菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaalaman. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaalaman. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 7, 2018

Pag-bigkas ng Diyos – Ang Landas… (2)

pag-ibig, paniniwala, katotohanan, buhay, Kaalaman

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Pag-bigkas ng Diyos – Ang Landas… (2)

    Marahil ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may bahagyang balangkas ng pagkakasunud-sunod, mga hakbang, at mga pamamaraan ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, nguni’t lagi Kong nadarama na mas mabuting magkaroon ng pag-aalaala o isang munting kabuuan para sa ating mga kapatirang lalaki at babae. Ginagamit Ko lamang ang pagkakataong ito upang sabihin nang bahagya kung ano ang nasa Aking puso; Hindi Ako nagsasalita tungkol sa anuman sa labas ng gawaing ito. Ako ay umaasa na ang mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking pakiramdam, at Ako rin ay mapagkumbabang humihiling na lahat ng mga bumabasa ng Aking mga salita ay uunawain at patatawarin ang Aking maliit na tayog, na ang Aking karanasan sa buhay ay tunay na ‘di-sapat, at totoong hindi Ko maitaas ang Aking ulo sa harap ng Diyos. Gayunpaman, lagi Kong nararamdaman na ang mga ito ay mga pang-kinauukulang dahilan lamang. Sa madaling salita, kung anuman, walang mga tao, mga kaganapan, o mga bagay ang makahahadlang sa ating pagsasamahan sa presensya ng Diyos, at Ako ay umaasa na ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may kakayahang gumawa nang mas masigasig sa harap ng Diyos kasama Ko. Nais Kong ialay ang sumusunod na panalangin: “O Diyos! Aking isinasamo na maawa Ka sa amin upang Ako at ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay sama-samang makikipagtunggali sa ilalim ng pagkasakop ng aming nagkakaisang simulain, maging tapat sa Iyo hanggang kamatayan, at huwag itong tatalikuran!” Ang mga salitang ito ang paninindigan na itinalaga Ko sa harap ng Diyos, subali’t maaari ding sabihin na ito’y Aking sariling salawikain bilang isang taong nasa laman na ginagamit ng Diyos. Naibahagi Ko na ito sa pagsasamahan sa mga kapatirang lalaki at babae na kasama Ko nang maraming ulit, at naibigay Ko na ito sa mga yaon na kasabay Ko bilang isang mensahe. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng mga tao rito, nguni’t kung anuman, Ako ay naniniwala na ang mga iyon ay hindi lamang mayroong aspeto ng pansariling pagsisikap, nguni’t higit pa, ang mga iyon ay may taglay ring aspeto ng teoryang pang-kinauukulan. Dahil dito, posible na may ilang mga tao na may tiyak na mga palagay, at maaari mong gawin ang mga salitang ito bilang iyong salawikain at tingnan kung gaano kalaki ang iyong magiging pagnanais na mahalin ang Diyos. May mga tao na magkakaroon ng tiyak na paniwala kapag binasa nila ang mga salitang ito, at iisipin: “Paanong ang gayong pang-araw-araw at karaniwang sinasabing bagay ay magbibigay sa mga tao ng matinding pagnanais na ibigin ang Diyos hanggang kamatayan? At ito ay walang kinalaman sa paksang ating tinatalakay, ‘Ang Landas.’” Aking kinikilala na ang mga salitang ito ay hindi gaanong kaakit-akit, subali’t lagi Kong naiisip na ito ay makapagdadala sa mga tao tungo sa tamang landas, at tutulutan silang sumailalim sa lahat ng uri ng mga pagsubok na nasa landas ng paniniwala sa Diyos nang hindi nasisiraan ng loob o umuurong. Ito ang kung bakit lagi Ko itong itinuturing bilang Aking salawikain, at Ako ay umaasa na maaari itong maingat na pag-isipan ng mga tao. Gayunpaman, ang Aking hangarin ay hindi upang pilitin ang bawa’t isa na tanggapin ang Aking sariling mga pananaw—ito ay isa lamang mungkahi. Anuman ang isipin ng ibang tao sa Akin, palagay Ko ay mauunawaan ng Diyos ang panloob na mga kaganapan sa bawa’t isa sa atin. Ang Diyos ay patuloy na gumagawa sa bawa’t isa sa atin, at ang Kanyang gawain ay walang kapaguran. Ito ay sapagka’t tayong lahat ay isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon—ito ang kung bakit Siya ay gumagawa sa atin sa ganitong paraan. Yaong mga isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon ay mapalad na makamit ang ganitong uri ng gawain ng Banal na Espiritu. Bilang isa sa kanila, damang-dama Ko ang kamahalan, pagiging kagalang-galang, gayundin ay ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Ito ang Diyos na kumakalinga sa atin. Ang ganitong uri ng nahuhulí, makaluma, maka-sistemang-piyudal, mapamahiin, at masamang imperyo ng uring-manggagawa ang nagsanhi na makamit ang ganitong uri ng gawain mula sa Diyos. Mula rito, malinaw na tayo, ang grupo ng mga taong ito sa huling kapanahunan, ay lubhang pinagpala. Ako ay naniniwala na lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na ang espirituwal na mga mata ay nabuksan upang makita ang gawaing ito ay iiyak lahat ng mga luha ng kagalakan para dito, at sa sandaling iyon, hindi mo ba ipahahayag ito sa Diyos sa pamamagitan ng pagsayaw na may kagalakan? Hindi mo ba iaaalay ang awit sa iyong puso sa Diyos? Sa sandaling iyon hindi mo ba ipakikita ang iyong kapasyahan sa Diyos at gagawa ng isa pang plano sa harap Niya? Palagay Ko ang lahat ng mga ito ay mga bagay na dapat gawin ng isang wastong mananampalataya sa Diyos. Bilang mga tao, Ako ay naniniwala na ang bawa’t isa sa atin ay dapat na magkaroon ng isang uri ng pagpapahayag sa harap ng Diyos. Ito ang dapat gawin ng isang tao na may mga damdamin. Kung titingnan ang kakayahan ng bawa’t isa sa atin gayundin ang ating mga lugar ng kapanganakan, ipinakikita nito kung gaanong kahihiyan ang tiniis ng Diyos upang makaparito sa ating kalagitnaan. Bagaman mayroon tayong kaunting kaalaman tungkol sa Diyos sa loob natin, batay sa ating nalalaman, ang Diyos ay napakadakila, napakataas, at napakarangal, ito ay sapat upang malaman kung gaano katindi ang Kanyang naging pagdurusa sa gitna ng sangkatauhan kung ikukumpara. Nguni’t ito ay malabo pa ring bagay na sabihin, at kaya lamang itong ituring ng mga tao bilang mga salita at mga doktrina. Ito ay sapagka’t yaong mga nasa kalagitnaan natin ay masyadong manhid at mahina-ang-isip. Ako ay maaari lamang magtiyagang ipaliwanag ang usaping ito sa lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na tatanggap dito upang ang ating mga espiritu ay maantig ng Espiritu ng Diyos. Nawa ay buksan ng Diyos ang ating espirituwal na mga mata upang ating makita ang halagang nabayaran ng Diyos, ang pagsisikap na Kanyang ginawa, at ang lakas na Kanyang nagugol para sa atin.

