菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 7, 2020

Ito ang Tunay na Mabuting Tao


Moran Linyi City, Shandong Province

Mula noong bata pa ako, palagi ko nang binibigyan ng importansya ang tingin ng ibang tao sa akin at ang kanilang opinyon tungkol sa akin. Upang makakuha ako ng papuri mula sa ibang mga tao para sa lahat ng ginagawa ko, hindi ako kailanman nakipagtalo sa sinuman tuwing may lumilitaw na anumang bagay, upang maiwasang sirain ang mabuting imahe ng mga tao tungkol sa akin. Pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagpatuloy ako nang ganito, itinataguyod sa bawat posibleng paraan ang mabuting imahe ng aking mga kapatid tungkol sa akin. Dati, kapag may hinahawakan akong gawain, madalas na sinasabi ng aking lider na ang aking pagganap ay parang sa isang “palatangong-tao,” at hindi ang pagganap ng isang tao na nagsasagawa sa katotohanan.

Hul 25, 2020

Paano Ako Muntik nang Maging Hangal na Dalaga


Ni Li Fang, China

Noong taglagas ng 2002, si Sister Zhao na mula sa aking denominasyon, ang Iglesia ng Katotohanan, ay isinama sa aking tahanan ang kanyang pamangking si Sister Wang, para sabihin sa akin ang magandang balita tungkol sa pagparito ng Panginoon. Matapos ang ilang araw na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa detalyadong pagbabahagi ni Sister Wang, naunawaan ko na, mula sa paglikha ng daigdig hanggang sa ngayon, ang Diyos ay nagampanan na ang tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan.

Hul 19, 2020

Sino ang Hadlang Sa Daan Patungo sa Makalangit na Kaharian?


Ni Meng’ai, Malaysia

Nang taon na namatay ang aking asawa, matindi ang aking kalungkutan, at higit pa riyan nagkaroon ako ng dagdag na pasanin na pagpapalaki sa aking mga anak. Ang kahirapan ay biglang sumapit sa buhay ko, nguni’t nasa akin na noon pa ang pagmamahal ng Panginoon at, sa tulong ng aking mga kapatid, nalampasan ko ang mahirap na panahong ito. Upang suklian ang pagmamahal ng Panginoon, nagpatuloy ako sa pagdodonasyon at paglilingkod sa iglesia, at nagagawa ko na ang gayon sa loob ng mahigit sa tatlumpung taon. Sa panahong ito, nararanasan ko ang pag-unlad ng iglesia at nakita ang maluwalhating kaganapan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus.

Hul 8, 2020

Natagpuan Ko na ang Tunay na Kaligayahan


Ni Zhang Hua, Cambodia

Isinilang ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit hindi kami mayaman, minahal ng aking ama at ina ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos—masasabi mo talaga na masaya kami sa aming buhay-pamilya, at pinagpala. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa sarili ko: Kailangan kong makatagpo ng isang asawa na tatratuhin ako nang maayos, at pagkatapos ay bumuo ng isang maligaya at masayang pamilya. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ako naghahangad ng mga kayamanan—ang kailangan ko lamang ay isang mapagmahal na relasyon sa aking asawa at isang mapayapang buhay-pamilya.

Hun 30, 2020

Ang Panginoon Ay Nagpakita sa Silangan


Ni Qiu Zhen, Tsina

Isang araw, tinawag ako ng nakababatang kapatid kong babae para sabihing nakabalik siya mula sa hilaga at may mahalaga siyang bagay na gustong sabihin sa akin. Hiningi niyang puntahan ko siya kaagad. May pakiramdam ako na baka may masamang nangyari, kaya agad akong nagtungo sa bahay niya. Nang makarating ako sa lugar niya at makitang nagbabasa siya ng isang libro, saka lang nawala ang pagkabalisa ko. Nakita ako ng kapatid kong pumasok, agad siyang tumayo at masayang sinabi, “Qui Zhen! Sa pagkakataong ito sa hilaga may narinig akong magandang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na!”

