Tagalog Praise Songs | apat Ilagay Mo ang Paniwala sa Diyos Higit sa Lahat
I
Kung gusto mong manalig,
makamtan ang
Diyos at masiyahan sa Kanya,
kung di ka magtitiis ng sakit at magsisikap,
di mo magagawa ang mga bagay na 'to.
Nakakarinig ka ng maraming pangangaral.
Pero kahit gayon,
hindi iyo ang mga salitang iyon.
Dapat unawain ang mga ito, baguhin ang mga ito
sa isang bagay na sa'yo.
kung alam mong iyon ang pinakamahalaga sa buhay,
mas mahalaga kaysa kakainin o iinumin mo,
sa isusuot mo, o iba pang bagay sa lupa.
II
Sundin, isabuhay ang mga salitang ito,
hayaang gabayan ng mga ito ang pamumuhay mo,
nagdadala ng tunay na halaga't kahulugan sa buhay mo,
kaya magiging sulit sa iyo ang pakikinig sa mga salitang ito.
Kung di magbigay ng pagbuti
wala nang kabuluhang makinig ka pa.
Makikinabang ka lang sa pananalig sa Diyos,
kung alam mong iyon ang pinakamahalaga sa buhay,
mas mahalaga kaysa kakainin o iinumin mo,
sa isusuot mo, o iba pang bagay sa lupa.