Ene 6, 2018

Pag-bigkas ng Diyos – Ang Landas… (1)

Ang Banal na Espiritu, Biyaya, kalooban, kaluwalhatian, Kaalaman

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Pag-bigkas ng Diyos – Ang Landas… (1)

     Sa buong buhay nila, walang tao ang nakaaalam kung anong uri ng mga kabiguan ang kanilang makakatagpo, ni nalalaman nila kung sa anong uri ng pagpipino sila mapapasailalim. Para sa ilan ito ay sa kanilang gawain, para sa ilan ito ay sa kanilang mga pagkakataon sa hinaharap, para sa ilan ito ay sa kanilang pamilyang pinagmulan, at para sa ilan ito ay sa kanilang pag-aasawa. Nguni’t ang kaibahan mula sa kanila ay na ngayon tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay nagdurusa para sa salita ng Diyos. Iyan ay, bilang isang naglilingkod sa Diyos, sila ay nagdusa ng mga kabiguan sa landas ng paniniwala sa Kanya, at ito ang landas na dinaraanan ng lahat ng mga mananampalataya at ito ang daan na tinatapakan ng lahat ng ating mga paa. Mula sa puntong ito ay opisyal nating sinisimulan ang ating landasin ng paniniwala sa Diyos, itinataas ang kurtina sa ating mga buhay bilang mga tao, at pumapasok tungo sa tamang landas ng buhay. Iyan ay, ito ang kung kailan pumapasok tayo tungo sa tamang landas na ang Diyos ay namumuhay kaagapay ng tao, na dinaraanan ng normal na mga tao. Bilang isa na tumatayo sa harap ng Diyos at naglilingkod sa Kanya, bilang isa na nagsusuot ng mga balabal ng isang saserdote sa templo, na may dibinong dignidad at awtoridad at kamahalan ng Diyos, Aking ginagawa ang sumusunod na pahayag sa lahat ng mga tao. Upang ipahayag ito nang mas malinaw: Ang maluwalhating mukha ng Diyos ang Aking kaluwalhatian, ang Kanyang plano ng pamamahala ang Aking sentro. Ako ay hindi naghahanap na magtamo ng makaisandaang ulit na mas marami sa mundong darating, nguni’t upang isakatuparan lamang ang kalooban ng Diyos sa mundong ito upang maaari Niyang matamasa ang isang maliit na bahagdan ng Kanyang kaluwalhatian sa lupa sanhi ng maliliit na mga pagsisikap na Aking ginagawa sa katawang-tao. Ito lamang ang Aking nasà. Sa Aking palagay, ito lamang ang Aking espirituwal na pagtutustos; Ako ay naniniwala na ang mga ito ang dapat na maging huling mga pananalita ng isa na namumuhay sa katawang-tao at siyang punô ng emosyon. Ito ang landas na tinatapakan ng Aking mga paa ngayon. Ako ay naniniwala na ang pananaw Kong ito ay ang Aking huling mga pananalita sa katawang-tao, at Ako ay umaasa na ang mga tao ay walang ibang mga paniwala o kaisipan tungkol sa Akin. Bagaman naibigay Ko na rito ang Aking lahat-lahat, hindi Ko pa rin nabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos sa langit. Ako ay labis-labis na nalulungkot—bakit ito ang nilalaman ng katawang-tao? Kaya, dahil sa mga bagay-bagay na Aking nagawa sa nakaraan gayundin ang gawain ng paglupig na naisakatuparan ng Diyos sa Akin, ngayon lamang Ako nakatamo ng mas malalim na pagkaunawa hinggil sa nilalaman ng sangkatauhan. Simula lamang doon Ako nakapagtakda ng pinakapangunahing pamantayan para sa Aking Sarili: ang hanapin lamang na maisakatuparan ang kalooban ng Diyos, ang ibigay rito ang Aking lahat-lahat, at mawalan ng anumang pabigat sa Aking konsensya. Hindi mahalaga sa Akin kung ano ang mga kinakailangan na itinalaga sa kanilang mga sarili ng iba na naglilingkod sa Diyos. Sa madaling salita, itinalaga Ko ang Aking puso sa pagsasakatuparan ng Kanyang kalooban. Ito ang Aking pagkukumpisal bilang isa sa Kanyang nilikha na naglilingkod sa harap Niya—isa na nailigtas at minamahal ng Diyos, at nakapagdusa ng Kanyang mga pagpalò. Ito ang pagkukumpisal ng isa na nababantayan, naiingatan, minamahal, at mabisang ginagamit ng Diyos. Mula ngayon, magpapatuloy Ako sa landas na ito hanggang maganap Ko ang mahalagang gawain na ipinagkatiwala sa Akin ng Diyos. Nguni’t sa Aking palagay, ang katapusan ng daan ay nakikita na dahil ang Kanyang gawain ay naganap na, at hanggang sa ngayon nagawa ng mga tao ang lahat ng kaya nilang gawin.

Dis 29, 2017

Pag-bigkas ng Diyos – Ang Kahulugan ng Tunay na Tao

Pananampalataya, Langit, buhay, Kaalaman, Papuri


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Pag-bigkas ng Diyos – Ang Kahulugan ng Tunay na Tao

