kapareho ng pagkakilala sa Diyos; gaano man kabuti ang paggawi ng isang tao, hindi nito pinatutunayan na sinusunod nila ang Diyos, o na isinasagawa nila ang katotohanan” (“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na Mga Pagbabago at Mga Pagbabago sa Disposiyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Malinaw na ipinaliliwanag sa atin ng salita ng Makapangyarihang Diyos ang diwa at pinagmumulan ng magandang pag-uugali. Ang magandang pag-uugali ng tao ay nagmumula sa kasigasigan, na mga pamumuhay base sa kanyang mga haka-haka tungkol sa mga panuntuan at regulasyon, hindi mula sa pagkaunawa sa pamumuhay ng mga prinsipyo matapos maunawaan ang maraming katotohanan, o ang hangaring mahalin at bigyang-kasiyahan ang Diyos mula sa pag-unawa sa Kanyang intensyon. Ang magandang pag-uugali ay nagmumula sa mga pagkaunawa at imahinasyono ng tao. Ang mga pagkaunawa at imahinasyon ng tao ay nagmumula sa kanyang sariling opinyon at likas na kasamaan. Kung gayon anuman ang gawin natin, anumang pasakit ang nararanasan o pinagbabayaran natin, hindi iyon pamumuhay sa katotohanan. Hindi ito nagpapahiwatig ng pagsunod sa Diyos o resulta ng gawain ng Banal na Espiritu. Kahit magpakita tayo ng magandang pag-uugali at kakayahang sundin ang mga panuntunan habang mukha tayong napaka-madasalin at espirituwal, puwede pa rin tayong magkasala at lumaban sa Diyos dahil sa ating pusakal na masamang disposisyon ni Satanas, sa hindi nawawalang ating pagiging likas na makasalanan, at kawalan ng tunay na pagkaunawa sa Diyos. Tulad ng nakikita natin, marami pa ring tao na may magandang pag-uugali ang madalas magkasala at magkumpisal ng kanilang mga kasalanan matapos manalig sa Diyos. Hindi ito maikakaila. Kapag nagpapakita sila ng magandang pag-uugali habang nagkakasala at lumalaban sa Diyos, sapat na patunay iyan na hindi sila sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit. Sadyang hindi sila nararapat sa papuri ng Diyos. Ang mga Fariseong Judio ay sumusunod sa batas at sa tingin ay mukhang perpekto ang pag-uugali. Pero nang dumating ang Panginoon para gumawa, bakit nila hibang na nilabanan, tinuligsa, pinagplanuhan, at ipinako ang Panginoong Jesus? Sapat na ito para ipaliwanag na ang paglaban nila sa Diyos ay likas sa kanila. Gaano man kaganda sa tingin ang kanilang pag-uugali, hindi niyan ibig sabihin na naunawaan, sinunod at kasundo nila ang Diyos, ni sinunod ang kalooban ng Diyos at napabanal sila. Kung gusto nating mawala ang ating pagiging likas na makasalanan at mapabanal, kailangan nating maranasan ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, maunawaan ang maraming katotohanang naroon at magtamo ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, sa gayo’y tunay tayo susunod at matatakot sa Diyos. Kung hindi ay hindi malilinis at mababago kailanman ang masamang disposisyon ni Satanas na malalim na nakatanim sa atin, at hindi tayo makakasundo ng Diyos at makakapasok sa Kanyang kaharian kailanman.

Tinubos lang tayo ng Panginoong Jesus. Kung gayon, noong Kapanahunan ng Biyaya, hindi puwedeng makalaya ang tao sa kanyang mga kasalanan at maging banal, paano man sila nagsikap o nagbasa ng Biblia. Sa mga huling araw, sisimulan ng Diyos ang Kanyang paghatol mula sa Kanyang tahanan ayon sa mga hakbang ng Kanyang plano sa pamamahala para iligtas ang sangkatauhan; sa pamamagitan ng gawaing ito, lilinisin at babaguhin Niya ang sangkatauhan, para mapawalang-sala sila at maging banal. Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang masamang disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (“Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagka’t ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Nguni’t ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob nila at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos; hindi nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang masamang disposisyon ng tao at hinihingi sa tao na magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay nagpaging-ganap sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano sa pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula riyan, nakikita natin na itinakda ng pagtubos ng Panginoong Jesus ang pundasyon ng gawain ng Diyos na magligtas sa mga huling araw at ang paghatol sa mga huling araw ang pinakamahalaga, ang sentro, ng gawain ng Diyos na magligtas. ‘Yan ang susi, ang pinakamahalagang bahagi ng pagliligtas sa sangkatauhan. Sa pagdanas sa gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Biyaya, pinatatawad ang ating mga sala, pero hindi tayo mapapawalang-sala, ni hindi tayo magiging banal. Ang paghatol lang ng Diyos sa mga huling araw ang makapagpapaunawa ng katotohanan sa tao, magpapakilala sa kanila sa Diyos, magpapabago sa kanilang mga disposisyon sa buhay, susunod at sasamba sa Diyos, at makakaisa ng Diyos. Ganyan tatapusin ng Diyos ang Kanyang plano sa pamamahala na iligtas ang sangkatauhan.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento