菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na mga pangako ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na mga pangako ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 12, 2019

Namatay sa krus ang Panginoong Jesus para sa atin. Tinubos niya tayo sa mga kasalanan at pinatawad ang ating mga sala, ginawa Niya ito para iligtas tayo at ipinagkaloob sa atin na makapasok sa kaharian ng langit. Kahit patuloy tayong nagkakasala at kailangan pa tayong linisin, pinatawad ng Panginoon ang lahat ng kasalanan natin at ginawa tayong karapat-dapat sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Akala ko hangga’t isinasakripisyo natin ang lahat para makagawa para sa Panginoon, hangga’t payag tayong magtiis ng paghihirap at magbigay ng kabayaran, papayagan tayong makapasok sa kaharian ng langit. Akala ko ‘yon ang pinangako sa atin ng Panginoon. Gano’n pa man, ilan sa mga kapatid natin ang kumukwestyon ngayon sa paniniwalang ‘yon. Sabi nila kahit daw nagsikap tayo para sa Panginoon, madalas pa rin tayong magkasala at ikinukumpisal ang mga kasalanan natin, kaya hindi pa rin tayo nalilinis. Inihayag nila na banal ang Panginoon, kaya hindi Siya maaaring makita ng mga taong hindi banal. Ang tanong ko ay: Tayong mga isinakripisyo ang lahat para sa Panginoon, talaga bang madadala tayo sa kaharian ng langit? Talagang hindi pa natin alam ang sagot sa tanong na ‘yon, kaya gusto naming kausapin niyo kami tungkol do’n.

Sagot: Ang iniisip ng lahat ng mga sumasampalataya sa Panginoon: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus nang mamatay Siya sa krus, kaya pinatawad na tayo sa lahat ng kasalanan. Hindi na tayo nakikita ng Panginoon bilang mga makasalanan. Naging matuwid na tayo sa pamamagitan ng ating pananalig. Basta magtitiis tayo hanggang sa huli, Pagbalik ng Panginoon, agad tayong dadalhin sa alapaap papunta sa kaharian ng langit. Bueno, ‘yon ba ang katotohanan? Nagbigay ba ang Diyos ng ano ma’ng pruweba sa Kanyang mga salita para patunayan ang pahayag na ‘yon? Kung hindi naaayon sa katotohanan ang pananaw na ito, ano ang magiging mga epekto? Dapat gamitin nating mga sumasampalataya sa Panginoon ang mga salita Niya bilang basehan para sa lahat ng bagay. Sadyang totoo ‘yon pagdating sa tanong kung paano ilalarawan ang pagbabalik ng Panginoon. Kahit ano’ng mangyari, hindi natin dapat ilarawan ang Kanyang pagbabalik ayon sa mga pagkaintindi at imahinasyon ng tao. Napakaseryoso ng epekto ng gano’ng pag-uugali para pag-aralang mabuti.

Peb 14, 2019

Sinasalubong ng Matatalinong Birhen ang Kasintahang Lalaki | Dumating ang taong 2019.



Sinasalubong ng Matatalinong Birhen ang Kasintahang Lalaki | Dumating ang taong 2019. Paano dapat salubungin ng mga Kristiyano ang pagbabalik ng Panginoon?



Ngayon na ang katapusan ng mga huling araw, at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay talagang nagkakatotoo na. Maraming mga Kristiyano ay may kutob na ang Panginoon ay nagbalik na. Kung gayon, paano dapat batiin ng mga Kristiyano ang pagbabalik ng Panginoon? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan." (Lucas 11:10).
"Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart