菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gawa ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gawa ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 28, 2019

Tagalog Christian Music "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" (Musical Documentary) | Power of God


Tagalog Christian Music "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" (Musical Documentary) | Power of God


Sa buong kalawakan ng sansinukob, lahat ng bagay sa kalawakan ay gumagalaw nang eksakto sa sarili nilang orbit. Sa ilalim ng kalangitan, mga bundok, mga ilog, at mga lawa, lahat ay may hangganan, at lahat ng nilalang ay nabubuhay at nagpaparami sa loob ng apat na panahon alinsunod sa mga batas ng buhay …. Napakaganda ng pagkadisenyo sa lahat ng ito—may Isang Makapangyarihan bang namamahala at nagsasaayos sa lahat ng ito? Mula nang dumating tayo sa mundong ito na umiiyak, nakapagsimula na tayong gumanap ng iba’t ibang papel sa buhay. Mula pagsilang hanggang pagtanda hanggang sa magkasakit at mamatay, kung minsa’y nagagalak tayo at kung minsa’y nalulungkot …. Saan ba talaga nanggagaling ang tao, at saan tayo talaga patutungo? Sino ang namamahala sa ating mga tadhana? Mula noong unang panahon hanggang sa makabagong panahon, nagsibangon ang mga dakilang bansa, nagdatingan at nangawala ang mga dinastiya, at ang mga bansa at mga tao ay umunlad at naglaho sa pahina ng kasaysayan…. Tulad sa mga batas ng kalikasan, ang mga batas sa pagsulong ng sangkatauhan ay nagtataglay ng walang katapusang mga hiwaga. Gusto mo bang malaman ang mga sagot sa mga ito? Ang dokumentaryong Siya na May Kapangyarihan sa Lahat ay gagabayan ka upang malaman ang pinag-ugatan nito, at para maihayag ang lahat ng hiwagang ito!

Manood ng higit pa: Koro ng Ebanghelyo Trailers

Okt 7, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Layunin ng Pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga Huling Araw





Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Layunin ng Pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga Huling Araw


I
Sa mga huling araw, ang Diyos ay naging tao
para gawin ang gawaing dapat Niyang gawin,
at gampanan ang Kanyang ministeryo ng salita.
Personal Siyang gumagawa sa piling ng tao,
dahil mithiin Niyang gawin silang perpekto
ang lahat ng kaayon ng Kanyang puso.
Mula sa paglikha hanggang ngayon,
nitong mga huling araw lang
nagkatawang-tao ang Diyos para gawin
ang napakalawak na gawain.
Pinagdurusahan Niya ang di matiis ng tao,
ngunit gawain Niya’y hindi naaantala kailanman,
kahit mapagkumbaba Siyang naging ordinaryong tao.

Ago 23, 2019

Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos


Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos


Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at sa bahaging dapat niyang gampanan upang maligtas. Gaano kalunus-lunos iyan!

Ago 13, 2019

Tagalog Christian Music | Ang Kahigitan at Kadakilaan ng Makapangyarihan-sa-lahat


Tagalog Christian Music
Ang Kahigitan at Kadakilaan ng Makapangyarihan-sa-lahat





I
Simbilis ng kidlat, mundo'y maaaring magbago
ng ideya't pagmamasid ng Diyos.
Darating, mga bagay na di pa narinig ng tao.
Taglay nila'y maglalaho.

Di maarok mga yapak ng Diyos.
Walang nakadarama ng kahigita't
kadakilaan ng lakas N'ya.
Dahil nakahihigit, dama Niya ang di madama ng iba.

Hul 28, 2019

Tanong 5: Sabi mo kailangang tanggapin ng mga taong nananalig sa Diyos ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at noon lang mababago ang kanilang masamang disposisyon. Pero, alinsunod sa mga ipinagagawa ng Panginoon, nagpapakumbaba at nagpapasensya tayo, minamahal natin ang ating mga kaaway, pinapasan ang ating krus, sinusupil ang ating katawan, tinatalikuran ang mga makamundong bagay, at nagsisikap at nangangaral para sa Panginoon at kung anu-ano pa. Kaya hindi ba mga pagbabago natin ang lahat ng ito? Hindi ba puwedeng maging mga kredensyal ang mga ito para sa pagpasok natin sa kaharian ng langit? Naniniwala ako na basta’t naghanap tayo sa ganitong paraan, mapapadalisay tayo, at makakapasok sa kaharian ng langit.

