菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Cristong. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Cristong. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 4, 2017

Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa

   Kayong lahat ay nagagalak na makatanggap ng gantimpala sa harap ng Diyos at makilala ng Diyos. Ito ang nais ng bawat isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagkat ang tao ay naghahangad ng mas mataas na bagay ng buong puso at wala sa kanila ang may nais mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Sa ganitong katuwiran, marami sa inyo ang laging sinusubukan na makamit ang pagtangi ng Diyos na nasa langit, ngunit sa katotohanan, ang inyong katapatan at sinseridad sa Diyos ay sobrang kakaunti kumpara sa inyong katapatan at sinseridad sa sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat talagang hindi Ko kinikilala ang inyong katapatan sa Diyos, at lalong hindi Ko tatanggapin ang pagkakaroon ng Diyos sa loob ng inyong mga puso. Sa madaling sabi, ang Diyos na inyong sinasamba, ang malabong Diyos na inyong hinahangaan, ay talagang hindi namalagi. Ang dahilan kung bakit nasasabi Ko ito nang tiyak ay sapagkat napakalayo pa ninyo sa tunay na Diyos. Ang katapatan ninyong taglay ay galing sa pagkakaroon ng ibang diyus-diyosan sa inyong mga puso, at para sa Akin, ang Diyos na ipinapalagay bilang malaki o maliit sa inyong mga mata, kinikilala ninyo Ako sa salita lamang. Kapag nagsasalita Ako sa inyong malaking agwat mula sa Diyos, ang tinutukoy Ko ay kung gaano kayo kalayo sa tunay na Diyos, samantalang ang malabong Diyos ay parang napakadaling abutin. Kapag sinabi Kong “hindi dakila” ang tinutukoy nito ay kung paanong ang Diyos na inyong sinasampalatayanan sa kapanahunan ngayon ay mukhang tao lang na walang makapangyarihang kakayanan; isang tao na hindi masyadong matayog. At kapag sinabi Kong “hindi maliit”, ang ibig sabihin nito ay kahit ang taong ito ay hindi kayang tawagin ang hangin at utusan ang ulan, kaya Niyang tumawag sa Espiritu ng Diyos para gumawa ng gawaing makayayanig sa langit at lupa, ito ang nakatutuliro sa tao. Sa panlabas na anyo, makikita kayong napakamasunurin sa Cristong nasa lupa, bagamat sa pinakadiwa wala kayong pananampalataya sa Kanya ni pag-ibig sa Kanya. Ang ibig Kong sabihin ay ang tunay ninyong sinasampalatayanan ay ang malabong Diyos sa inyong damdamin, at ang tunay ninyong minamahal ay ang Diyos ninyong hinahangad sa gabi at sa araw, ngunit hindi nakita ng personal kailanman. At para sa Cristong ito, ang pananampalataya ninyo ay maliit na bahagi lamang, at ang inyong pag-ibig sa Kanya ay balewala. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay paniniwala at pagtitiwala; ang ibig sabihin ng pag-ibig ay pagsamba at ang paghanga sa puso, na kailanma’y hindi maghihiwalay. Gayunman ang inyong pananampalataya at pag-ibig kay Cristo sa panahong ito ay malayong makaabot dito. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo sumampalataya sa Kanya? Pagdating sa pag-ibig, paano bang Siya ay minamahal ninyo? Wala kayong alam sa Kanyang disposisyon, lalong higit pa sa Kanyang sangkap, kaya’t paano kayo nagkaroon ng pananampalataya sa Kanya? Nasaan ang katotohanan ng inyong pananampalataya sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang inyong katotohanan sa pag-ibig sa Kanya?