菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Disposisyon ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Disposisyon ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

May 31, 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos"


Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung hindi mo alam ang diwa ng Diyos, magiging imposible para sa iyo na magpakita sa Kanya ng pagpipitagan at pagkatakot, pero sa halip tanging walang pakundangang pagwawalang-bahala at paglihis, at bukod diyan, hindi na maiwawastong paglapastangan. Bagama’t ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay tunay na mahalaga at ang pag-alam sa diwa ng Diyos ay hindi dapat maliitin,walang sinuman ang kailanman ay lubusang nakapagsuri o nakapagsiyasat na sa mga isyung ito. Malinaw na binalewala ninyong lahat ang mga kautusang administratibo na ipinahayag Ko.

Ene 22, 2019

Tagalog Praise Songs | Ang Awtoridad ng Diyos ay Simbolo ng Kanyang Pagkakakilanlan



Tagalog Praise Songs | Ang Awtoridad ng Diyos ay Simbolo ng Kanyang Pagkakakilanlan


I
Ang Diyos ay buhay,
ang pinagmulan ng lahat ng buhay na nilalang.
Pinasusunod ng awtoridad ng Diyos
sa Kanyang mga salita ang lahat ng bagay,
maging nilalang ayon sa Kanyang mga salita,
mabubuhay at dadami sa pamamagitan ng utos ng Diyos.
Namumuno ang Diyos sa lahat ng buhay na nilalang,
at walang magiging paglihis magpakailanman.
Ang kapangyarihan ng Diyos
ay makakalikha ng anumang anyong
bagay na may buhay at sigla.
At ito ay ipinapasya ng buhay ng Diyos.