Hun 22, 2020

Paglaya Mula sa Bitag ng Usap-usapan


Ni Xiaoyun, Tsina

Ako ay isang dating opisyal ng hukbong-sandatahan. Isang araw noong 1999, ipinangaral ng isang Koreanong pastor ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa akin. Dahil sa aking taimtim na pagsisikap, di-nagtagal ay ako ang naging tuon sa pagsasanay ng pastor at ng kanyang pangunahing katulong. Noong tag-araw ng 2000, nagpunta ang pastor sa Yunnan para sa isang maikling pagmimisyon sa tag-araw kasama ang mahigit sa isang dosenang estudyante sa kolehiyo mula sa Korean Gospel Church. Hindi inaasahan, natakot dito ang gobyernong CCP.

Hun 12, 2020

Pagtalo kay Satanas sa Labanan


Chang Moyang    Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

Sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag ikaw ay lumaban sa laman, tiyak na mayroon isang labanan sa iyong kalooban. Susubukan at hihimukin ni Satanas ang mga tao na sumunod dito, susubukan at uutusan sila na sundin ang mga pagkaintindi ng laman at panindigan ang mga interes ng laman—ngunit ang mga salita ng Diyos ay liliwanagan at paliliwanagin ang mga tao sa kalooban, at sa oras na iyon ay nasa iyo kung susundin ang Diyos o susundin si Satanas.

Hun 6, 2020

Pinapanata ang Aking Buhay sa Debosyon



Zhou Xuan    Lalawigan ng Shandong

Noong Abril 3, 2003, pumunta ako kasama ang isang kapatid para bisitahin ang isang bagong mananampalataya. Itong bagong mananampalataya ay hindi tiyak ang tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at sa huli’y isinumbong kami. Bilang resulta, apat na masasamang nakasibilyang pulis ang dumating at mapusok na pinilit kaming dalawa na pumasok sa kanilang sasakyan at dinala kami sa estasyon ng pulisya. Sa daan, sobra ang kaba ng puso ko, dahil may dala akong pager, isang bahagi ng listahan ng mga pangalan ng miyembro ng aming iglesia, at isang talaan. Natatakot ako na matutuklasan ng masamang pulis ang mga bagay na ito at mas lalo akong natakot na tatawagan ng aking mga kapatid ang aking pager, samakatuwid patuloy at dali-dali akong nanalangin sa Diyos nang taos-puso: “O Diyos, ano ang dapat kong gawin?

May 17, 2020

Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.



Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit. Kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap hanapin ang katibayan nito.

May 16, 2020

Inakay Ako ng mga Salita ng Diyos na Magpatotoo



Ni Xiao Min, Probinsya ng Shandong

Isinilang ako sa isang mahirap at di-maunlad na bahagi ng kanayunan at namuhay nang mahirap at maralita bilang isang bata. Upang magkaroon ng mas magandang buhay sa lalong madaling panahon, pagkatapos akong ikasal, nagsimula akong magtrabaho nang walang tigil. Gayunman, sa huli, nagkasakit ako dahil sa sobrang pagtatrabaho, at ang dati kong malakas at malusog na pangangatawan ay sinira ng mga karamdaman. Namuhay ako sa sakit na idinulot ng aking mga karamdaman at kumonsulta at nagpagamot ako sa mga doktor sa kung saan-saan. Bunga nito ay gumastos ako ng malaki, ngunit hindi gumaling ang mga karamdaman ko kahit kailan.

May 9, 2020

Masaya Kong Tinanggap ang Pagbabalik ng Panginoon


Ni Chuanyang, United States

Napakaginaw noong taglamig ng 2010 sa Estados Unidos. Maliban sa nanunuot na lamig na dala ng hangin at niyebe, ang mas matindi ay ang naramdaman ng aking puso na parang nabalot ito ng sa wari ay uri ng “matinding lamig.” Para sa amin na ang trabaho ay pagdedekorasyon ng interiyor ng bahay o gusali, pinakamahirap na panahon ng taon ang taglamig, dahil kapag nagsimula na ang taglamig kakaunti ang trabaho. Naranasan din namin na mawalan ng mga trabaho. Ang taon na ito ang unang taon ko sa Estados Unidos, bagong salta pa lamang ako rito, at pakiwari ko ay hindi ako pamilyar sa lahat ng bagay. Hindi rin madali ang magrenta ng apartment o maghanap ng trabaho—at puno ng paghihirap ang mga araw ko.

Abr 28, 2020

Ang Paghatol ay Nagsimula sa Pamilya ng Diyos



Aishen, Amerika

Ako ay isang Kristiyano. Nang una akong magsimulang maniwala sa Diyos, madalas akong makarinig ng mga sermon kung saan sinasabi ng mga tao, “Ang Panginoong Jesus ay ang Ating Manunubos. Siya ay ipinako sa krus para sa ating mga kasalanan. Si Jesus ay mahabagin at mapagmahal. Hangga’t lumalapit tayo nang madalas sa harap ng Panginoon at ikinukumpisal ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng panalangin, ang ating mga kasalanan ay patatawarin at sa pagbabalik ng Panginoon, makapapasok tayo sa kaharian ng langit.” Pagkatapos, napansin ko, nang basahin ko ang Biblia, maraming mga bahagi kung saan ang salitang “paghatol” ay binabanggit.

Abr 25, 2020

Ginabayan ng mga Salita ng Diyos, Nadaig Ko ang Panunupil ng mga Puwersa ng Kadiliman



Ni Wang Li, Zhejiang Province

 Sabay kami ng aking ina na nanalig sa Panginoong Jesus noon pa mang bata ako; sa mga panahon ng pagsunod ko sa Panginoong Jesus, madalas akong maantig sa Kanyang pagmamahal. Nadama ko na mahal na mahal Niya tayo kaya Siya nagpapako sa krus at ibinuwis Niya ang Kanyang dugo hanggang sa kahuli-hulihang patak nito upang tubusin tayo. Noong panahong iyon, mapagmahal at mapagsuporta sa isa’t isa ang lahat ng kapatid sa aming iglesia, pero sa kasamaang-palad ay nagdanas ng pag-uusig at panunupil ang aming pananampalataya sa Panginoon sa mga kamay ng gobyernong CCP. Ang pakahulugan ng gobyernong CCP sa pagiging Protestante at Katoliko as “xie jiaos,” at itinuring na “ilegal na mga pagtitipon” ang mga miting.

Abr 16, 2020

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kasama Nang Muli ng Diyos


Ni Jianding, Estados Unidos


Ipinanganak ako sa isang Katolikong pamilya, at mula sa murang edad ay tinuruan ako ng ina ko na magbasa ng Biblia. Iyon ay noong panahong binubuo ng Partido Komunista ng Tsina ang bansa pagkatapos ng digmaang sibil, at dahil sinusugpo ng pamahalaang CCP ang lahat ng relihiyon, 20 taong gulang na ako bago ako nagkaroon sa wakas ng pagkakataong magsimba at makinig sa mga sermon. Madalas sabihin sa amin ng pari: “Tayong mga Katoliko ay dapat ikumpisal nang tama ang mga kasalanan natin at magsisi. Dapat tayong gumawa ng mabuti, hindi ng masama, at laging dumalo sa Misa. Sa mga huling araw, darating ang Panginoon at hahatulan ang bawat isa at ipadadala ang mga tao sa langit o sa impiyerno base sa kanilang pag-uugali.

Abr 6, 2020

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagtuklas sa Misteryo ng Paghatol


Pagtuklas sa Misteryo ng Paghatol


Ni Enhui, Malaysia


Ang pangalan ko ay Enhui; Ako ay 46 na taong gulang. Nakatira ako sa Malaysia, at 27 taon na akong mananampalataya sa Panginoon. Noong Oktubre 2015, lumipat ako sa isa pang lungsod para magtrabaho. Ang mga kasamahan ko ay mayroon nang Facebook, na ginagamit nila para sa pagcha-chat, paghahanap ng mga bagong kaibigan, at pagpo-post. Nang makita nila na wala akong account sa Facebook, ginawan nila ako nito, at unti-unti kong natutuhan kung paano mag-online at gamitin ito. Kapag may oras ako, tinitingnan ko ang mga pino-post ng ilang kapatid na lalaki at babae sa Panginoon at ibinabahagi ko ang mga ito at nila-like ang mga ito.