Sagot: Maaaring mahalin natin ang ating kaaway, magpasan tayo ng krus, labanan natin ang ating katawan, at ikalat natin ang ebanghelyo ng Panginoon. Mga positibong pag-uugali ito na nagmumula sa ating pananalig sa Panginoon. Ang ating pagpapakita ng magagandang pag-uugaling iyon ay nagpapahiwatig na tunay ang pananampalataya natin sa Panginoon. Ang magagandang pag-uugaling ito ay maaaring mukhang tama sa mga tao, na para bang alinsunod ito sa salita ng Diyos, pero hindi nito ibig sabihin na ipinamumuhay natin ang salita ng Diyos at sinusunod ang kalooban ng Ama sa langit, na hindi na tayo likas na makasalanan at napabanal na tayo. May dahilan kaya hindi natin puwedeng tingnan lang ang magagandang pag-uugali ng mga tao.

Hul 15, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Sipi)


Mga Pagbigkas ni Cristo | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Sipi)


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Hul 10, 2019

Isang Pagbasa ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI (Sipi)


Isang Pagbasa ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI (Sipi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao hanggang sa ang maaari nilang isipin ay pawang katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, tinitiis ang kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakrispisyo ang lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at sila’y gagawa ng anumang paghatol o pagpapasiya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan iginagapos ni Satanas ang tao sa kadenang hindi nakikita.

Hun 19, 2019

Pag-bigkas ng Diyos | Nakarating na ang Milenyong Kaharian

Salita ng Diyos,
Nakikita ba ninyo kung anong gawain ang tutuparin ng Diyos sa grupong ito ng mga tao? Sinabi ng Diyos, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga pagbigkas at tuluy-tuloy, at sa hinaharap ang mga pagbigkas ng Diyos ay direkta pang gagabay sa buhay ng tao sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos. Mula sa kalangitan nagpadala ang Diyos ng pagkain, tubig, at manna upang tamasahin ng mga tao, at ito ay ganito pa rin ngayon: Personal na nagpapadala ang Diyos ng mga bagay na kakainin at iinumin para tamasahin ng mga tao, at personal Siyang nagpapadala ng mga sumpa upang kastiguhin ang mga tao.

May 27, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Gawain at Pagpasok (1)

Mula pa nang ang mga tao ay nagsimulang tumahak sa tamang landas ng buhay, sila ay nananatili nang hindi-malinaw tungkol sa maraming bagay. Sila ay ganap pa ring nalalabuan tungkol sa gawain ng Diyos, at tungkol sa maraming gawain na dapat nilang gawin. Ito ay dahil, sa isang banda, sa pagkalihis ng kanilang karanasan at sa mga limitasyon sa kanilang kakayahang tumanggap; sa kabila, ito ay dahil hindi pa nadálá ng gawain ng Diyos ang mga tao sa yugtong ito. Kaya, ang lahat ay hindi maliwanag tungkol sa karamihan ng espirituwal na mga bagay. Hindi lamang na hindi-malinaw sa inyo kung ano ang inyong dapat pasukan; mas lalo kayong mangmang tungkol sa gawain ng Diyos.

May 18, 2019

Pag-bigkas ng Diyos | Marami ang mga Tinatawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahihirang


Marami Akong nahahanap sa lupa upang maging Aking mga tagasunod. Kabilang sa lahat nitong mga tagasunod, mayroon yaong mga nagsisilbing mga pari, yaong mga namumuno, yaong mga bumubuo sa mga lalaking-anak, yaong bumubuo sa mga tao, at yaong mga gumagawa ng serbisyo. Pinaghihiwa-hiwalay Ko sila tungo rito sa iba’t ibang kategorya batay sa katapatan na ipinakikita nila sa Akin. Kapag napagbukud-bukod na ang lahat ng mga tao ayon sa kanilang uri,

May 7, 2019

Pag-bigkas ng Diyos - Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan



Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ng panlupang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba,

Abr 26, 2019

1. Ano ang Gawain ng Pamamahala sa Sangkatauhan?

Kabanata 3 Dapat Mong Malaman ang Mga Katotohanan Tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos


1. Ano ang Gawain ng Pamamahala sa Sangkatauhan?

        Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan.Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan,

Abr 1, 2019

I Mga Klasikong Salita tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Pagliligtas sa Sangkatauhan


I Mga Klasikong Salita tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Pagliligtas sa Sangkatauhan



1. Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw.

Mar 25, 2019

Tagalog Christian Songs | "Ibang Panahon, Ibang Gawaing Banal"



Tagalog Christian Songs | "Ibang Panahon, Ibang Gawaing Banal"


Sa mga huling araw, ito ang pangunahing katotohanan
na "Ang Salita ay magiging tao"
na isinakatuparan ng Diyos.
I
Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na gawain sa lupa,
pinangyayari ng Diyos na makilala Siya ng tao,
pinangyayari na ang tao ay makipag-ugnayan sa Kanya,
at ginagawang makita ng tao ang Kanyang aktwal na gawa.