    Ang pamamahala sa tao ay Aking tungkulin, at ang pagsakop Ko sa kanya ay mas lalo pang nakatalaga mula noong Aking nilikha ang mundo. Hindi alam ng mga tao na sila ay lubusan Kong lulupigin sa mga huling araw, hindi rin nila alam na ang katibayan sa aking pagdaig kay Satanas ay ang paglupig sa mga suwail na kaanib ng sangkatauhan. Ngunit naiparating Ko na sa Aking katunggali nang ito ay nakipagbuno sa Akin na Ako ang magiging manlulupig ng mga taong kinuha ni Satanas at matagal nang naging kanyang mga anak, at ang kanyang mga tapat na mga lingkod na nagbabantay sa kanyang tahanan. Ang orihinal kahulugan ng lupigin ay paggapi, manghiya. Ayon sa mga tao ng Israel, ito ay ang ganap na pagtalo, pagwasak, at pagkawala ng kakayahan pang lumaban sa Akin. Ngunit ngayon gaya ng gamit ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay ang manlupig. Dapat ninyong malaman na ang Aking layunin ay ang ganap na mabura at mapulbos ang masama sa sangkatauhan, upang ito ay hindi na maaaring maghimagsik laban sa Akin, o magkaroon pa ng hininga para antalain o abalahin ang Aking gawain. Sa gayon, kung ang mga tao ang tatanungin, ang ibig sabihin nito ay panlulupig. Anuman ang maging kahulugan ng salitang ito, ang Aking tungkulin ay ang talunin ang sangkatauhan. Tunay ngang ang sangkatauhan ay karugtong ng Aking pamamahala, ngunit upang mas maging tumpak, ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na lumalaban at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga supling ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga nagmana sa diablo na Akin nang kinamuhian at tinanggihan at kumalaban sa Akin. Ang kalangitan sa ibabaw ng buong sangkatauhan ay madilim at mapanglaw, wala ni isang kislap ng kaliwanagan. Ang mundo ng mga tao ay nasa matinding karimlan, at kapag nanirahan sa loob nito ang sinuman ay hindi man lang niya makikita ang kanyang sariling kamay kapag ito ay iniunat niya sa kanyang harapan at hindi niya makikita ang araw sa kanyang pagtingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa ay maputik at puno ng mga butas, at ito ay paliku-liko at paikot-ikot; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang mga sulok sa dilim ay puno ng mga labi ng mga patay. Ang mga malalamig at madidilim na mga sulok ay puno ng mga kawan ng mga demonyo na doon ay naninirahan. Sa buong sangkatauhan ang mga kawan ng mga demonyo ang dumarating at umaalis. Ang supling ng napakaraming halimaw na natatakpan ng dumi ay sama-samang nakikipaglaban sa isang marahas na pakikipagbuno, ang tunog nito ay nakapagpapakilabot sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa ganoong mundo, at sa gayong “makamundong paraiso”, saan makahahanap ang sinuman ng kaligayahan sa buhay? Saan pupunta ang sinuman upang mahanap ang kanyang hantungan sa buhay? Ang sangkatauhan, na noon pa man ay nayurakan na sa ilalim ng mga paa ni Satanas, ay kumikilos nang naaayon sa anyo ni Satanas—naging mismong larawan pa nito. Sila ang katibayan ng pagiging “malakas at malinaw na saksi,” ni Satanas. Ang gayong sangkatauhan, ang gayong mga latak, o ang gayong mga supling nitong tiwaling pamilya ng tao, paano sila makapagpapatotoo sa Diyos? Saan manggagaling ang Aking kaluwalhatian? Nasaan ang Aking saksi? Ang kaaway na naninindigan laban sa Akin at ginagawang tiwali ang sanagkatauhan ay naparumi na ang sangkatauhan, ang Aking likha, nag-uumapaw sa Aking kaluwalhatian at Aking pagsasabuhay. Ninakaw nito ang Aking kaluwalhatian, at ang ipinuno nito sa tao ay walang iba kundi lason na nahahaluang maigi ng kapangitan ni Satanas at ang katas mula sa bunga ng puno ng pagkaalam ng mabuti at masama. Sa simula, Aking nilkha ang sangkatauhan, samakatuwid, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay tunay at may hugis, puno ng buhay, puno ng sigla, at higit sa lahat, taglay ang pakikisama ng Aking kaluwalhatian. Iyon ay ang maluwalhating araw nang Aking lalangin ang tao. Sumunod doon, si Eba ay ginawa mula sa katawan ni Adan, ninuno din ng tao, kaya ang mga tao na Aking nilikha ay napuno ng Aking hininga at puspos ng Aking kaluwalhatian. Si Adan ay orihinal na gawa ng Aking kamay at siyang kumakatawan sa Aking kaanyuan. Kaya ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay ang Aking nilikha na puspos ng Aking sigla, puspos ng Aking kaluwalhatian, tunay at nasa mabuting anyo, mayroong kaluluwa at hininga. Siya ang tanging nilikha na pinagkalooban ng espiritu na maaaring kumatawan sa Akin, magtaglay ng Aking anyo, at tumanggap ng Aking hininga. Sa simula, si Eba ay ang pangalawang tao na pinakalooban ng hininga na aking ipinasiyang likhain, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay maging nilikha na magpapatuloy ng Aking kaluwalhatian, puno ng Aking sigla, at higit sa lahat ay mapagkalooban ng Aking kaluwalhatian. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya siya rin ay Aking kalarawan, dahil siya ang pangalawang tao na nilikha mula sa Aking sariling anyo. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay maging isang buhay na tao, nabigyan ng espiritu, nabubuhay na laman at buto, bilang Aking ikalawang patotoo at bilang Aking ikalawang anyo sa sangkatauhan. Sila ay mga ninuno ng sangkatauhan, ang kanyang dalisay at pinakamamahal na kayamanan, at orihinal na buhay na nilalang na may espiritu. Gayunman tinapakan at dinambong ng masama ang supling ng mga ninuno ng sangkatauhan, ikinulong ang mundo ng mga tao sa lubos na kadiliman, upang ang mga supling na ito ay hindi na naniniwala sa Aking pag-iral. At ang mas kasuklam-suklam ay sa parehong pagkakataon nang ginagawang tiwali at tinatapakan ng masama ang mga tao, malupit nitong kinukuha ang Aking kaluwalhatian, ang Aking patotoo, ang sigla na aking ipinagkaloob sa mga tao, ang hininga at buhay na hinipan Ko sa kanila, lahat ng Aking kaluwalhatian sa mundo ng mga tao, at lahat ng napakaingat na pagsisikap na Aking ipinuhunan sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at iniwala ang lahat ng Aking ipinagkaloob sa kanila, itinapon ang kaluwalhatian na Aking ipinagkaloob. Paano pa nila ihahayag na Ako ang Panginoon ng mga nilikha? Paano sila maniniwala sa Aking pag iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang pagpapakita ng Aking kaluwalhatian sa lupa? Paano tatanggapin ng mga apong lalaki at mga apong babae ang Diyos na itinuring na Panginoon ng mga nilikha ng kanilang sariling mga ninuno? Ang kaawa-awang mga apong lalaki at apong babae ay bukas-palad na ibinigay sa masama ang kaluwalhatian, ang anyo, at ang patotoo na Aking ipinagkaloob kina Adan at Eba, at ang buhay na ipinagkaloob sa sangkatauhan na kanilang inaasahan, na hindi iniisip kahit kaunti ang presensiya ng masama, at ibinigay ang lahat ng Aking kaluwalhatian dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng titulong “latak”? Paanong nangyari na ang gayong sangkatauhan, ang gayong mga demonyo, ang gayong mga naglalakad na bangkay, ang gayong mga anyo ni Satanas, ang gayong Aking mga kaaway ay magtataglay ng Aking kaluwalhatian? Babawiin Ko ang Aking kaluwalhatian, babawiin ang Aking patotoo sa mga tao at ang lahat na dati Kong pag aari, na Aking ibinigay sa sangkatauhan matagal na panahon na ang nakalilipas—lubusang lulupigin ang sangkatauhan. Ngunit dapat mong malaman, ang mga taong Aking nilikha ay mga banal na tao kasama ng Aking sariling anyo at Aking kaluwalhatian. Sila ay hindi dating kay Satanas, o sumailalim sa kanyang pang-aapak, ngunit lubos na ang Aking pagpapahayag, wala ni katiting na bakas ng lason. Kaya, hahayaan Kong malaman ng lahat na ang nais Ko lamang ay iyong nilikha ng Aking kamay, Aking minamahal na mga walang bahid na hindi kailanman kabilang sa kahit na anumang nilikha. Gayundin, Ako ay masisiyahan sa kanila at titingnan sila bilang Aking kaluwalhatian. Ngunit, ang Aking nais ay hindi ang sangkatauhan na pinasama ni Satanas, pag-aari ni Satanas ngayon, na hindi Ko na orihinal na nilikha. Dahil nais Kong bawiin ang Aking kaluwalhatian sa mundo ng mga tao, Aking lubos na lulupigin ang natitirang mga nakaligtas na sangkatauhan, bilang patunay ng Aking kaluwalhatian sa Aking tagumpay laban kay Satanas. Ginagamit Ko lamang ang Aking patotoo bilang kalinawan, bilang layunin ng Aking kagalakan. Ang gayon ay ang Aking layunin.

Dis 28, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa

Pananampalataya, paniniwala, katotohanan, buhay, Kaalaman

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa

    Ang mga tao ay naniwala sa Diyos sa mahabang panahon, gayon pa man karamihan sa kanila ay walang nauunawaan sa salitang “Diyos.” Sila lamang ay sumusunod sa isang pagkalito. Wala silang palatandaan sa kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit ang tao ay dapat maniwala sa Diyos o kung ano ba talaga ang Diyos. Kung alam lamang ng tao na sumampalataya at sumunod sa Diyos, ngunit hindi kung ano ang Diyos, ni hindi nila nauunawaan ang Diyos, kung gayon hindi ba ito ang pinakamalaking katatawanan sa mundo? Kahit na nakasaksi ang tao sa maraming makalangit na misteryo ngayon at nakarinig ng higit na malalim na kaalaman na hindi kailanman naunawaan ng tao noon, sila ay nasa dilim sa maraming pinakapayak, at mababaw na katotohanan. Ang ilan sa mga tao ay maaaring magsabi, “Kami ay naniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon. Paanong hindi natin maaaring malaman kung ano ang Diyos? Hindi ba tayo minamaliit nito?” Ngunit sa katotohanan, kahit na ang lahat ay sumusunod sa Akin ngayon, walang sinuman ang may anumang mga pag-unawa ng lahat ng gawa ngayon. Binibitawan nila ang kahit na pinakapayak at pinakamadaling katanungan, lalo na ang pinaka-komplikadong tanong ng “Diyos.” Dapat mong malaman ang mga katanungan na sinantabi mo muna at hindi matuklasan ang siyang iyong dapat pinaka-malaman, dahil ang alam mo lamang ay sundin ang karamihan ng sambayanan, hindi binibigyang pansin at hindi kinakalinga ang mga bagay na dapat ay ginagamit mo sa iyong sarili. Alam mo ba talaga kung bakit dapat kang magkaroon ng pananampalataya sa Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang tao? Bilang isang tao na may pananampalataya sa Diyos, kung ikaw ay mabigong maunawaan ang mga bagay na ito, hindi mo ba nawala ang iyong dignidad bilang isang mananampalataya ng Diyos? Ang Aking gawa ngayon ay ito: upang maunawaan ng tao ang kanilang kakanyahan, maunawaan ang lahat na Aking ginagawa, at malaman ang tunay na mukha ng Diyos—ito ang pagsasarang kilos ng Aking plano sa pamamahala, ang huling yugto ng Aking gawa. Kaya Ko sinasabi sa inyo ang lahat ng misteryo ng buhay nang maaga, upang lahat kayo ay maaaring tanggapin ito mula sa Akin. Dahil ito ay ang gawa sa huling panahon, dapat Kong sabihin sa inyo lahat ang katotohanan ng buhay na hindi ninyo pa nalaman noon, kahit na hindi niyo maunawaan ang mga ito at hindi kayang dalhin ang mga ito, dahil kayo ay masyadong kulang at walang paghahanda. Gusto Kong wakasan ang Aking gawa, upang matapos ang lahat ng Aking kinakailangan na gawa, at upang ipaalam sa inyo nang ganap ang kinakailangan ninyong gawin, baka kayo muli ay maligaw at maniwala sa panlilinlang ng kasamaan kapag dumating ang kadiliman. Maraming mga paraan na higit sa inyong pang-unawa, maraming mga bagay na hindi niyo maintindihan. Kayo ay masyadong mang-mang. Alam Ko ang inyong tayog at gayundin ang inyong mga pagkukulang. Samakatuwid, kahit na maraming salita na hindi ninyo kayang maintindihan, nais Ko pa rin sabihin sa inyo ang lahat ng mga katotohanang ito na hindi niyo pa kailanman naririnig—dahil lagi Akong nababahala kung, sa inyong kasalukuyang tayog, magagawa ninyong maging patotoo para sa Akin. Hindi sa minamaliit Ko kayo. Kayong lahat ay mga hayop na hindi dumaan sa Aking pormal na pagsasanay, at ito ay tunay na nakapagdududa kung gaano kalaki ang kapurihan na nasa sa inyo. Kahit na Ako ay naggugol ng napakaraming enerhiya sa inyo, ngunit tila walang positibong elemento ang nabubuhay sa inyo, habang ang negatibong elemento ay maaaring bilangin sa mga daliri at nakatuon lamang sa mga patotoo sa kahihiyan ni Satanas. Halos lahat ng bagay sa inyo ay lason ni Satanas. Nakatingin kayo sa Akin na mistulang lampas kayo sa kaligtasan. Kaya, ang mga bagay kung nasaan ang mga ito ngayon, tumingin Ako sa inyong iba’t ibang pagkilos, at sa wakas nalaman Ko ang inyong tunay na tayog. Kaya Ako ay patuloy na nababahala sa inyo: Umalis siya upang mabuhay sa kanyang sarili, ang kalalabasan ng tao ay magiging maayos kaysa o maihahambing sa kung ano siya ngayon? Hindi ba kayo nababalisa sa inyong mababang tayog? Maaari ba kayong maging tulad ng mga piniling tao ng Israel, tapat sa Akin at Akin lamang sa lahat ng pagkakataon? Ang inyong ipinapakita ay hindi ang harot ng mga bata sa paningin ng kanilang mga magulang, ngunit ang kalupitang lumalabas sa hayop kapag sila ay malayo sa hagupit ng kanilang amo. Dapat ninyong malaman ang inyong mga kalikasan, gayundin din ang kahinaan sa lahat ng inyong ibinabahagi, ang inyong karaniwang sakit. Kaya ang Akin lamang pangaral sa inyo ngayon ay maging patotoo para sa Akin. Huwag kailanman sa anumang pangyayari hayaan ang lumang sakit na muling sumiklab. Ang pinaka-mahalagang bagay ay magbigay ng pagpapatotoo. Iyan ang sentro ng Aking gawa. Dapat ninyong tanggapin ang Aking mga salita tulad ng pagtanggap ni Maria sa paghahayag ni Jehova sa kanyang panaginip, na may pananampalataya at gayon din ang pagsunod. Tanging ito ang kuwalipikado bilang pagiging malinis. Dahil kayo ang madalas nakaririnig ng Aking mga salita, ang Aking mga pinaka-pinagpala. Binibigay Ko sa inyo ang lahat ng Aking mga mahalagang pag-aari, ibinibigay nang ganap ang lahat sa inyo. Ang inyong katayuan at ng mga anak ng Israel, gayunpaman, ay higit na magkaiba, ganap na magkahiwalay na mundo. Ngunit kung ikukumpara sa kanila, kayo ay tumatanggap nang marami. Habang gipit silang naghihintay sa Aking pagpapakita, gumugugol kayo ng kaaya-ayang araw kasama Ako, nakikibahagi ng Aking mga kayamanan. Sa pamamagitan ng paghahambing, ano ang nagbibigay sa inyo ng karapatang magputak at makipagbangayan sa Akin at humingi ng bahagi ng Aking pag-aari? Hindi ba kayo nakakatanggap nang sapat? Binigyan kayo nang sobra, ngunit ang isinukli niyo sa Akin ay nakadudurog sa pusong kalungkutan at pagkabalisa at hindi mapigil na sama ng loob at kawalang-kasiyahan. Kayo ay masyadong karima-rimarim, at pumupukaw rin kayo ng awa. Kaya’t Ako ay walang pagpipilian kung hindi lunukin lahat ng Aking sama ng loob at magpasubali nang paulit-ulit. Sa mahigit ilang libong taon ng trabaho, hindi Ako nagdala ng anumang mga pagtutol sa sangkatauhan noon dahil Ako ay may natuklasan sa kasaysayan ng pag-unlad ng sangkatauhan, tanging ang mga panlilinlang lamang sa inyo ang pinaka-kilala. Sila ay tulad ng mahalagang mga mana na iniwan sa iyo sa pamamagitan ng mga sikat na “ninuno” ng unang panahon. Talagang galit Ako sa mga mas mababa kaysa sa baboy at aso. Kayo ay walang konsiyensya! Ang inyong karakter ay masyadong mababa! Ang inyong puso ay masyadong matigas! Kung kinuha Ko ang mga salita Ko at Aking mga gawa sa Israel, matagal Ko na dapat nakamit ang kaluwalhatian. Ngunit hindi gayon sa inyo. Sa inyo mayroon lamang malupit na kapabayaan, ang inyong malamig na balikat, at ang inyong mga palusot. Kayo ay walang pakiramdam at masyadong walang halaga!

