Tagalog Christian Movies | "Ano ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga Taong Ginamit ng Diyos?" (Mga Movie Clip)
Sinasabi ng Diyos, "Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi isang tao na ginamit ng Diyos; dito, may malaking pagkakaiba" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan, at dalawang beses na nagkaroon ng mga taong ginamit ng Diyos na nakikipagtulungan sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Ang parehong nagkatawang-taong Diyos at mga taong ginagamit ng Diyos ay nagtataglay ng normal na pagkatao at gawain ng Banal na Espiritu, ngunit ano ba talaga ang pagkakaiba ng kanilang mga sangkap? At paano ba dapat natin aalamin ang nagkatawang-taong Diyos? Ibinunyag ang mga sagot sa maigsing video na ito.
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento