菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Video. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Video. Ipakita ang lahat ng mga post

Peb 3, 2020

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |"Kaligtasan" | Have You Truly Been Saved?


Tagalog Christian Movies | "Kaligtasan" | Have You Truly Been Saved? (Tagalog Dubbed)


Ano ang kaligtasan? Iniisip ng mga nananalig sa Panginoong Jesus na kung taos-puso silang magdarasal sa Panginoon, magtatapat ng kanilang mga kasalanan, at magsisisi, mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, at pagkakalooban sila ng kaligtasan, at pagdating ng Panginoon, diretso silang iaakyat sa kaharian ng langit. Pero gayon ba talaga kasimple ang kaligtasan?

Ang bida ng pelikula, si Xu Zhiqian, ay maraming taon nang nananalig sa Diyos, marubdob na naglilingkod sa Kanya, at tinalikuran ang lahat para gampanan ang kanyang mga tungkulin. Dahil dito, inaresto siya at pinahirapan ng Chinese Communist Party.

Hul 31, 2019

Tagalog Christian Movie 2019 | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" Only the Honest Can Enter God's Kingdom


Tagalog Christian Movie 2019 | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" Only the Honest Can Enter God's Kingdom


Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na matatapat na tao lamang ang makakapasok sa kaharian ng langit; matatapat na tao lang ang maaaring maging mga tao ng kaharian. Ikinukuwento ng pelikulang ito ang karanasan ng Kristiyanong si Cheng Nuo sa gawain ng Diyos at ang patuloy na paghahangad niyang maging matapat na tao sa buhay.

Hun 14, 2019

Tagalog Christian Movies | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom



Tagalog Christian Movies | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom


Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na matatapat na tao lamang ang makakapasok sa kaharian ng langit; matatapat na tao lang ang maaaring maging mga tao ng kaharian. Ikinukuwento ng pelikulang ito ang karanasan ng Kristiyanong si Cheng Nuo sa gawain ng Diyos at ang patuloy na paghahangad niyang maging matapat na tao sa buhay.
Doktor dati si Cheng Nuo. Kahit matapos maniwala sa Diyos, nang makaranas siya ng mga bagay na salungat sa sarili niyang interes at maharap sa kanyang pang-araw-araw na buhay, hindi pa rin niya napigilang magsinungaling at manlinlang.

Abr 7, 2019

Maikling Dula | "Isang Maling Liko" | Who Should We Listen to as We Believe in God?


Maikling Dula | "Isang Maling Liko" | Who Should We Listen to as We Believe in God?


Nang marinig ni Zhao Xun ang mga salitang binigkas ng nagbalik na Panginoon, nadama niyang ang mga salitang ito'y pawang katotohanan. Gayunman, natakot siya na napakaliit niya at hindi niya kayang makakilala, kaya gusto niyang hanapin ang kanyang pastor bilang tagapag-ingat ng pintuan.

Abr 3, 2019

Tagalog Christian Movies | Mga Pagkakaiba ng Daan ng Pagsisisi at Daan ng Walang Hanggang Buhay


Tagalog Christian Movies | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" - Mga Pagkakaiba ng Daan ng Pagsisisi at Daan ng Walang Hanggang Buhay (Clip 6/9)


Ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos. Isinasagawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos, ipinangangaral Niya ang daan ng pagsisisi. Isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang gawaing paghatol para linisin ang sangkatauahn, dinadala Niya ang daan ng walang hanggang buhay. Ngayon, kung gusto mong malaman ang mga pagkakaiba ng daan ng pagsisisi at daan ng walang buhay, panoon ang maikling video na ito.

Iba pa:Mahal kong mga kapatid, ang Panginoon ay darating. Nais mo bang malaman kung anong paraan babalik ang Panginoon? Maligayang pagdating upang panoorin ang mga clip ng pelikula tungkol sa pagbabalik ng Panginoon.