Dis 18, 2017

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX

katotohanan, buhay, Kaalaman, pag-ibig, kapalaran

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX

Ang Diyos ang Pinagmumulan ng

Buhay Para sa Lahat ng mga Bagay (III)

    Sa loob ng panahong ito, napag-usapan natin ang tungkol sa maraming mga bagay na may kinalaman sa pagkilala sa Diyos at kailan lang ay napag-usapan natin ang tungkol sa isang bagay na napakahalaga sa paksang ito: Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng mga Bagay. Noong huli napag-usapan natin ang tungkol sa ilang mga aspeto ng kapaligiran para sa kaligtasan na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan, gayundin ang paghahanda ng Diyos ng lahat ng uri ng panustos na kailangan ng mga tao sa kanilang mga buhay. Sa katunayan, ang ginagawa ng Diyos ay hindi lamang ang maghanda ng isang kapaligiran para sa kaligtasan ng mga tao at hindi lamang upang ihanda ang kanilang pang-araw-araw na panustos, ngunit upang mabuo ang iba’t-ibang mga aspeto ng napakaraming misteryoso at kinakailangang gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan at para sa buhay ng mga tao. Ang lahat ng ito ay mga pagkilos ng Diyos. Ang mga pagkilos na ito ng Diyos ay hindi lamang limitado para sa Kanyang paghahanda ng isang kapaligiran para sa kaligtasan ng mga tao at sa kanilang pang-araw-araw na panustos—mayroon silang mas malawak na saklaw kaysa riyan. Bukod sa dalawang uri ng gawaing ito, naghahanda rin Siya ng maraming mga kapaligiran at mga kundisyon para sa kaligtasan na mahalaga para sa mga buhay ng tao. Ito ay isa pang paksa na ating tatalakayin sa araw na ito, na may kinalaman din sa mga pagkilos ng Diyos. Kung hindi, ang pag-usapan ito ngayon dito ay magiging walang kabuluhan. Kung gusto ng mga tao na makilala ang Diyos ngunit kung mayroon lamang silang isang literal at dogmatikong pagkaunawa ukol sa “Diyos,” ukol sa salitang iyon, o ukol sa lahat ng mga aspeto ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, iyon ay hindi tunay na pagkaunawa. Kaya ano ang landas sa pagkilala sa Diyos? Ito ang pagkilala sa Kanya, pagkilala sa bawat aspeto Niya sa pamamagitan ng Kanyang mga pagkilos. Kaya, kailangan magkaroon tayo sa susunod ng pagsasamahan tungkol sa mga pagkilos ng Diyos nang Kanyang nilikha ang lahat ng mga bagay. 

Dis 17, 2017

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII

Biblia, Kaligtasan, panginoon, Kaalaman,buhay

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII

Ang Diyos ang Pinagmumulan ng

Buhay ng Lahat ng mga Bagay (II)

