菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na manlilikha. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na manlilikha. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 28, 2019

Tagalog Christian Music "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" (Musical Documentary) | Power of God


Tagalog Christian Music "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" (Musical Documentary) | Power of God


Sa buong kalawakan ng sansinukob, lahat ng bagay sa kalawakan ay gumagalaw nang eksakto sa sarili nilang orbit. Sa ilalim ng kalangitan, mga bundok, mga ilog, at mga lawa, lahat ay may hangganan, at lahat ng nilalang ay nabubuhay at nagpaparami sa loob ng apat na panahon alinsunod sa mga batas ng buhay …. Napakaganda ng pagkadisenyo sa lahat ng ito—may Isang Makapangyarihan bang namamahala at nagsasaayos sa lahat ng ito? Mula nang dumating tayo sa mundong ito na umiiyak, nakapagsimula na tayong gumanap ng iba’t ibang papel sa buhay. Mula pagsilang hanggang pagtanda hanggang sa magkasakit at mamatay, kung minsa’y nagagalak tayo at kung minsa’y nalulungkot …. Saan ba talaga nanggagaling ang tao, at saan tayo talaga patutungo? Sino ang namamahala sa ating mga tadhana? Mula noong unang panahon hanggang sa makabagong panahon, nagsibangon ang mga dakilang bansa, nagdatingan at nangawala ang mga dinastiya, at ang mga bansa at mga tao ay umunlad at naglaho sa pahina ng kasaysayan…. Tulad sa mga batas ng kalikasan, ang mga batas sa pagsulong ng sangkatauhan ay nagtataglay ng walang katapusang mga hiwaga. Gusto mo bang malaman ang mga sagot sa mga ito? Ang dokumentaryong Siya na May Kapangyarihan sa Lahat ay gagabayan ka upang malaman ang pinag-ugatan nito, at para maihayag ang lahat ng hiwagang ito!

Manood ng higit pa: Koro ng Ebanghelyo Trailers

Ago 13, 2019

Tagalog Christian Music | Ang Kahigitan at Kadakilaan ng Makapangyarihan-sa-lahat


Tagalog Christian Music
Ang Kahigitan at Kadakilaan ng Makapangyarihan-sa-lahat





I
Simbilis ng kidlat, mundo'y maaaring magbago
ng ideya't pagmamasid ng Diyos.
Darating, mga bagay na di pa narinig ng tao.
Taglay nila'y maglalaho.

Di maarok mga yapak ng Diyos.
Walang nakadarama ng kahigita't
kadakilaan ng lakas N'ya.
Dahil nakahihigit, dama Niya ang di madama ng iba.

Hun 3, 2019

Pag-bigkas ng Diyos | Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

Jesus,Cristo

Pag-bigkas ng Diyos | Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Persona, at ang Salita ang bumubuo sa praktikal na Diyos Mismo, at ito ang tunay na kahulugan ng praktikal na Diyos Mismo. Kung kilala mo lamang ang Persona—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at pagkatao—subali’t hindi alam ang gawa ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at kung nagbibigay-pansin ka lamang sa Espiritu, at sa Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu,