菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na katotohanan.. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na katotohanan.. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 23, 2017

Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Muling Pinasigla Ang Isang Napabayaang Iglesia




Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Muling Pinasigla Ang Isang Napabayaang Iglesia

Matapos itakwil ng mga kapatiran sa isang pulungan ng iglesia ni Elder Liu Zhizhong ang mga kadena ng Biblia, binasa nila online ang tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sila ay binusog ng nabubuhay na tubig ng buhay, at nagawa nilang ibalik ang kanilang orihinal na pananampalataya at pagmamahal at kumpirmahin sa kanilang mga puso na ang Makapangyarihang Diyos ay ang ikalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Nang makita itong nangyari ni Elder Liu Zhizhong, nagawa ba niyang ibaba ang Biblia at hinangad na siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Mangyaring panoorin ang maikling video na ito!

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Set 14, 2017

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos

  Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan,Cristo , katotohanan.

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos

     Upang maunawaan ang layunin ng gawa ng Diyos, kung ano ang bungang makakamit sa pagiging tao, at ang kalooban ng Diyos tungo sa tao, ito ang dapat makamit ng bawat taong sumusunod sa Diyos. Ang kulang ngayon sa lahat ng tao ay ang kaalaman sa gawa ng Diyos. Hindi ganap na nauunawaan ni naiintindihan ng tao kung ano ang bumubuo sa mga gawa ng Diyos sa tao, ang lahat ng gawa ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos simula nang likhain ang mundo. Ang ganitong kakulangan ay hindi lamang nakikita saan mang dako ng relihiyosong mundo, kundi higit pa, sa lahat ng mananampalataya ng Diyos. Kapag dumating ang araw na tunay ngang mamasdan mo ang Diyos, at maunawaan ang karunungan ng Diyos; kapag namasdan mo ang lahat ng gawa ng Diyos at nakilala kung ano ang Diyos at ang kung ano ang mayroon Siya; kapag namasdan mo ang Kanyang kasaganaan, karunungan, himala, at lahat ng Kanyang mga gawa sa tao, ay saka mo makakamit ang matagumpay na pananampalataya sa Diyos. Nang sabihin na ang Diyos ay pumapaligid at lubhang masagana, ano ang ibig sabihin ng pumapaligid? Ano ang ibig sabihin ng kasaganaan? Kung hindi mo ito naunawaan, hindi ka maaaring ipalagay na mananampalataya ng Diyos. Bakit Ko sinasabing ang mga nasa relihiyosong mundo ay mga hindi nananampalataya sa Diyos at mga manggagawa ng kasamaan, at yaong mga kauri ng demonyo? Kapag sinabi Kong sila ay manggagawa ng kasamaan, ito ay dahil hindi nila maintindihan ang kalooban ng Diyos o makita ang Kanyang karunungan. Hindi kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang gawa sa kanila; sila’y mga bulag na hindi nakikita ang mga gawa ng Diyos. Sila yaong mga tinalikdan ng Diyos at walang taglay na kalinga at pag-iingat ng Diyos, lalo pa ang gawa ng Banal na Espiritu. Yaong mga walang gawa ng Diyos ay manggagawa ng kasamaan at