    Ating ituloy ang paksa ng usapan mula nakaraan. Natatandaan ba ninyo kung ano ang paksang ating pinag-usapan noong nakaraan? (Ang Diyos ay ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay.) Ang “Ang Diyos ay ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng bagay” ay isa bang paksang malayo sa inyong loob? Kaya bang sabihin sa Akin ng sinuman ang pangunahing punto ng paksang ito na ating pinag-usapan noong nakaraan? (Sa pamamagitan ng paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay, nakikita ko na inaalagaan ng Diyos ang lahat ng bagay at ang sangkatauhan. Noong araw, lagi kong inakala na kapag ang Diyos ay nagbibigay-buhay sa tao, binibigay lamang Niya ang Kanyang salita sa Kanyang mga napiling tao, ngunit hindi ko kailanman nakita, sa pamamagitan ng mga kautusan sa lahat ng bagay, na inaalagaan ng Diyos ang sangkatauhan. Ito ay sa pamamagitan lamang ng pakikipag-usap ng Diyos sa aspetong ito ng katotohanan na nakikita ko ngayon na ang buhay ng lahat ng bagay ay ibinigay ng Diyos, na minamanipula ng Diyos ang mga kautusang ito, at na inaalagaan Niya ang lahat ng mga bagay. Mula sa paglikha Niya ng lahat ng bagay nakikita ko ang pag-ibig ng Diyos at nararamdaman na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng mga bagay.) Mm, noong nakaraan, una sa lahat, pinag-usapan natin ang tungkol sa paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay at paano Niya itinatag ang mga kautusan at mga alituntunin para sa kanila. Sa ilalim ng mga nasabing kautusan at sa ilalim ng mga nasabing alituntunin, lahat ng bagay ay nabubuhay at namamatay kasama ng tao at kasamang nabubuhay ng tao sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos at sa mga mata ng Diyos. Ano ang ating unang pinag-usapan? Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at ginamit ang Kanyang mga sariling pamamaraan upang itakda ang mga kautusan ng paglago para sa lahat ng mga bagay, pati na rin ang kanilang pagpapatuloy sa paglago at mga parisan, at itakda din ang mga pamamaraan ng lahat ng bagay na nabubuhay sa mundong ito, upang maaari silang patuloy na mamuhay at dumepende sa isa’t isa. Sa pagkakaroon ng mga nasabing pamamaraan at kautusan, ang lahat ng bagay ay kayang matagumpay at mapayapang mamuhay at sumibol sa lupaing ito. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng nasabing kapaligiran ay kaya ng tao na magkaroon ng isang pirming tahanan at kapaligirang titirahan, at sa ilalim ng pamamatnubay ng Diyos, patuloy pang umunlad at sumulong, umunlad at sumulong.

Dis 14, 2017

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V

karunungan, Biblia, katotohanan, buhay, Kaalaman

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V

Ang Kabanalan ng Diyos (II)

    Magandang gabi sa inyong lahat! (Magandang gabi sa Diyos na Makapangyarihan sa Lahat!) Ngayong araw, mga kapatid, kumanta tayo ng isang himno. Humanap ng isa na gusto ninyo at regular na ninyong kinakanta noon pa. (Nais naming kumanta ng isang himno ng salita ng Diyos “Dalisay na Pag-ibig na Walang Kapintasan.”)

Dis 13, 2017

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III

buhay, Diyos, kapalaran, Kaalaman, panginoon

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III

Ang Awtoridad ng Diyos (II)

   Ngayon ipagpapatuloy natin ang ating pagsasamahan tungkol sa temang “ Diyos Mismo, Ang Natatangi.” Nagkaroon na tayo ng dalawang pagsasama sa paksang ito, una tungkol sa awtoridad ng Diyos, at ang ikalawa tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Matapos pakinggan ang dalawang pagsasamang ito, natamo ba ninyo ang isang bagong pagkaunawa sa pagkakakilanlan, katayuan, at diwa ng Diyos? Ang mga kabatiran bang ito ay nakatulong upang matamo ninyo ang isang mas tunay na kaalaman at katotohanan sa pag-iral ng Diyos? Ngayon plano kong palawakin ang paksang “Awtoridad ng Diyos.”

Dis 7, 2017

Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama

Biyaya, kabanalan, kaluwalhatian, Pananampalataya, Kaalaman

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama

  Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, gumagabay sa direksyon ng pag-unlad mo, nagtatakda ng tadhana mo, at nagtutustos ng mga pangangailangan mo—sa katapus-tapusan, gaano ang nauunawaan mo at gaano ang totoong pagkakakilala mo tungkol sa Kanya? Alam mo ba kung ano ang ginagawa Niya sa iyo sa bawa’t araw? Alam mo ba ang mga prinsipyo at mga layunin na pinagbabatayan Niya ng bawa’t kilos Niya? Alam mo ba kung paano ka Niya ginagabayan? Alam mo ba ang paraan kung paano ka Niya tinutustusan? Alam mo ba ang mga pamamaraan ng Kanyang pag-aakay sa iyo? Alam mo ba kung ano ang nais Niyang makuha mula sa iyo at ano ang nais Niyang makamit sa iyo? Alam mo ba ang nagiging saloobin Niya pagdating sa iba’t ibang asal mo? Alam mo ba kung ikaw ay isang taong minamahal Niya? Alam mo ba ang pinanggagalingan ng Kanyang kagalakan, galit, kalungkutan, at tuwa, ang mga kaisipan at ideya sa likod ng mga iyon, at ang Kanyang kakanyahan? Alam mo ba, sa kahuli-hulihan, kung anong uring Diyos ang Diyos na ito na pinaniniwalaan mo? Ang mga ito ba at ang iba pang mga tanong na gaya niyan ay ang mga bagay na hindi mo pa kailanman naunawaan o napag-isipan? Sa iyong patuloy na paniniwala sa Diyos, ikaw ba, sa pamamagitan ng tunay na pagpapahalaga at pagdaranas ng mga salita ng Diyos, ay nalinawan na sa iyong maling mga pagkaunawa tungkol sa Kanya? Ikaw ba, matapos tanggapin ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, ay tunay na nagpapasakop at nagmamalasakit? Ikaw ba, sa gitna ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, ay nakaalam ng pagiging mapaghimagsik at maka-satanas na kalikasan ng tao at nagkamit ng kaunting kaunawaan tungkol sa kabanalan ng Diyos? Ikaw ba, sa ilalim ng paggabay at pagliliwanag ng salita ng Diyos, ay nagsimulang magkaroon ng bagong pananaw tungkol sa buhay? Ikaw ba, sa gitna ng pagsubok na ipinadala ng Diyos, ay nakaramdam ng Kanyang hindi pagpayag sa mga pagkakasala ng tao at maging kung ano ang Kanyang hinihingi sa iyo at paano ka Niya inililigtas? Kung hindi mo alam kung paano ang magkamali ng pagkaunawa sa Diyos, o kung paano lilinawin ang maling pagkaunawang ito, kung gayon masasabing hindi ka pa talaga nakapasok sa tunay na pakikipag-isa sa Diyos at hindi pa kailanman naintindihan ang Diyos, o kahit papaano masasabing hindi mo kailanman ninais na maintindihan Siya. Kung hindi mo alam kung ano ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, kung gayon tiyak na hindi mo alam kung ano ang pagpapasakop at pagmamalasakit, o kahit papaano hindi ka pa kailanman talagang nagpasakop o nagmalasakit sa Diyos. Kung hindi mo pa kailanman naranasan ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, kung gayon hindi mo talaga malalaman kung ano ang Kanyang kabanalan, at lalong hindi magiging malinaw sa iyo kung ano ang paghihimagsik ng tao. Kung hindi ka pa talaga kailanman nagkaroon ng tamang pananaw sa buhay, o tamang layunin sa buhay, kundi nalilito pa at hindi makapagdesisyon tungkol sa iyong magiging landas ng buhay sa hinaharap, maging hanggang sa puntong nag-aalangan kang magpatuloy, kung gayon tiyak na hindi mo pa kailanman tunay na natanggap ang pagliliwanag at paggabay ng Diyos, at masasabi ring hindi ka pa kailanman tunay na natustusan o napunuan ng mga salita ng Diyos. Kung hindi ka pa napasailalim sa pagsubok ng Diyos, malinaw na hindi mo talaga malalaman ang hindi pagpapaubaya ng Diyos sa mga kasalanan ng tao, o hindi mo maiintindihan ang sa kahuli-hulihan ay hinihingi ng Diyos sa iyo, at lalo na, kung ano ang gawain Niya ng pamamahala at pagliligtas sa tao. Gaano man karaming taon na naniwala ang isang tao sa Diyos, kung hindi pa niya kailanman naranasan o nadama ang anuman sa mga salita ng Diyos, kung gayon tiyak na hindi pa niya nilalakaran ang daan tungo sa kaligtasan, ang pananampalataya niya sa Diyos ay tiyak na walang tunay na laman, ang pagkakilala niya rin sa Diyos ay tiyak na wala, at malinaw na wala siyang kamuwang-muwang kung paano magpitagan sa Diyos.

