菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Noah. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Noah. Ipakita ang lahat ng mga post

Abr 23, 2018

Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat | Ang Isa ay Magbabalik Mula sa Kanilang Pinanggalingan

iglesia, Noah, Jesus, krus, Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat



Sa buong mga kapanahunan, ang lahat ng mga tao ay nakasunod sa parehong mga batas ng pag-iral; simula sa kanilang mga unang salita hanggang sa pagputi ng kanilang mga buhok, ginugugol nila ang kanilang buong buhay na nagmamadali, hanggang sa bumalik sila sa alabok sa kahuli-hulihan ... 

Personal thoughts:

I come to the world with nothing in my hands, and then I will go through the course of human life: Growing up-Independence-Marriage- Progeny, and finally go to death and become a handful of dust. I often heard people around me sigh: Why do we live? And why do we have to die? What value do we have to live in the world? The classic documentary The One Who Holds Sovereignty over Everything will solve our confusion bit by bit.


Rekomendasyon:


Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Mar 9, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu't-siyam na Pagbigkas






   Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatiling buhay. Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawa’t isang bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay, sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Nguni’t, malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito, patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao, nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin. Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang “pakikipagsapalaran.” Kailanman hindi ako naging maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso; ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring matuto ang tao at magbago. Ginagawa Ko ito upang hindi maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t gawin siyang tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na kapanahunan ng kanyang “kabataan,” o tratuhin ang sarili niyang buhay na parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay Satanas. Hindi ba napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?

Mar 7, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas

Cristo, Jehova, Noah,Biblia.Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat.



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas



   Sa isang pagsiklab ng kidlat, naibunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati nilang pag-aari. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, lumulubog sa ilalim mula sa ibabaw, naglaho sa putikan! O, na sa wakas muling nabuhay sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikhang hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na sila, at kailanman hindi na muling paghihiwalayin pa. Sa napakasayang pangyayaring ito, sa sandali ng pagbubunyi, ang Aking pagkamatuwid at ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob, at walang humpay na pinupuri iyon ng buong sangkatauhan. Tumatawang may kagalakan ang mga bayan ng langit, at nagsasayawan ang mga kaharian ng lupa nang may kagalakan. Sino ang hindi nagagalak sa sandaling ito? At sino ang hindi iiyak sa sandaling ito? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit. Nababalot sa ngiti ng kasiyahan ang mga mukha ng sangkatauhan, at naitago sa kanilang mga puso ang isang tamis na walang kahulilip. Hindi nakikipag-away ang tao sa kapwa tao, at hindi rin sila nakikipagdagukan sa isa’t isa. Sa Aking liwanag, mayroon bang namumuhay nang hindi matiwasay kasama ang iba? Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso. Sinaliksik Ko ang bawat pagkilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis, walang hindi masunurin sa Akin, walang makapagbibigay ng paghatol sa Akin. Napupuspos ang lahat ng sangkatauhan sa Aking disposisyon. Nakakakilala sa Akin ng bawat tao, mas lumalapit sila sa Akin, at sinasamba nila Ako. Tumindig Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa mata ng tao sa pinakamataas na tugatog, at dumadaloy ito sa dugo sa kanyang mga ugat. Pinupuno ng masayang pagbubunyi sa puso ng mga tao ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na tinatalukbungan ng hamog ang lupa, at maningningmaliwanag ang sikat ng araw.

Peb 27, 2018

Salita ng Diyos | Nararapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos

Jesus, Pag-asa , iglesia, Noah,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Nararapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos



    Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng mga tao ay nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi nila ito kayang isagawa. Ang isang dahilan ay hindi nais magdusa ng tao, at ang isa pa, ang pang-unawa ng tao ay masyadong hindi sapat; hindi niya makita ang maraming nakalipas na mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may maliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong-unawa ng katotohanan, hindi niya malutas ang mga kahirapan na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay maaari lamang magbigay ng paglilingkod sa bibig sa kanyang pananampalataya sa Diyos, gayunpaman ay hindi kayang dalhin ang Diyos sa kanyang araw-araw na buhay. Sa madaling salita, ang Diyos ay Diyos, at ang buhay ay buhay, para bagang ang tao ay walang relasyon sa Diyos sa kanyang buhay. Iyan ang pinaniniwalaan ng lahat ng tao. Ang ganitong pamamaraan ng pananampalataya sa Diyos ay hindi magbibigay-daan sa tao na magkamit at maging perpekto sa pamamagitan Niya sa katotohanan. Sa katotohanan, ang ibig sabihin nito ay hindi ang hindi kumpleto ang salita ng Diyos, ngunit sa halip ang kakayahan ng tao upang tanggapin ang Kanyang salita ay hindi sapat. Maaari nating sabihin na halos lahat ng tao ay hindi ginagawa kung ano ang orihinal na atas ng Diyos. Sa halip, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay alinsunod sa kanilang sariling intensyon, itinatag na mga palagay sa relihiyon, at mga kaugalian. Kaunti ang mga sumailalim sa isang pagbabago sa pagsunod sa pagtanggap ng salita ng Diyos at sinimulang kumilos alinsunod sa Kanyang kalooban. Sa halip, nanatili pa rin sila sa kanilang mga maling paniniwala. Kapag ang tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, siya ay gumagawa batay sa nakaugaliang patakaran ng relihiyon, at namumuhay at nakikipag-ugnayan sa iba nang ganap batay sa kanyang sariling pilosopiya sa buhay. Iyan ang kaso ng siyam sa bawat sampung tao. Kakaunti ang mga nagpapanukala ng isa pang plano at panibagong simula pagkatapos umpisahang maniwala sa Diyos. Walang nagtatangi o magawang isagawa ang salita ng Diyos bilang katotohanan.

Peb 26, 2018

Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao (6)




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Misteryo ng Kabanalan | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (6)


Bakit sinasabi na mas kapaki-pakinabang na magkatawang-tao ang Diyos sa pagliligtas sa tiwaling sangkatauhan? Sa ano maaaring makita ang pangangailangan at malaking kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang laman ng tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinaka-pangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos ng personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na sa laman, at dahil si Satanas ay ginagamit din ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos. Ang paglaban kay Satanas sa katunayan ay gawaing panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao din ang layon ng kaligtasan ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay napakahalaga. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ay naging sagisag ni Satanas, at naging layon upang talunin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nangyayari sa lupa, at ang Diyos ay dapat maging tao upang gawin ang paglaban kay Satanas. Ito ang gawaing pinakapraktikal" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Rekomendasyon:

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Peb 25, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Kahulugan ng Tunay na Tao



Noah, Jesus, Biblia, iglesia,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Kahulugan ng Tunay na Tao



    Ang pamamahala sa tao ay Aking tungkulin, at ang pagsakop Ko sa kanya ay mas lalo pang nakatalaga mula noong Aking nilikha ang mundo. Hindi alam ng mga tao na sila ay lubusan Kong lulupigin sa mga huling araw, hindi rin nila alam na ang katibayan sa aking pagdaig kay Satanas ay ang paglupig sa mga suwail na kaanib ng sangkatauhan. Ngunit naiparating Ko na sa Aking katunggali nang ito ay nakipagbuno sa Akin na Ako ang magiging manlulupig ng mga taong kinuha ni Satanas at matagal nang naging kanyang mga anak, at ang kanyang mga tapat na mga lingkod na nagbabantay sa kanyang tahanan. Ang orihinal kahulugan ng lupigin ay paggapi, manghiya. Ayon sa mga tao ng Israel, ito ay ang ganap na pagtalo, pagwasak, at pagkawala ng kakayahan pang lumaban sa Akin. Ngunit ngayon gaya ng gamit ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay ang manlupig. Dapat ninyong malaman na ang Aking layunin ay ang ganap na mabura at mapulbos ang masama sa sangkatauhan, upang ito ay hindi na maaaring maghimagsik laban sa Akin, o magkaroon pa ng hininga para antalain o abalahin ang Aking gawain. Sa gayon, kung ang mga tao ang tatanungin, ang ibig sabihin nito ay panlulupig. Anuman ang maging kahulugan ng salitang ito, ang Aking tungkulin ay ang talunin ang sangkatauhan. Tunay ngang ang sangkatauhan ay karugtong ng Aking pamamahala, ngunit upang mas maging tumpak, ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na lumalaban at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga supling ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga nagmana sa diablo na Akin nang kinamuhian at tinanggihan at kumalaban sa Akin. Ang kalangitan sa ibabaw ng buong sangkatauhan ay madilim at mapanglaw, wala ni isang kislap ng kaliwanagan. Ang mundo ng mga tao ay nasa matinding karimlan, at kapag nanirahan sa loob nito ang sinuman ay hindi man lang niya makikita ang kanyang sariling kamay kapag ito ay iniunat niya sa kanyang harapan at hindi niya makikita ang araw sa kanyang pagtingala.

Peb 17, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos 



Maraming tao'ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang "Diyos" at "gawain ng Diyos,"
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila'y bulag.
Sila'y di seryoso dito dahil ito'y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N'ya,
angkop ka bang gamitin N'ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?