Mar 12, 2020

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?


Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?


Siqiu    Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang

Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwa’t ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ng kasalatan sa buhay, at ng pag-iiwan ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o nagtitiis ng anumang iba pang mga kasawian sa buhay, kung gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Peb 28, 2020

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan | Matapos Maunawaan ang Katotohanan tungkol sa Kung Paano Makikilala ang Totoong Cristo at ang mga Huwad na Cristo, Hindi na Ako Nagbulag-bulagan Pa




Ni Xiangwang, Malaysia

Mula pagkabata palagi akong kasama ng aking ina, isang diyakono sa iglesia at guro sa Sunday School, sa pananampalataya sa Panginoon. Madalas akong dumalo sa mga pagtitipon at magbasa ng Biblia kasama siya at, sa paglaki ko, nalipat ako sa grupo ng mga kabataan mula sa grupo ng mga bata.

Ang pastor na responsable sa pagbibigay ng mga sermon sa grupo ng mga kabataan ay dalubhasa sa teolohiya. Madalas niyang sabihin sa amin na hindi madali ang maging pastor at na kung walang inspirasyon ng Banal na Espiritu, napakahirap manatili sa gawain ng pagiging pastor.

Dis 15, 2019

"Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" - Isang Kristiyano ang Kumilos nang Matapat at Pinagpala ng Diyos (Clips 1/2)


Tagalog Christian Movie | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 1/2) Isang Kristiyano ang Kumilos nang Matapat at Pinagpala ng Diyos


Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Ang Kristiyanog si Cheng Nuo ay isang doktor. Sa buhay niya, nagpunyagi siyang maging matapat na tao ayon sa mga salita ng Panginoon. Minsan, sa isang pagtatalo tungkol sa paggamot sa isang pasyente, ipinagtapat niya sa mga kapamilya ng isang pumanaw na pasyente ang mga pagkakamali ng ospital.

Hun 4, 2019

Mga Patotoo sa Biyaya ng Diyos | Nakita Ko ang Proteksyon ng Diyos sa Isang Karanasan

Yongxin, Siyudad ng Yibin, Lalawigan ng Sichuan

Hindi kami kailanman naniwala sa Diyos dati. Noong 2005, sa pag-angat ng Diyos, ang aking asawa, aking biyenan, aking tiyo at ako ay tinanggap ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Hindi nagtagal, ang iglesia ay nagsaayos para sa akin na gawin ang katungkulan ng pag-iingat ng mga libro. Pagkaraan nito, ang aming bahay ay nasunog, at sa panahon ng sunog na ito natanggap namin ang mahimalang proteksyon ng Diyos. Ang Diyos ay totoong makapangyarihan!

Isang araw noong Marso ng taong 2006, pagkatapos ng tanghalian bandang ika-1 ng hapon, ay nagniniyebe nang malakas sa labas. Ang aking asawa, anak na babae at ako ay nasa loob, pinapainit ang aming mga sarili sa apoy at naghihimay ng mais, nang bigla namin narinig ang isang tinig mula sa labas na malakas na sumisigaw, “Ang inyong bahay ay nasusunog! Bilisan ninyo, lumabas kayo at patayin ito!” Dali-dali kaming tumakbo palabas, at nakita na ang sunog ay natupok na ang bubong ng kusina at babuyan.

May 10, 2019

Mga Patotoo | Paalam sa mga Araw ng Pakikipagbuno sa Kapalaran

Yixin
Isang payak na nayon na napag-iwanan na ng panahon, ang aking mga magulang na hapung-hapo mula sa kanilang trabaho, isang buhay na gipit sa pinansyal … ito ang malulungkot na ala-ala na nakatatak sa aking murang isipan, ito ang mga una kong pagkakilala sa salitang “kapalaran.” Pagkatapos kong magsimulang mag-aral, sa unang pagkakataong narinig ko ang aking guro na nagsabi ng “Hawak mo ang iyong kapalaran sa sarili mong mga kamay,”