naninindigan sa pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sinasabi Ko na mga sumasalungat sa Diyos ay yaong mga hindi kilala ang Diyos, yaong mga tumatanggap sa Diyos sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang salita ngunit hindi Siya kilala, yaong mga sumusunod sa Diyos pero hindi Siya dinidinig, at yaong mga nagsasaya sa biyaya ng Diyos ngunit hindi magagawang maging saksi sa Kanya. Kung walang pag-unawa sa layunin ng Diyos at sa gawa ng Diyos sa tao, hindi makaaayon ang tao sa puso ng Diyos, at hindi magagawang maging saksi sa Diyos. Ang dahilan kung bakit sumasalungat ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda, sa tiwaling disposisyon ng tao, at sa kabilang banda, sa kamangmangan tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pag-unawa sa mga prinsipyo ng gawa ng Diyos at ng Kanyang kalooban patungo sa tao. Ang dalawang aspetong ito ay nagsasama upang maging iisang kasaysayan ng paglaban ng tao sa Diyos. Ang mga baguhan sa pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos dahil ang pagsalungat ay nasa kanilang kalikasan, samantalang ang pagsalungat sa Diyos ng mga mananampalayatang may maraming taon na sa paniniwala ay bunga ng kamangmangan tungkol sa Diyos, samahan pa ng kanilang tiwaling disposisyon. Sa panahon bago naging tao ang Diyos, ang batayan ng kung ang tao ay sumalungat sa Diyos ay kung tinupad niya ang kautusang inihayag ng Diyos sa langit. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sinumang hindi tumupad sa kautusan ni Jehova ay yaong mga sumalungat sa Diyos; ang sinumang nagnakaw ng mga alay para kay Jehova, at ang sinumang nanindigan laban sa mga pinaboran ni Jehova ay yaong sumalungat sa Diyos at yaong pupukulin ng bato hanggang sa mamatay; ang sinumang hindi gumalang sa kanyang ama at ina, at ang sinumang nanakit o nanumpa ng kapwa ay yaong hindi tumupad sa mga kautusan. At ang lahat ng hindi tumupad sa kautusan ni Jehova ay yaong nanindigan na labanan Siya. Hindi na ganito sa Kapanahunan ng Biyaya, na ang sinumang nanindigan laban kay Jesus ay yaong nanindigan laban sa Diyos, at ang sinumang hindi sumunod sa mga salitang sinabi ni Jesus ay yaong nanindigan laban sa Diyos. Sa panahong ito, ang pagpapatunay na “pagsalungat sa Diyos” ay higit pang natukoy nang malinaw at mas tunay. Sa panahong hindi pa naging tao ang Diyos, ang batayan ng kung ang tao ay sumalungat sa Diyos ay batay sa kung ang tao ay sumamba at gumalang sa di-nakikitang Diyos na nasa langit. Ang kahulugan ng “pagsalungat sa Diyos” sa panahong iyon ay hindi lubusang tunay, dahil ang tao noon ay hindi maaaring makita ang Diyos ni malaman ang kanyang anyo o paano gumawa at magsalita ang Diyos. Walang mga pagkaintindi ang tao sa Diyos at may kalabuan ang paniniwala sa Diyos, dahil hindi pa Siya nagpakita sa tao. Samakatuwid, paano man naniwala ang tao sa Diyos sa kanilang imahinasyon, hindi pinarusahan ng Diyos ang tao o humingi ng higit pa mula sa tao, sapagka’t hindi talaga nakikita ng tao ang Diyos. Kapag nagiging tao ang Diyos at gumagawa kasama ang mga tao, ang lahat ay namamasdan ang Diyos at napapakinggan ang Kanyang mga salita, at nakikita ng lahat ang gawain ng Diyos sa laman. Sa panahong iyon, ang lahat ng mga pagkaintindi ng tao ay naglalahong parang bula. At para sa mga nakakita sa Diyos na nagpakita sa laman, ang lahat ng may pagsunod sa kanilang mga puso ay hindi mahuhusgahan, samantalang yaong mga sadyang naninindigan laban sa Kanya ay yaong itinuturing na kalaban ng Diyos. Ang mga naturang tao ay mga anticristo at mga kalaban na kusang-loob na naninindigan laban sa Diyos. Yaong may mga pagkaintindi tungkol sa Diyos nguni’t may kagalakang sumusunod ay hindi huhusgahan. Hinuhusgahan ng Diyos ang tao batay sa kanyang mga layunin at mga kilos, hindi kailanman sa kanyang mga kaisipan at mga ideya. Kung ang tao ay hinuhusgahan sa ganitong batayan, kung gayon wala ni isa ang makatatakas sa mabagsik na mga kamay ng Diyos. Yaong mga kusang-loob na naninindigan laban sa Diyos na nagkatawang-tao ay mapaparusahan dahil sa kanilang pagsuway. Ang kusang-loob nilang pagsalungat sa Diyos ay nagmumula sa kanilang mga pagkaintindi tungkol sa Kanya, na nagbunga ng kanilang paggambala sa gawa ng Diyos. Ang gayong mga tao ay sadyang lumalaban at sumisira sa gawa ng Diyos. Hindi lamang sila mayroong mga pagkaintindi sa Diyos, subalit ginagawa nila ito upang magambala ang Kanyang gawain, at dahil sa kadahilanang ito na ang ganitong pag-uugali ng mga tao ay huhusgahan. Yaong mga hindi kusang-loob na sumasama sa paggambala sa gawa ay hindi huhusgahan bilang makasalanan, sapagka’t nagawa nilang sadyang sumunod at hindi gumawa ng pagbuwag at paggambala. Ang naturang mga tao ay hindi huhusgahan. Gayunpaman, kung ang mga tao sa maraming taon ay naranasan ang gawa ng Diyos, at kung tinataglay pa rin nila ang kanilang mga pagkaintindi sa Diyos at hindi pa rin kayang malaman ang gawa ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa kabila ng maraming taong karanasan, ay pinagpapatuloy pa rin nilang panghawakan ang maraming pagkaintindi sa Diyos at hindi pa rin kayang kilalanin ang Diyos, at kahit hindi sila gumawa ng gulo nang mayroong maraming pagkaintindi sa Diyos sa kanilang mga puso, at kahit ang mga pagkaintindi na iyon ay hindi lumitaw, yaon ang mga taong wala ring paglilingkod sa gawa ng Diyos. Hindi nila kayang ipangaral ang ebanghelyo o maging saksi sa Diyos; sila ang mga taong walang silbi at mga hangal. Dahil hindi nila kilala ang Diyos at hindi nila kayang iwaksi ang kanilang mga pagkaintindi sa Diyos, sila ay hinuhusgahan. Maari itong sabihin nang ganito: Hindi bihira sa mga baguhan sa pananampalataya ang magkaroon ng mga pagkaintindi sa Diyos o ng kawalang-alam sa Kanya, ngunit di-pangkaraniwan sa mga may paniniwala nang maraming taon at maraming karanasan sa gawa ng Diyos ang pagkakaroon ng ganitong mga pagkaintindi, at mas lalo na para sa mga naturang tao ang kawalan ng kaalaman tungkol sa Diyos. At ang bunga ng ganitong di-pangkaraniwang kalagayan ng mga tao ay hinuhusgahan. Yaong ganoong mga di-pangkaraniwang tao ay mga walang silbi; sila yaong sukdulang sumasalungat sa Diyos at sila yaong nagpakasaya sa biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan. Sila yaong mga taong dapat alisin sa katapusan!

Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)




Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (5)


Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Set 11, 2017

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Masama ay Nararapat Parusahan

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Cristo , katotohanan.

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Masama ay Nararapat Parusahan
Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung ang lahat ng iyong pagkilos ay nasusubaybayan ng Diyos, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Matatawag kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at kasakdalan, ay mga matuwid at kinalulugdan ng Diyos. Habang mas tinatanggap ninyo ang mga Salita ng Diyos ngayon mismo, mas nagagawa ninyo matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga Salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan. Ito ang komisyon ng Diyos sa inyo, at kung ano ang dapat ninyong makamtan. Kung gumagamit kayo ng mga pananaw upang sukatin at ilarawan ang Diyos, na parang ang Diyos ay tulad ng isang di-nagbabagong imahen na gawa sa luwad, at kung nililimitahan ninyo ang Diyos sa Biblia, at pinipigilan ninyo Siya sa limitadong saklaw ng paggawa, ito ay nagpapatunay na hinatulan ninyo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, ang mga Hudyo sa panahon ng Lumang Tipan ay ginawang isang hinulmang idolo ang Diyos, na parang ang Diyos ay tatawagin lamang Mesiyas, at tanging Siya lang na tinatawag na Mesiyas ay Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba nila Siya na parang isang (walang buhay na) imaheng gawa sa luwad, pinako nila si Jesus sa krus sa panahong iyon, na hinatulan nila Siya ng kamatayan—at walang pag-aalinglangang pinarusahan ang inosenteng si Jesus ng kamatayan. Walang ginawang krimen ang Diyos, ngunit hindi pinalampas ng tao ang Diyos at di nagdalawang isip na bigyan Siya ng parusang katamayan. Sa gayon, pinako si Jesus sa krus. Ang tao ay laging naniniwala na hindi nagbabago ang Diyos, at inilalarawan Siya ayon sa Biblia, na parang nakita na ng tao ang pamamahala ng Diyos, na parang ang lahat ng mga ginawa ng Diyos ay nasa kamay ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, taglay nila ang labis na kayabangan, taglay nilang lahat ang talino sa pagsasalita nang maganda. Gaano man kalalim ang kaalaman mo tungkol sa Diyos, sinasabi ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, at wala ng iba pang mas tumututol sa Diyos, at hinatulan mo ang Diyos, sapagkat lubos kang walang kakayahang sundin ang gawain ng Diyos at ang lumakad sa landas na gawin kang perpekto ng Diyos. Bakit hindi kailanman nasisiyahan ang Diyos sa mga ginagawa ng tao? Dahil hindi kilala ng tao ang Diyos, masyado siyang maraming mga pananaw, sa halip na sundin ang katotohanan, lahat ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay nanggaling mula sa parehong hibla, matibay at hindi nababali. Kaya, sa Kanyang pagdating sa mundo ngayon, ang Diyos ay minsan pang ipinako sa krus ng tao. Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus. Gaano karami ang maaaring tawagin na matuwid dahil talagang kumikilos sila para sa kapakanan ng Diyos?

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan.

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal
      Gaano karaming relihiyosong kaugalian ang sinusunod mo? Ilang beses ka na bang nagrebelde laban sa salita ng Diyos at pinili ang iyong sariling landas? Ilang beses mo na bang isasagawa ang salita ng Diyos dahil tunay mong isinasaalang-alang ang Kanyang mga pasanin at hinahangad mong tuparin ang Kanyang nais? Unawain ang salita ng Diyos at isabuhay ito. Maging tapat sa iyong mga kilos at gawa; hindi ito pagsunod sa mga patakaran o ginagawa nang labag sa kalooban para sa pagkukunwari. Bagkus, ito ay ang pagsasagawa ng katotohanan at pamumuhay sa salita ng Diyos. Tanging ang pagsasagawa na tulad nito ang nakalulugod sa Diyos. Ang anumang kaugaliang nakalulugod sa Diyos ay hindi isang patakaran kundi isang pagsasagawa ng katotohanan.

Set 9, 2017

Paghihintay - Paano Tayo Dapat Mag-abang at Maghintay para sa Ikalawang Pagdating ng Panginoon?



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (1)

Sa muling pagdating ng Panginoon, bababa kaya Siya na nasa mga alapaap, o darating kaya Siya nang palihim na tulad ng isang magnanakaw? Paano mo haharapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon? Masyado ka bang natatakot na iligaw ng isang huwad na Cristo na tatanggi ka nang hanapin Siya, o gagawin mo ang bahagi ng matalinong birhen at maingat na dinggin ang tinig ng Diyos? Paano ba tayo dapat "mag-abang at maghintay" upang magagawa nating salubungin ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik? Panoorin ang maikling video na ito!


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.