Mar 17, 2019

Upang Mapag-aralan ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos


Tagalog Christian Movies | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono (3) | "Upang Mapag-aralan ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos" 


Nagkatotoo na ang halos lahat ng propesiyang binanggit sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Naramdaman ng karamihan ng tao na nagbalik na ang Panginoon, kaya paano natin sisiyasatin ito para makatiyak tungkol sa kung ang Makapangyarihang Diyos nga ba ang nagbalik na Panginoong Jesus? Dapat ba tayong gumawa ng paghatol batay sa mga propesiya sa Biblia o dapat ba nating direktang siyasatin ang salita at gawain ng Makapangyarihang  Diyos? Paano natin gagamitin ang napakabihirang pagkakataong ito at salubungin ang pagbabalik ng ating Panginoon? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang kinakailangang mong gawin ay pagtanggap ng, hindi kailangan ng anumang patunay mula sa Biblia, anumang gawain hangga’t ito ay mula sa Banal na Espiritu, dahil ikaw ay naniniwala sa Diyos upang sundan ang Diyos, hindi upang siyasatin Siya. Hindi ka dapat maghanap ng karagdagang patunay para sa Akin upang ipakita na Ako ang iyong Diyos. Sa halip, kinakailangan mong aninawin kung Ako ay kapaki-pakinabang sa iyo; iyan ang susi" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mar 11, 2019

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?"


Tagalog Christian Movies | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono (2) | "Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?" 


Kasalukuyang dumaranas ng malalang taggutom ang buong mundo ng relihiyon, hindi na nila kasama ang gawain ng Banal na Espiritu o ang presensiya ng Panginoon, parami nang parami ang ginagawa nilang masasama, at humihina at lumalamig ang pananampalataya at awa ng mga mananampalataya. Bukod dito, nagiging malala ang mga sakuna sa buong mundo, nagkatotoo na ang mga propesiya na babalik ang Panginoon sa mga huling araw. Kaya paano natin malulutas ang ugat ng kalungkutan ng mga iglesia sa paraang muling haharap sa Diyos ang mga talagang naniniwala sa Diyos na uhaw sa pagpapakita ng Diyos at maglakad sa landas ng kaligtasan? Ipapakita sa iyo ng maikling video na ito kung paano lulutasin ang problemang ito ng kalungkutan sa mga iglesia.

Mar 4, 2019

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos"


Clip ng Pelikulang | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono (1) | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos


Kapag nahaharap sa kalungkutan ng mga iglesia at kadiliman sa espiritu, paano natin hahanapin ang mga yapak ng Panginoon? Mula sa mga sinaunang panahon inusig na ang totoong daan, at ang pagpapakita at gawain ng totoong Diyos ay palaging sasalubungin ng pinakamalupit na pagpigil at pag-uusig at ng pinakamalupit na pagtutol at pagkokondena ng mundo ng relihiyon at mga ateistang pamahalaan. Tulad ng sinabi sa Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19). Kaya saan man nagpapakita ang totong Diyos para isagawa ang Kanyang gawain, siguradong naririto ang mga tinig na pinakamalakas na nagkokondena sa Kanya. Ito ang paraan ng paghahanap sa mga yapak ng Panginoon.

Peb 25, 2019

Ipinagkakaloob ng Makapangyarihang Diyos sa Tao ang Daan Tungo sa Buhay na Walang Hanggan


Clip ng Pelikulang Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train - Ipinagkakaloob ng Makapangyarihang Diyos sa Tao ang Daan Tungo sa Buhay na Walang Hanggan


Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, kumapit nang mahigpit ang mga Judio sa kanilang batas at ayaw nilang tanggapin ang gawain ng Panginoong Jesus, na nagsadlak sa kanila sa kadiliman at pagkawala ng pagliligtas ng Diyos. Ngayon sa mga huling araw, pinananatili lang ng lahat ng relihiyon ang pangalan ng Panginoong Jesus at ayaw nilang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, kaya naging mas lalo itong naging mapanglaw at tigang na lugar. Bakit nga ba nagkagayon? Iyo’y dahil ang Diyos lamang ang bukal ng tubig ng buhay at Siya ang piangmumulan ng buhay ng lahat ng bagay. Sa pagsunod lamang sa gawain ng Diyos natatamo ng sangkatauhan ang buhay na tubig ng buhay, at natatamo ang katotohanan at buhay. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Peb 17, 2019

Clip ng Pelikulang | "Ang mga Bungang Natamo ng Gawain ng Diyos na Nagkatawang-Tao"


Clip ng Pelikulang Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train | "Ang mga Bungang Natamo ng Gawain ng Diyos na Nagkatawang-Tao"


Ipinropesiya ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw, ang trigo ay ihihiwalay sa panirang damo, ang tupa sa mga kambing, at ang mabubuting alipin sa masasamang alipin. Alam mo ba kung paano natupad ang mga propesiyang ito? Gusto mo bang malaman kung paano hinihiwalay ng Diyos ang bawat isa sa kauri nila sa mga huling araw? Kung nais mong magtamo ng mas detalyadong pag-unawa, panoorin lamang ang maikling videong ito!

Peb 11, 2019

Clip ng Pelikulang | "Nagsimula Na ang Paghatol sa Harap ng Malaking Tronong Puti"


Tagalog Christian Movies | "Nagsimula Na ang Paghatol sa Harap ng Malaking Tronong Puti"


Alam mo ba kung paano natupad ang paghatol ng malaking luklukang maputi na ipinropesiya sa Pahayag? Sa langit ba gagawin ang paghatol ng malaking luklukang maputi, o sa lupa? Ginagawa ba ito ng Diyos na nagkatawang-tao, o ng Espiritu? Isa-isang sasagutin ng maikling videong ito ang iyong mga tanong.

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Peb 2, 2019

Bakit Nagkakatawang-Tao ang Diyos para Gawin ang Kanyang Gawain sa mga Huling Araw


Clip ng Pelikulang Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train - Bakit Nagkakatawang-Tao ang Diyos para Gawin ang Kanyang Gawain sa mga Huling Araw

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapatotoo na sa mga huling araw ay muling nagkatawang-tao ang Panginoon para ipahayag ang katotohanan at gawin ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa mag-anak ng Diyos. Kaya bakit kailangan ng Diyos na magkatawang-tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Hindi ba kayang gawin ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito? Ano ang kaibhan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa gawain ng Espiritu?

Ene 27, 2019

Tagalog Christian Movies | Ang Muling Pagkakatawang-Tao ng Panginoon ay Tumutupad sa mga Propesiya sa Biblia


Tagalog Christian Movies | Ang Muling Pagkakatawang-Tao ng Panginoon ay Tumutupad sa mga Propesiya sa Biblia

Tungkol sa kung paano babalik ang Panginoon sa mga huling araw, sabi ng Panginoong Jesus, "Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating" (Lucas 12:40). "Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon di naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25). Ano ang tagong kahulugan ng "ang Anak ng tao ay darating" at "gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan" tulad ng binanggit sa mga talatang ito? Kung nagbabalik ang Panginoon sakay ng mga ulap, para "magbata ng maraming bagay" at "itakuwil ng lahing ito," paano ito nararapat unawain?

Ene 19, 2019

Tagalog Christian Movies | Ano ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga Taong Ginamit ng Diyos?


Tagalog Christian Movies | "Ano ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga Taong Ginamit ng Diyos?" (Mga Movie Clip)


Sinasabi ng Diyos, "Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi isang tao na ginamit ng Diyos; dito, may malaking pagkakaiba" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan, at dalawang beses na nagkaroon ng mga taong ginamit ng Diyos na nakikipagtulungan sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Ang parehong nagkatawang-taong Diyos at mga taong ginagamit ng Diyos ay nagtataglay ng normal na pagkatao at gawain ng Banal na Espiritu, ngunit ano ba talaga ang pagkakaiba ng kanilang mga sangkap? At paano ba dapat natin aalamin ang nagkatawang-taong Diyos? Ibinunyag ang mga sagot sa maigsing video na ito.

Ene 12, 2019

The bible tagalog movies | Ang Katotohanan ba ay Kayang Katawanin ng mga Salitang Winika ng Tao na Nakaayon sa Katotohanan?


The bible tagalog movies | "Ang Katotohanan ba ay Kayang Katawanin ng mga Salitang Winika ng Tao na Nakaayon sa Katotohanan?" (Mga Movie Clip)


Ang Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Tanging Diyos lang ang nagtataglay ng sangkap ng katotohanan. Ang Diyos Mismo ang katotohanan. Ngunit sa relihiyosong mundo maraming tao ang nagsasaalang-alang sa mga salitang winiwika ng mga taong ginagamit ng Diyos o may gawain ng Banal na Espiritu na nakaayon sa katotohanan bilang katotohanan. Isinasaalang-alang din nila ang mga masasamang aral at maling ideyang ipinaliwanag ng mga dakila't sikat na espirituwal na personalidad batay sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon bilang katotohanan. Dahil dito, nilinlang sila at binitag ng mga tao at naging mga taong lumalaban at nagkakanulo sa Diyos. Kaya ano ba talaga ang katotohanan? Ano ang tamang paraan ng pagtrato sa mga salitang nakaayon sa katotohanan na winiwika ng mga taong ginagamit ng Diyos at mga taong may gawain ng Banal na Espiritu?