Mar 20, 2019

Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan (Tagalog Song)


Tagalog Praise Songs | "Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan" (Tagalog Christian Song)

Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.

I
Kung nararamdaman man ng tao ang kalooban Niya o hindi,
Siya ay walang humpay na nagpapatuloy sa gawain 
na kailangan Niyang gawin
Kung naiintindihan man ng tao ang pamamahala Niya o hindi,
Ang gawain ng Diyos ay nagdudulot ng tulong 
at tustos na maaaring madama ng lahat.
Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.

Mar 19, 2019

Pa’no ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Pa’no Niya hinahatulan ang tao, dinadalisay ang tao, at pineperpekto ang tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita? Isang bagay ‘to na kailangang-kailangan nating malaman. Kung nauunawaan natin ang gawa ng Makapangyarihang Diyos, kung gano’n, talagang naririnig natin ang tinig ng Diyos at iaakyat tayo sa harap ng trono ng Diyos. Pakipaliwanag mo pa sa ‘min nang mas detalyado!

Sagot: Ang pag-aaral kung pa’no ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay napakahalaga sa ating kakayahan na magkamit ng kaligtasan sa pamamagitan ng paghanap sa katotohanan. Gumagawa ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan para hatulan at linisin ang mga tao. Ginagawa Niya ‘yong mag-isa para iakyat ang Kanyang mga santo sa kaharian ng langit. Gano’n pa man, maraming mga mananampalataya sa komunidad ang hindi nakakaunawa sa nais ng Diyos. Iniisip nilang babalik ang Panginoon at agad na iaakyat ang lahat ng mga santo sa kaharian ng langit. Hindi sila naniniwalang pangungunahan Niya ang gawain ng paghatol at pagkastigo dahil, kung hinatulan at kinastigo Niya ang mga tao, hindi ba’t isusumpa at parurusahan Niya na rin sila? Samakatuwid, ayaw nilang tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw; hinihintay lang nila ang Panginoon na bumaba sa alapaap at iakyat sila sa kaharian ng langit. Ang totoo, isa ‘tong lubos na hindi pagkakaunawa sa kagustuhan ng Diyos.

Mar 4, 2019

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos"


Clip ng Pelikulang | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono (1) | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos


Kapag nahaharap sa kalungkutan ng mga iglesia at kadiliman sa espiritu, paano natin hahanapin ang mga yapak ng Panginoon? Mula sa mga sinaunang panahon inusig na ang totoong daan, at ang pagpapakita at gawain ng totoong Diyos ay palaging sasalubungin ng pinakamalupit na pagpigil at pag-uusig at ng pinakamalupit na pagtutol at pagkokondena ng mundo ng relihiyon at mga ateistang pamahalaan. Tulad ng sinabi sa Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19). Kaya saan man nagpapakita ang totong Diyos para isagawa ang Kanyang gawain, siguradong naririto ang mga tinig na pinakamalakas na nagkokondena sa Kanya. Ito ang paraan ng paghahanap sa mga yapak ng Panginoon.

Peb 17, 2019

Clip ng Pelikulang | "Ang mga Bungang Natamo ng Gawain ng Diyos na Nagkatawang-Tao"


Clip ng Pelikulang Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train | "Ang mga Bungang Natamo ng Gawain ng Diyos na Nagkatawang-Tao"


Ipinropesiya ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw, ang trigo ay ihihiwalay sa panirang damo, ang tupa sa mga kambing, at ang mabubuting alipin sa masasamang alipin. Alam mo ba kung paano natupad ang mga propesiyang ito? Gusto mo bang malaman kung paano hinihiwalay ng Diyos ang bawat isa sa kauri nila sa mga huling araw? Kung nais mong magtamo ng mas detalyadong pag-unawa, panoorin lamang ang maikling videong ito!

Dis 22, 2018

Paano Kikilatisin ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao (Mga Movie Clip)


The bible tagalog movies | "Paano Kikilatisin ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao" (Mga Movie Clip)


Sa relihiyosong mundo maraming tao ang hindi makilatis ang gawain ng Diyos mula sa gawain ng tao. Maraming mga tao ang itinuturing ang gawaing isinagawa ng mga sinasamba nila at hinahangaan bilang gawain ng Diyos, ngunit isinasaalang-alang ang gawain na isinagawa ng nagkatawang-taong Diyos bilang gawain ng tao. Hindi nila alam na nasasaktan nito ang disposisyon ng Diyos, na nilalabanan nila ang Diyos at nilalapastangan ang Diyos sa kabila ng paniniwala sa Kanya, at nagiging kaaway sila ng Diyos dahil dito. Kaya, ano ang aktwal na pagkakaiba sa gawain ng Diyos at gawain ng tao? Ano ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga taong ginagamit ng Diyos?