Dis 5, 2017

Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa

buhay, Kaalaman, Pananampalataya, katotohanan, Langit

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa

  Sa paghusga sa mga kilos at gawa ng inyong buhay, kailangan ninyo lahat ang araw-araw na pagdaloy ng mga salita upang sustentuhan at maging bago muli kayo, dahil kayo ay masyadong may kakulangan, at ang inyong kaalamanat kakayahan upang makatanggap ay masyadong kakaunti. Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at palibot na walang katotohanan o mabuting pag-iisip. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na malaman Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang hindi malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalaman batay lamang sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga. Hindi ako kailanman nakatagpo ni isa na tunay na inilagay ang kanyang puso at espiritu sa Aking altar, na hindi kailanman nagalaw. Samakatuwid, hindi Ko nais na isiwalat nang walang kabuluhan ang lahat ng salita na nais Kong ipahayag sa sangkatauhan. Sa Aking puso, Ako ay nagpaplano lamang na kumpletuhin ang Aking hindi natapos na gawain at dalhin ang kaligtasan sa sangkatauhan na ililigtas ko pa lang. Gayon pa man, nais Ko para sa lahat na sumunod sa Akin upang makatanggap ng Aking kaligtasan at ang katotohanan ng Aking salita na ipinagkaloob sa tao. Umaasa ako na isang araw, kapag isinara mo ang iyong mga mata, makikita mo ang isang lupain kung saan ang samyo ay pupuno sa hangin at ang mga balon ng buhay na tubig ay dadaloy, hindi isang malamig, walang sigla na mundo kung saan ang mga kadiliman ng ulap ng kalangitan at mga alulong ay hindi kailanman magwawakas.

Dis 4, 2017

Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa

   Kayong lahat ay nagagalak na makatanggap ng gantimpala sa harap ng Diyos at makilala ng Diyos. Ito ang nais ng bawat isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagkat ang tao ay naghahangad ng mas mataas na bagay ng buong puso at wala sa kanila ang may nais mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Sa ganitong katuwiran, marami sa inyo ang laging sinusubukan na makamit ang pagtangi ng Diyos na nasa langit, ngunit sa katotohanan, ang inyong katapatan at sinseridad sa Diyos ay sobrang kakaunti kumpara sa inyong katapatan at sinseridad sa sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat talagang hindi Ko kinikilala ang inyong katapatan sa Diyos, at lalong hindi Ko tatanggapin ang pagkakaroon ng Diyos sa loob ng inyong mga puso. Sa madaling sabi, ang Diyos na inyong sinasamba, ang malabong Diyos na inyong hinahangaan, ay talagang hindi namalagi. Ang dahilan kung bakit nasasabi Ko ito nang tiyak ay sapagkat napakalayo pa ninyo sa tunay na Diyos. Ang katapatan ninyong taglay ay galing sa pagkakaroon ng ibang diyus-diyosan sa inyong mga puso, at para sa Akin, ang Diyos na ipinapalagay bilang malaki o maliit sa inyong mga mata, kinikilala ninyo Ako sa salita lamang. Kapag nagsasalita Ako sa inyong malaking agwat mula sa Diyos, ang tinutukoy Ko ay kung gaano kayo kalayo sa tunay na Diyos, samantalang ang malabong Diyos ay parang napakadaling abutin. Kapag sinabi Kong “hindi dakila” ang tinutukoy nito ay kung paanong ang Diyos na inyong sinasampalatayanan sa kapanahunan ngayon ay mukhang tao lang na walang makapangyarihang kakayanan; isang tao na hindi masyadong matayog. At kapag sinabi Kong “hindi maliit”, ang ibig sabihin nito ay kahit ang taong ito ay hindi kayang tawagin ang hangin at utusan ang ulan, kaya Niyang tumawag sa Espiritu ng Diyos para gumawa ng gawaing makayayanig sa langit at lupa, ito ang nakatutuliro sa tao. Sa panlabas na anyo, makikita kayong napakamasunurin sa Cristong nasa lupa, bagamat sa pinakadiwa wala kayong pananampalataya sa Kanya ni pag-ibig sa Kanya. Ang ibig Kong sabihin ay ang tunay ninyong sinasampalatayanan ay ang malabong Diyos sa inyong damdamin, at ang tunay ninyong minamahal ay ang Diyos ninyong hinahangad sa gabi at sa araw, ngunit hindi nakita ng personal kailanman. At para sa Cristong ito, ang pananampalataya ninyo ay maliit na bahagi lamang, at ang inyong pag-ibig sa Kanya ay balewala. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay paniniwala at pagtitiwala; ang ibig sabihin ng pag-ibig ay pagsamba at ang paghanga sa puso, na kailanma’y hindi maghihiwalay. Gayunman ang inyong pananampalataya at pag-ibig kay Cristo sa panahong ito ay malayong makaabot dito. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo sumampalataya sa Kanya? Pagdating sa pag-ibig, paano bang Siya ay minamahal ninyo? Wala kayong alam sa Kanyang disposisyon, lalong higit pa sa Kanyang sangkap, kaya’t paano kayo nagkaroon ng pananampalataya sa Kanya? Nasaan ang katotohanan ng inyong pananampalataya sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang inyong katotohanan sa pag-ibig sa Kanya?

Dis 1, 2017

Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan

Pananampalataya, Langit, katotohanan, Kaalaman,lahat ng bagay

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan

    Napakarami Kong nagawa kasama ninyo, at syempre, nakakapag-usap pati. Ngunit pakiramdam Ko na ang Aking mga salita at gawa ay hindi lubos na naabot ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Sapagkat sa mga huling araw, ang Aking mga ginawa ay hindi para sa kapakanan ng iisang tao o ilang mga tao lamang, nguni’t, upang mapatunayan ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, sa napakaraming dahilan—marahil ang kakulangan ng oras o abalang iskedyul sa trabaho—hindi nakayanan ng mga tao na maging pamilyar sa Akin at sa Aking disposisyon kahit bahagya lamang. Kaya’t sumulong Ako sa Aking bagong plano, ang Aking huling gawain, upang ilatag ang bagong pahina nang sa gayon lahat ng nakakakita sa Akin ay mapapahampas sa kanilang dibdib at iiyak nang walang humpay sa Aking presensya. Sapagkat dadalhin Ko ang katapusan sa sansinukob at sa buong mundo, at pagkatapos noon, ihahatid Ko ang lahat ng Aking disposisyon sa sansinukob para lahat ng nakakakilala at maging ang hindi sa Akin ay “magpipista ang mga mata” at makikita ang Aking pagdating sa mga tao, maging sa lupa kung saan ang lahat ng bagay ay dumarami. Ito ang Aking plano, ang nag-iisa Kong “pangungumpisal” simula nang nilikha Ko ang sansinukob. Nais Kong bukas-loob ninyong pagmasdan ang Aking bawat galaw, sapagkat ang Aking tungkod ay muling lalapit sa sansinukob, lalapit sa lahat nang tumututol sa Akin.

Nob 29, 2017

Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

pananampalataya sa Diyos, buhay, pananampalataya, Kaalaman, Langit

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

   Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang pinagdaanan na kahirapan; o marahil hindi ka sumailalim sa kahirapan at sa halip tumanggap ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang ordinaryo lamang. Sa kabila nito, ikaw ay nanatiling tagasunod ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagsasamahan tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya. Gayunman, aking pinaaalalahanan ang lahat ng magbabasa ng mga salitang ito na ang salita ng Diyos ay nakadirekta tungo sa lahat ng kumikilala sa Diyos at lahat ng sumusunod sa Diyos, hindi tungo sa lahat ng tao sa pangkalahatan, kabilang ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay nagsasalita para sa karamihan, sa lahat ng tao sa mundo, walang magiging epekto sa iyo kung gayon ang salita ng Diyos. Kaya, dapat mong ingatan ang lahat ng mga salita na malapit sa inyong puso, at huwag mong ilagay ang iyong sarili sa labas ng nasasakupan nito. Sa anumang pagkakataon, ating pag-usapan kung anong nangyayari sa ating tahanan.

Okt 18, 2017

Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,Kidlat ng Silanganan,  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo
Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Tao, at ang Salita na bumubuo sa Mismong Praktikal na Diyos, at ito ang tunay na kahulugan na Siya Mismo ang Praktikal na Diyos. Kung kilala mo lamang ang Tao—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at pagkatao—subalit hindi alam ang gawa ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at nagbibigay-pansin lamang sa Espiritu, at sa Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, hindi alam ang gawa ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, ito ay nagpapatunay na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos. Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pag-kilala at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pagkamkam sa mga patakaran at prinsipyo ng gawa ng Banal na Espiritu, at kung paano gumawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Samakatuwid, pati, kabilang ba dito ang pagkilala sa bawat pagkilos ng Diyos sa katawang-tao ay pinamumunuan ng Espiritu, at ang mga salita na Kanyang binibigkas ay direktang pahayag ng Espiritu. Kaya, kung nais mong makilala ang praktikal na Diyos, una mo dapat malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa sangkatauhan at sa pagka-Diyos; dito, kapalit nito, patungkol sa mga pahayag ng Espiritu, na kung saan kinaabalahan ng lahat.

Ago 31, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan sa Kaligtasan ng Diyos na Nagkatawang-tao

Mga-pagbigkas-ng-Makapangyarihang-Diyo-Kidlat-ng-Silanganan-Ang-Iglesia-ng-Makapangyarihang-Diyos


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan sa Kaligtasan ng Diyos na Nagkatawang-tao


Naging nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang katawang-tao na bagay, kundi ang tao, na katawang-tao at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang katawang-tao ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong nagkatawang-tao na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang may kamatayan na nilalang, na may katawang-tao at dugo, at ang Diyos lamang ang Nag-iisa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging tao ng Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa katawang-tao, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang sarili sa katawang-tao. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at pinangungunahan ang buhay ng isang karaniwan na tao, at yaong mga makakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsura na ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang banal na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao. Kahit ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa gitna ng tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa karaniwang mga bunga ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi tinatanggap ang Kanyang normal na pagkatao, ang Kanyang gawain ay maaari pa ring maging mabisa, at ang mga epekto na ito ay nakakamit salamat sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay walang pag-aalinlangan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, ang tao ay makakakuha ng sampung beses o dose-dosenang beses na higit na mga bagay kaysa sa mga pagkaintindi na umiiral sa gitna ng tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga pagkaintindi sa huli ay dapat na lahat ay lulunin ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit ng Kanyang gawain, na kung sabihin, ang kaalaman ng tao tungo sa Kanya, ay malayong mahigitan ang mga pagkaintindi ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang isipin o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sinumang tao sa katawang-tao; kahit na ang panlabas na balat ay magkapareho, ang sangkap ay hindi pareho. Ang Kanyang katawang-tao ay gumagawa ng maraming mga pagkaintindi sa gitna ng tao tungkol sa Diyos, gayon pa man ang Kanyang katawang-tao ay maaari ring payagan ang tao upang makakuha ng maraming kaalaman, at maaari ding lupigin ang sinumang tao na nagmamay-ari ng isang katulad na panlabas na balat. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi ang Diyos na may panlabas na balat ng isang tao, at walang maaaring ganap na tarukin o makaintindi sa Kanya. Ang isang hindi nakikita at hindi mahipo na Diyos ay minamahal at tinatanggap ng lahat. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Ang tao ay maaaring magbigay ng libreng renda sa kanyang imahinasyon, maaaring pumili ng kahit anong imahe na gusto niya bilang imahe ng Diyos upang malugod ang kanyang sarili at gawing masaya ang kanyang sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anuman na pinaka-kasiya-siya sa kanyang sariling Diyos, at na kung saan ang Diyos na ito ay pinakahanda na gawin, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, ang tao ay naniniwala na walang sinuman ang mas tapat at masipag kaysa kanya sa kabanalan sa Diyos, at na ang lahat ng iba ay mga Gentil na mga aso, at mga di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga malabo at batay sa doktrina ang paniniwala sa Diyos; ang kanilang hinahanap ay lahat ng higit na magkakapareho, na may kaunting pagkakaiba. Ito lamang dahil sa ang mga imahe ng Diyos sa kanilang mga imahinasyon ay naiiba, ngunit ang kanilang diwa ay tunay na pareho.