Ene 6, 2019

Tagalog Christian Movies "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven


Tagalog Christian Movies "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven


Si Yu Fan  ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit. Pero nagduda ang kanyang mga kapanalig: Napatawad na tayo sa pananalig sa Panginoon at makapagsasakripisyo tayo at makapaglilingkod sa Panginoon, pero madalas tayong magkasala at nilalabanan natin ang Panginoon. Talaga bang makakapasok tayo sa kaharian ng langit sa ganitong paraan? … Matapos makausap at makadebate kalaunan ni Yu Fan ang mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan niya ang mga hiwaga ng pagdatng ng Panginoon at pagpasok sa kaharian ng langit, at sa wakas ay nagising mula sa kanyang panaginip …

Ene 4, 2019

Tagalog Christian Movies | "Ang Pagkilatis sa Pagitan ng Gawain ng mga Ginagamit ng Diyos at ng Gawain ng mga Relihiyosong Pinuno" (Mga Movie Clip)


Tagalog Christian Movies | "Ang Pagkilatis sa Pagitan ng Gawain ng mga Ginagamit ng Diyos at ng Gawain ng mga Relihiyosong Pinuno" (Mga Movie Clip)


Sa relihiyosong mundo, itinuturing ng maraming tao ang gawain na isinagawa ng mga matatalino't talentadong pastor at elder na gawain ng mga taong ginamit ng Diyos, at walang taros nilang sinasamba at sinusunod ang mga ito. Nilinlang at kinontrol sila ng kaalamang biblikal na ipinaliwanag ng mga relihiyosong Fariseo, ang kanilang mga teoriyang teolohikal, at mga erehiya at maling ideya na nakaayon sa kaisipan ng tao at imahinasyon sa puntong wala mang kahit anong pag-unawa ang mga taong ito sa katotohanan matapos manampalataya sa Diyos nang maraming taon, at hindi rin nagbabago ang kanilang disposisyon sa buhay. Hindi nila sinasadyang tahakin ang landas ng Fariseo na lumalaban sa Diyos. Kung gayon, ano ang tunay na pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng mga tao na ginamit ng Diyos at ang gawain ng mga relihiyosong pinuno at mga kilalang tao? 

Dis 28, 2018

Tagalog Christian Movies | "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | How Should We Treat the Bible?


Tagalog Christian Movies | "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | How Should We Treat the Bible?


Si Feng Jiahui ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maraming taon siyang nanalig sa Panginoon at noon pa man ay naisip na niya na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na ito ay dapat sundin ng isang tao sa kanyang pagsampalataya, ang mga salita ng Diyos ay hindi lumilitaw sa labas ng Biblia, at ang paglihis sa Biblia ay maling paniniwala. Pero nitong nakaraang mga taon ang iglesia ay naging mapanglaw at nanlamig ang pananampalataya ng mga nananalig, na naging sanhi ng kanyang malalaking pagdududa. Paano man siya magsalita tungkol sa Biblia hindi niya mapasigla ang iglesia …. Hanggang sa isang araw ay isang kapanalig, si Brother Yuan, ang nag-anyaya ng mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sa pamamagitan ng sunud-sunod na matitinding debate, naunawaan ni Feng Jiahui sa huli ang kuwentong nakapaloob sa Biblia at ang diwa nito. Iniba niya ang kanyang pananaw, sinunod ang mga yapak ng Kordero, at hinikayat ang ibang mga nananalig na bumaling sa Makapangyarihang Diyos.

Dis 27, 2018

The bible tagalog movies Trailer "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | Revealing the Inside Story of Bible


The bible tagalog movies Trailer "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | Revealing the Inside Story of Bible


Si Feng Jiahui ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maraming taon siyang nanalig sa Panginoon at noon pa man ay naisip na niya na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na ito ay dapat sundin ng isang tao sa kanyang pagsampalataya, ang mga salita ng Diyos ay hindi lumilitaw sa labas ng Biblia, at ang paglihis sa Biblia ay maling paniniwala. Pero nitong nakaraang mga taon ang iglesia ay naging mapanglaw at nanlamig ang pananampalataya ng mga nananalig, na naging sanhi ng kanyang malalaking pagdududa. Paano man siya magsalita tungkol sa Biblia hindi niya mapasigla ang iglesia …. Hanggang sa isang araw ay isang kapanalig, si Brother Yuan, ang nag-anyaya ng mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sa pamamagitan ng sunud-sunod na matitinding debate, naunawaan ni Feng Jiahui sa huli ang kuwentong nakapaloob sa Biblia at ang diwa nito. Iniba niya ang kanyang pananaw, sinunod ang mga yapak ng Kordero, at hinikayat ang ibang mga nananalig na bumaling sa Makapangyarihang Diyos.